CHAPTER TWO
Dahil bumuhos ang malakas na ulan ay hindi na nakauwi si Luna. Minabuti na lang niyang mag stay na muna hanggang sa tumila ang ulan. Nanatili siyang nasa boarding house ni Kyro. Kahit naiilang na ay ‘di na lang pinapahalata ng isa't isa.Malapit nang matapos ni Kyro sa nilulutong sabaw na isdang bangus. Mabuti na lang at meron pa itong stuck na isda sa freezer niya. Mahilig din kasi siya sa sabaw na bangus kaya natuwa siya nung bangus ang agad na sinambit ni Luna." Halika na at tayo ay kakain na, “ yaya ni Kyro.Napatitig lang sa kanya si Luna. Kaswal na kasi itong nakipag-usap sa kanya kaya nawala ang pagkailang niya.“ Lakas ng ulan ‘no? Ganda ng buwan kanina, eh. Akala ko hindi uulan, ” wika ni Kyro habang hinahanda ang sabaw at kanin sa mesa.Napangiti ang dalaga. Parang may kung anong saya siyang nararamdaman sa loob loob niya na ‘di niya naman mawari kung ano talaga ang dahilan. Basta pakiramdam niya ay safe siya sa piling ng binata." Salamat sa pagluto ha. Hindi ko na kasi maalala kung kailan ako huling kumain ng sabaw na bangus. Na mi-miss ko rin yung dating yaya ko na laging nag-luluto para sa akin noon, " wika ni Luna, sabay higop ng sabaw.Nagulat si Kyro dahil parang komportable nang makipag-usap ang dalaga sa kanya. Hindi rin ito nag-inarte sa niluto niya." Kain ka lang, " ani Kyro na bigla pang napangiti. Nahuli naman agad ‘yon ni Luna." Salamat, ah, " malumanay na wika ng dalaga.May pagkamahinhin talaga si Luna. Hindi ito mahilig sa sports pero academic achiever naman. At nag-mo-model si Luna noon sa isang fashion show sa Singapore, using and wearing her mom's design. Sikat na designer kasi di Mrs. Natividad, and she has a bunch of branches inside and outside the country." Yup, kain na at baka nagugutom na rin si baby, " biglang saad nito kaya nasamid si Luna at muntik pang mabilaukan.Nagulat si Kyro at dali-daling kumuha ng tubig para agad na ibigay sa dalaga. Nataranta siya at kinabahan. " Okay ka lang? " tanong nito sabay hagud niya sa likod ng dalaga." S-salamat, o-okay lang ako, Kyro, salamat, " nauutal na wika ni Luna.Napahinga nang malalim ang binata. " That's a relief. Kinakabahan ako run, " anito.Natawa si Luna at bumuhakhak pa kaya nagtaka si Kyro sa kanya. " Oy, anong nakakatawa? " tanong ng binata. At nakabusangot pa.Parang namula ang pisngi ni Kyro dahil ito palang ang unang beses na nakita niyang tumatawa ang dalaga. Napaka-ganda nito, at parang humihinto ang bawat segundo nang titigan niya ito.Minsan kasi kapag nakita niya si Luna sa school ay seryoso ito at mukhang mahiyain kaya ang lahat ng nakapaligid sa kanya ay yung mga kilala lang niya na nabibilang lang din. Mabait ito, ‘di katulad ng ibang anak mayaman. Hindi din spoiled brat si Luna, she's simple but elegant.Huminto ng tawa si Luna nang mapansin na tahimik lang si Kyro. Nagtama ang paningin nila ng binata kaya agad na iniwas ni Luna ang mga mata niya. " Sorry, ” aniya." Nako, okay lang. Kay ganda mo ring pagmasdan. " Wala sa sariling wika ni Kyro. Napatigil tuloy sa pag-subo si Luna at nahihiyang tinignan muli ang lalaki." Ikaw rin, gwapo ka na, academic achiever pa, sporty pa, hardworking, and most of all independent. Swerte ng babaeng magugustuhan mo, “ puri ni Luna sa binata.Agad na naramdaman ni Kyro ang pag-iinit ng kanyang pisngi. " Excuse me, lang ha. " Bigla itong tumayo sa hapag-kainan at pumasok sa isang kwarto.Nung makapasok na siya run at pagkasara niya ng pinto at nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at kinakalma ang sarili niya. