Share

A NIGHT OF DECEPTION
A NIGHT OF DECEPTION
Author: JADE DELFINO

CHAPTER ONE

“ Ano itong nabalitaan ko, Kyro. The rumor is already circulating around the campus, ” wika ni Mrs. Suarez, Dean ng Saint Francis University. Kita mo ang pag-aalala sa mukha niya. Marami pa siyang sinabi pero dinenay naman ito agad ni Kyro.

“ I really don't have any idea about it, ma'am, “ tugon ng binata.

Napahinga nang malalim si Mrs. Suarez. “ You must graduate Kyro, you only have yourself. You don't want you to be involved in that family again. Hindi mo gugustuhin na banggain ang pamilya Natividad. ” Alam ni Kyro kung ano ang ibig sabihin ni Mrs. Suarez.

“ I know ma'am, that's why I want to make it clear with you. I don't want the rumor to speculate and ruin someone's name because of the wrong news that was circulating around the campus. I apologize for the inconvenience ma'am, ” anito at napakamot pa sa kanyang ulo. He’s always polite when talking.

“ That's good to hear, what a relief, ” nakangiting sabi ni Mrs. Suarez. “ You may go back now, congratulations again, Mr. Heartthrob, ” pag-bibiro nito sa binata.

Sa gandang lalaki ni Kyro ay hindi talaga maiiwasan na hindi ito purihin ng mga professor o sino man ang nakakasalamuha n'ya. Bukod sa academic achiever at sports achiever, ay hard working din kasi ang binata. Lumaki man siyang wala ang mga magulang, ay itinaguyod niya ang sarili niya upang maabot ang kanyang mga pangarap.

“ Oh, anong sinabi ni Mrs. Suarez? Nagalit ba? Sinigawan ka ba pre? ” makulit na tanong ni Mike.

“ Inayos ko lang yung rumored, and denied everything, ” kalmado nitong salita, ngunit sa loob nito ay puputok na sa kaba at takot.

“ Mabuti naman kung ganun nga. Malakas ka naman kay Mrs. Suarez, pero pre… what if totoo? ” seryosong tanong ni Mike, habang tiningnan siya nito.

Umiwas naman agad si Kyro ng tingin dahil baka mahalata siya nito na may tinatago.

“ Excuse me, pre… Cr muna ako, paputok na pantog ko, ” palusot ni Kyro sa kaibigan at dali-daling umalis sa inuupuan.

Pagpasok nito sa Cr ay agad siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Maluwag na ang kanyang dibdib ngunit parang may kung anong malakas na tambol na kumakalabog sa loob nito .

Hindi lang siya sa sarili niya nag-aalala, pero maging sa dalaga din na naka-one night stand niya. Natatakot si Kyro na baka may gawin ang dalaga na ikasira niya.

Ayaw niyang mabahiran nang masama ang kanyang reputation sa school, at baka hindi siya maka graduate. Alam niya ang rules ng Saint Francis University lalo na sa kanya na full scholarship.

“ I have to do something, natatakot ako rito. Naguguluhan na ako, God help me solve my problem one last time, ” anito sa sarili.

Napa hilamos na lang ito sa kanyang mukha at hindi talaga alam ang gagawin. Mahalaga sa kanya ang makapag tapos dahil ito na lang ang nag-iisang pag-asa niya.

Natapos ang araw at nasa convenience store na naman ang binata upang mag-trabaho. Buong araw itong nasa school dahil may training din ito. Masipag talaga siya.

Minsan ay sukong-suko na siya pero patuloy pa rin sa laban sa buhay.

“ Ano ba bibilhin mo pre at dito mo talaga naisipan bumili? ”

Agad na napatingin si Kyro sa entrance kung sino ang kakapasok lang ng mga customers. Nagulat pa siya dahil isa ito sa mga kaklase niya sa ibang departamento.

“ Oy, Kyro, dito ka pala nag-ta-trabaho? Nako, kung ganun nga at totoo ang kumakalat na balita tungkol sa inyo ni Miss Luna ay hindi mo mabubusog si Luna niyan. Sweldo mo rito, pocket money lang ni Luna, ” wika ng lalaki na halata naman na nang-aasar lang sa kanya.

