LOGINIrene Ang is doing everything she can just to survive. Mag-isa sa buhay, walang masasandalan na pamilya, at halos magkanda kuba na sa kakatrabaho para lang hindi siya masigawan o mapagalitan ng boss niyang perfectionist. Pero hindi lang trabaho ang nagpapahirap sa kanya. Pagkatapos ng ilang taong pagpapakatanga at pagtitiis, nahuli niya ang kasintahan na may ibang babae. Sa mismong party na siya pa ang nag-organize. Ngunit sa gitna ng gulo ng buhay niya, nariyan ang boss niyang si Tirso Gotiangco, a CEO, billionaire, cold, calculated, and intimidating. A man who doesn’t care about feelings, only results. Basta productive ka, may silbi ka. Kung pumalpak ka, maririnig mo talaga sa kanya ang masasakit na salita. At para sa kanya, si Irene ay isang liability. Mahina. Hindi bagay sa mundong ginagalawan nila. They don’t get along. They never have. Pero sa bawat gabing magkasama sila dahil sa overtime, sa presentations, sa mga elevator na bigla na lang sisikip kapag magkasama sila… may unti-unting nagbabago. Irene learns to stand up for herself. And Tirso? Maybe he isn’t as heartless as everyone thinks. He’s powerful and untouchable. She’s hurting and trying to rebuild herself. Until one mistake changes everything—one night, one almost-kiss, one decision that could destroy both their careers. Nangako si Irene sa sarili niya na hindi na siya muling iibig. Pero paano kung ang lalaking kinaiinisan niya… ang siya ring lalaban nang patâyan para protektahan siya? “She’s under my wing now. If you want her gone, you’ll have to go through me first.”
View MoreIRENE'S POV
May araw talaga na gusto mo na lang sukuan ang lahat. Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang orasan sa bedside table. "Late na naman ako,” bulong ko habang nagsusuot ng sapatos na hindi ko pa nalilinis simula no'ng nilusong ko 'to sa baha last week. I didn’t even have time to brush my hair properly, isang hilamos lang, konting pulbo, tapos ayun, binuhol ko na lang ang buhok ko sa likod, wala nang pakialam sa itsura. Wala akong oras para kumain. Kahit tubig, hindi ko na nainom. Basta na lang ako kumaripas palabas ng apartment na inuupahan ko sa ikatlong palapag. Naalala ko, ilang linggo na rin akong halos hindi nakakabayad ng renta. Si Manang Juliet sa kabilang pinto, panay ang tanong kung may balak pa ba akong bayaran. Sabi ko, “Next week po,” kahit alam kong wala namang darating na milagro sa susunod na linggo. Pero baka magkaroon ng himala at magpa-bonus ang boss namin pero imposibleng mangyari 'yon. Let’s not get ahead of ourselves. Nagmamadali akong bumaba, nakipag-unahan sa ilang dumadaan habang halos madulas ako sa basang hagdan. Paglabas ng building, sinalubong ako ng polusyong hangin ng Maynila at tirik na araw, yung klase ng init na parang sumisigaw sa’yo, "Maligayang pagbabalik sa impyerno!" Ilang hakbang pa lang ako palayo sa gate, at doon ko na-realize ang isang malaking problema. Wala akong pamasahe. “Oh God!" Natampal ko ang noo. Nasa loob ng bag ko lahat, laptop, notes, resume—kasi lagi akong handang maghanap ng ibang trabaho kapag nasisante na ako, pero ang pitaka ko? Naiwan sa kusina. Sa ibabaw ng ref. Napaatras akong parang tanga, balik sa building, balik sa hagdan, balik sa unit ko. Pagbalik ko sa kalsada, late na late na talaga ako. And in that company, being late is practically a sin. Sa jeep, pilit akong huminga ng malalim kahit siksikan, literal na sardinas, eh. Pero ang mas malala, pay amoy putok pa. Kamalas-malas nga naman. Sa bawat red light, lumilingon ako sa relo ko. Clock-in starts at 8:30. It’s already 8:42. Kinakabahan na ako. Pinagpapawisan. Hindi ko alam kung dahil sa init, o dahil alam kong masesermonan na naman ako. Si Tirso Gotiangco. The CEO, creative director, and the golden boy of GT Global. Ang may pinakamaraming award sa buong kasaysayan ng industriya. And the man who hates me for reasons I don’t even understand. Kapag may mali ako, well, madalas naman akong magkamali pero sinusubukan ko namang