Share

C 8

Author: KYLIEROSE
last update Last Updated: 2025-12-18 09:13:25

ISANG Linggo na ang nakalipas mula noong nagkausap kami ni Beckett at sa loob ng isang Lingo na iyon ay iniiwasan ko si Martin. Kahit alam kong wala naman kaming ginagawang masama ni Martin ay sinusunod ko na lang ang gusto ni Beckett para walang problema.

Kasalukuyan kaming nasa conference room dahil nagkaroon ng emergency meeting ang board members kasi namatay daw ang isa sa mga boad member. Nakapalibot sa bilog na lamesa ang anim na board member, kasama na ang Chairman ng kumpanya.

"Nasisiguro kong hindi aksidente ang pagkamatay ni Bustabo," sabi ng isa sa mga matandang board member na si Faustino.

Buti na lang talaga inaral ko at kinilala ko ang mga board member, kaya kilala ko silang lahat.

"Nasisiguro ko rin," segunda ni Wancho.

"Hindi kaya pakana ito ng Lanchestra Familia? Ang pagpatay nila kay Bustabo ay isang babala," sabi naman ni Mr. Martini.

Bigla naman akong kinabahan sa binabing iyon ni Mr. Martini. Bakit naman merong pagpatay?

Tumikhim si Lucifer na isa sa mga batang bo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Night with HIM    C 16

    "BECKHAM, anong sa tingin mo?"Napapiksi ako nang hawakan ako ni Francesca sa braso. Pinag-uusapan namin ang magiging tema ng kasal naman at kung saan gaganapin. Pero ang isip ko ay na kay Jordan."Did you say something?"Tumaas ang kilay niya. "Kanina pa ako salita nang salita rito pero ang isip mo wala rito," inis niyang sabi."Meron lang akong iniisip.""Trabaho na naman? I'm here, Beckett. You should focus on me!"Mariin kong pinikit ang mga mata ko. "Meron lang talaga akong importanteng iniisip.""Importante? Meron pa bang higit na importante sa kasal natin? My josh, Beckham, malapit na ang kasal natin pero kung anu-anong mga walang kwentang bagay pa ang inuuna mo—umh!"Galit kong hinawakan ang mukha niya. "Alam mong wala akong pakialam sa kasal. Lalong alam mong hindi kita gustong pakasalan, Francesca. Kung gusto mong magplano, magplano ka mag-isa mo!" padaskol kong binitawan ang mukha niya."Get the hell out of my office!" sikmat ko sa kanya."Makakarating ito kay Daddy!" Galit

  • A Night with HIM    C 15

    KAHIT sinundo ako ni Luca ay hindi ako sumakay sa sasakyan niya dahil masama pa rin ang loob ko kahit tatlong araw na ang nakalipas at ayoko talagang magpahatid sa kanya.Hindi rin ako pumayag na magkaroon ng bodyguard nang sabihin sa akin ni Luca. Ayoko nang tumanggap ng kahit na ano na magmumula kat Beckett.Kasalukuyan kami ngayong nasa meeting kasama mga board member 3 at tahimik lang akong nasa likod ni Beckett habang nililista ang mga importanteng ditalye na dinidiskusyon nila.Napatingin kayo kay Beckham nang abutan niya ako ng upuan na ikinatingin sa amin ng board members na nandoon. Marahil ngayon lang nila nakita na ginawa ni Beckham ang ganito."Maupo ka muna," aniya."Thank you, Sir, but I'm okay."Pero hindi siya tumigil at inalalayan pa niya akong maupo. Hindi rin ako makaangal dahil pagod na rin naman talaga ako dahil ilang oras na rin akong nakatayo."T-thank you, Sir.""Welcome," anito at muli na siyang bumalik sa kinauupuan niya kanina.Tumagal pa ulit ng ilang minut

  • A Night with HIM    C 14

    PAGKATAPOS ng nangyaring insidente isang Lingo na ang nakalilioas, hindi muna ako pinapasok ni Beckett sa trabaho. Pasalamat din ako kasi nagkaroon ulit ako ng time para asikasuhin si Alessandro dahil grabeng trauma ang naging ipekto sa kanya ng nangyari.Tuwing gabi nananaginip siya at sa umaga naman ay ayaw niyang mapag-isa.Buntong hiningang hinalikan ko sa noo si Alessandro nang mapatulog ko siya ngayong tanghali. Marahan akong umalis sa kama at walang ingay na lumabas ng kwarto niya.Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad kong tiningnan ang cellphone ko kung nag-reply ba si Beckett sa mga message ko sa kanya sa beep message mula pa noong isang araw, pero ni isa sa mga message ko ay hindi niya binasa man lang.Ngusong naupo ako sa gilid ng kama. Nadidismaya ako dahil hindi man lang binabasa ni Beckett ang mga message ko. Pero bakit kaya?Nagalit kaya si Beckett dahil sa nangyari, kaya hindi siya nagsi-seen sa mga message ko?Kung tawagan ko kaya siya?Kagat-labing tinawagan ko ang numer

