Chapter 1
Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko kanina. Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa kaya pinili kong pumunta sa bar nang mag-isa, para na din makalimot.
"Whisky please." sabi ko sa bartender.
"Ma'am, lasing na po kayo. Wala pa kayong kasama. Hindi ko na po kayo pwedeng bigyan." paliwanag sa akin ng bartender. Kahit naikot na ang paningin ay nagawa ko pa ding makipagtalo.
"Anong mag-isa? May kasama ako noh!" pagsisinungaling ko. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makalimot.
Halos magmakaawa na ko sa bartender ng tinignan lang ako nito at inilingan na para bang disappointed sa akin. Hindi na ako nakaimik pa dahil sa alaalang bumabalik sa aking isip na dapat ay kinakalimutan ko na ngayon.
"Kasama ko sya. Bigyan mo na sya." agad akong napatingin sa lalaking umupo sa aking tabi pero agad ding nilingon ang bartender na ngayon ay nagdadalawang isip pa pero sumunod din naman.
"Sino ka?" daretsong tanong ko doon sa lalaking nagsabing kasama nya ko. Pero imbis na sagutin ako ay nagsign lang sya ng wag maingay. Napairap ako.
"I'm Carlew and you are?" pagpapakilala nya at naglahad ng kamay. Ngumiti ako bago inabot kanyang kamay at nagpakilala.
"I'm Euzette a runaway bride." kahit namumungay na ang aking mga mata ay kita ko pa din ang panlalaki ng kanyang mga mata.
"Here your whisky, Ma'am." sabi ng bartender at inilagay sa harap ko. Agad akong bumitaw sa kamay nya ngunit siya ay nanatiling tulala.
My heart beat fast. Ipinag walang bahala ko yun dahil sa kalasingan ko.
"What's wrong with my name?" tanong ko sa kanya ng nakatulala pa din sya. Agad syang umiling sa tanong ko. Parang nagslowmo ang paligid ko ng tumawa sya ng mahina sa tanong ko. May kung anong kuryente ang sumanib sa puso ko.
"Nothing. Haha, I didn't know na Runaway Bride pala ang apelyido mo." nag-hugis O ang bibig ko sa sinabi at ginawa nyang pagtawa.
I like his sense of humor. He got my attention.
"Hey, anong meron sa labi ko?" nakangisi nyang tanong sa akin ng makitang nakatingin ako sa labi nya. Ngumisi din ako pabalik sa kanya.
I never been this near with the guy. Halos wala kasing lumalapit sa akin noong high school and elementary lalo na nung nag college. It's like I had a sign that says 'No one can touch my baby' and my daddy does that. He hired a boby guard so that he will surely my safety.
"I'm just wondering. Ano kayang lasa ng labi mo? Gaano kaya kalambot ang labi mo? Para kayang mallows? Malambot at matamis?" daretsong sambit ko habang nakakagat sa lower lip ko at nakatingin sa kanyang labi.
Namula ako sa sariling sinabi. Hindi ko na napipigilan ang bibig ko sa mga sinasabi ko dahil sa kalasingan.
"Oww! Haha. Wanna try? Para naman malaman mo?" pilyo nya ding sabi. Napangiti lalo ako sa hamon nya. Tinignan ko sya sa mata, nakita ko namang seryoso sya kaya walang sabi sabi ay hinila ko sya sa kwelyo at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata sa ginawa ko.
Haha. He totally got me. He totally got my attention. There's something about him.
"Pero paano ko gagawin iyon kung hindi ako marunong humalik?" malungkot kong sabi habang nakatingin sa labi nya. Halos hindi ko na alam ang sinasabi at ginagawa ko.
"Hmm.." I bite my lower lip.
"Can you... Teach me.. How to... Ki--hmm." hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng sya na mismo ang sumunggab ng halik sa akin. Nanigas ako sa kinauupuan ko, may kung anong insekto ang lumilipad sa tyan ko na nagbibigay ng kuryente sa aking katawan.
He kiss me gently. Like my lips was the precious thing he need to take care.
Maya maya lang ay kumalas na sya sa mga labi ko. Mapupungay ang kanyang matang nakatingin sa akin. My face heat.
"Miss Runaway Bride, I think you're already drunk." Nagulat ako sa sinabi niya, I thought he will kissed me again. Medyo na disappoint ako kasi hindi niya inulit ang halik sa akin, pero may tuwa din dahil sa ginawa niyang iyon. He respect me!
