Five years later..
Nagmamadaling bumangon si Jade ng makitang mag aalas sais na ng umaga sa wall clock na nakasabit sa bandang paanan ng kanilang kama. Halos takbuhan niya ang banyo.
Late na siya sa kanyang trabaho!
Tiningnan niya ang alarm clock at napamura siya ng makitang hindi iyon umaandar. Kagabi lang maayos pa iyon ng i-set niya ah? Kung kailan kailangang maaga siyang papasok sa hotel saka pa iyon nasira.
Agad siyang pumasok sa banyo at dali-daling naligo. Pagkalabas niya, derecho siya sa tokador at nagsuklay ng buhok, hindi na siya nag abalang i-blower pa iyon. Pagkatapos ay dali-dali rin niyang isinuot ang kanyang uniporme. Isang polo shirt na may naka embroidery na pangalan ng pinagtatrabahuhang hotel sa bandang itaas ng dib-dib at isang slack pants na kulay itim. Matapos ring isuot ang kanyang sapatos ay lumabas na siya sa kanilang kwarto. Hinaklit niya lang ang kanyang bag na nakapatong sa mesita doon sa gilid ng kama.
"Good morning po mama,"
Napangiti siya ng datnan sa komedor ang anak na nag aalmusal, lumapit siya rito saka ginulo ang buhok nito.
"Ba't hindi mo ginising si mama hah?" Nakanguso niyang sabi bago ito hinalikan.
"Ang himbing kasi ng tulog mo mama, kaya hindi po muna kita ginising" he tilted his head to look at her, particularly in her uniform.
"Sana ginising mo nalang si mama para si mama ang nagpaligo sayo."
Umungol ito. "Kaya ko na po.." He said pouting his lips.
Ngumiti siya saka minasdan ang maglilimang taong gulang na anak. He is now in his school uniform and ready for school.
"Magwo-work ka po?" Kunot noong tanong nito.
"Oh, Jade.." Nakita niyang palapit si Nanay Cely, dala-dala ang isang bandehado ng fried rice, "may pasok ka? di ba day off mo ngayon?"
"Pinaduty po ako ni manager Leo 'nay, marami kasing guest na darating ngayon."
"Ganoon ba, mag-almusal ka muna bago pumasok."
"Salamat po nay" Sabi niya saka hinila ang isang silya at naupo. "Pasensiya na po tinanghali ako ng gising."
"Kuu.. wala yon, alam ko naman na pagod na pagod ka. Halos hating-gabi ka ng umuwi kagabi, wag kang pasosobra sa trabaho iha at baka makasakit ka na niyan sa ginagawa mo."
"Ngayon lang naman po ito nay kasi peak season. Sa susunod na buwan po balik na sa normal ang aming schedule."
"Hindi ka po makaka-aatend ng meeting namin sa school mamaya mama?"
"Hah..? ah--" napatingin siya kay Nanay Cely.
"Di ba sabi mo ikaw ang pupunta?"
"Zach, akala kasi ng mama mo day off niya ngayon, kaya lang bigla siyang pinapasok sa work nong sir nila kaya hindi siya makakasama sayo. Nandito naman si Lola Nanay, ako ang pupunta mamaya sa meeting ninyo okey?"
Ngumuso ang anak niya at tila nagtatampo. Nangako kasi siya na siya ang a-attend sa meeting tungkol sa christmas party ng mga ito and as usual hindi na naman siya nakatupad sa kanyang pangako at nagi-guilty siya na palaging ganoon.
Napakagat labi siya, naaawa sa anak.
"Sorry baby hah.." hinawakan niya ang braso ng anak. "Di ba alam mo naman kaya nagwo-work si mama ng mabuti ay para sayo.. di ba?"
He pouted his lips and nodded, walang salitang lumabas sa bibig nagtatampo pa rin. Pero maya-maya'y nag angat ng tingin sa kanya.
"Okey lang po mama.."
