Nagmamadaling nagtungo si Ricks sa opisina dahil bigla siyang ipatawag ng kanilang manager.
Sa isip niya ay ano kaya ang nagawa niya at kailangan s'yang ipatawag nito? Sa pagkaka-alam niya ay wala naman siyang customer complain ngayong araw at kahit na kailan ay wala pang customer ang nag-complain sa kaniya at sa serbisyo niya pero maya-maya din ay bigla niyang naalala ang babaeng kanina lang ay nangungulit sa kanya.“Posible kayang ito ang nagreklamo sa kanya?” Sa isip niya.Nakatatlong katok muna siya sa pinto bago niya narinig na nagsalita ang manager niya."You may come in." narinig n'yang sabi nito kaya naman kaagad s'yang pumasok sa loob ng opisina.Pagpasok pa lang niya doon ay tinanong agad niya ito."May customer complain po ba sa akin ngayong araw ma'am?" kinakabahang tanong niya dito. Kadalasan kasi ng mga ipinapatawag nito sa opisina ay ang mga crew na may mga customer complain at palpak ang trabaho.Saglit na tinitigan muna siya nito bago ito nagsalita."Wala naman kaya lang ay may isang babaeng customer kanina na nagbayad ng araw mo kaya makakauwi ka na." pabuntong-hiningang sagot nito."And by the way, gusto n'yang i-entertain mo siya nandoon na siya sa labas at hinihintay ka." dagdag pa nito.Biglang napa tiim-bagang si Ricks sa sinabi ng kanyang manager. Sabi na nga ba at may kinalaman ang babaeng nangulit sa kaniya kanina kung kaya’t ipinatawag siya nito sa opisina."Ano pong ibig n'yong sabihin ma'am?" kunot-noong tanong niya dito dahil sa pagkaka-alam niya ay napaka-higpit ng manager niya pagdating sa trabaho at hindi nito pinahihintulutan ang ganoong mga pangyayari."Kilala niya ang may ari ng restaurant na ito at ang gusto niya ay payagan kitang mag half day ngayong araw para samahan mo siya. You may leave now-- ayaw kong mawalan ng trabaho." sa halip ay taboy nito sa kanya kahit ramdam niyang napipilitan lang itong paalisin siya.Hindi lingid kay Ricks ang pagkakaroon ng gusto sa kaniya ng manager niya pero dahil alam nitong may nobya na siya ay normal lamang itong nakikipag-usap sa kaniya kung baga manager at employee lang ang turingan nila.Lalong lumalim ang kunot sa noo niya pagkuwa'y napatiim bagang siya.Napaka-kulit talaga ng babaeng iyon hindi niya akalaing magagawa pa nitong kausapin ang manager niya para lang masunod ang gusto nitong samahan niya ito, napaka-childish! Sa isip niya.Kaya naman kahit labag sa loob niya ay inis na lumabas na siya ng opisina.Mabibigat ang hakbang na nilisan niya ang opisina at dire-diretso s'yang lumabas ng restaurant at sumakay sa motor niya, uuwi na lang siya dahil wala siyang panahong makipaglokohan sa kahit na sinong babae.Pero hindi pa man niya napapaandar ang motor niya ay may humarang na sa daraanan niya at pagtingin niya dito ay ito ang babae kanina.Agad namang nagsalubong ang mga kilay niya pagkakita dito, ayaw niyang maging bastos lalo na sa harap ng mga babae pero ang isang ito ay inuubos ang pasensiya niya."What exactly do you want from me ma'am?" nagtitimping tanong niya dito. Kahit paano naman ay marunong siyang magsalita ng English dahil nakapag-aral naman siya hanggang high school at halos karamihan ng kumakain sa restaurant na pipapasukan niya ay mga foreigner kaya naman naging confident na din siyang magsalita ng English.Naalala niya bigla ang nobya n'yang si Joy. Kapag nalaman nito ang nangyari ngayon ay natitiyak niyang magseselos ito at ayaw na ayaw niyang mangyari iyon."Masyado ka namang formal sa akin, wala na tayo sa loob ng restaurant kaya pwede mo na akong tawagin sa pangalan ko." sabi nito na hindi pinansin ang pagsusuplado niya dito."Hindi ko sinasayang ang oras ko sa mga walang kwentang usapan kaya sabihin mo na kung ano ang pakay mo." prangkang sagot niya dito."Okay, I want you." taas-noong sabi nito habang nakikipagsukatan ng titig sa kanya."Did I make it clear to you ma'am na mayroon na akong girlfriend at magpapakasal na kami?" diretso at walang ligoy na tanong niya dito."I don't care! I just want you