MasukCHAPTER 222“Napag usapan na kasi namin ito ni Maxene. At alam naman natin na nakatakda na talaga kaming ikasal na dalawa pero…” saglit pa na tumigil sa kanyang pagsasalita si Bernard at sinulyapan pa niya muna si Maxene. “H-Hindi kasi talaga kami mapanatag na dalawa hanggat malaya pa rin si Irish. Natatakot kami na baka bigla na lamang siyang sumulpot na naman at guluhin kami. Gusto sana kasi namin na sa araw ng aming kasal ay maenjoy namin iyon. Ayaw namin na may alalahanin kami o may iniisip kami na kung ano ano na baka nga bigla siyang manggulo sa pinakamahalagang araw ng buhay namin. Hindi rin kasi natin masasabi kung titigil na ba siya sa panggugulo niya o hindi. Kaya kung papayag ka ay baka gusto mo na kayo na lamang muna ni Veronica ang ikasal at kayo na lamang ang gumamit ng venue ng aming kasal at reception tutal naman ay nag aasikaso na rin naman kayo ng inyong kasal na dalawa,” seryoso naman na sabi ni Bernard sa kanyang pamangkin.Ilang araw na rin kasi talaga na napapag
CHAPTER 221Saglit naman na sinulyapan ni Joseph si Maxene na seryosong nakatingin sa kanya bago siya tumingin kay Bernard.“Ayos lang. Naiintindihan ka naman namin at isa pa ay halos kararating rating lang din naman namin ni Maxene,” sabi ni Bernard kay Joseph.“Pasensya na talaga. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo dahil siguradong nagugutom na rin kayo,” sagot naman ni Joseph at saka niya tinawag ang isang waiter para maka order na sila ng kanilang pagkain.Habang naghihintay sa kanilang inorder na pagkain ay katahimikan naman ang namayani sa kanilang tatlo roon. Ramdam din ni Joseph ang pagkailag ni Maxene sa kanya at naiintindihan naman niya ito kaya hindi na rin muan siya nagsalita.Saglit lamang naman sila naghintay ng kanilang inorder na pagkain at agad na rin naman silang kumain lalo na at lunch na rin naman at pare pareho na rin silang nakakaramdam ng gutom.Matapos nilang kumain ay dinala na rin sa kanila roon ang kanilang dessert at kinuha na nga iyon na pagkakataon ni J
CHAPTER 220Hindi naman inaasahan ni Maxene ang sinabi na iyon ni Bernard at hindi rin talaga niya inaasahan na gusto siyang makausap muli ni Joseph para humingi ng tawad.Saglit pa na nag isip si Maxene kung papayag ba siya sa nais na mangyari ni Joseph dahil sa totoo lang ay parang hindi pa siya handa na makausap itong muli ng sila lamang dahil hindi pa rin talaga buo ang tiwala niya rito matapos ng lahat ng nga nangyari. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Maxene bago siya seryosong tumingin kay Bernard.“Sige. Pumapayag ako na makausap niya ako. Pero kung maaari lang ay nasa malapit ka lang namin kapag kinausap niya ako,” sagot ni Maxene kay Bernard. Napag isip isip din kasi niya na mukhang nagbabago na nga si Joseph kaya bakit hindi niya ito bigyan ng pagkakataon na makausap siya. Pero dahil nga may takot pa rin siyang nararamdaman dito ay mas gusto niya na naroon lang din si Bernard malapot sa kanila.“Walang problema. Naroon lang din naman ako dahil alam
CHAPTER 219Dahan dahan naman na tumango si Joseph at saka siya tipid na ngumiti kay Bernard.“Oo, aayusin ko na ngayon ang buhay ko at pinagsisisihan ko na talaga ang lahat ng maling nagawa ko sa’yo at pati na rin kay Maxene,” sagot ni Joseph dito. “Kaya umaasa ako na balang araw ay mapapatawad nyo na rin ako ng tuluyan at babalik na tayo sa dati, tito,” pagpapatuloy pa niya.“Wag kang mag alala dahil unti unti ay mapapatawad ka na rin namin pero sa ngayon hayaan mo na muna kami ni Maxene dahil masyado siyang nastress sa mga nangyayari ngayon. Bigyan mo lang kami ng sapat na panahon para maghilom ang sakit ng lahat ng ginawa mo sa amin ni Maxene,” sagot ni Bernard sa kanyang pamangkin.“Salamat… maraming salamat. Umaasa ako na isang araw ay masaya na ulit tayong magsasama sama sa mansyon bilang isang pamilya,” sagot ni Joseph dito at saka ito tumayo. “Hindi na rin ako magtatagal dahil may kailangan pa akong gawin ngayon. Talagang sunadya lamang kita ngayon dahil hindi rin ako mapakal