Napabuntong hininga siya, "I'm sorry baby."
"I understand po mama, pupunta naman si Lola Nanay, kaya okey lang po."
"Ganito nalang baby, ako nalang ang maghahatid sayo ngayon sa school. Okey ba yon?"
Nakita niya ang pamimilog ng mga mata nito, "Talaga po mama?"
Tumango siya saka ngumiti. Wala na siyang pakialam kung male-late na talaga siya sa kanyang trabaho. Sa ngayon ang importante ay ang kanyang anak.
Sa sobrang busy niya sa trabaho mabibilang lang ang pagkakataong nahahatid niya ito sa skwelahan.
Sa mga meetings at school activities nakaka-atend lang siya kung nagkataon na day off niya kaya siguro ngayon laking tuwa nito na maihahatid niya sa kabila nang papasok siya sa trabaho."Magto-toothbrush na po ako mama," Dugtong pa nito ng matapos na inumin ang gatas nito saka dumeretso na sa lababo.
Tinapos naman niya ang kanyang agahan saka nag ayos muli ng kanyang sarili.
"Tito Alex!" nagulat pa siya sa biglang sigaw na iyon ni Zach, he is now rushing through the kitchen door.
Nang lumingon siya. Karga na ni Alex ang kanyang anak at tuwang-tuwa na hinahalikan ang buong mukha nito.
"Na miss kita.." Natatawang sabi nito.
"Akala ko ba, bukas ka pa uuwi? napaaga yata?" Tanong ni Nanay Cely sa anak.
"Maaga ko po kasi natapos ang pag ayos sa sasakyan ni mang Kanor nay kaya napaaga ang uwi ko." sagot nito pagkunwa'y tumingin sa kanya.
Tumango siya at ngumiti bilang pagbati.
Noong isang araw ay pumunta ito sa kabilang bayan para ayusin ang sasakyan ni mang Kanor ayon na rin sa request ng matanda. Buong akala nila bukas pa ito makakauwi dahil medyo malayo-layo rin ang bahay ng matanda na nasa dulo pa sa kabilang bayan.
Automotive engineer. Iyon ang natapos na kurso ni Alex, ito rin ngayon ang nagmamanage ng automotive shop na iniwan ng yumao nitong ama. Nagpapatayo na rin ito ngayon ng building para sa mga auto and motor parts sa gilid ng shop nito.
"Kung ganoon po.. maihahatid mo po ako ngayon sa school Tito Alex?"
"Pagod pa ang Tito Alex mo Zach at saka baka--"
"I'm not tired Jade.." He cut her off. "Kaninang madaling araw pa akong nakauwi, nakapagpahinga na ako at kaya ako nandito ay para talagang ihatid itong baby Zach ko.." Sabi nito at gigil na ginulo ang buhok ng kanyang anak.
"I am not a baby anymore Tito Alex!" Ngumuso ito at tila naiirita ang itsura. "Bakit ba baby parin tawag ninyo ni mama sa akin, eh hindi na nga ako baby!"
Amused at taas kilay na tiningnan siya ni Alex, napataas na rin ang kanyang kilay, pinipigilan ang mapatawa pero si Nanay Cely ay hindi na napigilan ang pagtawa.
"Nakakainis naman kayo Lola nanay eh, pinagtatawanan ninyo po ako!" maktol nito.
"Hindi ah! si Tito mo Alex ang pinagtatawanan ko!"
"Hindi naman eh.." Busangot pa rin ang mukha nito.
Lumapit dito si Nanay Cely at nangingiting hinalikan ito sa pisngi.
"O siya, alis na kayo, male-late na si mama mo sa work niya!"
Tumingin si Nanay cely sa kanyang direksyon at tinanguan siya, ganoon din kay Alex.
"Alis na kami nay.." Paalam ng binata, karga parin nito si Zach na noo'y mahigpit paring nakapulupot sa leeg nito.
