Share

Chapter four

Puting kapaligiran ang unang sumalubong sa kanya ng magmulat siya ng mata.

"Gising ka na pala," anang isang ginang na nakaupo sa gilid ng kanyang kama "nakita ka namin kanina na hinimatay kaya dinala ka na namin dito sa ospital."

Wala sa sariling inikot niya ang kanyang tingin, doon niya pa lang napansin na hindi nag iisa ang ginang. Sa may pader ng ward na iyon may isang lalakeng nakasandig habang nakasalikop ang mga kamay sa dib-dib at mataman siyang tinitingnan.

Matangkad ang lalake, naka puting t-shirt, faded na maong at rubber shoes, medyo mahaba ang buhok nito, matangos ang ilong at mga matang tiim na nakatitig sa kanya.

"Ako nga pala si Cecilia Romero at ang anak kong si Alex," sabi nong babae saka sandaling binalingan ang lalakeng iyon na nakasandig pa rin sa may pader.

"Baka gusto mong tawagan natin yung pamilya mo para malaman nila ang nangyari sayo baka nag aalala na ang mga iyon sayo lalo na ang asawa mo. May numero ka ba nila para--"

Napalunok siya, doon lang rumehistro sa isip niya kung bakit naroon siya at kung ano ang nangyari bago siya napadpad doon.

Ang Papa niya..!

Dali-dali siyang napabangon ng maisip ang kalagayan ng kanyang ama. Ano na kaya ang nangyari rito? Kailangan niyang bumalik sa ospital kung nasaan ito para malaman kung kumusta na ito.

Pero muli siyang napaupo sa kama ng muling makaramdam ng pagkahilo.

Agad naman siyang inalalayan nong babaeng nagdala sa kanya doon.

"K..kailangan ko pong puntahan ang Papa ko sa ospital ng Buenavista. m..malubha ang lagay niya.. pupuntahan ko po siya.." Sabi niya at muling nagtangkang tumayo, kaya lang hilong-hilo talaga siya.

"Wag ka munang masyadong gumalaw iha, hindi ka pa masyadong magaling. Isa pa baka makasama sa baby mo pag pinilit mong--"

Umiling-iling siya saka tiningnan ang matanda. Nagsimulang mamuo ang kanyang mga luha. Kahit ilang ulit siyang mahimatay at magising, kahit ilang drum pa ng luha ang kanyang iiyakan, hindi na talaga mababago ang katotohanang dinadala niya ngayon ang bunga ng gabing iyon!

Ano ng gagawin niya?

Mas lalong nagalit sa kanya ang madrasta niya, pati yata ang kuya Darwin niya ay galit na rin sa kanya at alam niya ganoon din ang magiging reaksyon ni Arie na sigurado niya sa mga sandaling iyon ay naroroon na sa ospital kung nasaan ang papa niya.

At ang papa niya, paano kung hindi na ito magising?

"Hinde! Ayoko nito! " Mapait siyang napahagulgol, "ayoko sa batang ito!" tigmak sa luha na histerikal niya at kanyang pinasusuntok-suntok ang impis pa niyang puson."Ayoko nito!"

Gulat naman ang matandang babae sa ginawa niya. Dali-dali nitong hinawakan ang makabila niyang mga braso at ipinirmi sa kanyang gilid.

Naramdaman niya rin ang pagdiretso ng tayo nung lalakeng kasama nito at kung hindi pa siya marahil tumigil ay nakahanda itong patigilin siya sa pagsakit niya sa kanyang sarili.

"Tama na iyan iha, tama na.." sabi nong babae saka siya niyakap.

"Sana pinabayaan ninyo nalang akong mamatay doon! Sana iniwan ninyo nalang ako. Ayoko na.. Ayoko nito!" sa mahihinang piglas ay sambit niya.

Mas lalo lamang humigpit ang yakap nito sa kanya.

At doon sa mga bisig nito ay tuluyan siyang bumigay. Lahat ng pait, lahat ng sakit, lahat ng kanyang mga hinanakit ay ibinuhos niya doon sa bisig ng babaeng ni hindi niya matandaan ang pangalan.

