Prologue
"Miss Zette, gumising ka na daw po dahil mamaya maya lang ay darating na po ang mga mag-aayos sayo." nagising ako sa katok ng isa naming kasambahay para sabihin sa akin iyon.
Labag man sa loob ko ay bumangon na ako para maligo. Pagpasok ko ng banyo ay bumungad sa akin ang reflection ko sa salamin. Sandali akong natigilan nang makitang kalat kalat ang make-up sa aking mukha dahil sa pag-iyak ko kagabi.
Ikakasal ako sa lalaking hindi ko kilala? What the heck?! Matatanggap ko pa kung nakilala ko manlang sya bago ang kasal namin. Yung tipong kahit isang date lang. Pero hindi! It's been a year since I met that jerk. And now? I'm going to married him.
**
"Anak, mamaya sa dinner. Suotin mo tong dress na ito. May bisita tayo." napalingon ako kay Mommy noong pumasok sya ng kwarto ko. Tinignan ko ang dress na bitbit nya. Kulay pink ito na may nakinang-kinang, tumango nalang ako kay Mommy bago sya umalis.
Nagrereview ako para sa exam bukas. Finals na namin bukas, malapit na ang graduation at natatakot akong baka bumaksak ako at hindi makagraduate. Pag nangyare iyon siguradong magagalit sa akin sila Mommy at Daddy. Lalo na pagnawala ako sa honor.
Nang mag 6 ng gabi ay akong nagbihis at nag-ayos bago bumaba. Tumingin muna ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng aking kwarto. Malawak ang mga ngiti ko habang nababa ng hagdan. Walang tao sa salas, siguro ay nasa hapag na sila. Papunta na sana ako ng hapag ng may narinig akong 'psst' na agad kong nilingon, ngunit walang tao.
Itutuloy ko na sana ulit ang lakad ko ng may marinig muli ako. This time, nagpakita na sya.
"Sinu ka?!" gulat kong tanong sa kanya ng lumabas ang isang lalaking mukhang masmatanda sa akin ng ilan taon. Matangkad sya at malaki ang katawan, maputi sya at gwapo. Ngumiti lang sya sa akin at lumapit kaya humakbang naman ako patalikod ngunit hindi ko ata alam na meron na atang pader dito bigla. He corner me.
"I'm the son of your father's visitor." bulong nya sa akin at tinalikuran na ako. Parang doon lang ako nakahinga ng maayos noong umalis sya. Para bang nung malapit sya ay hindi ako makahinga. Napairap nalang ako sa inis at dumaretso na sa hapag.
**
That's why I hate that jerk!
"Ilan taon kana Miss? Parang ang bata mo pa para ikasal." tanong sa akin ng babaeng nag-aayos ng buhok ko. Nakita kong siniko sya ng isa nyang kasama na nag-aayos ng mga make-up.
"Miss, wag mo nang pansinin ang kaibigan ko madaldal lang po talaga to." paghingi ng pasensya sa akin ng nag-aayos ng make-up kit na kanina ay nagmake-up sa akin. Hindi ako tumugon kahit isang tango sa kanila.
"Wag ka ngang magulo, napaka chismosa mo." asik naman nito sa kaibigan nyang nagtanong sa akin.
Tahimik lang ako habang inaayusan. Hindi nagsasalita o kinakausap manlang sila. Ni ang ngumiti ay hindi ko ginagawa. Wala ako sa mood at hindi na babalik sa mood na masaya.
"Bakit? Anong masama sa tanong ko? Wala naman. Napaka mo talaga." inosente naman nitong sagot sa kaibigan nya. Napapairap nalang ako sa pagtatalo nila.
"Napaka daldal mo talaga!" asik naman pabalik nito sa kaibigan.
"Tss! Ahh. Miss, tapos na po. Ang ganda mo Miss. Ang gwapo din ng groom Miss. Bagay na bagay kayo. Siguradong magaganda at magagwapo ang magiging mga anak nyo." masaya nitong sabi sa akin. Samantalang nakatingin lang ako sa reflection ko sa salamin.
I can't believe it. At the age of 22 I get married.