"Ako na ang magdadala sa bag ni Zach," Agaw niya ng hilahin sana ni Alex ang maliit na trolley bag ng anak.
"Alis na kami nay.." Paalam niya sa matanda at hinalikan ito sa pisngi.
"Hintayin mo lang si Lola Nanay sa room mo mamaya Zach hah.." Pahabol pa ni Nanay Cely.
"Opo Lola.." Sagot ng anak na hinalikan rin ito.
"IHAHATID na kita sa hotel," sabi ni Alex matapos nilang maihatid sa room si Zach.
"Hah? Ah, hindi na Lex, mag tri-tricycle nalang ako," Alanganin siyang ngumiti.
"Ihahatid kita Jade," with finality in his voice, he insisted "malapit lang naman ang hotel kaya ihahatid na kita."
Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan nito habang papunta sa pinapasukang hotel. Pasulyap-sulyap siya sa direksyon nito na noo'y nakapokus ang tingin sa daan. He still have that strict aura gaya noong una niya itong nakilala doon sa ospital. Inakala niya pa ngang pipi ito noon dahil ni hindi niya ito narinig na nagsalita sa buong oras na naroroon ito.
Pero noong mga panahong nakatira na siya sa mga ito doon niya nalaman na masayahin pala itong tao at gaya ni Nanay Cely at ni Cynthia, napakabuti rin nito sa kanilang dalawa ni Zach. Kung wala siguro ang mga ito noon, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Sa kanila ng anak niya?
"Ang gwapo ko noh.." Amused nitong sabi ng mahuli siyang nakatitig dito.
Natatawang tinampal niya ang braso nito.. "Ang yabang!"
"Aminin mo na kasing nagwa-gwapuhan ka sa akin kaya halos buong byahe natin, nakatitig ka. Pinagnanasaan mo ako noh..?"
"Baliw!" Natatawa niyang sabi, "Naisip ko lang, ano kaya ang nangyari sa amin ni Zach kung hindi kayo ni Nanay Cely ang nakakita sa akin noon, sa tingin mo buhay pa kaya kami?"
Napatingin ito sa kanya, pero sandali lang, muli rin nitong ibinaling ang tingin sa harapan.
"You had suffered more than enough that time at may munting anghel kang dinadala noon kaya hindi ka pinabayaan ng Diyos. Kami lang siguro ang ginawa niyang daan para tulungan kang hindi tuluyang bumigay at sumuko ng mga panahong iyon. Everything happens for a reason jade."
"Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan na yan Lex."
"Alam mo Jade.." Mahina nitong sabi "Alam mo."
Napakagat-labi siya.
"Si Zach.. Siya ang magandang rason kung bakit nangyari yon sayo, kung bakit nakilala ka namin noon. Si Zach ang nagbigay ng kaligayahan sayo, sa amin, sa ating lahat. He's a God gift to us Jade.."
"I know," she silently whisper.
Tama ito, kung mayroon mang magandang nangyari sa buhay niya sa nagdaang mga taon, yun ay nong dumating si Zach sa piling niya.
Dahil din sa nangyaring yon sa kanya, nakilala niya si Nanay Cely at sina Alex at Cynthia. Sa piling ng mga ito ay naramdaman niya kung paano ang magkaroon ng masaya at kumpletong pamilyang kailanman hindi niya naranasan sa pamilya ng kanyang ama.
Matapos bumaba at magpasalamat kay Alex ay tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng hotel.
"MISS Jedea Sebastian! Bakit ngayon ka lang?" Agad na salubong sa kanya ni manager Leo. "Di ba sabi ko bago mag alas siyete dapat narito ka na?"
"Pasensiya na manager Leo, hinatid ko pa po kasi si Zach sa school."
"O siya, sige.. dalian mo na diyan at ayusin ninyo na yung lamesa sa function hall. May bisita tayo mamaya!"