Sa mga bisig nito, nakaramdam siya ng kapayapaan, hindi man niya maintindihan kung bakit? pero doon ay napayapa ang kalooban niya.

Kapayapaan na kay tagal na yata niyang hindi naranasan mula noong namatay ang Lola niya.

Nagpatuloy siya sa mahinang paghikbi. Inalo-alo naman siya nong babae. Walang salita o katanungang namutawi sa mga labi nito, basta niyakap lang siya nito hanggang sa tuluyan siyang nanghina at tumigil sa mahinang pagpupumiglas.

NAROON pa rin siya sa ospital ng muli siyang magising. Naroroon pa rin ang babae pero wala na doon ang lalakeng kasama nito.

Doon pa lang siya nakaramdam ng pagkapahiya ng matanto niya kung anong klaseng pang abala ang kanyang nagawa.

"P..pwede ninyo na po akong iwan," Sabi niya at pinilit na makaupo sa kama.. "P..pasensiya na po talaga sa abala at salamat po sa ginawa ninyo."

Ngumiti ang matandang babae.. "Wala yon iha, kahit sino naman siguro ang nakakita sayo kagabi, ganoon rin ang gagawin."

She doubt that. Hindi lahat ng tao ay gaya nitong may mabuting kalooban.

"Pasensiya na po talaga," pinilit niyang ngumiti. " pwede ninyo na po akong iwan, m K..kaya ko na po."

Nananantya ang tingin nito sa kanya. "Ilang taon ka na iha?"

Napatingin siya sa mukha nito. Kaya ba ito nagtatanong dahil hindi rin itong makapaniwalang  napakabata niya pa para mabuntis?

Tiim siyang napalunok saka kagat-labing sumagot. "Nineteen po."

Nineteen and pregnant!' Mapakla niyang naisip.

Ngumiti ito, "Kaedad mo pala ang anak kong babae, si Cynthia, naiwan siya sa bahay namin sa Baguio, pumunta lang kami ng Buenavista para umatend sa kasal nong pamankin ko at pauwi na kami ng makita ka namin doon na nakahandusay," Tumiim ang titig nito sa kanya.

"Hindi mo man sabihin, alam ko mabigat ang problemang dinadala mo iha."

Umiwas siya ng tingin.

"Hindi ko hinihiling na pagkatiwalaan mo ako, lalo na't hindi mo ako kilala pero kung mabigat na masyado, handa akong makinig." Dugtong pa nito at hinawakan ang kanyang mga kamay.

Napatingin siya rito, malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

Hindi niya man ito kilala pero masasabi na niyang napakagaan ng loob niya dito. Ang maamo nitong mukha at mainit nitong hawak sa kanyang mga kamay ay nakakagaan ng loob niya.

Kung buhay kaya ang kanyang mama.. ganito rin kaya ang pakiramdam niya?

Ah, siguro kung buhay ang kanyang mama hindi nito hahayaang danasin niya ang lahat ng sakit na dinanas niya, kung buhay lang sana ito, hindi siya nag iisa ngayon at miserable, kung buhay ito, sana may nasasabihan siyang mga problema niya ngayon.

Napatingin siya ulit sa babaeng iyon. 'Mama ipinadala mo ba ang babaeng ito bilang kapalit mo? Pwede ko nga ba talagang sabihin sa kanya lahat ng problema ko?'

Ilang lunok muna ang ginawa niya bago niya nagawang magsalita.

"W..wala po akong asawa," Kagat-labi niyang sabi. " wala rin  po akong nobyo."

Naghintay siyang magtanong ito kung paanong nabuntis siya ng wala siyang asawa o nobyo pero hindi nito iyon ginawa. Hinayaan lang siya nito na kusa niyang sabihin ang kanyang problema, ang kanyang mga nararamdaman. Hindi niya ito nakitaan ng pagkadigusto sa kabila ng lahat ng sinabi niya, hindi rin niya ito nakitaan ng mga pagdududa.

Hindi ito nagtanong o nanghusga sa kanya, basta naroon lang ito at  nakikinig sa kanya.

Mahigpit na yakap ang iginawad nito sa kanya matapos niyang sabihin ang lahat dito.

