A Ring Not Mine To Wear

A Ring Not Mine To Wear

last updateLast Updated : 2026-10-12
By:  YuChenXiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa pakiusap ng aking kambal na pakasalan ang lalaking mahal niya ay pumayag ako. Sa araw ng kasal nila ay ako ang humarap sa lalaking mahal niya. Pero huli na para umatras ng makilala ko ang lalaking papakasalan ng kapatid ko. The man I hated the most. Ang lalaking nakaharap ko lang nang nakaraan sa husgado para kasuhan ito ng harassment. Gusto kong tumakbo sa kalagitnaan ng seremonya at nang tanungin na ng pari kung handa ba akong tanggapin siya bilang asawa ay handa na akong tumanggi at sabihing hindi ako pumapayag pero nagulat na lang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at walang babalang isinuot sa akin ang singsing na hawak niya at siya na mismo ang sumagot sa tanong ng pari. “Yes, she is willing to be my wife.” Pagkarinig ko ng boses na iyon ay alam kong wala na akong pagkakataong umatras pa. At sa isang iglap lang ay asawa ko na ang lalaking mahal ng kapatid ko.

View More

Chapter 1

1: The Wedding agreement

Hindi ko mapigilan ang mainis dahil hindi ako nanalo sa laban ko sa kaso ng lalaking iyon. At ang lalo kong ikinakainis ay ang makitang taas parin ang noo nitong humarap sa akin matapos ang hiring sa pagitan namin.

Ito ang unang pagkakataong natalo ako sa mga hawak kong kaso o sadyang mali lang ako ng taong kinampihan at ipinaglaban ngayon? Pero hindi naman ako basta tatahimik na lang kung kababaihan na ang sangkot sa mga kaso at nagsasampa ng harassment.

Ngunit ang makitang wala man lang akong makitang pag aalala o pagkaguilt sa ekspresyon ng mukha ng lalaking iyon.

Sa inis ko ay matalim ang mga mata kong napatingin pa sa kanya. Ngunit ang mapang asar lang na ngiti niya ang sumalubong sa akin ng magtama ang mga mata namin.

“What is up to you now?” at kahit na hindi ko iyon narinig mismo ay alam kong iyon ang ibig sabihin nito sa paggalaw ng labi nito habang nakatingin sa akin. Para niya akong hinahamon kung ano pa ba ang kaya kong gawin para mapabagsak siya.

Kuyom ang aking mga palad sa panggagalaiti pero hindi ko mailabas ang galit ko.

Marahas ang pinakawalan kong paghinga. Binawi ang mga mata kong nakatingin sa kanya at walang lingon likod akong lumabas sa loob ng justice hall sa sama ng loob ko.

Kahit na masama at dismayado ang babaeng nais kong tulungan na mabigyan ng hustisya ang pagpaparatang na panghahalay sa kanya ng lalaking iyon ay maayos pa rin itong nagpaalam sa akin.

Muli na naman akong nagpakawala ng malalim na paghinga bago humakbang sa baitang ng hagdan sa labas ng justice hall.

Pasakay na ako ng kotse ko at balak ko pa sanang tumuloy sa bar ng kaibigan ko ng makatanggap ako ng tawag mula sa ospital.

Kinabahan ako. Hindi naman ako kinakabahan kahit na bigatin pang mga tao ang mga nakakasalamuha ko sa harap ng husgado pero pagdating sa kapatid ko ay agad akong nakakaramdam ng kaba.

“Hello… Okay, hintayin mo ako diyan. I am coming now.” mabilis na sagot ko.

Isinilid ang cellphone sa bag ko at nagmamadaling sumakay ng kotse ko at wala na akong sinayang na oras para puntahan ang kapatid ko.

…..

Bumaba ng kotse matapos kong maiparada at patakbo pa ang naging lakad ko para lang agad na mapupuntahan ang kapatid ko.

Hindi man nito sinabi kung ano talaga ang nangyari sa kanya ay hindi na maganda ang pakiramdam ko lalo na at hindi naman siya tatawag kung wala siyang nararamdamang masakit sa kanya.

“Anong nangyari?” Agad na tanong ko ng makapasok ako.

