Share

Kabanata 43

Penulis: noowege
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-13 18:50:36

Napasinghap si Serrie nang matanaw ang mansyon. Nandito na sila. Kung pinayagan lang sana siya nitong sumakay ng ibang sasakyan. Hindi sana siya mahihirapang umiwas ngayon.

"D-Dito lang ako!" Natataranta niyang pinahinto si Hidan bago pa sila makarating sa gate ng mansyon.

"Papasok na tayo sa gate, Serrie," anito na pagdududa sa mga mata.

"Hindi na. Dito na lang ako."

"Papunta ka na rin do'n, Serrie," giit nito.

Nagtagis ang bagang niya. Ayaw niya nga sabing bumaba sa mansyon. Ayaw niyang makita silang magkasama ngayon. Papaano kapag nalaman ni Hidan na hindi naman talaga siya inutusan ni Sandro? Na gawa gawa niya lang yun at bigla na lang siyang sumugod doon sa hospital ng hindi nag-iisip.

Ayaw niyang magduda si Hidan. Ayaw niyang isipin nitong nagkukunwari lang siyang walang maalala. Sa mga oras na yun parang gusto niyang kaltukan ang ulo dahil sa katangahang nagawa. Bakit nga ba siya biglang nag-alala sa lalaki? Si Hidan ang dahilan kung bakit muntik na silang mapahamak ng kaniya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 43

    Napasinghap si Serrie nang matanaw ang mansyon. Nandito na sila. Kung pinayagan lang sana siya nitong sumakay ng ibang sasakyan. Hindi sana siya mahihirapang umiwas ngayon. "D-Dito lang ako!" Natataranta niyang pinahinto si Hidan bago pa sila makarating sa gate ng mansyon."Papasok na tayo sa gate, Serrie," anito na pagdududa sa mga mata."Hindi na. Dito na lang ako.""Papunta ka na rin do'n, Serrie," giit nito.Nagtagis ang bagang niya. Ayaw niya nga sabing bumaba sa mansyon. Ayaw niyang makita silang magkasama ngayon. Papaano kapag nalaman ni Hidan na hindi naman talaga siya inutusan ni Sandro? Na gawa gawa niya lang yun at bigla na lang siyang sumugod doon sa hospital ng hindi nag-iisip. Ayaw niyang magduda si Hidan. Ayaw niyang isipin nitong nagkukunwari lang siyang walang maalala. Sa mga oras na yun parang gusto niyang kaltukan ang ulo dahil sa katangahang nagawa. Bakit nga ba siya biglang nag-alala sa lalaki? Si Hidan ang dahilan kung bakit muntik na silang mapahamak ng kaniya

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 42

    "Anong ginagawa mo?"Parang nagulantang siya sa nakikita. Nagkasundo na sila kanina na magtabi pero kasama sa kasunduan nilang haharangan nila ng unan ang gitna ng higaan. Alam niyang maliit lang ang hospital bed pero pinipilit ni Hidan na doon siya matulog at hindi sa sofa kaya napipilitan siya ngayong matulog na lang doon. "Nag-usap na tayo kanina, Hidan." Iritado na siya nang sabihin iyon. Hindi kasi ito tumutupad sa usapan.Pero hindi nakinig ang lalaki at nagpatuloy sa pagtabi sa mga unan. Kinakabahan na siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Hidan. Kung pwede niya lang itong sigawan ay baka kanina niya pa ginawa. Kaya lang baka pag nagpakita siya ng panic at mapansin nitong affected siya ay baka isipin nitong may naalala na siya. Nagkukunwari lang siyang walang naalala kaya dapat hanggang ngayon isipin pa rin nitong wala nga siyang naalala.Nang maalis na nga nito ang mga unan ay tumingin sa kaniya si Hidan. Sumilay ang mapaglaro nitong ngisi. “Now we can sleep,” anito.Nap

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 41

    Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 40

    Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 39

    Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 38

    Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kinabibilangan ng dalawang lalaki. Sa pagkakataong ‘yon ay hindi maalis sa isipan ni Serrie ang ideyang baka nga alam ni Hidan na anak nito si Edann. Ang alam ni Hidan ay wala siyang maalala. Kahit kailan ay hindi naman siya nito pinagdudahan. May mga oras na inuusisa siya nito. Dahil sa aksidente ay maaring isipin nitong nakunan siya... na imposibleng maka-survive ang anak niya doon.Pero mayaman si Hidan. Hindi imposibleng malaman nito ang tungkol sa anak niya. Lalo na at related sa kaniya ang bata. Nanginig ang daliri niya sa kamay habang nakasunod sa stretcher na lulan ng anak niyang walang malay. Doble ang kaba na naramdaman niya na sinabayan ng kalituhan. Bakit ganoon na lang ang reaksyo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status