LOGINCHAPTER 151Mabilis naman na lumipas ang ilang araw at gaya nga ng napagkasunduan nila Maxene at Bernard ay doon na muna sila sa mansyon naglagi na dalawa. At isa pa ay kinausap din si Bernard ng kanyang ama na doon na muna sila para makasigurado sila na safe ang mag ina sa panggugulo nila Joseph at Irish.Kahit papaano kasi ay nalilibang si Maxene sa mansyon lalo na kapag nasa garden nga sila ng ina ni Bernard. Kahit papaano rin ay nakakalimutan ni Maxene ang kanyang nga isipin lalo na ang tungkol kila Joseph at Irish. Bago kasi sila magpunta sa mansyon ay palagi na lang nag iisip si Maxene na baka bigla na lamang sumulpot sa unit niya ang dalawa. Sa nakalipas din na mga araw ay binibisita rin ni Pamela si Maxene sa mansyon at panay nga ang hingi ng tawad nito sa dalaga dahil sa ginagawang panggugulo ni Joseph sa kanila. Kahit si Pamela kasi ay hindi rin makapaniwala na ginugulo pa rin ni Joseph si Maxene.At ngayon nga ay naisipan ng ina ni Bernard na pumunta sa mall para maggrocer
CHAPTER 150Samantala naman matapos na makausap ni Bernard ang kanyang ina ay agad naman na tinawagan ni Diana ang kanyang asawa upang sabihin ang mga nangyayari kila Bernard at Maxene at pati na rin ang ginawa ng kanilang panganay na apo na si Joseph.Sobrang galit na galit naman si Randy sa kanyang mga nalaman na pinaggagagawa ng kanilang apo na si Joseph at sobrang nadisappoint talaga siya rito dahil hindi man lang ito mag isip ng kung tama pa ba ang ginagawa niya. Ang mas ikinagagalit pa niya ngayon ay hindi man lang nito inisip na buntis si Maxene at talagang ginugulo pa rin ng mga ito ang dalaga.Agad naman na kumilos si Randy at agad na niyang pinatawag si Jonathan na nasa kabilang kumpanya lamang. Kaya naman maya maya lang ay dumating na rin kaagad ito sa opisina ni Randy.“May problema po ba dad? Biglaan naman po yata ang pagpapapunta nyo sa akin dito,” hindi naman napigilan na tanong ni Jonathan sa kanyang ama pagkarating niya sa opisina nito.Isang malalim na buntong hining
CHAPTER 149 “Si Joseph? Ano naman ang kinalaman ng pamangkin mo rito?” hindi na napigilan na tanong ni Diana kay Bernard. “Hindi naman po lingid sa kaalaman ninyo na dati pong kasitahan ni Maxene si Joseph. At kagaya po ni Irish ay hinahabol pa rin po ni Joseph si Maxene hanggang ngayon. Katunayan nga po kanina habang nasa restaurant daw po kami ay nakita ni Maxene si Joseph doon at pinasok pa po siya sa loob ng CR ng mga babae,” sagot ni Bernard sa kantmyang ina at saka siya bumuntong hininga. “Nag aalala po ako na baka guluhin na naman ng lalaki na iyon si Maxene. Kaya ayos lang po ba sa inyo na ipaalam ko ito kay kuya? Naisip ko po kasi na baka kailangang kausapin ni kuya ang kanyang anak para tigilan na niya si Maxene. Ayoko lang po kasi talaga na maulit na naman ito at baka ma-stress na po talaga si Maxene,” pagpapatuloy pa niya. Saglit naman na natigilan si Diana sa sinabi na iyon ni Bernard. Hindi kasi lingid sa kanyang kaalaman na hindi maganda ang relasyon ngayon ng mag am
CHAPTER 148Samantala naman sa mansyon ng mga Aragon ay abalang abala si Diana sa pagluluto ng pagkain para kay Maxene. Matagal tagal din kasi talaga niya itong hindi nakita kaya naisipan niya na ipagluto ito ng espesyal na pagkain.“Mukhang napaka espesyal naman po ng linuluto nyo mom. Parang gusto ko na tuloy magselos sa mapapangasawa ko dahil hindi ako ipinagluto ng ganito ng mommy ko noon,” tinong nagtatampo na sabi ni Bernard sa kanyang ina. Kararating lang kasi niya sa kusina at amoy na amoy na kaagad niya ang linuluto ng kanyang ina para kay Maxene.Gising na rin naman si Maxene kaya nagpaalam na muna siya rito na lalabas muna siya saglit at pinayagan naman siya nito kaya kinuha na niya itong pagkakataon para makausap ang kanyang ina.“Nasaan si Maxene? Bakit hindi mo siya kasama? Tulog pa ba siya?” sunod sunod na tanong ni Diana kay Bernard ng hindi niya makita ang dalaga.“Gising na po sya mom. Nagpaalam naman po ako sa kanya na lalabas ako saglit. Hinayaan ko rin po muna siy