Umupo sa gilid ng kama niya at hinawakan siya sa sa kamay.

“Nothing.”

“Nothing?” Pang uulit ko dahil nag alala ako ng malala tapos sasabihin lang niya na ‘nothing’.

Humigpit pa ang hawak ko sa kamay niya kaya siya napangiwi at nabawi ang kamay niyang hawak ko.

Sumailalim siya ng surgery dahil nga sa nangyaring sunod noong nasa labing tatlong taong gulang pa lang kami at nasira ang balat niya at mukha dahil nadamay siya sa sunog. At ngayon ay ginawa namin ang lahat para lang bumalik ang dati niyang kutis at kahit na ang mukha namin.

Sumailalim na siya ng surgery noong gumaling ang mga sugat niya sa unang pagkakataon pero habang lumalaki kami ay hindi na kami magkamukha at gusto niya na magkamukha pa rin kami hanggang sa paglaki namin at dapat walang kahit na sino sa amin ang maihahambing sa isa’t isa.

Kaya siya nandito sa ospital ngayon para sa kanyang pangatlong subok at sabi ng doktor na ito na ang huling dadaan siya sa plastic surgery dahil nahubog na ng husto ang aming mga buto at hindi na magbabago pa kahit na lumipas pa ang ilang mga taon.

Maliban doon ay mahina ang katawan nito kaya madalas na rin siya dito sa ospital kaya nag aalala ako sa kanya.

At ngayon ay sasabihin niya sa akin na wala lang ang dahilan kaya siya napatawag sa akin.

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng isa na namang malalim na paghinga na napatitig sa kanya.

“Alam mo naman na may kasintahan ako, right?”

“Yeah. At ano naman ang kinalaman ng bagay na iyan kaya mo ako pinatawag ngayon dito?”

“Hindi na siya makapaghintay na makasal kami, at naitakda na ang araw ng kasal namin.”

“What!?”

Nanlaki ang mga mata ko na talagang nagulat ako sa narinig ko mula sa kanya. Alam kong may kasintahan siya pero hindi ko pa nakikita o nakikilala kung sino ang lalaking iyon. At kailan lang ng maging sila pero bakit naman nagmamadali sila sa kanilang kasal? Ganun ba nila kamahal ang isa’t isa kaya sila magpapakasal agad?

“Tama ang narinig mo. Kaya iyan ngayon ang problema ko, Lily. Halos katatapos lang namin mag usap ng doktor kanina bago ako tumawag sayo ay iyon ngayon ang malaki kong problema.”

“Bakit? Anong sinabi ng doktor sayo at ano ang kinalaman ng kasal mo sa sinabi nito?” muli ay tanong ko na naman sa kanya.

“Ang sabi ng doktor ay kailangan kong lumipad sa ibang bansa para doon isagawa ang plastic surgery ko sa susunod na apat na araw. At ang kasal na naitakda para sa amin ng boyfriend ko ay sa susunod na limang araw. Kaya wala akong ibang maisip ngayon maliban sa humingi ng tulong sayo.” mahaba niyang paliwanag.

“At ano naman sa tingin mo ang maitutulong ko sa problema mong iyan. Dahil sa totoo lang ay wala akong alam na magiging sulosyon sa bagay na iyan maliban sa ipagpaliban ang naitakdang kasal niyo ng boyfriend mo.” sagot ko.

“No! Hindi pwedeng mapostpone ang kasal namin, ayaw kong mawala siya sa akin kaya ako ngayon nakikiusap sayo. Nakikiusap ako na sayo na ikaw muna nag humarap sa kanya sa kasal namin.”

“What!?”

At ayon na naman ang gulat ko sa narinig ko.

Marahas pa ang naging pagtayo ko na napatitig ako sa kanya. Nababaliw na ba siya? At paano niya naisip na ako ang humarap sa kasintahan niya sa araw ng kanilang kasal?

“You know that I have my own life too, Lilian.” bulalas na sabi ko sa kanya.

Ayaw kong taasan ito ng boses ngunit hindi ko mapigil ang sarili ko lalo na at kalabisan na ang hinihingi niya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status