itama. Kaso kapag sinisigawan niya ako, nakakapanliit ng pagkatao. Parang ako lagi ang nakikita niya. “Irene, are you serious?” “This deck is garbage. Redo it.” “Who approved this font choice? Were you drunk?” iyan palagi ang naririnig ko sa kanya. Kahit tahimik lang ako, kahit gusto ko lang gawin ang trabaho ko, para bang automatic siyang naaalerto kapag ako ang gumawa. Minsan naiisip ko, bobô ba ako? Pero eto ang mas weird, kahit gaano siya kabadtrip sa gawa ko, alam ko, siya ang umaayos. Hindi niya sinasabi, but I know. I’ve seen it. I’ve seen the edits. I’ve seen the changes. I’ve seen the work go from garbage to brilliance, because he fixed it. Pero never niyang sinabi na siya ang gumawa. Never siyang nag-acknowledge. Never rin niyang sinabi sa akin kung bakit niya tinutulungan ang isang tulad kong palpak. Ewan ko ba sa boss ko na 'yon. Ang labo minsan. Pagdating ko sa opisina, eksaktong 9:01 a.m. na. Lagot na talaga ako nito. I swiped my ID in the turnstile, dumiretso sa elevator. Lahat tahimik. Office air is always tense pag late ka. At pagdating ko sa floor namin, sumalubong ang soundtrack ng keyboard clicks at tahimik na paghinga. Nilampasan ko ang grupo sa pantry na nagtatawanan ng mahina ngunit no'ng dumaan ako, natahimik sila. “Oh my God, she’s late again,” bulong no'ng isa. “Hindi na ako magugulat kung palaging may kaltas ang sahod niya,” dagdag ng isa. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Sanay naman ako. Laging pinagbubulungan. Kinuha ko ang mug ko sa drawer at nagtimpla ng instant coffee sa pantry. Kailangan ko ng caffeine pampalakas loob para if ever pagalitan, kayanin ko. Pagbalik ko sa desk, nakapatong na agad sa table ko ang isang folder na may post-it. “Deck. Revise. Meeting in 1 hour. —TG” TG. Tirso Gotiangco. Initials pa lang, nakakakilabot na. Umupo ako, nilapag ang kape. At sa pagmamadaling ayusin ang mouse, natabig ko ‘yung mug. Diretso sa keyboard. Diretsong tumapon ang mainit-init na kape sa files, desk, at sa kamay ko. “Shiiît!” bulong ko, at tarantang nagtatanggal ng papel. Pero huli na, basang-basa na. Sakto namang dumaan si Tirso sa likod ko. “What the hell happened here?” Nanigas ako at dahan-dahang lumingon. Tirso in his lack dress shirt, sleeves rolled up, eyes sharp as always. Nakatitig siya ng mariin sa mesa ko na parang nagkaroon ng crimè scene. Patay na talaga ako nito! “I-I spilled coffee,” bulong ko. “Of course you did.” Natahimik ako. Gusto ko sanang magpaliwanag at sabihin na hindi ko sinasadya. Pero hindi ko sinabi. Kasi alam kong kahit ano pang sabihin ko, sarado ang isip niya para makinig. “Clean that up. Now. And you better have a revised deck in my inbox in 45 minutes. Or I'll punish you." He didn’t wait for my reply. Nakapamulsa siyang naglakad na para bang nagra-round, tinitingnan kung nagagawa ba ng maayos ang trabaho. Ganun siya ka-strikto na boss. I cleaned up the mess. Sinampay ko ang basang printouts sa gilid ng cubicle ko. Tinapunan ako ng tingin ng ilang officemates. Some were disappointed. Some were pitying. Most were indifferent. And then I opened the deck, revised everything, while my hand stung from the coffee burn, while my stomach growled from not eating, while my chest felt so heavy it might explode. But I made it. Nasend ko sa kanya ang bagong file at exactly 9:48 a.m. At 9:52, tumunog ang slack ko. Tirso: "Better." Isang salita lang. Pero pakiramdam ko lumutang ako sa ere. Why did that word feel like a win? I looked at his office, glass walls and all. He was staring at his screen, one hand on his chin, unreadable. Iyong gawa ko ba ang tinitingnan niya? Pero sabi naman niya, "Better" it means, okay na sa kanya. Pero naisip ko, kahit lagi niya akong pinapagalitan, bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatanggal sa trabaho? Napakurap ako at agad na nag-iwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. Nahuli ba niya akong nakatingin sa kanya?"May lagnat ka na nga, nagawa mo pang magbiro,” sermon ko sa kanya.Hindi ko alam kung may lagnat ba talaga siya o pinagloloko lang niya ako, pero ramdam ko ang init ng katawan niya.He's just playful right now, but I could feel that he's getting weak. Namumula na nga ang mukha niya.Ba't ba kasi hindi ito kumain?