Ricks POV
"Babes, ang aga mo naman yatang nagsundo ngayon? Hindi ba dapat ay mamaya pang 7pm ang out mo?"Nagulat pa si Ricks nang makitang nasa harapan na pala niya ang nobyang si Joy, sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi man lang niya namalayang nasa harap na pala niya ito.Tiningnan niya ang relong pambisig-- alas singko pa lang ng hapon, hindi niya pwedeng sabihin dito ang totoong nangyari kung bakit maaga siyang nag out sa trabaho kaya naman ay nagdahilan na lang siya dito."Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko kanina babes kaya maaga akong nagpa-alam na umuwi sa manager ko." pagdadahilan niya dito.Nakita naman niya ang pagrehistro ng pag-aalala sa magandang mukha nito."Masama pala ang pakiramdam mo babes eh bakit sinundo mo pa ako? Dapat ay nauna ka ng umuwi sa bahay at doon mo na lang ako hinintay." nag-aalalang sabi nito habang sinasalat ang noo niya.Bahagya naman siyang nakonsensiya sa ginawang rason pero mas okay na iyon kaysa magselos pa ito."Okay na ako babes, nakita na kita eh." biro na lang niya dito sabay hinalikan ito ng mabilis sa labi."Ano ka ba! Halik ka ng halik d'yan, ang dami kayang tao oh!" sita nito sa ginawa niya habang lumilinga sa paligid."Bakit ikinahihiya mo na ba ako babes?" kunwari ay nagtatampong tanong niya dito at pinalungkot pa ang mukha."Hindi ano! Ikaw kasi basta-basta ka na lang nagnanakaw ng halik eh, dito pa sa harap ng madaming tao." nakangusong sagot nito."Eh, di nakawan mo din ako ng halik para patas na tayo." natatawang biro niya dito."Ikaw talaga! May sakit ka na nga ay napaka-pilyo mo pa rin!" natatawa namang sabi nito pero hinalikan din naman siya nito sa labi ng mabilis."O ayan kwits na tayo! Tara na nga at ibibili kita ng gamot sa botika baka lumala pa iyang sama ng pakiramdam mo." dagdag pa nito at nauna na itong sumakay sa motor niya.Bigla ay nakaramdam na naman siya ng konsensiya dahil sa matinding pag-aalala nito sa kaniya kaya ipinangako niya sa sarili na hindi na muling magsisinungaling pa dito.Alagang-alaga siya nito pag uwi pa lang sa apartment nila. Hindi siya pinakikilos nito at agad siyang ipinagluto ng mainit na sabaw sa pag-aakalang totoo nga'ng may sakit siya."Babes tulungan na kita diyan," alok ni Ricks sa nobya habang nagliligpit ito ng pinagkainan."Hindi na babes.. umakyat ka na lang sa kwarto at magpahinga ako na ang bahala sa mga gawaing bahay," pagtataaboy nito sa kaniya.Sinunod na lang niya ang sinabi nito dahil alam niyang hindi naman ito magpapatalo lalo na at inakala talaga nito na masama nga ang pakiramdam niya.Pagpasok niya sa kwarto ay kaagad siyang nagbihis at naligo, pahiga na sana siya sa kama nang biglang tumunog ang cellphone niya.Mabilis niyang kinuha iyon at tiningnan ang caller-- unknown number.Kinutuban siya ng maisip kung sino ang posibleng tumatawag kaya pinatay niya iyon.Pero maya-maya din ay narinig niyang nag-vibrate naman ang cellphone niya tanda ng may nagtext doon kaya kaagad niyang binasa iyon."Answer me or I will knock at your door."From: Jade.Sukat sa nabasa ay nanlaki ang singkit niyang mga mata kaya ka'agad niyang sinagot ang tawag nito."Ano ang kailangan mo?" iritableng bungad niya sa babae.Narinig n'ya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya bago ito nagsalita."Akala ko ay hindi mo sasagutin--""Ano ba talaga ang kailangan mo?" putol niya sa iba pang sasabihin nito dahil baka mamaya ay umakyat na si Joy at makita siyang may kausap sa cellphone ng dis oras ng gabi at magtaka pa ito."I just wanted to see you, accompany me outside kahit sandali lang." mapang-akit na sabi nito sa kanilang linya at hindi pinansin ang pagsusungit niya.Napatiim bagang muna si Ricks bago muling nagsalita. Ramdam kasi n'yang inaakit siya nito."Alam mo bang kasama ko ngayon ang girlfriend ko?" nagtitimping tanong niya dito."Yeah I know, I can see her, and she's outside the gate, gusto mo bang sa kaniya pa kita ipaalam?" nagbabantang tanong pa nito.Naikuyumos na lang niya ang mga kamao, ang babaeng ito ay talagang inuubos ang pasensiya niya."Okay