Share

Chapter two

Pinilit niyang ibaon sa limot ang nangyari sa kanya ng gabing iyon. Sinikap niyang ipagpatuloy parin ang kanyang buhay sa kabila ng pakiramdam niyang may kulang na sa kanyang pagkatao.

At gaya nga ng inaasahan niya. Hindi na niya nakita pa si Antonette sa second sem ng pasukan. Bigla itong naglaho na parang bula matapos ang nangyari sa kanya ng gabing iyon.

Doon niya higit na napatunayan na tama ang hinala niyang ito ang may kagagawan kung bakit nangyari yon sa kanya.

Sinarili niya ang pangyayaring yon. Pinilit niyang maging masaya sa harap ng pamilya niya nong umuwi siya sa kanilang bahay sa Buenavista para doon mag pasko at bagong taon.

"Dalawang linggo lang naman ang bakasyon ninyo, sana hindi ka nalang umuwi." Sa pagitan ng pagsubo sabi sa kanya ng kanyang ina.

Napataas siya ng tingin. "Wala naman po akong gagawin sa manila 'ma."

"Kahit na, mas mabuti yung manatili ka nalang doon para mas makatipid sana tayo, yung dapat na ipinamasahe mo pauwi rito at pabalik sa manila,  allowance mo nalang sana yon sa susunod na buwan. Sa summer ka nalang dapat na umuwi!" 

"Hayaan mo na ang bata" sabi ng kanyang papa. "mabuti nga yung umuwi siya para sama-sama tayo ngayong pasko at bagong taon."

"Roman, alam mo naman na nagtitipid tayo ngayon dahil masyado ng magastos sa kanyang kurso si Arie at graduating pa si Darwin, yon lang naman ang iniisip ko kaya-"

"Stop it now Felisa!"  Matigas na  ang boses ng kanyang papa saka tiningnan ito "nasa hapag kainan tayo, pwede bang kumain nalang tayo ng tahimik at itigil mo na ang pagrereklamo tungkol sa pag uwi ni Jade? nandito na siya kaya wala ka na rin magagawa pa sa bagay na ito, so please let us eat in peace!"

Nakita niya ang lihim nitong pagtiimbagang at lihim nitong pag irap sa kanya pero binalewala nalang niya iyon dahil noon pa man ay nasanay na siya na ganito ang turing nito sa kanya.

Ano pa ba ang dapat na asahan niya? She is an outcast in this family, born out of wedlock, nan dahil sa presensiya niya muntik nang masira ang pamilyang iyon.

Yes, she was the fruit of her Father's betrayal, anak siya nito sa ibang babae, in short.. Anak siya sa labas! Felisa Sandoval was only her mother in the eyes of the people around them but never in heart and deed. Ang totoong ina niya, kailan man hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na  makilala.

Her Father is an engineer. He used to work abroad particularly in dubai. Ang alam niya doon nito nakilala ang kanyang ina who then a factory worker, nahulog sa isa't isa at lihim na nagkaroon ng relasyon at siya nga ang naging bunga ng bawal na pagmamahalang iyon na naging dahilan ng muntikan ng hiwalayan ng kanyang papa at ng kinikilala niyang ina ngayon. 

Her mother died the moment she gave birth to her. Iyon ang sabi sa kanya ng lola niyang nagpalaki sa kanya, her Mother's mother. Inuwi siya ng kanyang papa sa pilipinas at iniwan sa kanyang aguela sa bulacan. Pinalaki, inalagaan at minahal siya nito ng sobra kaya ng mga panahong iyon, hindi siya nakaramdam ng kahungkagan sa kabila ng sa mga pictures niya lang nakilala ang ina at minsan niya lang makita at makasama ang kanyang ama.

Bumalik ito sa Dubai kasabay rin ng pagbalik nito sa pamilya nito. Ang pamilya nito na noo'y sa picture niya lang din nakikita. Ang mga kapatid niyang hindi siguro alam na nag-e-exist siya sa mundo o marahil alam kaso lang itinatanggi ang existence niya.

It was then when she was twelve years old when her precious grandmother had a heart attack and left her. Ilang araw rin siyang tulala noon. Hindi niya matanggap ang katotohanang wala na ang kaisa-isang tao na nag-aruga sa kanya at nagmahal ng walang kapantay. She already left her, alone and grieving.

After the burial ay inuwi siya ng kanyang papa sa bahay nito at ng pamilya nito sa Buenavista. He had no choice back then. His family had no choice kaya sapilitan man ay tinanggap siya ng asawa nito at dalawang anak. Her kuya Darwin who was six years older than her at si Arie na matanda lang sa kanya ng ilang buwan.

Mabait naman ang kuya Darwin niya sa kanya, bagamat tahimik lang ito hindi niya ito nakitaan ng pagkadisgusto sa kanya hindi tulad ni Arie na hanggang ngayon mabigat parin ang loob sa kanya lalo na ang kanyang madrasta na halatang pinipilit lang siyang pakisamahan alang-alang sa kanyang ama.

Alam naman niya iyon.. tanggap niya. Ang mga tulad niyang anak sa labas ay hindi madaling tanggapin ng kahit sinong pamilyang legal lalo na kung siya ang bunga ng pagtataksil at dahilan ng muntikan ng mawasak ang inalagaan nitong pagsasama.