"May awa ang Diyos iha, hindi ka niya pababayaan. Magtiwala lang tayo sa kanya."

Mapait siyang ngumiti. Hanggang sa ngayon hindi niya pa alam kung anong gagawin niya tungkol sa mga nangyayari sa kanya. Isa lang ang gusto niya, ang mabuhay lang ang kanyang papa. Kapag nangyari iyon,  ipinapangako niyang hindi na siya magiging pabigat rito, hindi na siya manggugulo, lalayo siya, doon sa lugar na walang nakakakilala sa kanya o sa pamilya nila gaya ng gusto ng madrasta niya.

"Maraming salamat po ulit 'nay Cely." pinilit niyang ngumiti sa matanda ng bumaba na siya sa owner ng mga ito.

Nagpumilit pa kasi ito na ihatid siya sa kanilang bahay sa kabila ng sinabi na niyang kaya niya na ang kanyang sarili.

Tiningnan niya rin ang anak nito na nooy tahimik lang din at tiim ang titig sa kanya. "S.. salamat rin sayo ahm, A..alex, pasensiya na talaga sa abala"

He just heaved a sigh ang then nodded.

"Basta kung may kailangan ka iha, tawagan mo lang ako hah.."

Tumango siya saka kinapa ang munting papel sa kanyang bulsa, isinulat nito ang cellphone number nito sa munting papel na iyon at inilagay sa kanyang bulsa.

Malayo na ang sasakyan ng mga ito ay nanatili pa rin siya sa labas.

Malalim siyang nagpabuntong-hininga bago na tahimik na pumasok sa loob ng kanilang gate at gaya ng piping hiling niya, walang tao sa kanilang bahay.

Diretso siya sa ospital pagkagaling doon. Wala siyang planong magpakita sa kanyang madrasta at kuya niya doon, aalamin niya lang ang kalagayan ng ama at kung mabuti na, Aalis siya gaya ng ipinangako niya sa kanyang sarili.

"Miss pwede ko bang malaman kung nasaan na ang  Pa-- si engineer Sandoval?" agad niyang tanong doon sa  nurse sa may nurse station, abot langit ang kabang nararamdaman niya ng makitang wala na doon sa ICU ang kanyang papa.

"Si engineer Sandoval po ba ma'am? Sandali lang po.." sabi nito saka binuklat ang tingin niyang patient's record ng kanyang Papa.

Tumango-tango siya. "w..wala na kasi siya doon sa ICU," Napalunok siya, nanginginig ang mga kamay, hindi niya gustong isipin na may nangyaring di maganda sa ama kaya wala na ito doon sa ICU.

"Ah.. nasa kwarto na ma'am, sa room 105. Nailipat na siya kaninang madaling araw matapos maging stable na ang heartbeat niya."

Napapikit siya, sunod-sunod ang pagpatak ng kanyang mga luha, abot langit ang pasasalamat na wala na sa bingit ng kamatayan ang kanyang papa, pakiramdam niya ngayon lahat ng tinik sa kanyang dib-dib ay unti-unting nawawala.

Nagpasalamat siya sa nurse bago siya tumalikod, diretso ang mga paa sa kwarto kung saan naroroon ang ama, gusto niya itong makita bago siya umalis pero napahinto siya at napakubli sa pader ng makita si Arie  na nakaupo sa bench sa labas ng kwartong iyon kasama ang kanyang ina-inahan.

Napakagat-labi siya, gustong gusto niyang makita at magpaalam na rin sa ama pero alam niyang hindi iyon makakabuti sa kanilang lahat, baka tulad ng madrasta niya, sisisihin lang din siya ni Arie or worst baka hindi lang sampal ang aabutin niya dito oras na makita siya nito. Knowing her sister's temper, hindi ito mangingiming mag eskandalo doon.

At ayaw niya ng gulo, baka lalo lang iyon makakasama sa kanilang Papa.

Tahimik siyang umalis, bitbit ang backpack na naglalaman ng kanyang mga importanteng gamit ay nilisan niya ang lugar na iyon.

Natagpuan niya ang sarili na nakaupo sa bench doon sa terminal ng bus, maingay ang paligid pero hindi niya iyon alintana, gulong-gulo ang kanyang isip, hindi niya alam kung saan siya pupunta o kung hanggang saan lang ang kayang abutin ng konting pera na kanyang dala.

