Share

6: Lance

Akala ko ma-re-relax ako dito sa bakasyon slash kasalan na pinuntahan namin, pero may sumunod na demonyo. Hindi ko alam na kaibigan pala niya ang groom.

Nakangisi ang lalake, habang pinipilit siya ng bride na maging substitute doon sa groomsmen na hindi makadalo, dahil may emergency daw sa family.

Sa dami-dami ng groomsmen na hindi makapupunta, iyong partner ko pa talaga.

Nagpapilit pa nang una ang demonyo, pero kalaunan pumayag naman siya. Papansin talaga kahit kailan.

Nang itabi siya sa akin ay para bang bigla itong nandiri. Hiyang-hiya naman ako sa kaniya. SOP lang ang ginagawa ko, kung maka-judge siya wagas. Ano pa kaya ang ginagawa niya, na kung sino-sino na lang ang babae na inuuwi niya at sa hindi pa niya kuwarto gumagawa ng milagro.

Hindi kami naghawak ng kamay. Sabi ko practice pa lang naman 'to. Sinubukan namin, kaso sabay kaming napabitiw sa isa't isa. Hindi ko maintindihan pero para bang na-ground kami. Siguro to the highest level ang pandidiri namin sa isa't isa.

Matapos ang practice, nagkaayan silang mag-inuman. Hindi na ako sumali sa kanila dahil naiinis talaga ako. Yamot na yamot ako sa kaniya. Sana nandito si Lance. Ang saya-saya ko pa sana.

Sa isang resort ang kasal. May malawak na villa, may malaking garden na dinadausan ng mga okasyon at mayroon ding malaki na swimming pool. Mayroon ding dagat sa malapit, pero kailangang lakarin ng mga sampung minuto. Gusto ko sanang maglakad papunta doon kaso pagabi na. Bukas pa ang plano ng mga kasama namin na magpunta doon, after ng kasal.

Naupo ako sa ilalim ng malaking puno. Hindi ko alam kung ano ang drama ko ngayon, dahil biglang gusto kong mapag-isa. Pero dahil sa napakagandang kapaligiran ay nag-enjoy ako, kahit wala akong kasama. Napapikit ako sabay langhap ng sariwang hangin.

Hanggang sa makarinig ako ng kaluskos sa malapit kaya binuksan ko ang aking mga mata. Muli kong narinig ang kaluskos at sumabay pa ang pag-ihip ng malakas na hangin. Nakasunod din ako ng mga yabag.

"S-Sino iyan?"

Walang sumagot, pero unti-unti na akong tumayo dahil kinikilabutan ako. Hanggang sa makarinig ako ng iyak ng babae.

Napatili na ako at napaiyak. Nadapa pa ako nang magtangka akong tumakbo, dahil nakasuot ako ng heels.

Hanggang sa ang iyak ay napalitan ng tawa, mula sa isang baritonong lalake na pamilyar sa akin.

"You!" sigaw ko kay Bjorn na nakasandal sa may puno.

"I hate you!"

"I know..." Natatawa niyang sabi. Sinubukan kong tumayo ulit ngunit muli akong bumagsak.

"Ouch! May ankle hurts."

"What happened?" Lumapit siya at nagtangkang tutulungan ako, pero sinamaan ko siya ng tingin.

"Don't come near me! This is your fault!"

Lumapit pa din siya. Nag-squat siya sa aking harapan. Hinaplos niya ang aking ankle na kinasinghap ko, dahil nakaramdam na naman ako ng kuryente. Pero kakaiba iyon.

Siguro nandidiri lang ako kaya ganito ang nararamdaman ko.

Tinabig ko siya.

"Lumayo ka!"

Sinipa ko siya kaso mas lalo lang sumakit. Napapikit ako at napaiyak. Nakakainis talaga siya! This is his fault. Nananahimik ako, e. Tapos sumunod pa talaga siya para lang sirain ang mood ko.

"I think it's sprain." Lumapit ulit siya at basta na lang hinawakan ang aking paa. His eyes look so gentle. Ganoon din ang pagkakahawak niya sa aking paa.

"Ah!" Pero basta na lang niyang hinila kaya lumagutok ito.

"Okay na." Tumayo siya. Nabawasan na ang sakit, pero hindi pa din ako tumatayo. Hinihintay ko siyang umalis pero hindi siya gumalaw.

"Bumalik ka na doon," aniya. Seryoso ang boses at hindi tumitingin sa akin.

