Share

CHAPTER SIX

" You can't do that, Kyro. " pag-pigil ni Luna dito.

" Please, nasasaktan kana. Pinapalayas ka pa? Nagawa nila yun sayo? Luna, buntis ka. Kung gusto nilang panindigan ko ang batang iyan gagawin. Aaminin kong galit ako nung una, naiinis ako pero di kaya ng konsensya ko na masaktan ka eh, " naaawa saad ng binata.

" Wag. Ako na bahala sa bata. Ayaw kong mawala scholarship mo dahil sa akin. I will face it. Hayaan mo na ako sa desisyon ko at hayaan mo din ako na tumira dito pansamantala lang, " ani

Luna.Naaawa si Kyro dito dahil hindi naman ito sanay sa buhay na meron siya ngayon. Pina pinalayas dahil sa na buntis siya ng isang estranghero.

" As long as I can hide it, I will hide it. Hindi pa naman lalaki ang tiyan ko eh, at gagraduate na tayo. Two months na lang naman kaya ko pang itago ang bata na ito basta walang makakaalam na buntis ako. At lalong walang makakaalam na Ikaw ang ama, " seryosong wika ni Luna. Hinawakan naman ni Kyro ang kamay nito nang mahigpit, at hinahaplos ng marahan.

" I will try my best to protect you, Luna. " tumango na lang si Luna dito.

" Gagawin ko din ang makakaya ko Kyro, " ani Luna.

" Maligo kana at baka ikaw ay mag-kasakit niyan, " ani Kyro, at tinulungan si Luna na tumayo mula sa pagkaka-upo, at kinuha ang tuwalya. Bigla itong nag hubad ito sa harapan ng binata kaya agad na nag-iwas si Kyro.

" Sa kusina lang ako at paghahanda lang kita ng makakain, alam kong hindi ka pa kumakain, " wika nito, at agad na lumabas ng kwarto. Namula naman ang mukha nito at napa sandal sa pader ng makaalis na 'to sa harap ni Luna.

" Ito na naman ang lakas ng kabog sa aking dibdib. Kinakabahan talaga ako kapag siya ang kasama ko. Sa laro at sa exam hindi ako kinakabahan ng ganito, " salita nito sa sarili.

HUMINGA muna ito ng malalim bago pumasok sa isang kwarto kung nasaan si Luna. At kalalabas lang din ni Luna mula sa Cr kung saan siya naligo. Bungad sa harapan ng binata ang naka tuwalya lang na si Luna, at ang ma bundok nitong hinaharap. Umiwas uli siya ng tingin, at inabot ang damit na kanyang nakita sa closet niya.

“ Take this! " ani Kyro, at nahihiya pa na ibinigay ang t-shirt nito.. Agad naman itong kinuha ni Luna.Dali-daling lumabas ng kwarto si Kyro, at dumeretso sa kusina upang ihanda ang naluto na niyang mga pagkain. Napangiti ito habang nakatitig sa isang bowl ng sinigang na bangus.

" Ang bango, " wika ni Luna ng nasa kusina na ito, at suo-suot ang damit pang itaas ni Kyro na sobrang laki kay Luna. Natulala si Kyro nang makita si Luna na suot ang kanyang t-shirt, wala na kasi siyang ibang mabigay a damit dahil pang-lalaki naman ang kanyang mga damit.

" I seems like a dwarf, " natatawa na wika ni Luna at hindi makatingin ng diretso kay Kyro na ngayon ay natulala. Umiwas na naman ng tingin si Kyro nang ma realize na nasa ibang parte pala siya nakatitig. Bigla kasi siyang nawala sa sarili, at natulala. Napa-ubo si Kyro at nag-iinit, hindi ata napansin ni Luna, kung kaya't parang wala lang ito sa kanya.

" Sinigang na bangus?" Masiglang wika ni Luna, at agad na umupo nang mapansin ang sinigang sa mesa. Napalunok naman si Kyro, at umupo na rin.

" D-dahan dahan ka lang Luna. Wala kang kalaban sayo lahat yan, " paalala naman ni Kyro. Napatigil naman si Luna at muntikan ng mabilaukan.

" Please, be careful. " Nag aalala na sabi ni Kyro at inabot ang isang baso ng tubig.

" Thank you," Ani Luna at ininom ito agad at tinignan muli ang binata.Confused naman si Kyro sa pagtitig ni Luna sa kanya. Nahiya naman ito dahil naman ito sanay pagdating sa mga babae. May dating iniibig nga si Kyro pero hanggang dun lang yun, no girlfriend since birth pa rin naman ito.

" Ang tangkad mo, sana mag mana ang baby sa iyo no.? Gwapo at maganda siguro sila, " parang wala sa sariling wika ni Luna. Napalunok naman ang binata dahil para sa kanya ay parang may bahay na siya sa sitwasyon ngayon. At napaka-ganda din ng babae sa harap niya.

" Eh. Ikaw nga din eh.maganda, talented at matalino, at mabait pa. Dapat sayo mag mana yung b-baby natin, " nahihiyang wika nito.

