Share

CHAPTER SEVEN

NAG-AALALA at hindi mapakali na inaalagaan ni Kyro si Luna, sobrang init kasi nito. Dahil buntis ito kaya hindi niya ito pwedeng painumin ng gamot, nilagyan niya ng bimpo ang noo n'to, upang hindi uminit ng sobra. Gusto niya sana na dalhin ito sa hospital ngunit ayaw ni Luna, at okay naman daw siya.

Huminga ito ng malalim habang nakatitig sa natutulog na si Luna. Humupa na ang lagnat n'to, kaya nakapag pahinga na siya. Tinitigan niya ng mabuti at mangha ito sa kagandahang taglay n'to.

" Hindi ko alam kung bakit yun ang naging sagot ko sa katanungan niya. Ano nga ba ang wala sa akin? " Napa-isip ito, at may konting ngiti ng maalala ang sinabi ng babae.

" Isang babaeng katulad mo ang wala ako. Nawa'y kong mag mahal man ako, gusto kong ikaw ang babaeng mamahalin ko, " bulong niya sa kanyang sarili. Napatakip ito sa kanyang mukha na para bang may kung anong kiliti sa kanyang tiyan na hindi niya maintindihan.

" Kakaiba ka sa lahat, " dagdag pa nito habang marahan na hinahaplos ang pisngi ni Luna.

Tunay nga naman talaga na maganda si Luna, maraming manliligaw ni isa ay walang na-iibigan ang dalaga. Nakakabighani ang ganda nito, maliban sa kagandahan ay ang mabuting puso rin.

Napangiti ito, at hindi kayang alisin ang tingin sa babae na para bang nahulog na." Kakaiba ka sa lahat, " sambit nito sa mahimbing na natutulog na si Luna.

Nakaramdam ng matiwasay na pakiramdam si Luna, kung kaya't mahimbing na ang kanyang pagtulog. Hindi na rin masakit ang kanyang ulo, at maayos na ang kanyang pakiramdam. Nagising siya dahil nakaramdam siya ng uhaw ng madatnan niya si Kyro na nakayuko habang natutulog sa upuan, sa tagiliran ng kanyang kama, at isang maliit na palanggana sa gilid nito na may lamang tubig.

Nang ma realise ni Luna ang ginawa ni Kyro ay biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nakatulog ito sa upuan habang nakayakap sa sarili si Kyro, naawa naman si Luna sa sitwasyon nito. Napatingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding. Madaling araw na pala, dahan dahan na tumayo si Luna upang kumuha sana ng tubig ng makaramdam siya ng takot. Ingay ng puso na nakakatakot sa kanyang pandinig. Nilingon niya si Kyro at nilapitan upang gisingin.

" Kyro, " mahinang sambit niya dito. Dahan dahan naman na niyugyog ni Luna ang paa nito. Ngunit hindi pa rin its hurt nagising, marahil napagod sa pag-aalaga sa kanya. Mas nilapitan pa niya ito, at this time ay nasa harapan na siya ni Kyro.

“ Ky? H-hey, wake up, ” wika nito sa mahimbing na natutulog na si Kyro.

Ilang sandali pa lamang ay bumukas na din ang mga mata ni Kyro, na naging dahilan upang mag-tagpo ang kanilang mga mata. At parang may kung kuryente na dumadaloy sa bawat isa sa oras na mag-tagpo ang kanilang mga mata. Walang umimik, parang na bato na ang dalawa. Ngunit agad na nag-iwas tingin si Luna dahil pakiramdam niya ay nag-iinit ang kanyang pisngi. Hindi nakaimik si Kyro at panay titig lang ito kay Luna.

" Panaginip ba ito? " ani Kyro. Natawa si Luna, at hinawakan ang pisngi nito. At ang noo nito.

" Hindi. Baka na sayo na ang lagnat ko ah, bumangon ka na nga diyan, " natatawa na sabi ni Luna.

Akala ni Luna ay ta-tayo na si Kyro. Kaya tumayo na din siya ng maayos at tumalikod na papuntang kusina upang kumuha ng tubig dahil kanina pa ito nauuhaw. Hindi na rin kasi nakaramdam ng takot si Luna dahil gising na si Kyro. Ngunit napatigil siya ng hawakan ni Kyro ang kanyang braso. Lumingon siya sa kay Kyro na nasa harapan na niya, napadako naman ang tingin ni Luna dahil sa tangkad ba naman ni Kyro. Gulat siya sa ginawa ni Kyro, gusto na nga niyang lumabas ng kwarto dahil nag-iinit na ang kanyang pisngi dahil kanina.

" Kyro? " gulat na sambit ni Luna.

Nagulat si Luna ng biglang dumampi ang labi ni Kyro sa labi niya. Hindi makagalaw si Luna, at parang paralisado itong nakatingin kay Kyro na damang dama ang halik, at hindi pa ito kumukurap na tinitigan siya.

" I liked you, " bulong ni Kyro ng mag-hiwalay ang mga labi nila. Parang nag pantigan ang tenga ni Luna, at mamilog ang mga mata nito ng may maalala.

Mabilis niyang naitulak si Kyro, at dali-daling lumabas ng kwarto.Tulalang hinaplos ni Luna ang mga labi, kumakabog ang dibdib at hindi maintindihan ang nararamdaman.

