LOGINIn the past three years of being married to Damon Gallagher, Amara Samonte felt lonely all those years. Kung sabagay ano pa ba ang aasahan niya kung pinilit lamang si Damon ng kanyang lolo na pakasalan siya dahil sa isang utang na loob. Ngunit may hangganan ang lahat ng pagtitiis. Sa mismong burol ng ina ni Mara, sa halip na siya ay damayan sana ni Damon ay nalaman niyang may kasama itong ibang babae sa isang private villa. Labis ang hinagpis at ang sakit na naidulot nito kay Mara. After her mother’s burial, Amara left the whole town without a trace carrying the child of her ex-husband. Mapaglaro ang tadhana, Damon and Amara’s world collided again at the auction house. Sa limang taong paghahanap ni Damon sa kanya ngayon ay hindi na siya makakawala pa. “Mara, are you trying to flee again?” “Anong pinagsasabi mo, Damon? Matagal na tayong hiwalay.” “Nasaan ang mga anak natin?” Damon fired back. “Hindi ba ay pinalaglag ko?” Mara still tried to hide the truth. Ngunit hindi na nakapalag pa si Mara nang lumabas ang tatlo nilang anak at tumayo ang mga ito sa kanilang harapan. Makakaya kaya ni Mara na makipag-ayos kay Damon para sa mga bata? Gayong kasal na ito sa babaeng pinakamamahal niya at ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan? Will she co-parent with her ex-husband or will she hide the triplets again?
View More“Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo, Mara. Hindi pa rin ba dumating si Damon?”
Nakatayo lamang si Mara sa harap ng kabaong ni Mirasol, ang yumaong nitong ina, suot nito ang isang puting bestida pahiwatig na siya ay nagluluksa sa mga oras na iyon. Ang mga kandila na nasa kanyang harapan ay nagbibigay liwanag sa maputla niyang mukha.
Napayuko siya at napatingin sa cellphone niyang paubos na ang battery, hindi niya nasagot ang mga tawag ni Damon sa kanya.
Nang namatay ang kanyang ina ni-minsan ay hindi siya umalis sa burol nito sa loob ng pitong araw kahit na siya ay pitong buwan nang buntis. Tatlong taon na silang kasal ni Damon ngunit kahit isang beses ay hindi ito nagpakita sa burol.
Laging iniintindi ni Mara ang asawa na abala lamang ito sa trabaho at iyon ang lagi niyang paalala sa sarili.
“Marami po siyang inaasikaso kaya hindi siya makakapunta.”
Mamasa masa pa ang kanyang pisngi dahil sa luhang hindi pa natuyo ay nanghihina niyang hinaplos sa huling pagkakataon ang salamin ng kabaong kung asan ay tanaw niya ang mukha ng ina.
“Umpisahan na po ang libing ni mama.” Saad niya sa paos at nanghihinang boses.
“Mara, gaano ba kaabala si sir Damon Gallagher? Hindi man lang siya nagpakita sa loob ng pitong araw na nilamay si Mirasol. Hindi niya manlang nirerespeto ang nanay mo.” Sarkastikong sambit ng tiyahin niyang si Marta.
“Nagkakamali ka diyaan ma.” Nanunuyang sabat ng pinsan niyang si Rica. “Hindi naman sa hindi nirerespeto ni sir Damon si tita Mirasol. Ang hindi niya talaga nirerespeto ay si Mara at ang mga pamangkin ko sa sinapupunan niya…opsss.”
Nakakasakit sa damdamin ang mga sarkastikong boses na naririnig niya sa mga tao. Nakaramdam siya ng pait at kinukumbinsi niya pa rin ang sarili na naging mabuting asawa naman si Damon simula noong sila ay ikasal. Kaya naiintindihan niya na hindi ito makakapunta dahil tambak ang trabaho nito sa opisina.
Nang makumbinsi niya na ang sarili ay agad siyang sinampal ng reyalidad nang marinig niya ang sigaw ni Rica habang nakatingin ito sa kanyang cellphone.