Pero bakit kailangan siya ang tumanggap lahat ng mga pagmamaliit at galit mula sa mga ito? Kung tutuusin wala naman siyang kasalanan. Hindi niya naman ginusto ang maging bunga ng kataksilang iyon. biktima rin lang siya ng pagkakataon. Hindi ba nila makita iyon? Kailangan niya bang pagbayaran ang kasalanang hindi niya naman ginawa?

Mapait siyang napangiti, siguro nga. Siya ang kabayaran sa naging kasalanan ng kanyang mga magulang. Lahat ng luha at sakit kailangan din niyang pagtiisan gaya siguro ng dinanas ng mga ito noong nalamang may ibang babae ang kanilang ama at nabuntis pa.

Tinanggap niya na iyon noon pa pero hindi naman siya manhid para hindi na makaramdam ng  sakit sa tuwing nakakarinig siya ng mga panunumbat, kagaya nalang kanina, ginusto lang naman niyang makasama ang mga ito ngayong pasko at bagong taon, pati ba naman iyon ipagkakait sa kanya? 

Hindi sila mayaman pero hindi rin naman sila naghihikahos sa buhay. h

Hindi malaking kawalan ang iilang daan na ginamit niya sa kanyang pamasahe, katunayan pera niya yon, inipon niya mula sa allowance na ipinapadala sa kanya ng kanyang papa.

Truth is.. Ayaw lang siyang makita at makasama ng kanyang kinikilalang ina. Hindi lang nito masabi iyon ng harap-harapan sa kanya pero ramdam niya, ramdam at tagos sa kanyang kaibuturan!

"Gabi na ah, ano ang ginagawa mo dito sa labas?" napabaling siya sa boses na iyon, hindi man lang niya napansin na nasa gilid na niya ito.

"Nagpapahangin lang kuya.." sabi niya saka muling ibinaling ang tingin sa harap.

Napabuntong hininga ito.. "May sinabi na naman ba si mama sayo?.. Pasensiya ka na, alam mo naman iyon, hanggang ngayon hindi pa rin ma--"

"Wala yon kuya.." putol niya saka ngumiti rito.. "Hindi lang talaga ako makatulog pa kaya nagpahangin ako rito.."

"Kilala kita Jade.. alam ko may sinabi na naman si Mama na nakasakit ng kalooban mo kaya ka narito"

Kilala na nga siya ng kuya Darwin niya, mula kasi noon, kapag nakakarinig siya ng mga masasakit na salita o mga panunumbat o kapag nag aaway ang mga magulang niya nan dahil sa kanya ay doon siya pumupunta sa maliit nilang garden at nagpapalipas ng sama ng loob.

"Hindi ko talaga maintindihan si Mama, matagal nang nangyari yon pero ewan ko ba at hanggang ngayon hindi pa rin niya magawang tanggapin ang lahat."

"Hindi madali yon kuya, hindi madaling alisin ang sakit na naidulot ko.."

"Wala kang kasalanan!" tiim nitong giit.. "Ilang ulit ko nang sinabi yon sayo!"

Ngumiti siya rito. Puno ng pait.

"Ako parin ang naging bunga kuya at naiintindihan ko si Mama hindi madali para sa kanya na makita ako dahil ako ang nagpapa-alala sa kanya sa mga sakit na dinanas niya noon"

"Si Papa ang dapat niyang sumbatan at hindi ikaw!"

Hindi nito magagawa ang bagay na iyon dahil pag ginawa iyon ng stepmom niya para na rin itong nagpaalam sa mga luho nito at sa nakasanayang karangyaan. Noon pa man alam niya iyon lang ang tanging dahilan kaya kahit labag sa loob nito ay tinanggap siya nito.

"Wag mo na akong alalahanin kuya, ayos lang ako at naiintindihan ko si mama."

Umiling pa rin ito, hindi kumbinsido. "Sige na.. Pumasok na tayo, mahamog dito.." Maya-maya sabi nito saka nagpatiunang naglakad.

"Susunod ako 'ya." 

Lumingon ito sa kanya saka siya tinitigan pagkunwa'y napabuntong hininga. Wala itong sinabi ng tuluyan siya nitong tinalikuran.

"Kuya.." she gently whisper.

Tumigil ito saka lumingon muli. Kumunot ang noo.

"Salamat.. Salamat sa lahat." Hindi niya iyon pagsasawaang sabihin dito.

He smile weakly at her and again, he heaved a sigh, "pumasok ka na malamig na dito" 

She nodded, saka tumayo na mula sa swing at sumunod dito.

Kung meron man siyang isang tao pa na pinagsasalamatan..  Ang kuya niya iyon. Hindi siya nito itinuring na iba sa kabila ng katotohanang anak lang siya sa labas. He treat her just and fair. At ramdam niya rin na mahal siya nito bilang kapatid.

Pero bago pa man siya tuluyang makapasok sa loob ay nakaramdam siya na tila umiikot ang kanyang paligid. Napakapit siya sa hamba ng pintuan at mariin na napapikit.

"Are you alright jade?" narinig niya pa ng boses na iyon ng kanyang kuya Darwin at naramdaman niya pa ang pag-hawak nito sa kanyang mga balikat bago siya tuluyang nawala sa kadiliman.

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku buntis ka Jade lalo ng magagalit sayo ang stepmother mo at baka pati ama mo
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
hala,lalo lng magagalit ang stepmom mo sau Jade,,,kawawa ka na nman...sna lng hnd ka sumbatan ng tatay mo at hnd magbago ang magandang pakikitungo sau ng kua darwin mo
goodnovel comment avatar
Azyla Lhemart Jaspo
baka buntis
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status