and you can't just leave me here, remember bayad ko ang araw mo ngayon." tila hindi nagpapatinag na sagot naman nito.Kaya naman hindi na siya nakapag timpi pa at pinakawalan na niya ang kanina pa ay inis na nararamdaman niya dito. Akala siguro nito ay isa siyang laruan na kung kailan nito gustuhin ay pwede siya nitong laruin."Araw at serbisyo ko lang ang binayaran mo ma'am pero hindi ang buong pagkatao ko at wala akong sinabi sa'yo na bayaran mo ang araw ko sa restaurant na pinapasukan ko lalong wala akong panahon sayo." Tiim-bagang na sabi niya dito dahil lantaran itong nakikipag-flirt sa kaniya at hindi niya gusto ang bagay na iyon.Nakita niya ang pagkawala ng kulay sa mukha nito pero maya-maya din ay napalitan iyon ng galit."You can't just resist me! I'm Jade Isavedra, I like you and I want you! At kahit na anong mangyari ay mapapasa akin ka!" nagpupuyos sa galit na sabi nito.Nagulat naman siya sa sinabi nito. Bibihira lang ang babaeng katulad nito na lantaran at napakataas ng confidence sa sarili at ang mga katulad nitong babae ang pinaka-ayaw niya.Hindi niya akalaing makakakilala siya ng ganitong uri ng babae na gagamitin ang pera makuha lang ang gusto-- sa isip niya ay nababaliw na ito."Pasensya na ma'am pero hindi lahat ng tao ay mabibili mo ng pera, maganda ka at mayaman kaya nasisiguro kong marami kang makikilalang lalaki na kauri mo at magugustuhan ka, salamat na lang sa pagbabayad mo ng araw ko ngayon, ito at ibabalik ko na lang sa iyo." mahabang litanya niya bago siya dumukot ng dalawang libo sa wallet t'saka inabot dito ang pera.Natulala naman ito sa ginawa niya at iyon ang ginawa niyang paraan para makaalis.Pupuntahan na lang niya si Joy sa trabaho nito at doon hihintayin ito tutal ay hindi na siya pwedeng bumalik sa restaurant at bayad na ang araw niya ngayon.Nagpupuyos naman sa galit ang naiwang si Jade. Napakalaking kahihiyan sa kaniya ang pagtanggi ng lalaki dahil ngayon lang niya naranasan ang matanggihan ng ganoon.Halos lahat ng lalaki ay sinasamba siya pero ang isang ito ay tahasan s'yang tinanggihan.Lolo siyang nagngitngit ng maalala ang sinabi nitong ikakasal na ito-- hindi siya makakapayag na hindi ito makuha kahit gamitin pa niya ang kaneksiyon niya sa ama makuha lang ito ay gagawin niya.Nagdadabog siyang sumakay sa kotse niya at pinaharurot iyon. Iniwanan pa niya ang trabaho niya sa sariling opisina, wala naman s'yang napala!Samantalang maagang nakarating si Ricks sa department store ng Mall na pinapasukan ng nobya niyang si Joy. Closing ang duty nito pero hapon pa lang ay naroon na siya at naghihintay dito.Naupo muna siya sa waiting shed na naroon at inilabas ang cellphone para maglaro.Nasa kalagitnaan pa lang siya ng paglalaro nang may mag pop-up na text message sa cellphone niya at unknown number iyon.Pagkabasa niya sa text message ay kaagad na namang nagsalubong ang mga kilay niya."You can't resist me, I will make you mine!"From: Jade.Dali-dali n'yang binura ang text message at binlock ang number nito-- hindi talaga siya tinitigilan ng babae.Ngayon ay namumrublema siya kung paanong iiwasan ang babae ng hindi nalalaman ng nobya niya.Ayaw niyang bigyan ito ng pagkakataon na makapasok sa buhay niya at pagselosan ito ng kan'yang nobya dahil alam n'yang napaka-vulnerable ni Joy at madaling masaktan.Sukat sa naisip ay isang plano ang nabuo sa isip niya.Pakakasalan na niya si Joy. Hindi na muna niya iisipin ang magarbong kasal na gusto niya para dito, ang mahalaga ngayon sa kan'ya ay ang maikasal na sila para tigilan na siya ng mga babaeng umaaligid sa kaniya lalo na ni Jade na kakikilala pa lang sa kan'ya ay napaka-obsessed na at ayaw niya ng ganoong babae na walang pakialam sa dignidad at nararamdaman ng ibang tao makuha lang ang gusto.Oo nga at aaminin niyang maganda at sexy ito pero para sa kanya ay wala itong dating dahil may nagmamay-ari na ng puso niya-- si Joy lang at hindi na magbabago iyon.6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her