“Trending ngayon si sir Damon sa social media! Hindi ba ay siya ito??” At agad nitong inabot ang cellphone kay Mara.
Agad naman itong napatingin sa cellphone ng pinsan. Isang sikat na video ang nakita niya at usap-usapan ito kaninang umaga ngunit ang mistulang video ay kagabi pa nangyari.
Binasa niya ang caption nito. Mr. CEO Damon Gallagher rented out a private villa to celebrate his true love’s birthday, Lean Milante.
Mapapanood sa video ang mga masigabong fireworks sa kalangitan. Pormal at dominante ang aura ni Damon habang nakaupo at malamlam na nakatitig sa babaeng katabi nito na halatang nag-eenjoy sa naggagandahang fireworks displays.
Kahit gaano pa kabongga ang fireworks ay hindi roon nakatingin si Mara kundi sa likod ng lalaki sa video ito nakatitig. Kilala niya kaagad iyon at masasabi niyang asawa niya ang nasa video. Si Damon nga ‘yon.
Naging blangko ang isip ni Mara sa sandaling iyon at nanigas ang kanyang katawan na hindi niya kayang gumalaw. Kaya pala wala siya dahil nag cecelebrate siya sa birthday ng ibang babae.
Tuloy tuloy ang tunog ng fireworks sa video at sinamahan pa iyon ng nanunuyang boses ni Rica. “Mara, hindi ba sinabi mo na busy ang asawa mo? Oo talagang napaka-busy niya. Busy siya sa pag-book ng villa at may pa-fireworks pa para ipagdiwang ang birthday ng ibang babae.”
Gumugulo ngayon sa isipan ni Mara ang imahe ni Damon na nag-rent ng villa para lamang i-suprise ang ibang babae. Napakuyom siya.
Buong akala niya ay busy ito sa trabaho. Kaya naman ay mag-isa niyang inasikaso ang burol ng kanyang ina at hindi na inistorbo pa ang asawa kahit napakalaking pagsubok sa kanyang buhay ang pagkawala ni Mirasol.
Tila ba nakakatawa ang nangyayari. Dahil sa loob ng pitong araw, hindi man lang sinagot ni Damon ang mga tawag niya at wala itong panahon na pumunta sa burol para silipin lamang ang kanyang ina sa kabaong. Ngunit may panahon itong mag-book ng villa at may-pa fireworks pa para sa birthday ng ibang babae.
Ang babaeng nasa video ay si Lean Milante, ang childhood love at pinakamamahal na babae ni Damon.
Samantalang si Mara ay asawa lamang na ipinagkasundo ng lolo ni Damon na si Don Lorenzo. Dahil gusto nitong tumanaw ng utang na loob sa ama ni Mara na nagligtas sa kanya at para na rin suportahan ang mga pangangailangan ng dalaga.
Sa loob ng tatlong taon na kasal sila ay alam ni Mara na hindi siya minahal ni Damon kaya kahit kailanman ay hindi siya nagtangkang istorbohin ito sa kanyang mga problema at hindi kailanman humingi ng tulong.
Kilala niya si Damon na hindi sweet na tao, hindi nagdiriwang ng mga birthdays, pasko o kahit anong holidays. Umiikot lamang ang kanyang mundo sa trabaho.
Ngunit ngayon ay kakaiba. May pakulo pa si Damon na pa-fireworks sa ibang babae parang naging katawa-tawa si Mara roon. Ngayon niya lamang napagtanto ni Mara na kayang kaya pala ni Damon ang maging sweet, ngunit ayaw lang talaga nito magpakita ng kahit anong affection sa kanya.
Napa-ngitngit si Mara at sinusubukan na balewalain ang sakit na nararamdaman niya. Tuluyan niya nang iniliayo ang mukha sa cellphone upang hindi maging katawa-tawa sa mata ng iba. Dahil kailangan niya pang asikasuhin ang libing ng kanyang ina kaya kailangan niya na maging kalmado.