“Tirso?” mahina kong tinapik ang pisngi niya hanggang sa tuluyan siyang magdilat ng mata.Pumasok sa isip ko na dalhin siya sa ospital kasi pakiramdam ko mataas talaga ang lagnat niya. Pero nang makita kong gising naman siya at medyo maayos pa ang itsura ay naisip kong dito na lang siya alagaan.Kung ilalabas ko siya dito na magkasama, mas lalo kaming pag-uusapan. Ang dami na ngang nagpaparinig sa akin kesyo nilándi ko si Tirso. Hinayaan ko na lang.“Dito ka lang,” sabi ko, patayo na sana. “Kukuha lang ako ng makakain at gamot mo.”Pero bago pa ako tuluyang makaalis, hinila niya ang kamay ko, dahilan para bumagsak ako diretso sa dibdib niya.“Dito ka lang,” mahinang sabi niy
Dala ang pinapatapos niya sa aking documents, huminga ako ng malalim bago pumasok sa kanyang opisina. Hindi sa takot, pero kinakabahan pa rin talaga ako kapag kami lang dalawa ang magkasama. Minsan kasi nagnanakaw ng halik. Nandito pa naman kami sa kumpanya. Paano kung may makakita? Ano na lang ang sasabihin sa amin? “Good afternoon, Sir...” bati ko, pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Why do I feel like I did something wrong? Iba ang awra niya ngayon. “Ilagay mo lang sa lamesa ko,” malamig niyang sabi na nagpagulat sa akin. Feeling ko meron nga, pero nilagay ko pa rin sa lamesa niya ang folder. “Balik na po ako...” I was a bit shocked when he looked at me, cold and dangerous. Ano bang nagawa ko at parang galit siya? Wala akong matandaan. Kinalas niya ang necktie niya, halatang gigil na gigil. Bahagya akong napa-atras nang tumayo siya at inayos ang salamin. “Who was the guy you were talking to and laughing with?” he asked, his tone was possessive. I swallowed h
Napakurap ako sa tanong niya. “Dito?” tanong ko, na sinagot niya lang ng isang ngiti at marahang tango. Napahawak ako sa batok ko at nagbaba ng tingin nang maramdaman kong umiinit ang mukha ko. I was blushing, no doubt. But the moment he lifted my face and leaned in to kiss me, I closed my eyes and let myself feel it, his lips moving slowly against mine, not rough, not hurried, just… full of intention. I could feel it. Sinasadya niyang maghinay-hinay, giving me time to pull away. Pero hindi ko ginawa. Huminto siya sandali at idinikit ang noo sa akin. “If this is too much,” mahina niyang sabi, “tell me.” Dumilat ako at bahagyang umiling. “Hindi,” sagot ko, halos pabulong. “Okay lang.” He smiled, soft, relieved, and this time, he simply held my hand, as if grounding both of us. Sa gitna ng malamig na hangin ng hardin at mahinang lagaslas ng fountain, doon ko naramdaman kung gaano kakaiba ang halik na 'yon. It wasn’t desire. It wasn’t fleeting either. It felt like assurance. “Tha
With his reassuring words, I felt more relaxed. May magic yata ang halik niya at bigla na lang humupa ang kaba ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko, halos idikit niya ang noo niya sa gilid ng ulo ko, na para bang sapat na sa kanya ang ganito lang. My friends kept talking among themselves, but every now and then, I could hear their soft giggles. Ewan ko ba kung dahil sa amin ni Tirso o may sarili silang kinakikiligan. Napabuntong-hininga ako at sinubukang igala ang tingin ko sa mga tao sa paligid hanggang sa may makita akong pamilyar na mukha. Ngunit agad ding nawala ang atensyon ko doon sa sunod na sinabi ni Tirso. “I want more kisses,” bulong niya, tila batang naglalambing. “Can I have more later?” Natawa ako ng marahan “Nanliligaw ka pa lang, ah. Ilang halik na ’yan?” “Hindi ba puwedeng manliligaw with kissing privileges?” tanong niya, sabay angat ng tingin sa akin, pansin ang pamumungay ng kanyang mga mata. Napaisip ako. Hindi ko alam kung pagod lang ako, kung nadal












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews