Share

Chapter 2

Chapter 2

Pagkatigil palang ng kanyang kotse sa parking lot ng Hotel ay agad na akong bumaba para iwan syang mag isa. Kahit medyo hilo ay nakaya kong pumasok sa loob ng hotel at daretso sa elevator. Mabilis akong makarating ng floor kung saan ako naka check in.

Ramdam ko parin ang kaba dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, hindi sa dahil impossible kundi dahil tumutugon ang puso ko sa kanya. It's like I like him too. Umiling ako sa sarili ko.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad ako natulog, hindi naman ako nahirapan dahil sa antok na dulot ng alak sa akin.

Kinabukasan ay maaga din akong nagising para makapag ayos ng sarili para sa aking flight papuntang Tagbilaran Bohol. 8 ang flight ko, at sakto lamang sa pagdating ko sa Paliparan. Buong flight ay tulog ako, nagising lamang ako ng mlapit ng maglanding. Isang oras din ang lumipas bago ko tuluyang nakita ang magandang lugar ng Bohol. Tila na aamoy ko ang dagat na maslalong nagpagaan ng loob ko.

This is what I need. Fresh air and space.

Paglabas ko ng Paliparan ng Tagbilaran ay agad akong pumara ng taxi papunta sa Belian Hotel na pinag bookan ko. Ilang araw ko lang balak mag stay doon dahil maghahanap pa ako ng rent house na pwede kong matuluyan. Yes, maybe a months or year kong balak mag stay dito. Gusto kong maranasang maging independent na kahit kailan ay hindi ko naranasan. Maghahanap din ako ng trabaho na maari kong pasukan para mabuhay ang sarili ko.

"Name nyo po Ma'am?" Tanong sa akin ng receptionist ng hotel.

"Euzette Chan." Agad niyang hinanap ang pangalan ko sa computer na nasa harap niya. Nang makita ang pangalan ko ay may iniabot sya aking card.

"Room 308, Ma'am." Pagkasabi sa akin noon ay aga na akong pumunta ng elevator. Kasama ko ang isang bellboy na may dala ng maleta at bagpack ko. Ang dala ko lamang ay isang shoulder bag kung saan naman nakalagay ang wallet, kit, phone and etc.

Pagkahatid sa akin ng bellboy sa room ko ay agad na syang umalis para iwan akong mag isa. Pinagmasdan ko ang buong kwarto, simple but elegant. Nahagip ng mata ko ang bintana, lumapit ako doon para matanaw ang labas nito. Kitang kita ko ang lugar ng Tagbilaran, tanaw din mula dito ang magandang tanawin ng dagat. It's makes me to forget everything happened yesterday.

Kumuha ako ng damit para magpalit muna bago ako mag-ikot ng Tagbilaran para maghanap ng mauupahan.

Pinili ko ang isang sando na spaghetti straps, denim high waist short and checkered na blue. Tinermohan ko din ng sapatos na Adidas na black na dala ko. Tatlong pares lang ng sapatos ang nadala ko, isang sandals at dalawang rubber shoes, bukod pa ang suot kong sandals kanina. Sa pag alis ko ay bitbit ko din ang aking shoulder bag at isang envelope na laman ang aking resume.

Paglabas ko ng Hotel ay pinili kong maglakad lakad habang naghahanap ng bahay bahay. Wala din kasi akong alam na lugar dito. Pwede ko na din isabay ang paghahanap ko ng trabaho.

Napadaan ako sa isang fast food chain, bigla akong nakaramdam ng gutom. Lunch na pala at hindi pa ako nakakakain. Doon ko na din napag pasyahang kumain mag isa bago gawin ang aking balak. Wala akong alam dito, meski paghahanap ng apartment ay hindi ko alam kung paano ko gagawin.

Madami ang tao sa fast-food dahil sa lunch time ngayon, halos puno na ang bawat lamesa buti nalang ay may bakante akong nakitang mesa. Nasa gilid ko ang aking phone habang nakain. Idedeactive ko ang mga account ko para maiwasan ang pagka track sa akin nila Daddy.

"Hi? Pwedeng maki share?" Agad akong napatingin sa nagsalita. Isang babae ang nakatayo sa harap ko at may hawak na tray ng pagkain. Agad akong tumango sa kaniya para sabihing pwede.

"Hmm? Bago ka lang dito?" Nagulat ako ng tanungin niya ako sa kalagitnaan ng pagkain naming dalawa. Tumango akong muli sa kanya.

"Ahh? Tourista ka ba?" Muli niya tanong pero umiling lang ako.

"Ehh ano pala?" Napatingin ako sa kanya at sandaling napatigil.

"I'm planning to stay here in Bohol for good." Simple kong sabi sa kanya. We're not close, pero bilang pakikisama ay sinagot ko sya at muling kumain.

"Ahh, saan ka naman nag i-stay?"

"Belian Hotel. Naghahanap pa ako ng trabaho at apartment." Uminom ako ng softdrinks bago ko sya muling tinignan. Parang nakita ko ang mata niya kumikislap sa sinabi ko. Agad napakunot ang noo ko sa asta niya.

"Naghahanap ako ng bedspacer sa condo ko, pwede ka doon. At hiring sa pinagtatrabahuhan ko. Teka nakapagtapos ka ba?" Para syang hulog ng langit sa akin ng sabihin niya iyon. Agad akong tumango sa tanonh niya.