" Oo nga naman. Dapat sa ating dalawa, " pagsang-ayon naman ni Luna at hindi na nag salita pa.

Namumula na ang pisngi ng dalawa kaya nag fucos na lang sila sa pagkain. Hindi na din magawang mag bukas ng conversation si Luna dahil nahihiya na rin ito sa mga sinasabi niya. Pero kahit ganun pa man ay nagkakaintindihan din sila. Akala ni Luna nung una ay suplado, at snob si Kyro wala lang pala itong interes sa mga babae, at focus din sa pag-aaral, lalo pa’t scholar pala ng unibersidad.

SA KABILANG dako naman ay hindi mapakali ang ama ni Luna, na si Marcos na paikot ikot sa kanyang kinatatayuan. Hindi nito makalma ang sarili dahil labis na itong nag aalala sa anak. He was regretting, but it’s too late and they could no longer find her. Kahit na paulit ulit na binabalik panoorin ang cctv ay hindi nila mahagilap ang anak.

" Tito,what happened? " nag aalala na tanong ni Megan nakakababa lang ng hagdan.

" I can't find my daughter, do you have any idea kung saan siya pwedeng pumunta? " nag-aalala na tanong nito sa dalaga. Desperado na si Marcos na mahanap si Luna. And asking,Megan is his only way to find his daughter.

" She has a bunch of friends, Tito. She'll be fine po. It's understandable naman kung nagagalit kayo sa kanya, pero yung mag layas siya, hmm.. I can't stand her Tito, " she said and hid her devilish smile.

" I am worried sick about my daughter. I won't forgive myself if something happens to my daughter. It's my fault, I shouldn't have kicked her out. " naiiyak na wika ni Marcos.

" You kicked her out? But Tito, she is pregnant. I thought naglayas siya. Don't worry, kapag pumasok siya tomorrow I will talk to her, " Megan said, na parang nag-aalala. Huminga muna si Marcos nang malalim bago tumango kay Megan.

" Please, tell her to come home, " anito at umalis na.

" What a fool. Pity her, " Megan,said and laughed.

BOARDING HOUSE..

Hindi makatulog si Luna, at paikot-ikot ito sa kama,marahil hindi ito sanay na matulog sa ibang bahay. At ibang-iba din ang higaan niya,kaysa sa higaan niya sa mansyon. Aksidente naman na magising si Kyro, kaya agad nitong sinilip si Luna sa kama. sa lapag kasi natulog si Kyro.

" Okay, ka lang ba Luna? " agad na tanong ni Kyro dito. Umupo si Kyro at tiningnan si Luna na nakatihaya at nakatitig sa dingding. Biglang lumingon si Luna kay Kyro kaya tumagilid ito, tinitigan ni Luna ito sa mata. Lumapit naman si Kyro sa kanya.

" You want something? " tanong ni Kyro sa kanya. Ramdam na ramdam ni Luna ang mainit na hininga ni Kyro. Hindi ito kumibo at hinayaan lamang ang posisyon nilang dalawa.

" Long eye lashes. Makapal na eyebrows. Matangos na ilong. Maganda at mapula na labi. Maputi. Academic achiever at sports committee sa buong school. Captain ball and, will play abroad this upcoming international game,next month. Tell me, ano pa ba ang wala sayo? Marunong ka sa gawaing bahay, sa kusina, lahat na. " seryosong wika ni Luna, na nakatitig pa rin kay Kyro.

" You asked me right in front of my eyes? " agad na tugon ni Kyro, at hindi inalis nito ang mga titig kay Luna. Parang wala sa kanila ang iiwas sa bawat titig.

" You're good at anything. I envied you, " bulong ni Luna na ikinagulat ni Kyro.

" Sino ba ako para mainggit ka,Luna! May lagnat ka ba? " pabirong saad ni Kyro sabay hawak sa noo nito. " You're hot, " gulat na wika ni Kyro. Gusto sana nitong umalis sa harapan ni Luna, dahil kukuha siya ng pamunas o bimpo para sa noo ni Luna ng pigilan siya nito.

" Answer my question first, " pigil ni Luna dito.

" Mahalaga pa ba yan? Nilalagnat kana oh, " nag aalala na saad nito kay Luna. Mahigpit ang pagkahawak ni Luna sa kanya kaya hindi siya Nakatayo, hawak kasi ni Luna ang kwelyuhan bahagi ng damit nito.

" Mahalaga, kasi gusto kita. " sambit ni Luna na walang pag-dalawang isip. Nagulat naman si Kyro sa biglaan na confession mula sa nag-iisang Luna Natividad. Na mula ang pisngi ni Kyro sa narinig, dumadagundong na naman ang kanyang dibdib.

Napalunok si Kyro, at hindi malaman kung ano ang sasabihin kay Luna. Nagtataka, at gulat ito sa narinig ngunit may parte sa puso niya na gusto niya din pakawalan.

" You asked me earlier. You want my answer, and here's my answer, ” seryosong saad ni Kyro, at mas inilapit pa ang mukha nito sa mukha ng dalaga.

" Isang katulad mo ang wala sa akin. "

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status