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib na kailanman ay hindi pa niya naranasan o naramdaman sa tanang buhay niya. Ibang iba ito noon. Nanginginig din ang kanyang mga kamay at may kiliti rin sa loob ng kanyang tiyan.Napapikit ang binata na parang pakalma na pero agad siyang nataranta nang makarinig siya na parang may mabasag. Dali-daling lumabas ng kwarto si Kyro at tinungo ang mesa. Nakita niya si Luna na pinupulot ang mga basag na baso." No, ako na, " agad na hinila ni Kyro si Luna para di ito masugatan." Sorry, di ko sinasadya. Bigla kasi akong nahilo eh, " ani Luna na parang bata na natatakot mapagalitan." No, its okay, ang mahalaga ay ‘di ka nasugatan, " ani Kyro at dahan dahan na pinulot ang mga piraso ng basag na baso." Sorry talaga, " pag-uulit ni Luna.Nang matapos si Kyro sa paglilinis ng mga basag na baso ay tinignan niya si Luna sa kanyang tabi na nakayuko lang." Hey. Okay lang Luna, hindi ako galit, okay, " mahinahon na sabi ni Kyro at inalalayan pang umupo ang dalaga. " Di ka ba nasugatan? " tanong niya rito." Hindi naman, " mahinang sagot ni Luna." Tapos ka na kumain? Marami pang sabaw, masarap ‘to. " Nilagyan ni Kyro ng isang piraso ng isda ang plato ni Luna at nilagyan din ng sabaw ang maliit na bowl nito upang kanyang higupin." Salamat, pero kasi busog na ako e, " ani Luna, at sabay na hinagod hagod ang tiyan niya." Parang hindi ka nga kumain eh, " ani Kyro." Di, busog na talaga ako, Kyro. Hindi talaga ako masyadong kumakain e, " aniya." Hihingi ka niyan tas ayaw mong kainin, so sino kakain niyan? Masasayang lang ang pagkain, maraming mga bata at matatanda d’yan sa labas na walang pagkain at nagugutom, tas ito tayo ‘di natin kakainin ang pagkain kasi busog na kahit ‘di naman, " nakakunot noong salita ng binata.Napakagat labi si Luna at nahihiya rito kaya kinuha niya na lang ang kanin at sabaw na hinanda ni Kyro. Hindi na ito nag salita pa hanggang sa ubusin nito ang pagkain. Parang maiiyak na si Luna dahil parang pinagalitan kasi siya ni Kyro, ngunit ayaw niyang ipahalata rito." A-Ako na ang maghuhugas, " ani Luna at agad na tumayo nang makitang tapos na rin na kumain ang binata.Hindi na nagalaw sa inupuan si Kyro at takang tinignan si Luna na ngayon ay tapos na sa paglinis ng mesa. Parang nagsisi naman siya sa inasta niya kanina.“ Sumobra ba ako? Di kaya nagtampo ito? Nainis sa akin dahil sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman yun kasi ano, gusto kong kainin niya yung pagkain at para naman mabusog siya, ” pabulong ni Kyro sa sarili niya.Wala naman kasi itong intensyon na sabihin iyon. Pakiramdam niya tuloy ay nasaktan niya ito. " Umupo ka na riyan or kung gusto mo sa kwarto ka matulog, magpahinga ka, " saad ni Kyro at pilit na pinipigilan ang dalaga sa ginagawa nitong paglilinis." Ako na lang, marunong naman ako e, " ani Luna at hindi talaga nagpadala sa binata." No. You should rest. You should sleep early. Bawal sa buntis ang matulog nang matagal, ” mahinahon na wika ni Kyro.Iba naman ang naramdaman ng dalaga sa pagiging mahinahon nito. Napatitig nalang ang dalaga kay Kyro habang inaayos ang mga pinggan at wala sa sarili na napangiti. Napansin naman ito ng binata at nakaramdam s’ya ng hiya. Uminit na naman ang kanyang pisngi at dali-daling tinapos ang mga gawain.