"Ahh. Oo nga." I awkwardly smile at him. I look at my phone, tinignan kung anong oras na bago ako timingin muli sa kanya.
"Ohh! I need to go na." Agad kong paalam sa kanya. May flight pa ako bukas papuntang Bohol.
"Hatid na kita." Nagulat ako sa pagprisinta niya kaya hindi agad ako nakasagot, pero ng bigla niya akong akbayan at sinama palabas ng bar. Hindi na ako nag reklamo pa, wala na din naman kasi akong masasakyan at mahihirapan pa ako. Hindi ko din alintana ang braso niyang nakaabay sa akin.
Tumigil kami sa isang black na kotse. Hindi ako mahilig sa sasakyan kaya hindi ko alam kung anong klaseng kotse iyon. He opened the door for me, so sumakay ako sa front seat at sya naman sa driver seat.
"So? Uuwi ka na ba talaga agad? Kung gusto mo, mag coffee muna tayo saglit. May alam ako." Napaisip ako sandali sa alok niya, kaya naman pumayag din ako para mawala ng konti ang tama ng alcohol sa akin.
Tahimik lang ako at nakapikit habang nagdadrive sya papunta sa coffee shop na sinasabi niya. Bumalik sa isip ko ang ginawa ko kaninang pag alis ng simbahan. Everybody was very disappointed to me. Naiiling nalang ako sa kanila, I deserve to be free.
"Miss Runaway Bride?" Agad akong napakunot ng noo sa narinig kong tawag niya sa akin. Kanina niya pa ako tinatawag ng ganoon.
Dumilat ako at tinignan ko sya. He drive peacefully. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa kanya. Pero katulad kanina ay ipinag walang bahala ko iyon.
"What?" Matarang kong tugon sa kanya, nakita ko ang pag silay ng isang ngisi sa kanyang labi. Ramdam ko na naman ang paghuhuramentado ng puso ko kaya agad kong itinuon ang tingin sa labas.
"Pwede magtanong?"
"Go. Wag lang personal." Hindi naman sa takot akong sumagot sa tanong niya, pero kung sakaling tanungin niya ko ng personal, ay hindi ko alam kung masasagot ko. Fresh pa din sa akin ang pangyayare, medyo masakit dahil magulang ko ang iniwan ko.
"Why did you runaway?" Muling napakunot ang noo ko. May kung anung kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
"That's too personal." Nakita ko ang pagpasok namin sa isang parking lot. Nandito na ata kami.
"I'm sorry. I'm just curious." Hindi ako makapaniwalang may lalaki din palang chismoso. Sa inis ko ay pagkahinto palang ng kotse niya ay agad na akong bumaba.
"Hey, Miss Runaway Bride." Mabilis din syang sumunod sa akin. Narinig ko din ang pagtunog ng kaniyang kotse.
"Stop calling me that name." Mataray kong sabi sa kanya at na unang pumasok sa loob ng coffee shop.
Kaonti lang ang tao sa coffee shop, siguro dahil gabi na. It's almost 12 am. Iba na siguro ngayon ay mahimbing na ang tulog. Pinili ko ang pwesto sa corner ng coffee shop, antok na ako at gusto ko munang umidlip.
"What do you want?" Nakasunod pa din pala sa akin si Carlew. Umupo ako at umub-ob bago ko sya sinagot.
"Anything please. Basta yung magigising ako ng konti. Inaantok na ako." Pagkasabi ko noon ay agad na syang umalis sa harap ko. Medyo matagal din akong nakaub-ob dahil sa antok, ramdam ko na ang paghigjt sa akin ng antok na hindi ko na mapigilan pa.
"Hey, here's your coffee." Nagising ako sa aking pagkakidlip ng marinig ko ang isang boses ng lalaki. Muntik na akong magpanik dahil boses iyon ng lalaki at wala akong kaibigan na lalaki para makasama, buti nalang at naalala ko si Carlew.
Pipikit pikit pa ang mata kong tinignan ang kape sa harap ko. Cappuccino. Walang sabi sabing agad ko iyong ininom, hindi alintana ang init nito. Matapos uminom ng kaunti ay kay Carlew ako tumingin. Nakatitig sya sa akin na nagpalakas ng tibok ng puso ko kaya agad akong nag iwas.