NAGING abala nga ang lahat sa kani- kanilang mga trabaho. Ang ilang staff ay nag eestima ng mga guests ng hotel. Ang iba naman, gaya niya, naroon sa loob ng function hall at inaasikaso rin ang mga bisitang dumadating para sa okasyon na iyon.
Natigil lang siya ng hilahin ni Cynthia ang kanyang kamay. Napabaling siya rito.
"Bakit? May problema ba Cyn?" kunot noong tanong niya.
Tulad niya, doon din ito nagtatrabaho sa hotel. Magkaiba nga lang sila ng schedule, pang araw siya at pang gabi naman ito.
"Ilang gabi ka na nag o-overtime, wala ka ng pahinga baka magkasakit ka na niyan. Sigurado ka ba na kaya mo pang magtrabaho?" Puno ng pag aalala ang boses nito.
Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.
"Okey lang ako Cyn, saka nagpaalam na naman ako kay manager Leo na bukas ako mag da-day-off. Susulitin ko nalang ang pahinga ko bukas"
"Sigurado ka?"
Tumango siya saka muling ngumiti."Don't worry, I'm really okey.."
"Ah, excuse me miss, nasaan ang ladies room ninyo dito?" Isang ginang ang lumapit sa kanila.
"Ah, this way ma'am." Agad niyang simamahan ang babae papunta sa ladies room.
Naglalakad na siya pabalik ng mapansin ang isang batang babae na umiiyak na nakaupo sa pasilyo doon malapit sa ladies room. Sa tantiya niya nasa tatlo o apat na taong gulang ang bata.
"Hey little girl, why are you crying?" Lumapit siya at nagtalungko sa harap nito.
Napaangat ang luhaang mukha nito sa kanya.."I'm looking for my mama, I thought she's the one you took to that room!" Itinuro pa nito ang direksyon ng ladies room.
"Stop crying na okey, I'll help you look for your mama, hmm.." sabi niya saka ito binuhat.
Tumango naman ito saka yumakap sa kanyang leeg. Buhat-buhat na niya ito pabalik ng function hall.
Malakas na palakpakan ang narinig niya ng tuluyang makapasok sa loob. Nang tumingin siya sa may stage, nakita niyang paakyat doon ang kanilang presidente habang hawak ang isang tungkod na nagsisilbing alalay nito sa paglalakad.
Maya-maya pa'y nagsimula na itong magsalita.
"Kaninong batang iyan?" Salubong sa kanya ni Cynthia.
"Hindi ko alam, nakita ko ito sa pasilyo na umiyak, hinahanap ang mama niya, baka isa sa mga guest dito ang mama nitong batang ito."
"Ganoon ba, nawalay siguro sa ina, ano ang name mo baby girl?" Baling nito sa bata.
"Lyra po.."
"Wag ka ng umiyak hah, hahanapin namin ni tita jade ang mama mo, okey?"
Inikot niya ang tingin sa paligid. Nagbabaka sakaling makita ang ina ng bata, dahil sigurado siya, kung naroon ito sa loob ngayon ay natataranta na ito sa paghahanap sa anak.
Napadako ang tingin niya sa may stage kung saan nagsasalita ang kanilang butihing presidente at may ari ng hotel.
"Alam ninyo bang kung hindi pa ako nagkasakit ay hindi uuwi rito ang anak kong ito. I ask him to manage this hotel countless of times pero palagi niya akong tinanggihan. Ngayon napapayag ko rin siya, nakulitan na siguro sa akin." Medyo natawa ito. "And maybe just because I got sick. But still, I thank him for coming back!"
Inikot nito ang tingin sa kanila.
"Alam ko ang ilan sa inyo ay hindi pa siya nakikilala. Kaya nais kong ipakilala siya sa inyo ngayon. Meet my son, My one and only son, Adrian Montereal as your new president in behalf of me."Palakpakan ang mga tao. Pati siya nakipalakpak na rin.