  • A Night with HIM    C 13

    LAKAD-TAKBO ang ginawa ko habang hilahila si Alessandro na umiiyak na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya.Ang lalaki panay sunod din sa amin at hindi kami tinatantanan. "Jordan!" narinig kong tawag niya sa pangalan ko na kinahinto ko.I know that voice.Nilingon ko siya. Doon tinanggal ng lalaki ang sumbrero niya. It's Martin. Pero bakit sila nito sinusundan?"M-Martin?" tinago ko si Alessandro sa likuran ko. "Nandito ka rin pala.""Bakit parang nagmamadali kayo?""Ahh may pupuntahan pa kasi kaming importante," pagsisinungaling ko."Mama, balik po tayo 'dun. Gusto ko pa po manood ng show," pangungulit sa akin ni Alessandro."Siya ba ang anak mo, Jordan?" Sinilip niya si Alessandro na nasa likuran ko."O-oo."Nangunot ang noo ni Martin. "Why he looks like...""Sige, Martin, mauna na kami ha?"Akmang aalis na kami ay pinigilan niya ako sa braso at hinila palapit dito. Bahagya niyang binuksan ang suot niyang itim na jacket kaya lumantad sa mga mata ko ang baril na nakatago

  • A Night with HIM    C 12

    "WHAT, inalok ka niya ng ganu'n?" bulalas ni Apple nang ikwento ko sa kanya through video call ang tungkol sa nangyaring pag-uusap namin kanina ni Beckett.Tumango ako. "Kahit man ako nagulat sa sinabi niya.""Eh ano naman ang sabi mo?""Wala pa. Wala akong maisagot dahil hindi ko alam kung papayag ba ako sa gusto niya."Sumimangot si Apple. "Naku ha! Kunwari pa yang si Beckett. Bakit hindi na lang niya sabihin na gusto ka niya, hindi 'yung may pa ganu'n ganu'n pa siyang nalalaman!"Nagbuntong-hininga ako. "Naiisip ko, pano kung pumayag ako? Baka sakaling magbago ang desisyon niyang hindi magpapakilala sa anak namin. Gusto kong mabago ang isip ng anak ko tungkol sa ama niya.""Eh, paano ka naman nakakasiguro na mapapabago mo ang desisyon ni Beckett?"Nagkibit ako ng balikat. "Pero ang hirap lang isip na hindi kami pero may nangyayaring sex. Ano 'yun sex friend?""Nagdadalawang isip ka pa eh nakipag one night stand ka nga sa kanya!"Sinimangutan ko siya. "Hindi ko alam kung kaibigan ba

  • A Night with HIM    C 11

    NAPAANGAT ang tingin ko sa babaeng bisita ni Beckett na lumabas mula sa opisina nito. Meron itong pagkakawangis kay Beckett at halos pareho sila nitong tumingin na para bang inaarok ang buo mong pagkatao.Akala ko may sasabihin siya sa akin pero nagpatuloy ito sa paglakad at agad na sumakay sa elevator.Napabuntong-hininga ako dahil sa ginawa kong pagsigaw kay Beckett kanina sa harap mismo ng bisita nito. Kahit saan mo tingnan, mali ang ginawa ko dahil boss ko si Beckett. Siguradong galit siya ngayon sa akin.Sino ba ang hindi magagalit sa ginawa mo kanina? Pinahiya mo lang naman siya sa bisita niya kanina! Sabi ko sa aking sarili.Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag ko at tinawagan si Luca."Ms. Gomez, napatawag ka?""Hmmm...gusto ko lang sana itanong sa'yo kung anong paboritong pagkain ni Beckett?" kagat labi kong tanong"Gelato and dolce," agad niyang sagot mula sa kabilang linya."Gelato and donce?" Ngayon ko lang kasi narinig ang ganu'ng klaseng pagkain."Ice cream in English.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status