Alam niyang iniinsulto siya ng lalaki pero ayaw niyang ipahalata rito. Naikuyom na lamang niya ang mga kamay niya upang pigilan ang sarili niya dahil ayaw niya ng gulo.

“ Akala ko ba at naabot tenga niyo na ang totoo. Hindi kami pamilyar sa isa't isa ni Luna. It was the first time we met, and the news suddenly blew like crazy. So what do you expect me to react kung tinutukso ang isang kagaya ko sa isang prinsesa diba? ” pabiro na wika ni Kyro pero bakas mo sa mukha niya ang pagkainis.

The news about them spread when Luna and Kyro suddenly talked outside the comfort room, it was the day when Luna had her morning sickness. Nobody expected them to talk even if it’s just a minute. Gossip spread like wildfire. Ganun talaga ang mga tao, gagawa talaga yan ng mga chismis kahit ‘di nila alam ang totoo.

Ang case nila ni Luna ay katulad na rin sa mga kumakalat na balita, wala nga lang silang relasyon sa totoong buhay.

“ You better know your place, Mr. Heartthrob, ” natatawa na wika ng kaklase ni Kyro bago ito lumabas ng convenience store kasama ng mga barkada nito. Napailing na lang si Kyro dahil sa kanya. Kilala niya ‘yon at ang mga kasama niya. Mga basagulero at puro away lang ang dala sa school. Kung maaari ay ayaw niyang makabangga ang mga lokong yun.

SA MANSYON NG PAMILYA NATIVIDAD

Nasa sala ang mga magulang ni Luna. They're talking about business again. Kahit sa bahay ay trabaho pa rin ang inaatupag ng mag-asawa. Hindi na lang kumibo si Luna nang makita ang mga magulang niya na seryoso na nakatitig sa kanilang laptop. Nawalan siya agad ng ganang kumain kaya umalis na lang siya at pumasok sa kwarto niya.

“ Busy? They have no time to spend with me for the thousandth time. Perhaps they are complacent because I am old enough to act like their baby, ” aniya at napanguso na lang at umupo sa kama niya.

Agad niyang pinahidan ang mga luha nagsisimula nang mag-unahan. Kahit ilang beses niyang punasan ang mga mata ay patuloy pa rin ang pag-agos nito. Humihikbi na siya, at masama talaga ang loob niya sa mga magulang niya.

Hindi lang kasi attention ng mga ito ang kailangan niya, kundi pati na rin sa kung papaano niya sasabihin sa mga magulang niya ang problema niya na nagdadalang tao siya.

“ That one night, that one night changed everything about me. It was not intentional, I didn't even know why it happened. Kyro also said that it was not intentional. Is he also a victim? ” tanong nito sa sarili at biglang napa-isip.

Nangyari ang lahat sa party ng pinsan niyang si Megs. Megan is her cousin, birthday kasi nito kaya nag-pa-party ito sa kanilang mansyon.

At first she didn't want to go there, but Megs forced her to go. Dahil ayaw niyang magtampo ang pinsan niya kaya pumunta na lang siya.

Nang magsimula ang party ay hindi gaanong nakipaghalubilo si Luna. Hindi kasi siya sanay na maging wild na gaya ng mga taong nakapaligid sa kanya na masayang nagsasayawan at nagtatawanan kaya nasa gilid lang siya at pinili nalang na magmasid sa iba.

“ One shot? Hindi ka pa umiinom, Luna, “ pag-aalok ng isang glass ng wine sa kanya ng pinsan niyang si Alexa, nakakatandang kapatid ni Megan, matapos siya nitong lapitan.

Noong una ay hindi ito agad na tinanggap ni Luna. “ Wala sa plano ko ang uminom ngayon, Ate eh, ” naiilang niyang sabi.

Agad na napasimangot si Alexa na tila ba ay nagtatampo. “ Come on, Luna, isang baso lang naman. I'll feel bad kapag ‘di mo ‘to ininom, sige ka. ”

Napilitan nalang si Luna na sundin ang gusto ng pinsan niya. Ayaw niya kasi na magkasamaan pa sila ng loob dalawa.