"Miss, ilang taon kana?" tanong pa nito sa akin na sinagot ko naman.
"22." matipid kong sagot.
This is not totally me. This wedding change me a lot.
"25 nako Miss, pero nauhan mo pa ko. Bakit ang bata mo pa para ikasal?" tanong nyang muli sa akin pero hindi ko sinagot. Tahimik lang din sya at hinihintay ang isasagot ko.
"Long time boyfriend mo ba ang groom, Miss? Gaano kayo katagal? Since high school? Ang tatag nyo, kaya siguro gusto nyo ng magpakasal agad kasi mahal na mahal nyo ang isa't-isa." muli syang siniko ng make up artist.
Nanlamig ako sa sinabi niya, hindi nakaimik. Bakit ba ang daldal nya? Hindi nya ba alam ang salitang privacy? Tss.
"Tama na yan. Tapos na. Tara na maglikom ng gamit." pagpatay ng make-up artist sa katahimikan. Nakahinga ako ng maluwag sa ginawa ng make-up artist dahil nilubayan din ako ng kanyang kaibigan.
"Bakit ba? Tinatanong ko lang naman ang bride. Tss. Napaka kontra mo talaga." sabi nito sa kaibigan nya ng makalapit dito.
"Wag ka ngang maingay!" suway naman ng kaibigan nya sa kanya.
"Gusto ko lang naman malaman! Anong masama dun?!" singhal nya sa kaibigan nya.
Hindi ko alam kung inosente ba talaga sya o wala lang talaga syang pakiramdam.
"Psh! Are you familiar with arrange marriage? Siguro naman ngayon alam mo na." halos malagutan ako ng hininga sa narinig kong sinabi nang make-up artist na siguro ang napuno na sa kakulitan ng kanyang kaibigan.
Dahil sa narinig ay parang ipinapamukha sa akin na ikakasal ako dahil sa isang kasunduan.
Napuno ang buong kwarto ng katahimikan. Wala niisang nagbalak na magsalita, maski ang hair stylist ay hindi umimik sa narinig ngunit nakatingin sa akin na parang naaawa.
May kung anong kumirot sa dibdib ko. Ayoko nang feeling na kinaaawan dahil sa sitwasyon ko. Halos buong buhay ko kinaaawaan ako ng maraming tao, maski ng mga kaibigan ko. Buong buhay ko naging sunod sunuran ako sa mga magulang ko, ni kahit minsan hindi ko sila nagawang suwayin. Sinikap kong maging honored student para maging proud sila sa akin pero hindi pa pala naging sapat iyon dahil halos buong pagkatao ko binago nila. Mula kilos hanggang sa hobbies at paborito ko pinakealaman nila, na dapat ganito ganyan. Dahil babae ka kailangan mong kumilos ng naaayon sa iyong kasarian. Sawang sawa nako. Sawang sawa nako sa mga pinaggagawa nila, pero dahil nga mahal ko sila.. Heto pa din ako.. Ginagawa ang gusto nila kahit labag sa kalooban ko.
Pagbukas ng dalawang malaking pinto ay ang pinakainaabangan ng lahat ng mga tao sa simbahan na ito. Ang pagpasok ng bride para sa groom na naghihintay.
Pero teka lang. Totoo nga yatang lahat ng tao may hangganan. Lahat ng sobra pagnapuno, umaapaw kaya nga...
"I'm sorry Mom, Dad. I can't do it." agad akong kumalas sa yakap nila Mommy at Daddy at agad na tumakbo palabas ng simbahan.
Wala na akong pakealam kung madami mang tao ang nakasubaybay sa ginawa kong pag-takbo palabas ng simbahan.
"OMG! Anong ginagawa nya? Malaking kahihiya ito sa pamilya nila." narinig kong sabi nang isa sa mga guest ata ng kasal dapat namin. Ngunit hindi iyon naging dahilan para tumigil ako sa pagtakbo.
All I want now is to runaway. Pumunta sa lugar na kung saan walang nakakakilala sa akin at mapag-isa.
Alam kong malaking kahihiyan itong ginawa ko pero hindi ko na kayang maging sunod sunuran sa magulang ko. I'm 22 now, I can do what I want.
