로그인Dahil kailangang-kaialngan na ni Rosa ng trabaho ay kinapalan niya ang mukha na mag-apply sa isang malaking kompaniya. Dahil marami na siyang inaplayan pero puro wala. Ngunit hindi inaasahan ni Rosa sa pagpasok pa lang niya. "Find me a new secretary." Dito unang nakita at nakaharap ni Rosa ang CEO si Rowan Chavez na napatingin sa kaniya habang naglalakad at nakatingin sa folder na hawak niya. "Hired her." Nanlaki ang mata ni Rosa ahil sa sinabi ni Rowan at hindi siya makapaniwala dahil mag-aaply palang siya pero hired na agad siya. At nakta ni Rosa ang ngisi sa gilid ng labi nito na parang may ibig sabihin.
더 보기ROSA
Humigpit ang kapit ko sa hawak kong folder habang nakatayo sa harapan ng napakalaking gusali. Nakatingala ako sa mataas na nitong estraktura na halos hindi ko na makita ang dulo. Puro salamin ang harapan nito at kitang-kita ko ang sarili kong repleksyon. Simpleng white polo shirts, itim na palda at ang sapatos ko na pinatahi ko pa dahil nanghihinayang akong itapon dahil puwede pa naman. Napabuntong hininga ako dahil nga sa kaba, pakiramdam ko tuloy napaka-ilusyunada ko dahil dito ko pa talaga gustong mag-apply. “Sigurado ka ba rito, Rosa?” Tanong ko sa sarili ko. Nakita ko lang ang hiring na nakapaskel habang naglalakad ako kahapon. Dahil kailangan ko ng trabaho kaya sinulat ko ang address para hindi ko makalimutan. Magbabakasakaling baka tanggapin nila ako kahit ano basta makapagtrabaho lang kung wala talaga sa posisyon na gusto ko. Kinapalan ko nalang talaga mukha kong mag-apply dito dahil sa dami ko ng inaplyan wala talaga. “Bahala na,” mahina kong bulong. Kung uurong ako ngayon, wala rin akong mapapala kaya bakit hindi ko nalang subukan wala namang mawawala. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob para bawasan ang kabang nararamdaman ko. Natigilan ako, grabe ang lawak ng lobby. Ang kintab ng tiles na kulay puti na sobrang linis, may malalaking chandelier sa kisame at kung sinu-sino ang naglalakad na pawang mukhang importanteng tao o mataas ang posisyon. Lalong lumakas ang kabang naramdaman ko pakiramdam ko ay hindi ako nababagay rito. Napatingin ako sa folder na hawak ko na naglalaman ng mga dokumento ko. Hindi puwedeng masayang ang araw o oras ko ngayon. Lumapit ako sa receptionist desk. “Good morning po,” nahihiyang bati ko. Ngumiti siya. “How may I help you, miss?” Ngiti niyang sagot. “Aa… Nakita ko po kasi yung hiring advertisement.” “Applicant?” Tumango ako. “Yes po,” medyo kabadong sagot ko dahil piling ko sasabog ang dibdib ko. “Please wait for a moment.” Tumango ako at lumayo nang kaunti, habang naghihintay ay nagpalinga-linga akong tumingin sa paligid. May mga emplyedong mabilis na mga naglallakad at mga lalaking naka-amerikana. May mga babaeng elegante ang ayos. Lahat sila ay mukhang sanay na sanay sa ganitong kapaligiran, samantalang ako pakiramdam ko ay isa akong kuting na naligaw sa gitnan ng siyudad. Napailing ako at Kalma Rosa. Bulong ko sa isipan ko para palakasin ang loob ko. Muli naman akong tumingin sa paligid at napako ang atensyon ko sa elevator sa may gitna ng lobby. Maraming elevator pero doon sa gitna ako napatingin. Napakunot noo ako nang mapansing parang may nangyayari doon banda dahil biglang natahimik. Ang mga emplyedo na kanina ay abala sa kani-kanilang gawain ay sabay-sabay na huminto. May ilan pang tumuwid ng tayo, habang ang iba naman ay yumuko nang bahagya. Parang may hinihintay sila. Bumukas ang elevator sa may gitna at doon ko tuluyang natigilan, isang matangkad na lalaki ang lumabas. Naka-itim na suit at ang perpekto ng pagkakahulma sa katawan