Share

A SECOND CHANCE IN LOVE
A SECOND CHANCE IN LOVE
Author: vhans

Chapter 1

"Hello, oo papunta na kami" Sagot ko sa kausap sa cellphone. "Joy, nasan ang kambal?" Tanong ko sa kasama ko sa dalaga.

"Mommy" tili ni Andrea Mariz Dela Merced, bitbit pa nito ang kanyang pink ng hand bag, naka pink dress at nakapink shoe ayaw pong magpink ng anak ko.

"Baby be careful" Sabi ko sa anak kong pababa ng hagdan.

"Where's Kuya?" Tanong ko, I'm referring to her twin brother mas matanda ng thirteen second sa kanya ito. Di pa nakakasagot ang baby girl ko nakita ko ng pababa ang aking baby boy, naka blue T-shirt nakamaong short, rubber shoes at may nakasukbit na backpack.

"Goodmorning Mommy" Bati nito sa akin, siya naman si Andrei Michael Dela Merced, three years old ang kambal ko.

Napangiti ako dito, "Goodmorning baby boy" Bati ko dito at humalik sa pisngi nito.

Nakakatuwa magkaibang magkaiba ang personality ng kambal ko, si Drei ang palayaw ni Andrei seryoso masyado at strict na Kuya, pero napaka caring naman at si Rei naman palayaw ni Andrea ang daldal at lagi nakatili pero sobrang sweet na sweet.

Pero kahit magkaiba magkaiba sila mahal na mahal ko yang mga anak ko sila ang buhay ko.Ako si Althea Marie Dela Merced, twenty four years old, and Mother of this handsome and beautiful kids.

"Jusko ate napakahyper talaga ng mga batang ito" Nakahawak sa dibdib niya, sabi ni Joy sa akin, napangiti lang ako dito. Si Joy kasama si Ate Jojit, Nanay Pacita at Tatay Mario, sila ang mga kasama namin sa bahay. Si Joy ang taga pag alaga ng kambal sila Ate Jojit at Nanay Pacita naman ang mga gawain bahay, at si Tatay Mario naman ay ang driver namin.

Papunta kaming Airport dahil susunduin ko ang mga kapatid ko, galing silang State. Si Nerissa Mae Dela Merced at Brent Christian Dela Merced, twenty four din si Neri actually di kami magkakadugo tatlo, ampon nila Mamang at Papang si Neri at Brent pero kahit ganun mahal namin ang isa't isa bilang tunay na magkakapatid.

Pinadala ng pinagtatrabuhan si Neri sa ibang bansa, siya ang Head Accountant ng Company nila, si Brent naman ay eighteen years old at second year college Engineering ang course nito, pinagbakasyon ko muna kay Neri, at dahil magpapasukan at tapos na din ang trabaho ni Neri uuwi na sila.

"Ikaw di ka na nasanay" Biro ko kay Joy at natatawang kong sabi sa dalaga. "O anak halika na at baka matraffic tayo" Aya ni Tatay Mario. "Sige po, Joy tara na Drei, Rei let's go babies" Tawag ko sa tatlo.

Si Joy pinagbuksan ng pinto ang kambal at magkasunod na pumasok ang kambal sa kotse. Nasa passenger seat ako, at silang tatlo sa likod, nakukulitan na naman ang kambal.

"Mommy nandun na sila Tita Neri at Tito Brent?" Drei asked me. "Wala pa sabi ni Tito Jay" Sagot ko dito.

"I'm so excited" Tili ni Rei, nagtakip naman ng tenga ang kambal niyang si Drei. "Don't shout" Sita ni Drei sa kapatid nakakunot noong sabi nito. "I'm not shouting" Nakasimangot na sagot Rei sa kambal. "Okey kids stop it" Saway ko sa mga ito at baka magkapikunan na naman silang dalawa.

Pagkadating ng airport nakita ko si Bernard, kasama si Shayne, Karla, Jay at Karl kompleto ang barkada akala mo naman sino ang susunduin. Mga kaibigan ko sila, si Shayne and Karla kasama ko sila sa business.

"Hello Ninongs and Ninangs" Bati ko sa mga ito. "O ang aga niyo naman" Sita ni Karla sa amin the alaskador in our group. "Wala pa naman sila diba?" Sagot ko dito at tinapik ang balikat nito.

"Ninong, Ninang" Sulpot ng kambal kasunod si Joy at Tatay Mario, binati nila ang mga ito.

Ilang minuto lang ang hinintay namin at dumating na ang eroplanong lulan ang mga kapatid ko. Namiss ko silang dalawa, "Tita Neri, Tito Brent" Biglang tili ni Rei kaya napalingon ako. Nakita ko ang dalawa si Neri kumaway pa si Brent asual tumango lang serious much parang si Drei.

"Neri, I miss you sis" Yakap ko dito ganun din siya.  "Namiss din kita, kayo" Nakangiting sagot nito. "Hi baby brother, I miss you!" Sabi ko at niyakap ko dito.

"I miss you Ate Thea, namiss ko din ang kambal!" Sabi niya at binuhat ang kambal. Malaking tao si Brent kaya nabubuhat niya ng sabay ang kambal, yumakap naman ang mga ito sa kanila.