Napatigil lang ako sa pagtakbo ng may bumusina sa akin na isang sasakyan. It's Kyle!
"Ano pang hinihintay mo? Red carpet? Sakay na!" masungit na bungad nito sa akin. Walang pagdadalawang isip ay agad akong sumakay sa kanyang kotse.
I need her now. I'm thankful for having her.
"Sorry kung nalate ako sa kasal mo. But I'm thankful dahil wala din pala akong mapapala kung on time ako dahil mag-aala runaway bride ka pala. Haha, sakto pa rin pala ang pagiging late ko dahil nakita kitang parang tanga na kumatakbo habang naka wedding gown. Haha. Inferness ang ganda mo pa din kahit runaway bride ka." mahabang litanya nya na tuwang tuwa sa ginawa ko. Malaki din ang ngisi ang isinukli ko sa kanya.
"Thank you, bes." pagpapasalamat ko sakanya.
"Ikaw pa! Mahal kita ehh. Haha. Pero hindi ko talaga maimagine na gagawin mo to. Wala kang sinasabi sa akin. Ano? Planado ba to? O unexpected talaga?" tanong nya na hindi makapaniwalang ginawa ko to. Napatawa nalang ako sa tanong nya. Maski ako hindi ko alam kung paano ko to nagawa.
"Naniniwala ka diba sa signs? Pero ako hindi. So yesterday, I pray to God. Sabi ko, 'Lord, hindi po ako naniniwala sa sign pero heto ako nanghihingi ako sa inyo ng sign. Please give me a sign if I'm going to do this wedding.' hinanda ko na lahat ng mga kailangan ko para incase. So kaninang umaga, yung make-up artist at yung hair stylist nagtatalo tungkol sa kung bakit ang aga ko daw magpapakasal so ayon na nag-umpisa na. I realized something and now I run. Sa tingin ko iyon iyong sign. Ang kaawaan ako ng hair stylist, dahil sa kanya I realized something that I never realized before." malawak ang ngiti ko habang kinukwento ko iyon sa kanya. Nakita ko din ang saya sa kanyang mukha.
"Haha, so ibig mo bang sabihin dahil sa stylist na iyon nakarealize ka. Samantalang wala kang narerealize pagpinagsasabihan kita? Haha. Hanep!" agad kong nahimigan ang bitterness sa boses nya. I laugh.
"Syempre ibang tao iyon. Wag ka nang magselos. Pano baman na wala akong marerealize sayo. Tungkol lang naman sa lalaki ang pinaparealize mo sa akin na 'malaki kana, pwede ka nang magpaligaw. Hindi na kailangan ng approval ng magulang mo dahil matanda kana at hindi baby. Kawawa naman si Markuz matagal nang umaasa sayo pero binabale wala mo lang dahil ayaw ng magulang mo' ang laki ng pinagkaiba diba? Kaya wag nang magselos, okay? Lablab naman kita." paglalambing ko sa kanya. Tawanan lang kaming dalawa sa byahe pamunta sa hotel kung saan ako nagpabook at pinadala ang maleta ko.
I'm very thankful to have a bestfriend like her. A bestfriend who always beside you no matter what happened.
Special Chapter Carlew Her beautiful and peaceful face, kahit anong anggulo, gising man o tulog ang ganda-ganda, lalo akong naiinlove. I'm watching her while sleeping, and I think it's my new found hobby. I traced her face, her fair skin, her long and black lashes, her rosy cheeks and her reddish lips, and her brownish straight shiny long hair, so natural. It's been a year now, and we're happy and contented with each other. We both have a work, we also travel like what she wants. “Baka matunaw ako.” I cackled when she spoke. “I love you.” I whispered and kiss her forehead. I'm still in the bed, waiting for her to wake up. “I love you talaga ang bungad? Hindi ba Good morning?” she said and pouted, hindi ko mapigilan ang mapangiti. “Good morning, baby.” I whispered again, this time I saw her smile.
