LOGINCHAPTER 153Nagulat naman si Maxene sa ginawa na iyon ni Irish at hindi talaga niya iyon napaghandaan.“Ahhhhhh….. Bitawan mo ako, Irish. Ano ba…. Tigilan mo na kasi kami dahil gusto na naming mamuhay ng tahimik. Kaya tumigil ka na sa panggugo sa amin,” sigaw ni Maxene habang hawak hawak niya ang kanyang buhok na sinasabunutan ni Irish.“Dapat lang yan sa’yo, mang aagaw. Tama lang na turuan kita ng lrksyon dahil masyado ka ng matapang,” gigil pa na sabi ni Irish at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakasabunot kay Maxene.Lalo namang napaigik si Maxene dahil sa higpit ng pagkakasabunot sa kanya ni Irish.“Tulong!!! Tulungan nyo ako!!!” sigaw ni Maxene at wala na siyang ibang naisip ngayon kundi ang humingi ng tulong dahil baka kung ano pa ang gawin sa kanila ni Irish.Nanlako naman ang mata ni Irish sa pagsigaw na iyon ni Maxene at pagtingin niya sa kanilang paligid ay nakatingin na sa kanila ang mga naroon.“Tumahimik ka ngang babae ka,” saway ni Irish kay Maxene.“IRISH BITAWAN M
CHAPTER 152“Maxene, mag CR lamang ako saglit. Dito ka lang kay mommy ha. Babalik din naman ako kaagad,” pagpapalam muna ni Bernard kay Maxene dahil kanina pa talaga siya ihing ihi at pinipigilan lamang talaga niya iyon.“Sige lang. Dito lamang naman kami,” sagot ni Maxene sa binata habang patuloy siyang nagtitingin ng mga baby dress.Pagkasabi ni Maxene noon ay linapitan naman ni Bernard ang kanyang ina upang ibilin si Maxene at saka ito nagmamadali na pumunta sa CR. At dahil nga nasa mall sila ay pumila pa siya roon.Samantalang sila Diana at Maxene naman ay abalang abala pa rin sa pagtingin ng mga damit pangbaby. At hindi na nga nila namamalayan pa na napapalayo na pala si Maxene sa ina ni Bernard.Habang nagtitingin si Maxene sa mga damit na naroon ay nagulat na lamang siya ng may biglang nagsalita sa may likuran niya kaya naman natigilan na lang talaga siya.“Akalain mong hindi mo pa rin binibitawan si Bernard. Sabagay… maganda nga naman ang magiging buhay mo sa piling niya at h
CHAPTER 151Mabilis naman na lumipas ang ilang araw at gaya nga ng napagkasunduan nila Maxene at Bernard ay doon na muna sila sa mansyon naglagi na dalawa. At isa pa ay kinausap din si Bernard ng kanyang ama na doon na muna sila para makasigurado sila na safe ang mag ina sa panggugulo nila Joseph at Irish.Kahit papaano kasi ay nalilibang si Maxene sa mansyon lalo na kapag nasa garden nga sila ng ina ni Bernard. Kahit papaano rin ay nakakalimutan ni Maxene ang kanyang nga isipin lalo na ang tungkol kila Joseph at Irish. Bago kasi sila magpunta sa mansyon ay palagi na lang nag iisip si Maxene na baka bigla na lamang sumulpot sa unit niya ang dalawa. Sa nakalipas din na mga araw ay binibisita rin ni Pamela si Maxene sa mansyon at panay nga ang hingi ng tawad nito sa dalaga dahil sa ginagawang panggugulo ni Joseph sa kanila. Kahit si Pamela kasi ay hindi rin makapaniwala na ginugulo pa rin ni Joseph si Maxene.At ngayon nga ay naisipan ng ina ni Bernard na pumunta sa mall para maggrocer
CHAPTER 150Samantala naman matapos na makausap ni Bernard ang kanyang ina ay agad naman na tinawagan ni Diana ang kanyang asawa upang sabihin ang mga nangyayari kila Bernard at Maxene at pati na rin ang ginawa ng kanilang panganay na apo na si Joseph.Sobrang galit na galit naman si Randy sa kanyang mga nalaman na pinaggagagawa ng kanilang apo na si Joseph at sobrang nadisappoint talaga siya rito dahil hindi man lang ito mag isip ng kung tama pa ba ang ginagawa niya. Ang mas ikinagagalit pa niya ngayon ay hindi man lang nito inisip na buntis si Maxene at talagang ginugulo pa rin ng mga ito ang dalaga.Agad naman na kumilos si Randy at agad na niyang pinatawag si Jonathan na nasa kabilang kumpanya lamang. Kaya naman maya maya lang ay dumating na rin kaagad ito sa opisina ni Randy.“May problema po ba dad? Biglaan naman po yata ang pagpapapunta nyo sa akin dito,” hindi naman napigilan na tanong ni Jonathan sa kanyang ama pagkarating niya sa opisina nito.Isang malalim na buntong hining