‘ Ang ganda. Ang ganda ng kanyang mga ngiti. Ito na naman ang lakas ng kabog ng aking dibdib, ‘ sa isip na sabi ni Kyro." Bakit ka mag-isa? Nasaan ang parents mo? " biglang tanong ni Luna sa kanya." I grew up without them, " sagot ng binata. " I don’t know them, and for me they are just trash, " dagdag pa nito.Nakaramdam naman agad ng awa ang dalaga sa binata pero bilib siya sa kasipagan nito at determination ." Oh, sorry for asking, " aniya. " Iniwan ka nila? Ginawa nila yun? " tanong ulit ni Luna kay Kyro dahil sa kuryosidad." Nagawa na nga eh, " sagot agad ng binata.Parang wala na ito sa mood kaya tumigil na kakatanong si Luna. " Sorry, sige pasok na ako sa kwarto. Good night, Kyro, " aniya at iniwan ang binata sa kusina.“ Maayos na yang kwarto ko kaya higa ka na riyan at magpahinga, ” malakas na sabi ni Kyro mula sa kusina.“ The room is fine thanks. “ sagot naman ni Luna pabalik.Napangiti nang patago si Kyro dahil dun ngunit agad na napawi ang ngiti niya nang maalala ang parents niya." I'm all alone. They left me behind. "___I WAS nervously waiting for the doctor to come out, gusto kong pumasok pero bawal. I can’t help myself but to smile.I can’t wait to meet my princes and especially my wife. Kinakabahan talaga ako, parang ang tagal na kasi nung huli ko itong maramdaman. Butterflies in my stomach, this warmth feeling melting in my heart.The joy it makes me feel. Being a father is fun.Dumating na rin si mommy kasama ang kambal.Halata rin sa mukha nila at tuwa na makita nila ang baby sister nila. They asked for it, dahil gusto nila ng kapatid na babae o lalaki. We have been waiting for it to happen, dahil sa miscarriage na nangyari kay Luna ay nahihirapan siyang mabuntis ulit. At nang malaman namin na nagdadalang-tao ang asawa ko ay labis ang pag-iingat na ginawa namin. Pinatigil namin sa pag-trabaho si Luna dahil naging sobrang busy siya sa work noon at minsan ay madaling araw na nakauwi.“Dad, I can’t wait to see my baby sister,” masayang wika ni Kyron at niyakap ako.“Me too,anak,” nakangiting tugon k
KYRO's POV [ MGA PANGYAYARI NANG NAKARAAN AT NGAYON ]STUDIES and sport is one of my priorities.As an orphan na lumaki kasama ang mga Pare at Mare ay lumaki akong may takot sa Diyos. I don’t go out to party, drinks, women,etc. Pag-aaral ang inuuna ko at trabaho. Tanging ako lang ang tumatayo para sa sarili ko. I treated myself well. Dahil rin bigo ako sa unang pag-ibig ay hindi na ako na-inlove pa kahit na kanina man. AKo lang ang nagpapaaral sa sarili ko. Nagpapasalamat rin ako dahil full scholar ako sa unibersidad kaya wala akong nilalabas na pera sa school activities. Tanging para sa pagkain, gamit, boarding house lang ang pag-gagastuan ko. Pero kahit ako lang mag-isa ay mahirap pa rin mag save ng money dahil may babayaran pa rin akong tubig at kuryente, pang groceries pa. Pero memahalaga sa akin ay may makain everyday.At sa hindi inaasahan na pagkakataon ay nakilala ko ang prinsesa ng buhay ko. I got someone pregnant, and I was not ready. So,I asked her to get rid the baby per
“You may now kiss your bride,” the priest declared. Hindi mawala sa mukha ng bride at groom ang kasiyahan na sa ikalawang pagkakataon ay ikinasal silang dalawa na alam na ng buong mundo, at hindi na exclusive ang kasal nila. At church wedding na pinangarap ni Luna noon pa ay nangyari na talaga. As Kyro stepped closer to open her viel,Luna felt the tingling sensation on her stomach. Her heart was pounding so fast, nervous and excited. For the second time, they got married after separating for four years because of unexpected happenings that made them separate. Those years of absence and depression, the suffering, the crying and the pains.Those years of waiting, and questioning was all answered. Kyro’s absence made his wife suffer, however, she passed it all and brought her feet to the ground again. Luna's eyes were locked into him.She couldn't hold back the tears because for the second time,it was a church wedding where she and her husband, Kyro Tuazon, got married. They had a