hintayin mo na lang ako d'yan sa labas." malamig na sagot niya sa babae. Ayaw n'yang gumawa pa ng eskandalo ang babae at makita ito ng nobya niya, sa tono kasi nito ay kayang-kaya nitong gawin ang sinasabi nito."Okay see you!" nasisiyahang sagot nito bago pinatay ang tawag."Babes, may bibilhin lang ako sa labas saglit." paalam ni Ricks ng makasalubong niya ang nobyang si Joy na paakyat na ng hagdan."Anong bibilhin mo babes? Anong oras na ah, may bukas pa bang tindahan? At saka kumusta na ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba?" Sunod-sunod at nag-aalalang tanong nito sa kan'ya."Ayos na ako babes, huwag ka ng mag-alala sakin bibili lang ako ng snacks natin hindi pa kasi ako makatulog eh." pagdadahilan niya dito."Okay sige babes, mag-ingat ka sa labas ha at saka bumalik ka agad." pahabol pa nito.Nagmamadaling lumabas si Ricks ng gate at kaagad na hinanap ang babae, nakita n'yang nakasandal ito sa gilid ng kotse nito habang ngiting-ngiting kinakawayan siya.Medyo malayo iyon sa apartment nila ni Joy."What do you want?" tanong kaagad niya dito paglapit pa lang niya dito."Easy Ricks, maaga pa naman.. why don't you get in my car first at doon tayo mag-usap.." mapang-akit na sabi nito habang hinahawakan ang braso niya.Tinabig niya ang kamay nito at nagpatiuna ng pumasok sa loob ng kotse nito dahil baka may makakita pa sa kan'ya na kapitbahay nila at mag-sumbong pa kay Joy, problema pa niya."Akala ko ba ay gusto mo lang akong makita? Oh ayan nakita mo na ako baka pwede ka ng umalis." prangkang sabi niya sa babae pagpasok din nito ng sasakyan."Masyado ka namang nagmamadali, gusto pa kitang makasama kung hindi mo lang alam ay kanina pa kita gustong makita." mapang-akit na sabi nito."Hindi pa ba maliwanag sa'yo ang sinabi ko kanina na may girlfriend na ako at ikakasal na kami?" tiim-bagang na tanong ni Ricks sa babae."No, hindi pa naman kayo kasal kaya may rason pa ako para makipag kompitensya sa girlfriend mo, malay mo ako ang piliin mo." confident na sagot nito habang hinihimas ang kaliwang braso niya.Halatang inaakit siya nito, kung iba lang siyang lalaki ay baka sinunggaban na niya ito kaso ay hindi, ni wala nga siyang maramdamang init dito."I have to go--Pero hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng biglang hilain siya nito sa batok at sunggaban ng halik sa labi, napakapusok ng halik nito pero hindi niya gusto iyon kaya marahas niyang hinawakan ang mga braso nito at inilayo ang katawan nito sa kaniya."Anong itong ginagawa mo!?" galit na asik niya dito.Para naman itong binuhusan ng malamig na tubig at napahiya."Kahit na anong gawin mo ay hindi kita magugustuhan dahil may mahal na ako, hindi ang mga tipo mong babae ang karapat-dapat mahalin kaya huwag mo ng ipilit pa ang sarili mo sa akin dahil paulit-ulit lang kitang itataboy, magkaroon ka naman kahit kaunting dignidad para sa sarili mo!" nanggigigil na sabi niya dito bago lumabas ng kotse nito at pabagsak na isinara iyon.Hinihiling niya sa sarili na sana naman ay tantanan na siya ng babaeng ito dahil hindi niya alam kung hanggang kailan pa niya kayang magpasensiya.6 MONTHS LATER..Matapos tuluyang makapag pagaling ni Ricks at makapanganak si Joy ay ginanap na ang kasal nila. Natupad na din sa wakas ang pangarap ni Joy na maikasal sa pinakamamahal niyang lalaki.Naglalakad siya sa aisle ng simbahan kasama ang daddy niyang si Don Julio habang nakatutok ang buong atensiyon niya sa napakaguwapo niyang groom na si Ricks.Nang makarating si Joy sa unahan ng simbahan ay nakita niyang buong pagmamahal na nakatitig sa kaniya ang soon-to-be husband niya. Namumula din ang mga mata nito dala ng labis na kasiyahan. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita na ang pari sa harap nila."Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Ricks Gregorio at Joy Fuego." anunsiyo ng pari at saka nito binalingan ang groom."Ricks Gregorio, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Joy Fuego, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habangbuhay, gaya ng sagradong utos ng Panginoon?"