Matapos ang kamustahan nagderetso kami ng restaurant para makakain na. Asual ang bida ay ang aking kambal na anak, si Rei nag sing and dance pa while si Drei ay kumanta lang pero sinabayan pa din siya ni Rei.

"Hmmm..namiss ko tong kambal almost one years kong di nakita ang lalaki na agad" Sabi ni Neri at pinagyayakap ang kambal at pinupog pa ng halik. "Ate maubos naman ang dalawa" Saway ni Brent, pero inirapan lang niya ito. Why so serious?" Tanong ko dito at ginulo ang buhok ng kapatid.

"K.J" Bulong ni Joy pero narinig ni Brent kaya tinignan niya ng masama si Joy, well they are frenimies. Natawa lang kami dahil sa pagbabalik ni Brent magsisimula na naman ang aso't pusang away nila.

"Ayan na naman po sila" Natatawang sabi ni Karla. "Diyan nagkatuluyan yung lolo't lola ko" Biro ni Bernard sa kanila. "Kuya Nard pwede ba, please" Sabi ni Joy na parang diring diri, si Brent naman ngumisi kaya nagmake face si Joy, napailing na lang ako sa mga ito.

Masaya ako kasama ang pamilya at kaibigan ko, I'm happy to have them. Bago kami umuwi dumaan kami kay Mamang at Papang kung san sila nakahimlay.

"Hi Mamang, Hi Papang" Bati namin dito at nilagay ang mga dalang bulaklak at nagsindi ng kandila nagbigay lang kami ng maikling dasal para sa kanila.

Pagdating namin sa bahay, binigay na ni Neri ang mga pasalubong niya para sa amin. "Chocolates" Sabay na sigaw ni Joy at Rei, yan ang favorite nila pati si Drei pero tahimik lang talaga siya, seryosong bata.

"Joy, mageenrol ka na sa Monday, dun ka sa University kung san nag aaral sila Brent ha" Sabi ko. "E oo ate, tsaka pala ate scholar po ako dun nakapasa ako sa Scholarship program nila" Sagot nito, napangiti ako ayaw niya sana dun dahil mahal, pero iniinsist namin ni Neri, pero talagang gumawa siya ng paraan, dahil nahihiya siya.

"Ikaw naman di mo naman kailangan yung scholarship mapepressure ka pa, kaya naman namin, nahiya ka pa para ka na namin kapatid e" Sabi ni Neri.

"E kasi ate nakakahiya ang mahal po ng tuition dun, kaya ko naman po tsaka nakakahiya kayo na nga po sa lahat e" Sagot nito.

"Ikaw na bata ka nahiya ka pa, pero congrats ang galing mo talaga" Sabi ko dito. Si Brent matalino din yan, dean's lister yan kapatid ko at varsity player ng University nila.

"Mga achiever talaga tong mga kapatid natin" Nakangiting sabi ni Neri, ngumiti ito.

"Ano palang course mo?" Tanong ko. "Accounting po" Nakangiting sagot niya. "Wow dalawa na ang accountant natin" Masayang sabi ko.

Si Neri kasi Accountant na, ako naman Marketing graduate pero parang di ako sa business, kaya nag aral din ako as fashion designer kaya ang business ko kasama ang mga kaibigan ko ay wedding planner and coordinator, naapply ko pa din naman ang business course ko.

Kami ang nagdedesign ng lahat mula sa gown hanggang sa maliit na detalye na gusto ng bride at groom. Kilala kami kaya madami kaming mga customer.

"Kamusta pala ang business?" Tanong ni Neri sa akin. "Hmmm...good meron kaming bagong kliyente sa Monday namin imemeet nirecommend kami nila Allan at Martha, kilala daw mga ito sa business world" Pagkukwento ko dito.

"Talaga, that's good and I'm sure na maganda ang wedding kayo ba naman ang coordinator e" Sabi ni Neri. "Tiwalang tiwala ka talaga ha" Natatawang biro ko dito.

"Syempre kayo pa, ikaw pa" Nakangiting sagot nito. "E ikaw kailan, gusto ko pag kinasal ka ako ang magiging coordinator ng wedding mo" Nakangising sabi ko dito.

"How's Mark?" Tanong ko pa. Nagkibit balikat lang ito "Ayon Ate panay tawag kay Ate Neri" Sagot ni Brent na prenteng nakaupo sa sofa, binato siya ng laruan ni Neri pero nasalo niya.

"Bakit kaya ayaw pa niya mag asawa?" Natatawang biro ko dito. "Tigilan niyo akong dalawa" Suway nito sa amin natawa lang kami sa sagot niya.

"Goodmorning" Bati ko sa mga kasama ko sa shop. Madami din kami mga empleyado, di na din keri namin nila Karla at Shayne dahil malakihan talaga ang mga kasal na natatanggap namin, pero may mga affordable na price naman kami.

"Hi friend, ngayon yung dating ng new client natin" Sabi ni Shayne kaya nag ayos na kami. Chineck ko muna yung mga pinatahin wedding gowns sa amin, most of them ako talaga ang nagdedesign.

"Thei nandyan na sila" Tawag ni Karla sa akin. "Okey sunod na ako" Sabi ko sumunod na sa mga ito. Paglabas ko ng office natanaw ko sila kasama ang bago naming kliyente pero nagulat ako ng makita ko siya

"No it can't be" Bulong ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status