Nang matapos ang libing ay lumuhod si Mara upang kunin ang picture frame ng kanyang ina, pagkatapos no’n ay tuluyan na siyang umalis at inignora ang mga nanunuyang tingin ng mga tao sa kanya.
Naalala pa niya na gustong makita ni Mirasol si Damon bago ito namatay. Kaya naman ay ilang beses siyang tinawagan ni Mara ngunit sa huli ay hindi nito sinagot ang mga tawag dahil kasama niya si Lean magdamag.
Hiling pa ng kanyang ina na tumagal at mas sumaya pa ang pagsasama nilang mag-asawa ngunit dahil sa nangyari ay mas lumabo na maganap iyon.
Nang matapos niyang asikasuhin lahat ay hinihintay niya na lamang na ang kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan na matapos sa kanilang pagkain bago umalis. Kaya mas pinili niyang maupo mag-isa sa isang sulok.
Dumating si Damon ngunit huli na siya sa lahat. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at walang emosyon ang kanyang napaka-perpektong mukha. Napunta kaagad ang kanyang mga titig kay Mara at sa buong lugar, may bahid ng pag paumanhin sa kanyang misteryosong mukha nang napagtanto niya kung ano ang nangyari.
Napa angat ng tingin si Mara kay Damon habang sinusuportahan niya ang kanyang tiyan. Ang nananahimik niyang damdamin at kinikimkim na sama ng loob ay biglang umusbong.
Napahugot siya ng malalim na hininga at ininda ang nararamdaman.
“Tapos na ang trabaho mo?” Saad niya at nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha.
“May meeting nong umaga.” Sagot ni Damon at hindi niya nararamdaman sa himig ng asawa ang pagluluksa.
“Paano naman nong isang gabi? Masaya ba ang birthday party?” Diin ni Mara.
Naging seryoso ang mukha ni Damon at bago pa siya makapagsalita ay, may babae na naka-red dress ang sumulpot mula sa kanyang likuran. Suot nito ang coat ni Damon na bumabalot sa kanyang braso at naglakad siya paharap.
“Mara, I’m really sorry. Kasama ko si Damon kagabi. My mom was sick noong nakaraang araw at nag-aalala si Damon na baka mahirapan ako. Kaya naman ay tinulungan niya ako na alagaan si mommy. That’s the reason kung bakit hindi niya nabasa ang mga texts mo. Kasalanan ko at inistorbo ko pa si Dame.” Paliwanag ni Lean.
Mas lalong dumilim ang ekspresyon ni Mara. Habang nakikinig siya sa mga sinasabi ni Lean ay kaagad siyang nakaramdam ng pait at kirot sa puso.
“Malala ba ang sakit ng mommy mo?” Mahina niyang tanong rito.
“No, it’s not that serious. Sinisipon lang si mommy at konting lagnat pero nakakarecover naman na siya.” Malambing na sagot ni Lean.
Nang marinig iyon ni Mara ay para siyang tinarakan ng punyal sa puso. Sinubukan niyang kontrolin ang kanyang emosyon sa abot ng makakaya niya ngunit trinaydor siya ng namumula niyang mga mata at ang nanginginig niyang mga labi.
Mas lalong pumait ang ekspresyon ni Damon. Nasa kalagitnaan siya ng meeting nang nalaman niyang namatay na ang ina ni Mara. Kaya naman nang matapos ang meeting ay pupuntahan niya sana ito ngunit may biglang nangyari kina Lean. Sa dami niyang inasikasong bagay ay nakalimutan niya na ang tungkol sa ina ni Mara.
Kaya naman ay gusto niyang humingi ng paumanhin.
Luluhod sana si Damon sa puntod ni Mirasol ngunit agad siyang pinigilan ni Mara. “Hindi na kailangan, Damon. Mas importante naman diba ang mommy ni Lean. Kaya umalis ka nalang at samahan mo silang mag-ina.” Mariing saad ni Mara. Dahilan kung bakit napahinto si Damon sa kanyang paglalakad.