niya, ang lakas ng kaniyang dating yung tipong talagang mapapalingon ka. Seryoso ang ekspresyon ng mukha niya at kahit hindi siya magsalita, parangam awtomatikong sumusunod ang lahat sa kaniya. Kasunod niya ang ilang mga lalaki at babae na mukhang mga executive ng kompaniya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya. Dahil para akong nakakita ng artista dahil sa kgwapuhan niya. Pero higit pa roon, parang nakakatakot siyang lapitan na oras na magkamali ka ay tanggal ka agad sa trabaho. Yung tipo rin na hindi tumatanggap ng paliwanag o pagtanggi. Habang naglalakad siya bigla ay siyang huminto at napahinto rin ang mga kasama niya. Bahagyang natigilan ako at para bang may hinahanap siya. Mayamaya’y dahan-dahang niyang ibinaling ang tingi sa direksyon ko. Bigla naman akong kinilabutan at dama ko ang pagtaas ng balahibo ko. Diretsong nagtama ang aming mga mata. At sa isa hindi malamang dahilan ay para bang hindi na niya inalis ang tingin niya sa akin. Kaya napayuko ako ayokong isipin na sa akin talaga siya nakatingin pero dama ko. Ngunit naramdaman kong papalapit ang kaniyang mga hakbang at dito bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman siguro ako ang pakay niya. Kabadong sabi ko sa isipan ko at pag-angat ko ng tingin ay halos mapaatras ako at parang tumalon ata ang puso ko sa gulat. Nasa harapan ko siya at sobrang lapit niya. Mas lalo kong napansin kung gaano siya kagwapo, bahagyang napalunok ako at napansin ko na tumingin siya sa hawak ko na folder. Pagkatapos muli niya akong tiningnan. “Find a new secretary now.” Agad na tumango ang lalaki na sinabihan niya. “Yes sir,” Ngunit muli akong natigilan dahil hindi lang tingin ang ginagawa niya ngayon dahil pinagmamasdan na niya ako mula ulo hanggang paa. Muli na naman akong kinabahan, pagkatapos ay tumingin siya ulit sa folder na hawak ko. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi niya. “Hire her now.” Parang tumigil ang mundo ko at pakiramdam ko huminto sandali ang paghinga ko pero pinilit kong huminga ng maayos. “A-Ako po?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi siya sumagot ang lalaking kausap niya ang lumapit sa akin. “Congratulations, miss.” Napakurap ang mata ko. “H-ha?” “You're hired.” Sabi pa ulit ng lalaki. Napanganga ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Hindi pa nga nila nakikita ang resume ko at wala pa akong interview. Hindi rin nila alam kung qualified ba ako. Muli kong tiningnan ang lala na ‘to at base sa itsura niya at pakikipag-usap ito ang CEO. Sigurado akong CEO siya dahil sa paraan ng pagtrato ng lahat sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Muli kong nakita na bagayang gumalaw ang kaniyang labi. Parang nakangiti pero kahit ganun ay naguguluhan pa rin ako. Umalis na siya kasama ng mga kasamahan niya pero ako ito tulala at parang hinanh-hina ang tuhod ko. Sa halip ay lalo akong kinabahan dahil pakiramdam ko tuloy hindi ako basta tinanggap sa trabaho na ito na walang dahilan at kung bakit ako pinili ng isang CEO sa loob lamang ng ilang minuto. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot.ROSA“Tumigil ka Rosa, aba dalawang araw palang kayong magkakilala ni sir.” Saway ko sa isipan ko.Tahimik na bumalik ako sa mesa ko at nagkuwanring abala. Ngunit hindi ko maiwasan na hindi mapatingin o makinig sa pag-uusapan nila.“When will you tell the media?”Hindi sumasagot si sir sa gilid ng mata ko kita ko na tahimik na nakasandal lang siya. Pero kailangan ba pati sa media ipaalam? Sabagay kasi kilala at mayaman sila.There is no reason to postpone. So, tell me my dear soon husband?” Wala pa rin sagot si sir at ako ang kinakabahan dito habang nakikinig dahil parang nakikita ko ang pagkaasar ni Bianca.“I’ll handle it.” Malamig na tugon lang ni sir.Hindi ko alam pero ramdam ko sa boses niya na napipilitan lang siyang sumagot. At parang napansin rin yon ni Bianca.Asar na tumalikod si Bianca at nagmamadali na tinungo ang pinto at binuksan ngunit bago siya umalis ay nilingon niya ako.Nakangiti siya yung ngiti niya parang nang-aasar.“Take care of him.” Hindi ako nakasagot a