Kung babalik siya sa manila, sa boarding house niya, hindi rin siya pwedeng tumagal doon dahil hanggang sa katapusan lang ng buwan ng enero ang ibinayad niyang renta doon, isa pa alam ng pamilya niya ang lugar na iyon, hindi nga ba't umalis siya para hindi na siya magiging kahihiyan at pabigat sa mga ito?

Kaya lang saan siya pupunta?

Hindi na niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo doon at nang makabuo ng desisyon ay dali-dali siyang tumayo.

Bahala na..

Iyon ang nasa isip niya ng inihakbang niya ang mga paa papunta sa bus na patungong bulacan.

Babalik siya doon. Sa lugar ng Lola at Mama niya. Ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.

Pero bago pa man niya nai-akyat ang mga paa sa hagdan ng bus ay may matitigas na kamay ang humawak sa braso niya sanhi para mapahinto siya.

Gulat at puno ng pagtataka siyang napalingon at lalo lamang nanlaki ang kanyang mga mata ng masilayan ang taong iyon na pumigil sa kanya.

"A.. Alex?"

Nang ideretso niya ang tingin, nakita niyang humahangos na papunta sa direksyon nila si Nanay Cely.

"Nay Cely?"

Ngumiti ang matanda saka malamlam siyang tiningnan.

"Saan ka papunta?"  agad nitong tanong pagkalapit sa kanila.

"S..sa bulacan po sana,"

"May kilala ka doon?"

Napakagat labi siya, bukod sa Lola niya, wala na siyang ibang matandaan sa lugar na iyon. Ni hindi niya maalala ang mga kapitbahay nila noon.

Umiling siya saka nagbaba ng tingin para lamang mapadako sa braso niyang nanatiling hawak ni Alex.

Napansin naman iyon ng lalake kaya parang napapasong binitiwan siya nito.

Napahalukipkip siya saka umiling.

"Naku.. bata ka, di ba sinabi ko naman sayo na pag kailangan mo ng tulong tawagan mo ako!"

"Ayoko na pong makaabala pang lalo, sobra-sobra na po ang naitulong ninyo kaya--"

"Halika ka na," sabi nito saka hinawakan ang kanyang kamay.

Napa angat ang tingin niya rito. Nagtatanong ang kanyang mga mata.

"Hindi kita pwedeng pabayaan nalang. Hindi ako patutulugin ng konsensya ko. Kung aalis ka rin lang naman, sumama ka nalang muna sa amin."

"P..pero Nay Cely--" gusto niyang tumutol pero lalo lamang humigpit ang hila nito sa kanya.

Napatingin tuloy siya kay Alex na noo'y tahimik lang din na sumusunod sa kanila. Umiwas lang ito ng tingin sa kanya.

Noon lang niya narealized na mula pa pala kahapon ni hindi niya narinig na nagsalita ang lalake.

"May anak rin akong babae, kasing edad mo rin, hindi kaya ng konsensiya ko na pabayaan ka gayong alam ko na may mabigat kang problemang dinadala ngayon"

Napabaling muli ang tingin niya sa harapan.

"Hanggang sa bumuti ang lagay ng iyong ama at kaya mo ng bumalik sa inyo, doon ka nalang muna sa amin."

Napatigil siya, nagsimulang mamuo ang kanyang mga luha, her heart ache. Ang pag-alala at pag aaruga na hindi niya naranasan sa ina-inahan ay nararanasan niya ngayon sa babaeng kakikilala niya pa lamang.

"S..salamat po nay Cely."

Ngumiti ito. "Halika na." muling anyaya nito at hinila na siya papunta sa owner ng mga ito na nakaparking sa di kalayuan.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Mhikai Pacana Tanilon
ano ba ito,tumutolo ang luha ko habang ngbabasa nito....ang ganda
goodnovel comment avatar
Agnes Rivas
Habang nagbabasa ako luha ko tumutulo......
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
buti may mga tao pang handang tumulong ng walang kapalit kaya kila nanay cely at alex ka muna jade
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status