CHAPTER 149 “Si Joseph? Ano naman ang kinalaman ng pamangkin mo rito?” hindi na napigilan na tanong ni Diana kay Bernard. “Hindi naman po lingid sa kaalaman ninyo na dati pong kasitahan ni Maxene si Joseph. At kagaya po ni Irish ay hinahabol pa rin po ni Joseph si Maxene hanggang ngayon. Katunayan nga po kanina habang nasa restaurant daw po kami ay nakita ni Maxene si Joseph doon at pinasok pa po siya sa loob ng CR ng mga babae,” sagot ni Bernard sa kantmyang ina at saka siya bumuntong hininga. “Nag aalala po ako na baka guluhin na naman ng lalaki na iyon si Maxene. Kaya ayos lang po ba sa inyo na ipaalam ko ito kay kuya? Naisip ko po kasi na baka kailangang kausapin ni kuya ang kanyang anak para tigilan na niya si Maxene. Ayoko lang po kasi talaga na maulit na naman ito at baka ma-stress na po talaga si Maxene,” pagpapatuloy pa niya. Saglit naman na natigilan si Diana sa sinabi na iyon ni Bernard. Hindi kasi lingid sa kanyang kaalaman na hindi maganda ang relasyon ngayon ng mag am
CHAPTER 148Samantala naman sa mansyon ng mga Aragon ay abalang abala si Diana sa pagluluto ng pagkain para kay Maxene. Matagal tagal din kasi talaga niya itong hindi nakita kaya naisipan niya na ipagluto ito ng espesyal na pagkain.“Mukhang napaka espesyal naman po ng linuluto nyo mom. Parang gusto ko na tuloy magselos sa mapapangasawa ko dahil hindi ako ipinagluto ng ganito ng mommy ko noon,” tinong nagtatampo na sabi ni Bernard sa kanyang ina. Kararating lang kasi niya sa kusina at amoy na amoy na kaagad niya ang linuluto ng kanyang ina para kay Maxene.Gising na rin naman si Maxene kaya nagpaalam na muna siya rito na lalabas muna siya saglit at pinayagan naman siya nito kaya kinuha na niya itong pagkakataon para makausap ang kanyang ina.“Nasaan si Maxene? Bakit hindi mo siya kasama? Tulog pa ba siya?” sunod sunod na tanong ni Diana kay Bernard ng hindi niya makita ang dalaga.“Gising na po sya mom. Nagpaalam naman po ako sa kanya na lalabas ako saglit. Hinayaan ko rin po muna siy
CHAPTER 25Pagkaalis naman ni Joseph sa kanyang opisina ay agad na rin itong dumiretso sa sinabing ospital ng kanyang kausap kanina kung nasaan daw si Maxene ngayon dahil labis talaga siyang nag aalala para sa dalaga.Halos paliparin na nga ni Joseph ang kanyang sasakyan para lamang mabilis siyang
CHAPTER 24Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Joseph at saka niya seryosong tinitigan si Veronica.“Pero ikaw ang nang akit sa akin noon. At sinamantala mo na nakainom ako kaya mo ako inakit,” sabi ni Joseph at saka niya naihilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha. “Veronic
CHAPTER 26“What? Nahuli ka niya na may kasamang ibang babae sa kama? Paano mo nagawa ang bagay na iyon sa iyong nobya? Napakabait ni Maxene at wala ka ng hahanapin pa sa kanya at halos kasal na lang ang kulang sa inyong dalawa pero nagawa mo pa ang bagay na iyan. Hindi ka naman namin pinalaking ma
CHAPTER 17Habang mag isa naman si Bernard sa kanyang silid ay bigla niyang naalala ang sinabi ng kanyang ama na bigyan niya na raw ng apo ang mga ito kung ayaw niyang mag asawa. At sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na naman niyang naalala ang babae na nakasama niya ng isang gabi. Kaya naman







