Share

Kabanata 17

Kahit late siya ay nagtaka siya nang hindi siya napagalitan niya Talula. Tiningnan lang siya ni Talula at ibinalik ang tingin sa laptop nito. Napansin niyang nagbulungan agad ang mga katrabaho niya nang mapansing dumating na siya.

Nagulat nalang siya paglapit niya sa upuan niya ay may kape na sa desk niya. May note pang nakalagay sa cup ng kape. 'Keep it up. Kaya mo 'yan.' Iyon ang nakasulat sa cup ng kape na nasa desk niya.

"Sa'kin galing 'yan." ani isa sa katrabaho niya na agad lumapit sa kaniya.

Napanganga siya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Isa kasi ang lalaking ito na nanguutos sa kaniya noon ng kape. Nakakagulat na biglang ganito na ito sa kaniya ngayon. Ito pa mismo ang nagbibigay sa kaniya ng kape.

Ngumisi ito. "Naisip ko lang na baka hindi ka pa nagkape. No'ng bumaba ako para magkape, naisip agad kita."

Alanganing ngiti ang ginawad niya dito. Naninibago pa rin siya.

"Aysus, napaka sipsip talaga," ani isa pang lalaki na dumaan sa likod. Pinaparinggan nito itong nagbigay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status