Naalala ko ang tanong niya sa akin kanina. Kailangan ko ba iyong sagutin? Hindi naman importante sa kanya yun.
"Arrange marriage."
"Huh?" Nahimigan ko ang pagtataka sa kayang boses.
"It's arrange marriage. Kaya ako umalis sa araw ng kasal ko. I don't even know him, and I don't love him. So what do you expect? Malamang hindi ako tutuloy. 22 lang ako, at hindi pa ako nagkaka boyfriend kahit isang beses tapos magpapatali ako sa lalaking hindi ko naman lubusang nakilala? Tss. Kabaliwan." Mahabang litanya ko na tila ba ay ngayon ko lang nailabas ang sama ng loob ko. Napatingin ako sa reaksyon niya sa sinabi ko, may galit akong nakita sa kaniyang mata pero hindi ko masabi kung saan iyon nanggaling.
Agad na akong tumayo. Nawala na naman ang antok ko, so aalis nako. Tapos na kaming magkape. Nasagot ko na ang tanong niya kaya siguro naman pwede na akong umalis.
"Alis nako. Salamat sa ride and coffee." Agad na akong tumalikod sa kanya.
"Euzette, ihahatid na kita." Natigila ako ng tawagin nya ako sa pangalan ko. Naghuhuramentado ang puso ko, pero hindi ko iyon pinahalata. Gusto kong umapila pero hindi ko na nagawa pa. Namalayan ko nalang na nasa kotse na nya ako.
"Saan nga pala kita ihahatid?" Tanong niya at pinaandar ang engine.
"Sa isang Hotel sa BGC" Nakatingin lang ako sa labas at namumuni muni.
"You're staying at hotel? It means, hindi ka lang sa kasal tumakas pati sa pamilya mo?" Para bang gulat ang pagkakatanong niya doon. Napairap ako.
"So?" Mataray ang pagkakasabi ko noon. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
Ano bang problema niya? At bakit pinapakealaman niya ako?
"I'm just asking. Iyon ba ang plano mo? Ang mag stay sa hotel na iyon?" Muling napakunod ang noo ko.
"Ano ngayon? Trip ko ehh. Magagawa mo?"
"Wala ka bang ibang plano?" Napairap muli ako sa kanya.
"Bakit gusto mong malaman? Spy ka ba ni Daddy? Tss! Then tell daddy that I'm leaving Manila tomorrow!" Naiinis na asik ko sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.
Ano ka ngayon? Tama ako noh? Spy ka ni Daddy!
"No. You're mistaken. Hindi ako spy ng daddy mo. I'm just worried about you." Halos.matawa ako sa sinabi niya.
"Worried? Why?" Mataray kong tanong.
"Because.... I like you."
Special Chapter Carlew Her beautiful and peaceful face, kahit anong anggulo, gising man o tulog ang ganda-ganda, lalo akong naiinlove. I'm watching her while sleeping, and I think it's my new found hobby. I traced her face, her fair skin, her long and black lashes, her rosy cheeks and her reddish lips, and her brownish straight shiny long hair, so natural. It's been a year now, and we're happy and contented with each other. We both have a work, we also travel like what she wants. “Baka matunaw ako.” I cackled when she spoke. “I love you.” I whispered and kiss her forehead. I'm still in the bed, waiting for her to wake up. “I love you talaga ang bungad? Hindi ba Good morning?” she said and pouted, hindi ko mapigilan ang mapangiti. “Good morning, baby.” I whispered again, this time I saw her smile.