“ Fine. “ Ininom niya ang laman ng baso. Agad siyang nahilo run kaya naisip niyang mag Cr na muna. “ I-I’ll be back, sorry, “ sinapo niya ang noo niya.

Ngiti lang ang iginanti ni Alexa.

Dahan-dahang nag-iba ang pakiramdam ni Luna habang naglalakad siya. Para bang nag-init ang buo niyang katawan at may kung ano siyang hinahanap. Nagpagewang-gewang siya hanggang tuluyan na nga siyang matumba.

“ Woah, what's that? “ naiusal ng mga nakapansin sa kanya.

“ Miss, okay ka lang? “ isang bisig ng estranghero ang sumalo sa dalaga.

Pinagmasdan ni Luna ang labi ng binata. “ Spend the night with me, ” nang-aakit niyang sabi sa binata.

Napakunot ang noo ng estranghero na tutugon pa sana pero bigla nalang siyang hinalikan ni Luna.

Nagulat na lang ang dalaga nang magising siya na nasa kama na at may kasama pang lalaki. Napasinghap siya nang makilala ang binata.

It's Kyro Hanson Tuazon, ang tinaguriang Mr. Heartthrob ng Unibersidad.

Napapikit nalang si Luna matapos niyang maalala ang lahat. Naisip niyang lumabas ng kwarto at nadatnan niya agad ang mga magulang niyang busy pa rin sa paglalaptop.

“ Mom, Dad lalabas po muna ako saglit, mag-papahangin lang po. ” Basag katahimikan niya sa mga magulang niyang hindi man lang siya nilingon.

“ Yes, go ahead iha. Careful on driving okay, ” paalala ng ina.

“ Yes, mom. “ Tipid na ngumiti si Luna.

Agad siyang lumabas ng mansyon matapos nun at tinungo ang kotse niya. Alam niya namang mag-maneho pero nag-papahtid pa rin talaga siya sa school. For safety purposes na rin. Pero kapag mga ganitong may malalim siyang iniisip ay mas pipiliin niyang magkaroon na Luna ng privacy.

Sa tabing dagat niya inihinto ang kotse niya, na malapit lang din sa gilid lang ng kalsada. May mga convenience store sa kanyang paligid na nasa kabilang kanto. Maliwanag ang gabi dahil sa sinag ng buwan.

Pumikit siya upang langhapin ang masarap na simoy ng hangin. Tanging naririnig na lamang niya ay ang bawat pag-hampas ng malalaking alon mula sa karagatan.

The breeze is cold but it doesn't bother her. She wants to relax her mind. Nalilito pa rin kasi ang isip niya. She doesn’t know how to tell her problem to her parents.

“ Hindi maganda sa buntis ang maggala-gala sa gabi, alam mo ba yun? ” Nagulat si Luna nang may biglang nagsalita mula sa kanyang likuran.

“ H-ha? I-ikaw pala, ” wika ng dalaga na nautal pa dahil si Kyro ang nasa harapan niya ngayon. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot, at kirot sa puso niya. Napayakap na lang siya sa sarili niya nang maramdaman na ang maginaw na simoy ng hangin mula sa dagat.

Nasa gilid pa rin sila ng kalsada. Hindi alam ng dalawa kung ano ang gagawin. After ng confrontation nila ay hindi na sila nag-kita pa, or nag-usap muli.

Luna doesn't know how to react dahil hindi naman siya sanay na may nakakausap na lalaki. Sumagi pa sa utak niya kung paano siya nito sinigawan, at ipa-abort ang bata.

“ Here take this, ” Kyro said nang napansin niyang nanginginig ang dalaga. He handed her his jacket. Parang gusto pang tumanggi ni Luna pero bago paman siya makapagsalita ay agad nang naipatong ni Kyro sa balikat niya ang jacket ng binata.

“ No, hindi na kailangan Kyro. ” mahinang wika ni Luna.

Umiling lang si Kyro. “ No, ‘wag kang magpapaginaw, at iwasan mo ang pag-

gala sa gabi, hindi maganda sa buntis yan. ” muling sabi ni Kyro sa kanya tapos huminga ito nang malalim.

