Kahit late siya ay nagtaka siya nang hindi siya napagalitan niya Talula. Tiningnan lang siya ni Talula at ibinalik ang tingin sa laptop nito. Napansin niyang nagbulungan agad ang mga katrabaho niya nang mapansing dumating na siya. Nagulat nalang siya paglapit niya sa upuan niya ay may kape na sa desk niya. May note pang nakalagay sa cup ng kape. 'Keep it up. Kaya mo 'yan.' Iyon ang nakasulat sa cup ng kape na nasa desk niya."Sa'kin galing 'yan." ani isa sa katrabaho niya na agad lumapit sa kaniya. Napanganga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Isa kasi ang lalaking ito na nanguutos sa kaniya noon ng kape. Nakakagulat na biglang ganito na ito sa kaniya ngayon. Ito pa mismo ang nagbibigay sa kaniya ng kape. Ngumisi ito. "Naisip ko lang na baka hindi ka pa nagkape. No'ng bumaba ako para magkape, naisip agad kita."Alanganing ngiti ang ginawad niya dito. Naninibago pa rin siya. "Aysus, napaka sipsip talaga," ani isa pang lalaki na dumaan sa likod. Pinaparinggan nito itong nagbigay
Nagmamadali sa pag-out si Serrie. Male-late na siya sa trabaho sa canteen. Nasa baba na siya ng building nang mapansin na wala ngayon ang driver niya. Sa tuwing bababa siya ang alam niya, nandiyan agad si Manong Arnaldo. Pero ngayon, nakapagtataka na wala.“Baka may pinuntahan lang,” aniya sa sarili. Maghihintay na lang siya doon. Ilang saglit ay may dumating nga. Napangiti siya. Kaya lang naglaho ang ngiti sa labi niya nang bumukas ang bintana ng sasakyan. Si Hidan ang bumulaga sa kaniya.Bumaba ito sa sasakyan at hindi maalis ang tingin sa kaniya. Pinanliitan siya nito ng mata.“You look shock," puna nito.Alanganin siyang nagbitiw ng ngiti. “N-Nasaan si Manong?”“Pinag-leave ko muna,” anito tapos ay binuksan ang pinto sa front seat. Hindi agad siya nakakilos. “Get inside, Serrie,” untag nito sa pagkatulala niya.Saka lang siya natauhan at agad kumilos. Nasa front seat na siya nang yumuko si Hidan. Namilog ang mga mata niya nang lumapit ang mukha nito sa kaniya.“Simula ngayo
“Sa susunod na lang siguro. Babalik ako rito.” Bagkus ay iyon ang naging sagot nito.Napasunod ang tingin niya kay Serrie. Hindi talaga ito nagturo ng gusto nito. Hinawakan lang nito ang mga paninda doon at tinitingnan ang presyo. Ilang saglit ay napahinto si Serrie sa may crib.Napatitig na naman ito doon at tila ang lalim ng iniisip. Hinawakan pa nito ang price tag ng crib. Tsaka nito iyon nilampasan at kalaunan ay lumapit sa kaniya.“Tara na, Hidan.” anito. Napakurap kurap siya nang banggitin nito ang pangalan niya. Nanibago siya nang marinig ang pangalan niya mula pa mismo kay Serrie.Nakalabas na si Serrie sa tindahan bago niya pa namalayan. Lumapit siya sa sales lady na nakasunod kanina kay Serrie. Namula ito nang magtama ang mata nila.“S-Sir, ano pong atin?” anito na namumula pa rin.Binalingan niya ang crib na tinitigan kanina ni Serrie.“Lahat ng hinawakan ng asawa ko kanina. Bibilhin ko.” Napanganga ang babae. “A-Asawa niyo po 'yon? May asawa na po kayo?”Kumunot ang noo
Maagang nagtungo si Serrie sa karinderya nang day-off niya. Dati wala siyang day-off. Ngayon, binigyan na siya ng day-off at masayang masaya talaga siya.“Ilang beses ka pang maglilihim sa akin, ha? Alam mo bang pinagtrabaho kita ng gabi dito? Mula ka pa sa trabaho mo sa opisina tapos didiretso ka pa dito.” tila problemadong problemado si Nanay Linda kinaumagahan nang makita ulit siya sa karinderya.“Nay, sorry-”“Huwag mo akong ma-sorry sorry!” putol ng matanda sa sasabihin niya pa sana. “Kung hindi ko pa pinilit si Wen-wen kahapon hindi ko malalaman na buntis ka. Tapos parati ka pang pagod. Nasaan na ba iyang asawa mong mayaman at tila wala namang pakialam sa'yo? Gusto ko siyang turuan ng leksyon. Wala akong pakialam kung mayaman siya!”Akmang lalabas pa si Nanay Linda hawak ang sandok. Hinawakan niya nga lang ito sa braso para hindi na nito ituloy ang binabalak.“Nay, tama na po. Ayos lang naman ako, e.” Napanguso siya.Iritadong binalingan siya ni Nanay Linda at kinurot ang tagili