"Yes, Business" Nakangiti kong sabi sa kanya, nakita ko ang sunod sunod niyang pagtango.

"Good, pasok na pasok ka sa Company namin. So? Resume mo ba yan?" Napatingin ako sa envelope na dala ko, agad akong tumango at ibinigay iyon sa kanya.

"Ahh, sige. Hmm, ibinigay ko number ko sayo at bigay mo sakin yung iyo. Lilinisin ko pa iyong isang kwarto sa condo ko para sa paglipat mo, sa isang araw makakalipat kana. Ako na din bahala para makapasok ka din agad sa trabaho ko. By the way, I'm Casey Ramirez." Inilahad niya ang kamay sa akin.

"Euzette Chan." Pakilala ko din sa kanya. Nagpalitan kami ng phone number bago kami tuluyang nagkahiwalay. Dahil sa may nakilala ako ay wala na akong poproblemahin kaya bumalik nalang ako ng Hotel at natulog. Gumising lamang ako para mag dinner at natulog ng muli. Kinabukasan ay pinatay ko ang oras ko sa paggala sa Bohol, nagpunta ko sa mga sikat na land mark dito, ng mga bandang lunch ay nagtext sa akin si Casey.

Casey:

Hi friend. This is Casey. Remember me? Haha. By the way, can we meet? Ipapakita ko sayo ang condo ko at para mapag usapan natin ang presyo ng kwarto.

Hindi na ako nagdalawang isip na mag reply sa kanya.

Ako:

Sure. Saan ba ang condo mo? At ako nalang ang pupunta dyan.

She send me the address of her condo, kaya agad kong pinuntahan. Malayo layo din ang condo niya sa Tagbilaran, sa may parte na ng Panglao. Sa isang kilalang condominium ang condo niya kaya naman agad ko itong napuntahan.

Maganda ang lugar at alam mong isa ito sa mga tourist attraction sa lugar. Nasa 10 na palapag ang kanyang unit. Agad akong nag doorbell, na agad din namang nagbukas. Lumabas dito si Casey na nakapambahay lamang.

Ang ganda niya katulad ng una naming pagkikita. Hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Pinapasok niya ako sa loob ng kanyang unit. Malaki ito at may dalawang kwarto. Malawak din ang sala at nakahiwalay din ang kusina. Malinis ang unit niya at halata mong sya lang mag isa dito.

"Halika, pakita ko sayo ang magiging kwarto mo." iginaya niya ako sa isang kwarto.

"Eto ang magiging kwarto mo. Dyan ako sa kabila." Itinuro niya kanang kwarto. "Kwarto to ng pinsan ko pero wala pa naman sya ngayon, nasa Manila at mukhang lilipat na din yata." Paliwanag niya sa akin. Napatango tango ako.

Pagkatapos niya akong itour sa unit niya ay pinag usapan na namin ang bayad. Dahil mabait sya ang 5,000 a month nalang daw ang ibabayad ko sa kanya. Kaya pumayag na ako, binigyan niya na ako ng susi ng unit niya para sa paglipat ko bukas ng umaga. Sinabi niya din sa akin on process na ang resume ko.

"Naku, salamat talaga Casey. Hulog ka talaga ng langit sa akin. Sige, mauna na ko. Para maayos ko na ang gamit ko." Nagpaalam ako sa kaniya matapos mag dinner. Inabot din kasi kami ng dinner sa dami niyang ikinuwento sa akin. Naaalala ko tuloy sa kaniya si Kyle. Madaldal din e.

Napangiti nalang ako sa aking naisip. Wala pang isang linggo ay namimiss ko na agad ang bestfriend ko, paano pa kaya sila Mommy. Agad din akong napasimangot ng maalala sila Mommy.

Nagulat ako ng biglang tumunog ag phone ko. Mommy's calling. Agad akong nag isip kung sasagutin ko ba iyon, dahil hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila. Dahil sa guilt ay sinagot ko iyon.

"My god! Anak! Buti naman na contact na kita! Asan kaba?! Bakit mo iyon ginawa? Malaking kahihiyan iyon sa pamilya natin lalo na sa mga Del Prena! Anak, bumalik ka na! Itutuloy ang kasal nyo, pakikiusapan ko ang mga Del Prena!" Agad akong napa iling sa sinabi ni Mommy.

"Mas importante ba iyon, kumpara sa nararamdaman ko?" Malamig kong sabi kay Mom. Narinig ko siyang natigilan.

May lamig na bumalot sa aking puso. Galit ang namuo sa dibdib ko. Mas importante ba ang kasal na iyon para sa sarili nilang anak? Agad na nag init ang mata ko.

"A-Anak! Ano ba naman yang tanong mo? Iniisip lang namin ng Daddy mo ang magiging future mo! Kaya umuwi kana dito ng matuloy na ang kasal!" Tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"Future ko? Whoa! Baka para sa inyo! Hindi sa akin! Tsaka Mom, I don't love him. I can't marry him." Agad ko ng pinutol ang tawag. Napahagulgol ako, ngayon ko pang inilabas lahat ng sama ng loob ko.

Hindi ko kailangang nglalaki para lang masigurado ang future ko. All I need is love. Love fromanyone.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
bakit ba pinipilit ng magulang ang anak na ikasal sa taong ni hindi pa nya nakikilala hay iwan dapat kasi pinakilala muna sa isat isa bago ipakasal diba
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status