Share

Chapter thirty

Nang umuwi siya kinagabihan ay kasama niya ang kanyang magulang at si Arie. Gusto ng mga ito na makilala ang pamilyang kumupkop sa kanya. Wala ang kuya Darwin niya. She tried to call him pero nakapatay yata ang cellphone nito. Kung saan ito pumunta matapos ang kanilang pag-uusap kanina ay wala siyang idea.

Si Nanay Cely lang ang nasa bahay. Si Cynthia kahit day off ay nagpaalam na aa-ttend sa kaarawan ng isang kaibigan. Samantalang si Alex ay ilang araw ng hindi umuuwi.

Alam niyang may kinalaman siya at ang saglit nilang pag-uusap nong sunduin nito si Zach sa hotel kung bakit pinili nitong huwag munang umuwi.

"Susunduin kita mamaya," Sabi nito saka lumigid sa kabilang bahagi ng pick up nito. Nasa parking lot sila ng hotel.

Mariin siyang napakagat-labi. "Ahm, Lex.." tawag niya. Sandali niya pang sinulyapan si Zach sa loob ng sasakyan na abala sa mga laruan nito.

Lumingon

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status