ZOREIGN'S POV:Pinagpagan at tinanggal ko ang alikabok sa kisame. Pagkatapos ay nag vacuum na ako sa sahig. Tinanggal ko na rin ang sapin, punda at kumot. Saka nilagay sa basket. Pinunasan ko ang nag-iisang family picture niya sa bedside table. Nakita ko ang masayang litrato nila ng sa palagay ko ay papa, mama at kapatid niyang babae. Halatang masaya sila sa larawan na ito. Parang kuha mula noong college pa lang si sir sungit. Kasi mukha siyang mas bata rito, carefree at mabait. Ngayon kasi ay intimidating, masungit at parang ginto ang panggiti niya.Naglagay na rin ako ng bagong sapin, punda at kumot sa kama niya. Maging ng bagong kurtina.Pinunasan ko ang pawis sa noo ko nang matapos ako sa kwarto niya. “Grabe huh, sa kwarto pa lang niya ay challenging na." saad ko sa sarili.Malinis naman talaga sa kwarto niya ang kaso nga lang ay kailangang i-maintain at least once a week ang kalinisan. Ginawa ko na ngayon dahil ayokong mataranta sa mga susunod na araw. Sinunod ko ang banyo na
Terakhir Diperbarui : 2026-08-03 Baca selengkapnya