Ate Ching: Thank you dahil umabot ka dito. Salamat sa pagsupporta. Sana basahin mo din ang iba ko pang stories.EpilogueFinally, matutuloy na din. Mapapasakin na din siya... Kahit na... Akala ko ay iniwan na naman niya ako...Tahimik akong nakaupo sa isang lamesa sa loob ng coffee shop. Hinihintay ko ang aking order habang kaharap ang aking laptop."Coffee for Carlew." sabi ng babaeng nasa counter-barista.Mabilis akong tumayo at lumapit doon para kuhanin ang aking kape. The lady barista sweetly smile at me, so I smile back."Thank you."Aalis na sana ako doon at babalik sa aking kinauupuan kanina ng may isang naka high school uniform ang lumapit sa counter para umorder. Hindi ko alam kung anong meron sa kaniya, pero hindi ko mapigilang mapatingin at mapatitig.She looks cute at her uniform. Blouse with two pockets a
Ate Ching: Congrats dahil umabot ka sa chapter na ito. Maraming salamat sa pagbabasa at pagsupporta.Chapter 50Naalimpungatan ako sa mainit na katawang bumabalot sa akin. Mahigpit na yakap. Hahayaan ko nalang sana nang maramdaman kong kapwa kami walang saplot. Walang pag aatubling iminulat ko ang aking mga mata at agad na bumungad sa akin si Carlew na nakayakap sa akin.Mabilis na bumalik sa isip ko ang nangyare kagabi. Lasing ako at sumasayaw sa dance floor ng hilahin ako ni Carlew paalis doon. Halos mapamura ako sa aking naalala.Shit! Bumigay ako! Ang malala pa may nangyari sa aming dalawa, sa gabi bago ang aking kasal. Ang tanga-tanga ko talaga!Dahan-dahan akong umalis sa kaniyang tabi at sinuot ang aking mga damit bago umalis. Gusto kong magsisisi sa nangyare, ngunit may parte sa akin hindi na dapat ako magsisisi dahil mahal ko siya at mamahalin parin kahit alam kong mali.
Chapter 49Mabilis na lumipas ang mga araw, at linggo. Naging busy ako sa pag-aayos ng aming kasal, ako sa mga venue at magiging theme. Habang si Justine naman ay sa mga kailangan sa simbahan. Tinutulungan naman kami nila Mommy at Tita sa lahat kaya gumagaan. Nagtataka lang ako doon sa mga seminar, sinong naattend kasama ni Justine.Matapos naming mag-usap ni Mommy ay hinayaan na nila akong muli basta wag ko na daw uulitin ang nangyari, and I promised to them that I'm not going to do that again.Hindi ko na din nakita pa si Carlew simula nang araw na iwan ko siya sa Bohol at umuwi ako dito sa Manila. Wala din akong naging balita sa kaniya, walang na banggit sa akin si Tita o Justine tungkol dito, at hindi naman nag iba ang tungo sa akin ni Tita tulad ng inaasahan ko. Napaisip tuloy ako kung alam ba nilang si Carlew ang kasama ko nang mawala ako.Kahit papaano ay mas okay na din na wala akong balita k
Chapter 48"Mom." tawag ko kay Mommy nang makapasok kami ng bahay. Nakaupo siya sa isang upuan sa living room habang nanunuod ng T.V.Mabilis lang kaming nakapasok ng bahay dahil kasama ko si Justine. Hindi na nag tanong pa ang kasambahay na nagbukas ng gate para sa amin, lalo na nang makita ako. Kita ko pa ang pagkagulat sa mukha ng kasambahay nang makita akong kasama si Justine.Alam kong masyado nang makapal ang mukha ko para umuwi pa roon. Dalawang beses ko nang ginawa at hindi impossibleng ulit kong muli iyon sa panagatlong pagkakataon na hinding hindi ko na gagawin tulad ng iniisip nila.Matalim ang tingin sa akin ni Mommy nang lingunin ako nito. Agad akong napahakbang paatras nang tumayo ito at humakbang palapit sa akin. Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata na nagpatakot sa akin. Ngayon ko lang nakitang ganoon kagalit si Mommy."Where have you been?!" dumagundong ang bos