ROSABuong umaga akong hindi mapakali, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi niya kanina at higit sa lahat , ang paraang ng pagtitig niya. Parang hindi ‘yon tingin ng CEO sa isang empleyado.“Rosa.” Napapitlag ako dahil sa malalim na pag-iisip ko muntik ko pang mabitawan ang lumang tablet na hawak ko dahil nilagay ko lahat doon ang schedule niya.“May kailangan po ba kayo?” Tanong ko at agad akong tumayo.“Coffee.” Tumango ako at mabilis na nagtungo ako sa pantry area. Habang nagtitimpla ako ako ay napabuntong hininga, dahil kailan kaya kakalma ang sarili ko.Kapag nagsasalita siya o gagalaw naaalarma ako agad, pinilig ko ang ulo ko at dinala ko na ang kape niya. Maingat ko yun inilapag sa mesa niya.Wala naman siyang sinabi pagkatapos ko mailapag ang kape dahil patuloy siyang nakaktingin sa binabasa niya. Akmang babalik na ako sana sa pwesto ko nang…“Sit.” bigkas niya na hindi man lang tumitingin.“Ha? Ako po sir?” Takang sagot ko.“Do you see anyone else here?” nakaang
ROSAAla singko pa lang ng umaga ay gising na ako. Dahil hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi.Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip ko ang nangyari kahapon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may trabaho na ako. At higit sa lahat…Secretary pa mismo ng CEO.Naupo ako sa gilid ng kama dito sa maliit kong silid. Tahimik pa ang buong bahay, natutulog pa si mama at kapatid ko sa kabilang kwarto. Itong kwarto namin paglabas mo ilang hakbang lang hagdanan na. Gawa sa kahoy itong taas namin at sementado naman sa baba. Luma na rin ‘tong inuupahan namin.Pero dahan-dahan akong napangiti dahil sa wakas, may mabibigay na rin ako kay mama. Hindi na naming kailangang mag-aalala kung saan namin kukunin ang pambayad sa mga gastusin sa susunod na buwan. Nang malaman ni mama ang trabaho ko pati siya at ang kapatid ko na si Justin ay hindi rin makapaniwala.Niloko pa ako ng kapatid ko na baka raw type ako. Sagot ko imposible dahil sobrang layo ng antas ng buhay namin. At ngayon
ROSAHindi pa rin ako makapaniwala, parang nananaginip lang ako habang nakaupo kasama ang dalawang empleyado ng kompaniya. Paulit-ulit kong tinitingnan ang kontratang na sa harapan ko ngayon.Nakasaan doon ang pangalan ko.Rosa Castillo.Sa ibaba naman ay ang posisyong hindi koo man lang inaasahang makukuha at hindi rin sa panaginip.Executive Secretary to the CEONapakurap ako, hindi ba dapat may interview muna? Tapos exam at training.Hindi ‘yung isang tingin lang sa akin tapos hired na ako agad grabe nakakabuang naman ‘to.“Miss Castillo.” Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.“Po?” Sagot ko na lutang pa rin.“Okay ka lang ba?”“Ha? O-opo.” Natataranta sagot ko.Ngumiti sjya. “Mukhang hindi ka pa rin makapaniwala.” Hindi lang sa hindi makapaniwala nalilito na rin ako at kinakabahan gusto ko sana isatinig. Sa halip ay pilit akong ngumiti.“First time ko lang po kasi sa ganito kalaaking kompaniya at lalo na sa posisyon na ‘to.” Saad ko na hindi makangiti ng maayos.“Naiintin


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.