Isang matangkad na lalake na nakasuot ng puting long sleeve ang ngayon'y naglalakad papunta sa may stage. At dahil medyo malayo ang kinaroroonan nila hindi niya masyadong makita ang itsura nito.
"Mama!" Nagulat na lamang siya ng biglang sumigaw ang batang karga niya.
Dali-dali itong bumaba mula sa mga bisig niya at sinalubong ang isang papalapit na babaeng halatang sobra ang pag alala sa mukha.
"My god where have you been Lyra? Don't you know that mama is going crazy in looking for you, huh?" Sabi nito na mahigpit na niyakap ang anak.
"I'm sorry po mama.."
"Its okey, but don't do it again, huh? wag ka na ulit aalis sa tabi ni mama.."
Tumango ang bata. Lumapit naman sa kanya ang babae.
"Thanks to you, walang nangyaring masama sa anak ko, pag nagkataon meron.. mababaliw siguro ako."
"Wala ho iyon ma'am, nakita ko kasi siya sa may pasilyo na umiiyak, hindi ko naman siya pwedeng pabayaan nalang ng basta-basta."
"Thank you ulit. " Ulit pa nong babae bago ito tuluyang tumalikod sa kanila habang karga nito ang anak na noo'y mahigpit na nakayakap ang munting mga braso sa leeg nito.
Malalim siyang napabuntong hininga saka ibinaling ang tingin sa nagsasalitang lalake sa may stage.
Para lamang magimbal sa kanyang nakita!
Limang taon.. limang taon na ang lumipas. Pero hanggang sa mga sandaling iyon ay malinaw paring nakatatak sa kanyang isip ang mukhang iyon.
Ang mukha ng lalakeng sumira ng kanyang buhay!
AUTHOR'S NOTEThis is the final chapter.. Thank you so much guys for reading my story till this very end. Thank you for the never ending support, to my AE and SE, thank you so much. Words are not enough to express how happy and thankful I am right now. I am where I am because of you guys. Thank you.. thank you... thank you. Hanggang sa muli.. Shanelaurice<<<<<-->>>>>Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi matapos na ibaba ang kanyang cellphone. Gladness was in her heart after that talked.Matagal ring panahon na hindi sila nag-usap ni Arie. After that incident four years ago ay hindi na sila muling nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap. Umalis ito ng bansa and settled in Paris kung saan ito naging full time model ng isang sikat na kumpanya.Noon pa man alam nitong napatawad na nila ito, but still, she choose to stay away from them at piliin ang karerang magpapaligaya rito at magpapalimot sa mga masamang nangyari.
---Cynthia--Hindi niya mapigilan ang hindi mapangiti sa nakikita niya sa kanyang harapan. It was a picture of a happy and contented family. Kitang-kita niya sa mga mata ng mga ito ang hindi matatawarang kaligayahan. At masayang-masaya siya para kay Jade, para sa kaibigang saksi siya kung ano ang pinagdaanan at kung anong klaseng hirap ang naranasan.Seeing her this happy with her husband and two angels made her tears form at the corner of her eyes. Alam niya magiging maligaya na rin ito sa wakas. Lihim niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinunan ang mga ito ng larawan. The scene infront of her is pictured perfect. Hanggang sa sasakyan na sila ni Darwin ay minamasdan-masdan niya ang larawang iyon.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kanyang kamay at mahigpit iyon na hinawakan. "Magiging masaya rin tayo kagaya nila Cyn. We will be a complete family and live happily like them kasama ng anak natin at magiging anak pa. I