Sa loob ng ilang buwan. Nanatili siyang malayo kay Hidan. Kahit kailangan niyang panatilihin ang pagsasama nila ay alam niya pa rin ang limitasyon niya.Asawa lang siya ni Hidan sa papel. May girlfriend pa rin ito at dapat niyang isaisip iyon.“Your belly is now growing, Serrie. I don't think so if letting you work until now is a good idea.” Nagulat na lang siya nang marinig iyon kay Hidan. Six months pa lang naman ang tiyan niya. Kaya niya pang magtrabaho.“What I mean is, kailangan na’tin i-consider ang safety ng bata sa ngayon. So, if it is okay to you if you quit your job in the company,” paliwanag ni Hidan nang mapansin ang pagtataka sa mga mata niya.Napalunok siya at napayuko. Hindi niya alam kung tama ba na mag-quit siya gayong hindi niya alam ang maaring mangyari sa kanila ng bata sa mga kamay ni Hidan. Nandiyan si Amara. Baka balang-araw maaring magbago ang isipan ni Hidan pagdating sa kanila ng bata. Maaring hindi ngayon. Pero paniguradong darating ang panahong ‘yon. Ano
“Baliw ka talaga, Serrie. Alam mo namang may girlfriend na iyong tao, e. Malamang may nag-aalaga na doon. Huwag nang makialam pa. Para hindi ka napapahiya.” aniya sa sarili habang naglalakad sa park.Umupo siya sa isa sa upuan doon. Panay pa rin ang pahid niya sa luha niya.“Tumigil ka na. Hindi ka dapat umiiyak diyan. Ayos lang 'yan. Masarap kaya itong pagkain na'tin.” cheer niya sa sarili.Pinahid niya ulit ang luha sa pisngi tapos ay umupo siya sa isang upuan doon malapit sa isang lamp post. “Kain tayo, baby. Para tayong nagpi-picnic ngayon.” Para siyang baliw na umiiyak at natatawa. Bakit ba kasi siya nag-aalala pa kay Hidan? Maraming nagmamahal sa lalaking 'yon. Siguro ang dapat niyang isipin ngayon ay ang anak niya.Tapos niyang kumain ay luminga linga siya sa paligid. Wala ang driver niya. Tinakasan niya kasi iyon. Babalik din naman agad siya.Ilang saglit ay bumalik na siya sa sasakyan. Hindi napansin ng driver na tumakas siya kanina. Hanggang sa biglang tumunog ang phone n
Ilang beses na nag-ring ang phone ng Mama ni Serrie pero ayaw sumagot. Nasaan na ba ito? Gusto niya itong kausapin pero hindi ito sumasagot. Kailangan niyang tanungin ang ina niya tungkol sa mga narinig niya. Ang ina niya? Ang dahilan ng pagpapakamatay ng ina ni Hidan? Halos hindi siya makapaniwala.Hindi kailanman nakwento iyon ng Mama niya. Ngayon ay siya ang paghihigantihan ni Hidan. Hindi lang siya ang mapapahamak ngayon. Maging ang batang nasa sinapupunan niya, madadamay. “Dyusko po...” mahinang sambit niya nang matapos ang ilang ring ngunit hindi pa rin sumasagot ang Mama niya.Hindi siya pwedeng magtagal doon. Kailangan niya nang kumilos.Agad siyang nagtungo sa closet niya at pinagmasdan ang mga damit niya doon. Ang madalas na dinadala niyang bag ay iyong maliit. Sa pagkakataong ito ay kailangan niyang magdala bukas ng medyo malaki-laking bag. Pinili niya ang mga damit na madalas niyang dalhin. Iiwan niya ang damit na hindi niya naman madalas gamitin. Makakabili pa siya ng
“Tatlong araw na siyang natutulog, 'di ba? Ayos lang kaya siya?”“Buntis siya. Asawa kaya ito ni Sir? Nagtataka ako. Ngayon lang nag-uwi ng babae si Sir. Ngayon ko lang siya nakita.” “Oo nga, 'no? Hindi ko naisip 'yan.”Nakarinig si Serrie ng usapan sa paligid. Iyon ang dahilan para dahan dahang magmulat ang mga mata niya. Ang mataas na kisame ng isang kwarto ang bumungad sa kaniya.“Dyusko! Gising na siya! Dali magtawag tayo ng kasama.”“Gising na nga siya!”Sinundan iyon ng mga mabibilis na yabag palabas. Halatang tumakbo ang mga babaeng iyon matapos malaman na gising na siya.Nakaramdam siya ng pamimigat ng katawan kaya muli niyang sinara ang mga mata. Nagising na lang ulit siya may nagche-check na ng BP niya. Nang magmulat siya ng mata ay isang pigura ng lalaki ang naaninag niya. Hanggang sa naging klaro ito.Sandro Alvarez?Kahit masakit pa ang katawan at namimigat pa ay bumangon siya. Agad siyang nilapitan ni Sandro at ng doktor na nasa tabi.“Huwag mong pilitin ang sarili mo,