Tumayo si Mara at umalis dahil ayaw niya nang manatili pa roon. Hindi siya umiyak at hinding hindi niya hahayaan ang sarili na iyakan ang mga taong hindi naman karapat-dapat sa luha niya.
Napayuko siya nang naalala na umiiyak noon si Lean nang tinawagan siya nito at sinabing may sakit ang kanyang mommy ngunit si Mara na buntis ay ininda lahat ng sakit at pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina na mag-isa lamang.
Bigla naman nakaramdam ng kirot sa puso si Damon nang makita niya na hirap sa paglalakad si Mara na ngayon ay nasa ika-pitong buwan na ang pagbubuntis.
“Mara, saan ka pupunta? Buntis ka kaya hindi pwede na kung saan-saan ka pumupunta.” Sinubukan pang tawagin nito ang asawa.
Mapait na ngumiti si Mara. Aware pala si Damon na buntis ito ngunit mas pinili niyang alagaan ang nanay ng ibang babae at hinayaan siya nitong magluksa na mag-isa. Patunay lamang na wala talagang pakialam si Damon sa kanya at sa batang pinagbubuntis niya.
Napayuko siya at napatingin sa kanyang bundat na tiyan, dahil sa naramramdaman niyang pait at lumbay ay nakagawa siya ng isang desisyon. Hindi rin naman magiging masaya ang anak niya kapag isinilang niya ito dahil walang pakialam ang kanyang ama sa kanilang mag-ina.
Naramdaman ni Damon ang panunuyo ng kanyang lalamunan nang tuluyan nang naglaho si Mara sa paningin niya. Naglakad lakad pa siya para maabutan ito ngunit pinigilan siya ni Lean. “Dame, nagluluksa si Mara sa pagkamatay ng nanay niya. Bakit ba hindi mo nalang siya hayaang kumalma?”
Napakislot ito at mariing tinignan si Lean. “Hindi maganda ang mood ni Mara ngayon at pwedeng may mangyaring masama sa kanya” at itinulak niya ang nakahawak nitong kamay. “Umuwi ka na.” ” Malamig at matigas na sagot ni Damon rito. Nang makalabas siya ay tuluyan nang naglaho si Mara.
Agad niyang inilabas ang kanyang cellphone habang tinitignan ang abalang kalsada at tinawagan ang kanyang assistant. “Track Mara’s phone at hanapin niyo siya kaagad.” May bahid ng pagkabalisa sa napaka-gwapo nitong mukha matapos ang tawag.
Isang oras ang nakalipas nang tumawag ang assistant ni Damon. “Sir Gallagher, nasa hospital po ang asawa niyo ngayon.”
“At anong ginagawa ni Mara diyaaan sa hospital?”
“Ipapa-abort niya raw po ang bata, sir. May draft din po ang asawa niyo ng divorce agreement at nakapirma na po si ma’am Mara.”
Dahil sa pakagulat ay malakas ang pag-brake ni Damon sa preno at ang malalim nitong mga mata ay punong puno ng pagkadismaya.