Tumayo ako ng dahan-dahan at maingat na humakbang. Nakasunod naman siya sa akin sa likod. Mukhang inaabangan na madapa ako at mapasubsob upang mapagtawanan niya.

Pinahinga ko na lang ang paa ko. Maaga akong natulog. Mabuti na lang at okay na ang paa ko kinaumagahan. May kaunting discomfort, pero kaya ko namang ilakad ang mga 'to ng hindi iika-ika.

Kapag masakit na masakit pa rin talaga, hindi ako magmamartsa. And I would curse that Bjorn. Isusumpa ko na mamalasin siya sa babae habang buhay. He's a playboy, arrogant, annoying and a jerk!

Maaga kaming inayusan. Magaling ang make up artist kaya hindi nakakainis kahit na nakakainip ang pila.

"Ang hot ni Bjorn at n'ong friend niya." Napataas ako ng kilay nang marinig ko ang usapan ng ibang mga bridesmaid. Cute? Si Bjorn? Paano siya naging cute?

"Kapatid niya iyon." Nginuso ako ng isang babae.

Nagtutulakan pa ang mga 'to, kung sino ang lalapit sa akin upang hingin ang number ng Kuya ko ay ni Bjorn.

Hindi ko binigay ang number ni Kuya. "May girlfriend na siya, e." Kahit na wala naman talaga.

"Itong si Bjorn, he's single but he's not into a relationship. If you know."

"Oh..." Kaso imbes na ma-turn off, nagliwanag pa ang mga mukha nila. Binigay ko pa din ang number ni Bjorn sa kanila. Bahala na sila doon. Malandi naman ang lalakeng iyon, kayang-kaya niyang i-entertain kahit ilang babae pa.

Nagsimula na ang programa. Kahit naiinis, wala kaming choice kung hindi magdikit ni Bjorn.

Ako ang nakasalo ng bouquet at iyong groom ay sinadyang ihagis kay Bjorn ang garter.

Nakakailang na nakakairita. Kung si Lance siguro 'to tuwang-tuwa akong takluban siya ng aking ball gown na suot.

I didn't close my eyes, even when I felt Bjorn's warm palm against my skin. Pinasok niya ang kaniyang kamay upang isuot sa aking binti ang garter. Everyone was cheering. Si Kuya naman ay natatawa lang. I'm sure he's enjoying it, because he know how much I hate his friend.

Nakarating na sa tuhod ko ang kamay ni Bjorn. It tickles. No! It was disgusting! Hanggang sa makarating ito sa aking hita. Hindi na niya tinaas pa. He stopped. Oh, thank God! I'm sure he's also disgusted doing it. We hate each other.

Dati natutuwa ako sa mga ganitong part ng kasal. I always wanted to catch the bouquet from the bride. Pero ngayon hindi pala iyon nakakatuwa, lalo na at hindi naman si Lance ang partner ko.

I wanted to say yuck! But I don't want the guest to think that I was so maarte and not a sports. Nagsabay kami ni Bjorn. We're supposed to kiss on the cheek. Kaunti na lang ay magli-lips to lips na kami. I felt his lips on the corner of my lips.

Pasimple ko siyang inirapan at kinurot, samantalang nangingisi naman siya, pero nang makita ang itsura ni Kuya ay nagpunas ito ng kaniyang labi, na para bang bigla niya akong pinandirihan.

Excuse me! I was so annoyed.

After the wedding, bumalik na din kami agad sa Manila dahil may nangyari sa kompanya.

Nami-miss ko na din si Lance, kaya siya ang una kong pinuntahan. Kukunin ko na din si Lalo.

"Hi, Ma'am. Kukunin mo na si Lalo?" sabi ng kaniyang employee.

"Yes. By the way, may dala akong pastries. Paghatian niyo na lang ng mga kasama mo."

Kailangan magmukha akong mabuti at generous, para i-build up nila ako kay Lance.

"Thank you, Ma'am. Hindi ka lang maganda. Napakabait mo pa."

Tumawa ako.

"Puntahan ko lang si Lance."

Papunta na ako sa kaniyang office, nang natigilan ako sa aking nakita.

Hawak ni Lance ang kamay ng kaniyang assistant. Namumula ang pisngi ng babae, samantalang si Lance naman ay nakangisi.

What is the meaning of this?!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Faihan Tanggo
Ang Ganda at kaka kilig pa unlock PO Ang ibang chapter
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status