ISANG LINGGO na simula nang makalabas ng hospital si Kyro. Naging okay na rin ang sugat ni Luna. May pelat na makikita kaya tinatakpan na lang niya gamit ang kanyang buhok. Luna suddenly felt insecure about her looks dahil lang sa pelat sa kanyang noo. Dahil sa nangyaring aksidente ay naging insecure at sensitive si Luna. Mabuti na lang na sa tuwing nag be-breakdown siya ay agad na nandyan ang asawa upang pakalmahin siya. Nasa isang restaurant sila ngayon. Si Luna at Kyro. Gusto lang ni Kyro na e date ang asawa dahil mahaba na ang panahon na hindi sila namamasyal o mag date na sila lang. Malaki naman na ang kambal ay naiiwan na nila ito. Habang kumakain ay may biglang lumapit sa kanila. Nagulat naman si Luna dahil biglang pag-sulpot ng taong ito sa kanilang harapan. "Bro?" sambit ng lalaki. Agad naman na nakatingala si Kyro at laking tuwa ng makilala ang lalaki sa harapan niya. "Mark?Brother?" natutuwang wika ni Kyro at agad na tumayo upang yakapin ang matalik na kaibigan. Paran
KINAKABAHAN at natatakot na hinarap ni Harold si Kyro.Nasa hospital pa rin ito dahil may pagsusuri pa na gagawin ang mga doktor bago siya palabasin ng hospital.Hindi umimik si Kyro ng makita ang kambal.Ni hindi nga niya ito binalingan ng tingin.Ramdam naman ni Harold na may galit ito.Sinabi kasi sa kanya ni Luna na bumalik na ang kanyang alaala.At na-ikwento rin ni Kyro kung ano ang nangyari sa kanya sa Italy. Before he open his mouth,Harold clears his throat first.Hindi naman alam ni Harold kung bakit natatakot siya sa kapatid.Marahil sa nagawang kasalanan niya rito kaya labis na lang ang kanyang kaba at takot.Sa totoo lang takot lang si Harold sa kanyang kambal. Kakaiba si Kyro, may father figure kasi ito at nakakatakot rin talaga pag nagagalit.Pero kabaliktaran pala si Kyro.“Hey, good thing you are awake. How are you?” kinakabahan na wika niya sa kambal na ngayon ay naka-upo na sa kanyang kama. “Luna told me that you already gained your memory, and I know for sure that you remem
4 YEARS AGO AND THE HAPPENING NATULALA na tinitigan ang walang malay na kakambal na nakahandusay sa sahig na duguan.Agad naman na tumawag ng ambulansya ang butler niya at dinala sa hospital. Na comatose si Kyro ng apat na buwan, ngunit pinalabas ng mga ito kung bakit siya na coma ay dahil sa car accident. Naniwala naman nun si Kyro at simula nun ay marami na ang nabago sa kanya.Naka focus siya sa present,at walang maalala sa kanyang nakaraan.They lied. Kinausap at sinabi rin ni Harold sa kanyang grandma na hindi niya yun sinadya at tinago ang krimen na ginawa nito sa kambal. Hinayaan na muna ni Harold ang kambal na mamuno sa kumpanya ng ama.Naging successful ito,at nakikita ng mga board members kung gaano kahusay pamamalakad ni Kyro ng negosyo. Kahit inggit na inggit si Harold sa kapatid ay hindi na muna siya gumawa ng plano hanggang sa may business meeting na magaganap sa pilipinas.Takot ang nadarama ni Harold na baka maalala ng kambal na sa pilipinas talaga ito lumaki, at may pa