Matuwid at may paninindigan ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni MaraNabigla naman si Diane sa biglaang pagtanong ni Mara at hindi kaagad ito nakapagsalita.Ilang sandali siyang napatigil at bago sapilitang na sumagot, “Ang sinasabi ko ay ang tungkol sa pagpapalaglag mo ng anak niyo. Anong mga kababalaghan ang pinagsasabi mo, Mara?”"Oo, alam ko naman ang sinasabi ko. Pero sa tingin mo, ipapalaglag ko ba ang bata kung hindi iyon ginawa saakin ni Damon?”“Kahit na, Mara. Kasalanan pa rin ang ipalaglag ang bata.” Dahil para kay Diane, isang napakalaking kasalanan ang pagpapalaglag ng bata. Bahagyang tumawa si Mara at mahihimigan ang pangungutya sa tono nito at marahan niyang pinisil ang kanyang labi. Yumuko siya at nag-isip isip. May mga tao talaga na kahit nariyan na ang katotohanan ay magbubulagbulagan pa rin siya o magtatanga-tangahan at hindi na mapipigilan ang bagay na iyon. Sa huli ay gusto lamang ng mga Gallagher na kunin ang anak niya tapos ay aabandunahin na siya.Doon
Nanlamig ang mukha ni Mara nang makita niyang magkasama sina Lean at Rica. Nakakalokong ngumisi sa kanya ang pinsan. "Mara, what a coincidence." Nagkataon lang? Alam ni Mara na hindi iyon nagkataon lang. Siguro ay nalaman na nila ito kay Damon pa"Mara, mabuti na lang ay mabilis kang nakaiwas." Sita sa kanya ni Lean at nakataas pa ang kilay nito habang nakatayo pa rin sa gilid. Silang tatlo lamang ang nasa lugar na iyon kaya inilabas niya na ang kanyang tunay na sungay, kasama ng totoong intensyon niya sa pagbundol kay Mara. Mariin naman siyang tinignan ni Mara. "Gust mo akong sagasaan?""Shut it! Huwag mo akong pagbintangan. Hindi lang talaga sumunod ang kamay ko na nakahawak sa manibela kaya sa maling direksyon ko naitama ang sasakyan."Humakbang naman papalapit si Mara sa kanila at nagtaas siya ng kilay. "Talaga ba?"Napakislot naman ng labi si Lean at ngumisi siya. "Oo naman."Hindi na siya pinatapos pa ni Mara sa kanyang sasabihin at buong pwersa niya itong sinampal dahilan kun
Napaiwas ng tingin si Damon at hindi na nagsalita pa. Nang makita naman ni Mara na wala na itong balak magtanong pa ay napabuntong hininga siya. Habang sumusubo ay nakamasid siya sa kilos ni Damon gamit ang kanyang peripheral vision. Kahit na kumakain lamang ay elegante pa rin ang kilos nito, mabagal pero masinop. Kakaiba ang tensyon sa paligid, bukod sa tahimik na si Damon at madaldal na si Winter ay hindi na nakakain pa nang maayos sina Mara at Amie. Makalipas ang ilang sandali ay natapos na ring kumain si Damon at kumuha siya ng tubig bago sumimsim dito. Napatingin naman si Mara sa kanya para tignan kung tapos na ba itong kumain.Habang umiinom ay naramdaman niya na nakatingin sa kanya si Mara kaya tumitig din siya dito pabalik. "Anim na beses kang tumingin saakin the whole time. Do you need something, Mara?"Malinaw nga naman na may kailangan talaga siya kay Damon ngunit nagtataka siya kung paano nito nabilang kung ilang beses siyang tumingin sa kanya gayong kumakain lang naman
May alam na nga ba si Damon tungkol sa mga bata kaya siya nagpakita sa kanilang dinner? Na para bang sa tuwing makakarinig ng balita si Mara mula rito pakiramdam niya ay may nalaman na ito sa kanyang sekreto. Para niya nang nakikita na isang araw, susulpot si Damon sa kanyang harapan na may kasamang police at kukunin sa kanya ang mga bata. Dahil sa laging pag-iisip niya ng ganong bagay ay iba na ang nagiging epekto nito sa mental health niya. Humilig naman si Mara sa cellphone na hawak ni Amie upang pakinggan ang sasabihin ni Damon. "Hindi ba ay ininvite mo ako sa isang dinner ngayong bilang treat mo saakin? Hindi mo ba ako iwi-welcome?"Pilit namang ngumiti si Amie. "Nako sir. Saan po ba kayo banda para ma-welcome kita?"Pakitang tao lamang ang pag-aanyaya niya bilang pagbigay na rin ng paggalang sa kanya ngunit hindi inaasahan ni Amie na papatusin talaga ni Damon ang dinner, dahil sinabi na nito na hindi siya makakapunta.Nang matapos ang tawag ay mabilis na napatayo si Amie at ali


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.