CHAPTER 147“Wow ha… feel at home ka na rito at dire diretso ka na lamang talaga na pumapasok,” nakataas pa ang kilay na sabi ni Irish at saka siya himalukipkip. “Ano ba ang kailangan mo at ang aga aga mong naligaw dito?” tanong pa niya rito.Galit naman na tumingin si Joseph sa dalaga pero pilit pa rin niyang kinakalma ang kanyang sarili dahil baka makalimutan niya na babae ang kanyang kaharap.“Ang sabi mo sa akin ay hiwalay na ila Bernard at Maxene pero mukhang nagkamali ka yata ng binalita sa akin. Base kasi sa nakita ko kanina ay mukhang mas lalo pa ngang naging maayos ang pagsasama nilang dalawa dahil alagang alaga pa rin ni Bernard si Maxene. Nasaan ang sinabi mi na hindi ka man lang pinagpawisan na paghiwalayin sila? Sinungaling ka talaga,” gigil pa na sabi ni Joseph sa dalaga.Nagulat naman si Irish sa sinabi na iyon ni Joseph at talagang biglang nawala ang antok niya dahil doon.“What!? Ano ba ang pinagsasasabi mo r’yan, Joseph? Kitang kita ko mismo kung paano nagwalk out an
CHAPTER 146“Ayos ka lang ba? Baka may masakit sa’yo ay sabihin mo lamang sa akin. Kanina ko pa kasi napapansin na simula ng nagCR ka sa mall ay bigla kang naging tuliro,” tanong na ni Bernard kay Maxene.Napatingin naman si Maxene kay Bernard at napabuntong hininga na lamang talaga siya at saka siya naupo na muna at sumandal na rin muna siya sa headboard ng kanilang higaan.“B-Bernard, k-kanina sa mall… noong nag CR ako ay… ay nakita ko si Joseph doon,” pag amin ni Maxene sa binata.Nanlaki naman ang mata ni Bernard dahil sa gulat sa sinabi na iyon ni Maxene.“What? Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin kanina? May ginawa ba siya sa’yo? May masakit ba s’yo? Sinaktan ka ba niya? May sinabi ba siya sa’yo?” sunod sunod na tanong ni Bernard sa kanyang nobya at labis talaga siyang nag aalala rito dahil baka kung anong ginawa ni Joseph dito.“Wala naman siyang ginawa sa akin. Hindi naman din niya ako sinaktan. Ang akala lang yata niya ay hiwalay na tayong dalawa kaya niya ako linapitan kani
CHAPTER 58Pagkapasok ni Maxene sa loob ng kanyang unit ay nadatnan naman niya ang kanyang kaibigan na si Bea na mukhang kanina pa naghihintay sa kanya. Mukhang nagulat pa nga ito sa kanyang pagdating doon.“Akala ko ba ay susunduin kita sa mall? Nag commute ka?” agad na tanong ni Bea dahil kanina
CHAPTER 61Samantala galing naman si Jonathan sa kanyang kumpanya at talagang ginabi na rin siya ng uwi sa dami ng kanyang ginawa sa opisina.Pagkapasok niya sa kanilang bahay ay napansin niya na may tumigil na sasakyan sa labas ng kanilang bahay kaya naman napatigil siya sa paghakbang at napasilip
CHAPTER 65Mabilis naman na lumipas ang isang buwan at sa nakalipas na mga araw ay madalas na nagkikita sila Maxene at Bernard dahil gaya nga ng sinabi ng binata ay liligawan niya ito. Sa nakalipas din kasi na mga araw ay talagang hindi rin mapakali si Bernard kapag hindi niya nakikita si Maxene k
CHAPTER 57“Binalak ko naman ng sabihin sa kanila ang tungkol dito. Kaso bigla namang dumating ang problema ng aming kumpanya kaya hindi ko na lamang itinuloy pa ang pag amin sa kanila dahil ayokong dumagdag pa sa isipin nila. Sa ngayon ay naghahanap ulit ako ng pagkakataon para umamin sa kanila,”