CHAPTER 218Lumipas pa ang mga araw at gaya nga ng napagkasunduan nila ay nag asikaso na muli sila Bernard at Maxene para sa kanilang naudlot na kasal. Kaunti na lamang naman ang kanilang aasikasuhin dahil ayos pa naman ang lahat ng kanilang mga papeles. Sadyang ang magiging venue na lamang ng kasal ang kanilang aasikasuhin.Samantala sila Joseph at Veronica ay nagsisimula pa lamang din na mag asikaso para sa kanilang kasal at habang naghihintay pa rin sila sa kanilang mga kailangan ay unti unti ng tinitrain ni Jonathan ang kanyang anak kung paano humawak ng isang kumpanya dahil hindi naman din biro ang magpatakbo noon lalo na at malaking kumpanya ang ibibigay nila rito.Si Bernard naman ay nagsimula na ulit pumasok sa kanyang opisina. Panatag naman kasi ang kalooban niya na ligtas ang kanyang mag ina sa mansyon lalo na at nagdagdag na ng security ang kanyang ama roon. Matagal tagal na rin na hindi pumapasok sa opisina si Bernard kaya naman medyo naninibago ulit siya lalo na at maram
CHAPTER 217Pagkatapos nilang manggaling sa tinutuluyan ni Irish ay agad naman nilang pinuntahan ang condo unit jito pero bigo pa rin sila na makita roon ang dalaga kaya naman bagsak ang balikat na bumalik ng mansyon sila Bernard at mga kasama nito.“What happen?” agad na tanong ni Randy pagkakita niya sa mga bagong dating.Pabagsak naman na naupo si Bernard sa sofa at naihilamos na lang talaga niya ang kanyang palad sa kanyang mukha dahil sa inis na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.Samantala napabuntong hininga na lamang si Jonathan ng makita niya ang ginawa ng kanyang kapatid. At pagtingin niya sa kanyang ama ay nagtatanong ang tingin nito sa kanya.“Bigo po kami na makita si Irish, dad. Wala na po sya sa tinutuluyan niya at wala rin naman po siya sa cindo unit niya,” pagbabalita naman ni Jonathan sa kanyang ama.Naaawa naman na tiningnan ni Randy ang kanyang anak na si Bernard at saka siya bumuntong hininga.“Sa tingin ko ay kailangan ko ng kumilos ngayon. Gawin nyo na kung a
CHAPTER 100Napatingin naman si Maxene kay Bernard dahil sa tanong na iyon ng kanyang ama at saka siya nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.“M-Mag lilimang buwan na po akong buntis,” sagot ni Maxene dahil kailangan na rin naman niyang umamin sa mga ito.“Limang buwan? Pero hindi ba’t ke
CHAPTER 109Nang makarating sila Bernard at Maxene sa function hall ng naturang hotel ay sakto naman na magsisimula na ang naturang party. Isa isa naman na munang ipinakilala ng host ng naturang event ang mga bigating bisita na naroon ngayon. Ipinakilala rin syempre roon ang mga magulang ng binata
CHAPTER 105Napatitig naman si Maxene sa binata at wala talaga siyang ideya sa kung anuman ang sasabihin pa nito.“Next month nga pala ay anniversary ng aking kumpanya at magkakaroon kami ng anniversary party. Gusto ko sana na isama ka roon bilang partner ko at syempre gusto kitang ipakilala sa lah
CHAPTER 8BERNARD ARAGON Samantala naman ng magising si Bernard ay napatingin siya agad sa gawi ng babaeng kasama niya at nang mapansin niya na wala na ito sa kanyang tabi ay napabalikwas na lang talaga siya ng bangon. Agad pa niya itong hinanap sa loob ng kanyang unit pero wala na talaga ang dal







