Share

Chapter 9

Baliw na yatang talaga si Sunday. May pasabi-sabi pa s'yang parang droga si Matteo at mababaliw s'ya kapag hindi natikman?

"Ahhhhh . . . " sabunot niya sa buhok habang nagsisisipa sa kama. "Baliw ka na talaga . . ."

"Ano bang nangyayari sa'yo dyan?" tanong ni Shaina na kalalabas lang mula sa banyo. Kadarating lang kasi nila mula sa bar.

Umupo s'ya at hinarap ang kaibigan na nagpapatuyo ng buhok.

"Mukha kang bruha," tumawa pa ito. "What now? Sa tingin ko ay may ikukwento ka sa'kin. Woah, I knew it! Alam ko na yata ang sasabihin mo." Tumaas-baba pa ang kilay nito, nanunukso.

"Slap me," sabi niya at parang tangang inilapit ang mukha kay Shaina.

"Hah? Anong sampalin kita?"

Tinapik niya ang kanang pisngi. "Dito sampalin mo ako, bilis."

Nagtataka na inangat naman nito ang kamay at mahina s'yang tinapik sa pisngi. At nang maramdaman ang tapik nito'y humiga ulit s'ya sa kama at doon nagpapadyak na parang bata. Hindi siya nananaginip. Totoo nga!

"Hoy! Ano bang problema mong babae ka? May na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status