Chapter 47Nakatingin ako kay Carlew habang siya ay natutulog. Pinagmamasdan ang mga features na meron siya, tila ba kinakabisa at itinatago sa memoriya para hindi makalimutan kung sakaling matapos na ang lahat at lumipas ang matagal na panahon. Para kahit paano ay may babalikan akong magandang alaala naming dalawa. Ang pagsasalo namin sa huling gabi dito sa Loboc.Napangiti ako. Kitang kita ko ang medyo pag itim ng kaniyang balat tulad ng sa akin. Halata mong nabilad kami sa arawan kahit na sa sandaling panahon lang kami nag stay dito at sa Panglao.Sa huling araw namin sa Panglao Island ay nagbangka lang kaming dalawa. Walang kasamang magmamando ng banggka, kundi siya ang magpapaandar noon."Sigurado ka bang kaya mo? Baka mamaya humito yan sa gitna ng dagat, patay tayo niyan. Hindi na tayo makakabalik ng resort." kabado kong sabi sa kaniya.May tiwala naman ako sa kaniya, pero
Chapter 46Naakatingin lang ako sa labas ng binta ng sasakyan habang papunta sa lugar na pupuntahan namin. Hindi niya sa akin sinabi kung saan dahil surprise daw. Pero agad na napakunot ang noo ko nang pamilyar ang dinadaan na tinatahak namin.Ilang beses na din akong nakapunta doon kaya pamilyar na sa akin, lalo na ang tulay na dinadaanan namin. Papunta itong Panglao Island, at sigurado akong doon iyon.Huli akong pumunta dito ay noong kasama ko sila Mommy at Daddy, nag mukmok lang ako halos sa akong kwarto at sila lang ang nag enjoy. Hindi ko aakalaing babalik ako dito na kasama siya."Sa Panglao Island?" sabi ko at nilingon siya. Nakita ko ang pag ngiti nito at tumango sa akin."Anong gagawin natin doon?"Muli siyang ngumiti at hinigpitan ang pagkakahawak saking kamay."It's a surprise, hindi pwedeng sabihin." tumawa pa ito ng bahagya.
Chapter 45Mahigpit ang pagkakahawak ni Carlew sa aking kamay habang naglalakad. Kita ko ang ilang mga tao ang napalingon lingon sa amin pero hindi iyon napapansin ni Carlew. Daretso lang ang tingin niya sa mismong patutunguhan namin. Sa elevator.Siguro ay agaw atensyon talaga ng suot namin. Lalo na sa ayos namin, mukha kaming ikakasal.Paalis na kami ng Mall at sinabi niyang may pupuntahan kami, ang nasa isip ko lang ay ang sinabi niya kanina. Magpapakasal kami.He opened the door of the car for me and put all the paper bags at the back seat, before he go inside the car. Agad kong naramdaman ang mainit na kamay niya sa akin nang umandar na ang sasakyan. Napatingin ako doon."I love you." he whispered while driving.Pinanuod ko siya habang nagmamaneho, I trace his feature through my eyes, tila ba kinakabisa ang bawat bagay na meron siya. The way he run his f
Chapter 44"Wear this for the mean time." pinasuot niya sa akin ang dress na suot ko pa kahapon pa.Ngumiti ako sa kaniya bago tumango. Siya ang nagpaligo at nag punas sa akin ng tuwalya. At ngayon naman ay kulang nalang, pati ang magbihis ko ay siya na ang gumawa para sa akin kung hindi ko pa siya pinigilang gawin iyon."Go, magbihis ka ng sayo. Kaya ko na ito." agad kong sabi.Sinuot niya ang puting t-shirt na pinasuot niya din sa akin kanina. No choice kami na ito ulit ang suotin sa pagpunta sa Mall. Wala talaga kaming susuotin kung hindi ito uulitin.Nahihiya akong nagbihis sa kaniyang harapan, lalo pa nang makitang sa harap ko din siya nagbihis. Gusto kong tumalikod para hindi makita ang katawan niya, pero ano pang sense noon, sabay na nga kaming naligo at walang saplot iyon, ngayon pa ba ako magpapa virgin.Umiling ako para iwala iyon sa isip at nag bih