Anim na buwan na mula nang mangyari ang aksidenteng pagkakabaril ni Jade kay Ricks at anim na buwan na din itong comatose at nakaratay sa hospital dahil sa natamo nitong tama ng baril sa ulo na naging dahilan ng pagkakaroon nito ng traumatic brain injury. Pinagbayaran na din ni Jade ang nagawa nitong kasalanan sa kanila at kasalukuyan na itong nakakulong at kailanman ay hindi na makakalaya.Ang daddy naman niyang si Don Julio ay tuluyan ng na-stroke matapos ang aksidenteng iyon. Hindi na niya ito ipinakulong dahil naging malala ang lagay nito noon at naka wheel chair na lang ito ngayon dahil na paralyzed na ang kalahati nitong katawan. Halos araw-araw itong humihingi ng kapatawaran mula sa kaniya at ramdam ni Joy na pinagsisihan na ng daddy niya ang mga nagawa nito sa kaniya, at dahil likas na mapagpatawad si Joy-- makalipas ang mahigit na apat na buwan ay napatawad na din niya ang daddy niya. Siya na rin ang namamahala ng kompanya nito. Nalaman din ni Joy na hindi naman pala ang da
Maximo's POV"Damn!" mura niya nang tawagan siya ng tauhan niya at sabihin nitong nakita daw sa CCTV ng parking area ng condo ng kapatid niya na may lalaking dumukot dito kaninang umaga.Maaga siyang nagpunta sa opisina dahil ang balak niya ay pipirmahan muna niya ang mga papeles na naiwan niya doon bago niya sunduin ang kapatid niya dahil tanghali pa naman ang flight nito pero maya maya lang ay nakatanggap siya ng tawag mula sa tauhan niyang inutusan niya na pumunta sa condo unit ng kapatid para sana bantayan ito habang wala pa siya dahil bigla na lang siyang dinagundong ng matinding kaba kanina pero nahuli na pala siya dahil nadukot na ang kapatid niya.Palabas na siya ng building at kausap sa telepono si Ryan para pasamahin ito sa kaniya na hanapin ang kapatid niya nang biglang sumulpot sa harap niya ang ex-boyfriend nitong si Ricks."Anong nangyari kay Joy? Nasaan siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.Hindi man gusto ni Maximo na makita at kausapin ang lalaki ay sinabi pa din
Ricks POVMag-iisang linggo na buhat nang makausap ni Ricks ang kapatid ni Joy na si Maximo at mag-iisang linggo na din niyang pinag-iisipan kung ano ang maganda niyang sasabihin sa lalaki para pagbigyan siya nito sa binabalak niya na muling pagsuyo sa kapatid nito dahil pakiramdam niya ay sasabog na ang dibdib niya sa sobrang pagtitiis na hindi niya makita at makasama ang pinakamamahal niyang si Joy. Aaminin niya na nadala siya ng matinding galit noong huling magkita sila dahil sa pag-aakala niyang sinadya nitong itulak si Jade gaya ng sinabi ng huli dahilan para makunan ito, huli na nang ma-realized niya na wala itong kasalanan at kahit sinadya man nitong gawin ang bagay na iyon ay mas pipiliin pa rin niyang patawarin ang babae dahil mahal na mahal niya ito at hindi na siya makakapayag pa na muli itong mawala sa buhay niya. Kaya naman papunta siya ngayon sa opisina nito para magmaka-awa. Gagawin niya ang lahat para muling mapatawad nito kahit na araw-arawin pa siyang bugbugin ng k
Maximo's POVKanina pa niya naihatid ang kapatid niya sa condo unit nito at nakabalik na din siya ng opisina niya.Sa susunod na araw na ang flight nito pabalik ng America at wala na siyang nagawa kun'di ang payagan ito. Sinabi na lang niya dito na ihahatid niya ito sa airport sa araw ng flight nito.Nakatulala siya sa opisina habang nag-iisip. Nagulat talaga siya kanina nang sabihin nito na alam na nito ang lahat tungkol sa pagiging magkapatid nila at ang dahilan niya kung bakit niya gustong pabagsakin si Don Julio. Ang buong akala niya ay alam na din nito pati na ang tungkol sa ama nitong si Don Julio kaya naman sobrang natakot siya na baka maghinanakit at magalit ito sa kaniya dahil ginamit niya ito pero inakala nitong pareho sila ng mga magulang kaya naman nakahinga siya ng maluwag.Totoong tinamaan siya sa sinabi nito kanina na kung nabubuhay lang ang mga magulang niya ay hindi matutuwa ang mga ito kung puro galit sa puso na lang ang paiiralin niya lalo na ang kaniyang ina dahil
Joy's POVThree days din siyang naglagi sa hospital at sa loob ng tatlong araw na pag-stay niya doon ay palagi siyang dinadalaw ni Maximo at binibilhan ng mga sariwang prutas para daw sa baby niya.Nakapag isip-isip na din siya na babalik na siya ng America kaya naman paglabas niya ng hospital ay sumaglit lang siya sa condo unit niya para ayusin ang mga gamit niya dahil gusto na niyang maka-alis ng bansa sa lalong madaling panahon. Nabalitaan kasi niya mula sa tauhan niya na nakunan si Jade at kasalukuyang nagpapagaling ito sa hospital at alam niyang sa mga sandaling ito ay kinamumuhian na siya ng pinakamamahal niyang si Ricks kahit na ang totoo ay wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng anak nito kay Jade, batid niyang hindi na naman siya nito pakikinggan kaya wala ding silbi na magpaliwanag pa siya dito.Matapos niyang mai-empake ng mga gamit niya ay dali-dali siyang nagtungo sa opisina ni Maximo para magpa-alam at alam niyang maiintindihan siya nito. For the past five years of her