Six months later...Nagising siya sa kalagitnaan ng madaling araw na humihilab ang kanyang puson. Napahawak siya sa kaumbukang iyon kasabay ng pag-ngiwi ng maramdaman ang paggalaw niyon. Dahil sa nangyari ay mas lalong nadepina ang sakit. "A..Ade.." baling niya sa asawang himbing na natutulog sa kanyang tabi."A..Ade.." ulit niya, marahan niyang niyugyog ang braso nito."Hmm.." nagmulat naman ito ng mga mata na tila naaalimpungatan pa. "May problema ba sweetheart?" paos nitong tanong na iniyakap pa sa kanya ang kanang braso at sumiksik pa sa bandang leeg niya.Pinaglapat niya ang kanyang mga labi. "M..Masakit ang tiyan ko.." mahinang sabi niya."Do you want me to get something to eat?" tila wala pa rin kamalay-malay na sabi nito. Buong akala siguro nito na gutom lang siya kaya sumasakit ang tiyan niya. He was used to her waking up in the middle of the night to eat. Umuling siya. "I.. it's different this time,
"J..Jade?"Kitang-kita niya kung paano nawalan ng kulay ang mukha nito habang gulat na nakatingin sa kanya. Sunod-sunod rin itong napalunok."A..Antonette.." Kung nagulat ito ay higit siya. Hindi niya inaasahan na magtatagpo pa ang landas nilang dalawa. Nakalimot na siya. Kinalimutan na niya ang ginawa nito sa kanya. But fate really play it's part in between them. And of all places sa lugar pa na iyon sila muling nagkita. All this time, naroroon lang pala ito. What a coincidence, ang kaibigan niyang ibinenta siya ay naroroon lang pala sa lugar ng lalakeng bumili sa kanya!Hindi man diretsang si Adrian, pero dito pa rin siya ineregalo nina Thorne at Fred. And Antonette was the main culprit. Ito ang tumanggap ng pera mula sa dalawa in the exchange of her.Ngayon nakita niya itong muli, hindi maiwasang hindi manariwa sa kanya ang mga ala-ala ng nakalipas na limang taon. Bumalik lahat. Lahat-lahat."Sweetheart do you know Annette?" Boses ni A
--ADRIAN--Namumungay ang mga matang minasdan niya si Jade habang mahimbing na natutulog. She is breathing high and low, kita niya iyon sa dib-dib nitong taas-baba at bahagya pang nakabukas ang bibig nito.She look so exhausted. Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Paano magiging hindi kung buong magdamag niya itong inangkin kagabi. He made love to her not just twice but thrice. Madaling araw na yata niya itong pinatulog. When it comes to her, para siyang nawawala palagi sa sarili. He always wanted to made love with her, to be inside of her. Hindi siya naging ganoon ka sabik sa mga babaeng dumaan sa buhay niya. Ngayon lang. Mag-asawa na sila, magkasama bawat oras but still, he keep on missing her, he keep on wanting her.Gaya na lang ng mga sandaling iyon, ramdam na ramdam niya ang pagwawala ng pagkalalake niya habang minamasdan ang maganda nitong mukha.He breath heavily. Pilit na pinapakalma ang sarili. "Hmm.." Bahagya itong umungol.
"Where are we going, hmm?" tanong niya habang marahan na inihilig ang ulo sa balikat ni Adrian habang abala ito sa pagmamaneho.Wala siyang ideya kung saan sila papunta para sa kanilang honeymoon. Hindi pa man natatapos ang reception ng kanilang kasal kanina ay nauna na silang umalis. They just change their clothes at pagkatapos ay hinila na siya nitong muli pasakay sa pick-up nito.He gently rested his head on hers too saka marahan at pilyo na ngiti ang sumilay sa labi."Sa lugar kung saan solong-solo kita." Natatawang tinampal niya ang braso nito."As if naman hindi mo ako nasosolo sa bahay." she playfully hissed. Pero sa totoo lang nae-excite siya sa sinasabi nito."Wala nga yatang gabi na--" napakagat-labi siya. Biglang nag-init ang kanyang mukha ng maalala na halos gabi-gabi siya nitong inangkin. May pagkakataon pa ngang inangkin siya nito sa opisina nito mismo sa hotel and even in the car in broad dayli