Ate Ching: Thank you dahil umabot ka dito. Salamat sa pagsupporta. Sana basahin mo din ang iba ko pang stories.EpilogueFinally, matutuloy na din. Mapapasakin na din siya... Kahit na... Akala ko ay iniwan na naman niya ako...Tahimik akong nakaupo sa isang lamesa sa loob ng coffee shop. Hinihintay ko ang aking order habang kaharap ang aking laptop."Coffee for Carlew." sabi ng babaeng nasa counter-barista.Mabilis akong tumayo at lumapit doon para kuhanin ang aking kape. The lady barista sweetly smile at me, so I smile back."Thank you."Aalis na sana ako doon at babalik sa aking kinauupuan kanina ng may isang naka high school uniform ang lumapit sa counter para umorder. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya, pero hindi ko mapigilang mapatingin at mapatitig.She looks cute at her uniform. Blouse with two pockets a
Ate Ching: Congrats dahil umabot ka sa chapter na ito. Maraming salamat sa pagbabasa at pagsupporta.Chapter 50Naalimpungatan ako sa mainit na katawang bumabalot sa akin. Mahigpit na yakap. Hahayaan ko nalang sana nang maramdaman kong kapwa kami walang saplot. Walang pag aatubling iminulat ko ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin si Carlew na nakayakap sa akin.Mabilis na bumalik sa isip ko ang nangyare kagabi. Lasing ako at sumasayaw sa dance floor ng hilahin ako ni Carlew paalis doon. Halos mapamura ako sa aking naalala.Shit! Bumigay ako! Ang malala pa may nangyari sa aming dalawa, sa gabi bago ang aking kasal. Ang tanga-tanga ko talaga!Dahan-dahan akong umalis sa kaniyang tabi at sinuot ang aking mga damit bago umalis. Gusto kong magsisisi sa nangyare, ngunit may parte sa akin hindi na dapat ako magsisisi dahil mahal ko siya at mamahalin parin kahit alam kong mali.
Chapter 49Mabilis na lumipas ang mga araw, at linggo. Naging busy ako sa pag-aayos ng aming kasal, ako sa mga venue at magiging theme. Habang si Justine naman ay sa mga kailangan sa simbahan. Tinutulungan naman kami nila Mommy at Tita sa lahat kaya gumagaan. Nagtataka lang ako doon sa mga seminar, sinong naattend kasama ni Justine.Matapos naming mag-usap ni Mommy ay hinayaan na nila akong muli basta wag ko na daw uulitin ang nangyari, and I promised to them that I'm not going to do that again.Hindi ko na din nakita pa si Carlew simula nang araw na iwan ko siya sa Bohol at umuwi ako dito sa Manila. Wala din akong naging balita sa kaniya, walang na banggit sa akin si Tita o Justine tungkol dito, at hindi naman nag iba ang tungo sa akin ni Tita tulad ng inaasahan ko. Napaisip tuloy ako kung alam ba nilang si Carlew ang kasama ko nang mawala ako.Kahit papaano ay mas okay na din na wala akong balita k
Chapter 48"Mom." tawag ko kay Mommy nang makapasok kami ng bahay. Nakaupo siya sa isang upuan sa living room habang nanunuod ng T.V.Mabilis lang kaming nakapasok ng bahay dahil kasama ko si Justine. Hindi na nag tanong pa ang kasambahay na nagbukas ng gate para sa amin, lalo na nang makita ako. Kita ko pa ang pagkagulat sa mukha ng kasambahay nang makita akong kasama si Justine.Alam kong masyado nang makapal ang mukha ko para umuwi pa roon. Dalawang beses ko nang ginawa at hindi impossibleng ulit kong muli iyon sa panagatlong pagkakataon na hinding hindi ko na gagawin tulad ng iniisip nila.Matalim ang tingin sa akin ni Mommy nang lingunin ako nito. Agad akong napahakbang paatras nang tumayo ito at humakbang palapit sa akin. Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata na nagpatakot sa akin. Ngayon ko lang nakitang ganoon kagalit si Mommy."Where have you been?!" dumagundong ang bos
Chapter 47Nakatingin ako kay Carlew habang siya ay natutulog. Pinagmamasdan ang mga features na meron siya, tila ba kinakabisa at itinatago sa memoriya para hindi makalimutan kung sakaling matapos na ang lahat at lumipas ang matagal na panahon. Para kahit paano ay may babalikan akong magandang alaala naming dalawa. Ang pagsasalo namin sa huling gabi dito sa Loboc.Napangiti ako. Kitang kita ko ang medyo pag itim ng kaniyang balat tulad ng sa akin. Halata mong nabilad kami sa arawan kahit na sa sandaling panahon lang kami nag stay dito at sa Panglao.Sa huling araw namin sa Panglao Island ay nagbangka lang kaming dalawa. Walang kasamang magmamando ng banggka, kundi siya ang magpapaandar noon."Sigurado ka bang kaya mo? Baka mamaya humito yan sa gitna ng dagat, patay tayo niyan. Hindi na tayo makakabalik ng resort." kabado kong sabi sa kaniya.May tiwala naman ako sa kaniya, pero