Yumuko si Luna at parang maiiyak na naman. Agad na nag-alala si Kyro dahil hindi niya alam kung paano mag comfort ng babae. Masyado siyang abala para magkaroon ng oras sa pagnonobya, at dahil naalala niya rin ang mga nasabi niya kay Luna.

“ Gusto mo ba ng sabaw? Ipag-luluto kita, ” ani Kyro. Napatingin naman si Luna sa kanya, puno ito ng gulat at pagtataka.

“ Seryoso? Sabaw lang? Pwede bang sinabawan na bangus? Kasi favorite ko yun eh, ” nakangusong wika nito. Parang nabuhayan ng dugo si Kyro sa inakto nito. Nawala agad ang pananamlay niya at nagkainteres agad sa sabaw na inoffer niya dahil na rin siguro sa pagbubuntis nito.

Palihim na napangiti si Kyro. Agad nitong hinila ang dalaga at nagpatangay naman ito sa kanya. Surprisingly, hindi nakaramdam ng takot si Luna sa piling ng binata.

“ Saan tayo pupunta? ” tanong ng dalaga.

“ Sa bahay k—ay hindi sa bh ko, ” tugon ni Kyro.

Napakunot ang noo si Luna dahil hindi niya alam ang sinasabi ng binata.

“ BH? ” gulat na bigkas ng dalaga.

“ Boarding house. Kung ‘di afford ang apartment, edi mag boarding house, ” ani Kyro.

“ Oh... bakit boarding house ang tawag? ” tanong ni Luna dahil na curious talaga ito.

“ Wag ka na lang mag-tanong ‘di mo rin naman maintindihan, ” ani ni Kyro na parang namimilosopo pa.

“ Yung kotse ko, malayo ba sa inyo? ” tanong na naman ni Luna.

“ Anjan lang oh. Kitang-kita mo yang maliit na bahay d’yan, yan ang boarding house ko. Kaya bilisan mong maglakad d’yan. ” Kyro said to her habang patuloy silang naglalakad.

Wala nang gaanong dumaraang sasakyan at tahimik na rin ang daan. Hindi kalakihan ang kalsada at malapit lang din sa dagat.

“ Ingat ka, ” paalala ni Kyro nang mapahinto siya upang hintayin si Luna. Mabato kasi ang kanilang dinaanan at hindi pwedeng ipasok ang sasakyan. Sa loob nito ay mabato rin at lubak pa yung daan.

Napansin ng babae na parang ito lang ang bahay na nakatayo sa lugar. Maraming puno at medyo maginaw din. Malamig ngunit presko ang hangin.

“ Ang ganda rito Kyro, presko ang hangin, nakakagaan ng loob. ” namamanghang wika ni Luna kahit nahihirapan siyang maglakad sa mabato at maputik na daan..

Malalim na ang gabi, ngunit may mga ilaw naman sa paligid na nagbibigay liwanag. Huminto si Kyro at inalalayan si Luna.

“ Tahimik dito kaya gustong gusto ko. Hindi ako mahilig sa maingay, ” ani Kyro.

Nakaabot na rin sila sa maliit na tirahan ni Kyro, maliit lang ito ngunit maganda ang loob, at sobrang linis. Tama lang talaga sa isang tao.

“ Upo ka muna, ” yaya ni Kyro.

Umupo naman si Luna at hinilot hilot ang paa niya. Medyo masakit kasi ito, dahil siguro hindi siya sanay sa paglalakad nang medyo malayo

“ Masakit? ” tanong ni Kyro.

“ Slight lang, ” pinilit na ngumiti ng dalaga.

Lumuhod si Kyro upang hilotin ang paa nito ngunit agad itong binawi ni Luna dahil sa gulat.

“ Stop it, okay lang ako. Gusto ko ng sabaw, ” aniya na parang bata.

Kyro chuckled in silence.

Maya-maya’y biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Dugong_Bughaw
support ntin yan...
goodnovel comment avatar
1ionhart
Support beeeeeeb...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status