" Why did he suddenly kiss me? " wala sa sariling sambit nito.

" Did he mean it? Sagot niya sa aking katanungan kanina, did he really mean it? If ever it is, is there a chance for us? " wala pa rin sariling salita nito.

Nanginginig, kinabahan na kumuha ng tubig si Luna. Huminga muna ito bago inihanda ang sarili na harapin si Kyro. Bumalik na ito sa kwarto, and there. There he saw him sleeping peacefully at the bed as if nothing happened. The bed still has still space for her to lay on.

Hindi na nag dalawang isip si Luna na tumabi kay Kyro, at hinarap ito. Magkaharap ang kanilang mga mukha, at ramdam na ramdam ang bawat hininga.

Tinitigan ito ni Luna, at kusang gumalaw ang kanyang kamay na para bang may sariling isip. Hinaplos nito ang pisngi at pinisil nito ang pisngi ni Luna ng konti para hindi ito magising. Parang nanggigil si Luna kaya sa hindi sinasadya ay napisil niya ang matangos na ilong nito, upang maging dahilan na magising si Kyro.

" Aww. What was that? " gulat na tugon nito.

Pilit pinipigilan ni Luna na hindi ma-tawa sa kanyang ginagawa, pero hindi ito nag tagumpay at bumuhakhak. Kyro was confused, he keeps rubbing his nose, dahil siguro napalakas ang pag pisil ni Luna sa kanyang ilong kaya medyo masakit para sa kanya. Tawa pa rin ng tawa si Luna, hanggang sa muntik na itong mahulog sa kama mabuti na lang at mabilis si Kyro at agad siyang nahila nito pabalik.

" uhm.. K-kyro ? " nauutal na sambit nito.

Because he held her back, and used too much force, ay napatong niya si Luna sa ibabaw nito. Nahihiya si Luna na bumaba sa itaas ni Kyro. Si Kyro naman ay tulala.

" Pasensya na, " mahinang saad ni Luna at humiga ng maayos saka nag tabon ng kumot.

" My heart will explode if this continues, " Kyro whispered. Shocked!

KINABUKASAN ay nauna na magising si Luna, dahil sa kanyang morning sickness. Suka ito ng suka.

" Are you okay? " nag aalala na tanong ni Kyro na pumasok ng Cr, at agad na hinagod hagod ang likod ni Luna.

" I am f-fine now, " ani Luna na lumabas na ng cr.

" If I just can do something on your morning sickness, siguro hindi kana mahihirapan pa, " Kyro said.

Nag handa na ito ng pagkain. At sabay na nag agahan ang dalawa.Nasa campus na sila , kaya nag hiwalay na ng landas ang dalawa. Parang hindi sila magka-kilala.

WHEN Luna was in the school corridor, she felt something strange. Their gazes were confusing as if they're checking something on her. Luna scoffed and went straight to the library, and didn't bother. When she was in the library, she saw her friends whispering. Hindi niya marinig ang pinag-usapan nila, dahil nga nasa library sila, bawal maingay.

Hindi muna siya pumunta sa table ng mga kaibigan, alam niya kung bakit. Parang alam na ng buong school ang tungkol sa kanya. Nang lapitan niya ang mga kaibigan ay gagulat si Luna sa inasta ng mga ito. Nang umupo na siya ay nag-si-alisan ang nga ito,at hindi man lang siya pinansin. Hindi na lang siya nag-abala na tawagi sila, dahil may ideya na siya kung bakit.

" Oh. The disgrasyada is here, " natatawa na salita ng babae sa kabilang table. Alam ni Luna na sinadya na lakasan ng babae ang boses nito upang kanyang marinig. She was trembling in anger kasi alam niyang siya ang pinapahiwatig ng babae.

" I thought she's smart. What a waste. Her taste is poor, " rinig nitong salita at sabay pa na tumatawa.

They judged her immediately. Inayos niya ang mga libro na kinuha niya sa shelf kanina, at binalik agad matapos mag aral. Nagugutom ito, but she doesn't want to eat. She wants to see him.Tumayo ito and ignore the girls who's talking behind her. When she passed at them, they just stared at her. They thought na papansinin sila ni Luna.

" Did she just ignore us? What the fuck, " pag-mumura ng isa.

" Maybe she heard what we were talking about. Luna is kind, and I don't understand why you turn your backs on her, " said the other one.

" Shut up Emily. You loser! " wika naman ng kasama nito. “ We just make friends on her dahil bugatin siya, si Megan pa rin friend ko. ” wika nito.

Hindi alam ni Luna kung saan siya pupunta, she wants to cool down. She was so down. Everyone is talking about her. Habang nasa malalim na pag-iisip ay sa gym siya dinala ng kanyang mga paa, parang may sariling utak talaga katawan niya. She was on the benches when she saw a bunch of men playing inside the court. She suddenly smiles after seeing a familiar gesture of a guy, who is sweating and so hot to watch..

Tahimik lang itong nanunuod ng mga lalaking nag lalaro ng volleyball,may mga babae din na nag cheer up. A bunch of girls saw Luna who's sitting alone on the other side of the bench.

" Girls, " tawag ng babae sa kasamahan niyang cheerdance.

" Look at this slutty, tahimik ngunit nasa loob ang kulo. "

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status