CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS

CLAIMED BY THE BILLIONAIRE TWINS

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-10-13
Oleh:  RedpenBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
13Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Andrea ay isang babaeng hindi basta-basta nagpapatalo, lalo na sa mga lalaking mayayabang at arogante. Kaya nang makabanggaan niya sa mall ang isang bilyonaryong CEO na sa halip na humingi ng tawad ay pera pa ang inialok sa kanya, hindi niya ito pinalampas. Dahil sa tapang ni Andrea, napilitan ang lalaki na humingi ng tawad—isang bagay na tila hindi nito nakasanayan. Ngunit hindi pa roon nagtatapos ang kanilang kuwento. Lingid sa kaalaman ni Andrea, ang lalaking iyon pala ang CEO na naging dahilan ng pagdurusa ng kaibigan niyang si Alexa. Isa itong playboy na mahilig maglaro ng damdamin at hindi sanay na matalo. Sa muling pagtatagpo nila, isang hindi inaasahang laro ang magsisimula—isang larong maaaring humantong sa pag-ibig o paghihiganti. Ngunit paano kung ang lalaking kinaiinisan niya ang siya ring magbubukas ng mga lihim na matagal nang nakatago? At paano kung ang kanilang pagkikita ay hindi lamang basta pagkakataon? Dahil minsan, ang taong hindi mo gustong makilala ang siya palang may pinakamalaking papel sa iyong buhay.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

ANDREA'S POV

“Nakita ko kayo,” sabi ng lalaking nagmamaneho. Halata sa boses nito na galit siya.

“Yes, nakita mo kami, pero mali ang hinala mo,” paliwanag ko.

“Pwede ba, huwag ka nang mag-deny?”

“Bakit ako magde-deny? Wala ka bang tiwala sa akin?”

“Can you please stop denying? Ayoko nang maniwala sa iyo!”

“What? Talaga bang paninindigan mo ang paniniwala mo?”

“Manahimik ka na lang. Mas lalo lang nagugulo ang utak ko.”

“Ano? Kailan ka naging ganyan?”

“Please, stop!”

“No.”

“I said stop!”

“No!”

Paglingon namin sa harap, nakita naming may truck sa unahan namin.

“AHHHH!”

Nagising ako. Panaginip lang pala ang lahat.

Pagtingin ko sa orasan, alas-tres pa lang ng madaling-araw.

Maya-maya, nakita kong nagmamadaling lumapit sa akin ang kaibigan ko.

“Andy? Narinig kitang sumisigaw. Nightmare again?” tanong ni Alexa.

Tumango naman ako.

“Sandali lang. Iku-kuha kita ng tubig,” sabi niya bago umalis.

Nakatulala pa rin ako habang iniisip kung bakit palagi kong napapanaginipan iyon. Sino ba siya? Ako ba talaga ang babaeng nasa panaginip ko?

Kumirot ang kaliwang bahagi ng ulo ko tuwing iniisip ko ang mga bagay na iyon. Sa tuwing nananaginip ako, iba ang epekto nito sa akin. Para bang totoo ang lahat. Para bang talagang nangyari ang mga iyon.

Bakit ganoon na lang ako nasasaktan? Bakit palagi akong nananaginip na para bang may naiwan akong isang bagay at may hindi na ako maalala?

Maya-maya, dumating na si Alexa na may dalang tubig.

“Uminom ka muna,” sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Alexa, talaga bang coma lang ang nangyari sa akin? Hindi ba ako nawalan ng alaala? Amnesia, ganoon? Sabi n'yo, naaksidente ako. Mag-isa lang ba talaga ako noon? Sigurado ba kayo?”

Hinawakan naman ni Alexa ang kamay ko.

“Andrea, sigurado kami. Wala kang kasama noon. Nakita ka namin. Ang tanging nakalimutan mo lang ay ang pagkabata mo. Kaya nga naaalala mo pa ako, di ba? Kung nakalimutan mo ang lahat, pati ako, makakalimutan mo rin. Hay, siguro dahil lang sa trauma kaya marami kang nightmares. But trust me, magiging okay din ang lahat. Pahinga ka na, okay? Maaga ka pa bukas. Kailangan ka ni Auntie Tisha sa flower shop niya,” sabi niya bago ako niyakap.

7:30 A.M.

Maaga akong nag-asikaso dahil may kasama akong dalawang bata sa bahay. Si Lizzy ay walong taong gulang, habang si Shawn naman ay limang taong gulang.

Mga anak sila ng ate ni Alexa. Simula nang isang taon pa lang sila kami na ni Alexa, kami na ang nag-aalaga sa kanila dahil nasa abroad ang ate niya at wala na rin silang tatay.

“Auntie Mommy” ang tawag nila sa amin.

Kasama rin namin si Alexa sa bahay na ito. Pag-aari ito ni Auntie Tisha. Marami kasi siyang bahay, kaya ito ang pinatira niya sa amin. Dito rin daw ako lumaki.

Maya-maya, lumabas na ang mga bata kasama si Alexa.

“Wow! Ang bango, Auntie Mommy! Mukhang masarap!” sabi ni Lizzy.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Wow! Ang dami niyang ‘ahh’! Sakto 'yan, mga kids. Magpakabusog kayo kasi sure akong masarap ang niluto ng Tita Andrea n'yo,” sabi ni Alexa.

“Sos! Nambobola pa. Palibhasa, tanghali na gumising ang isang tita n'yo,” pang-aasar ko.

Natawa naman siya.

Habang kumakain kami, nakatanggap ng text si Alexa. Napansin kong nagbago ang mukha niya pagkatapos niyang basahin iyon.

“Excuse me lang,” sabi niya bago tumayo at lumayo para tumawag.

Hindi ko mapigilang tingnan si Alexa, lalo na nang mapansin kong agad niyang pinupunasan ang mga luha niya.

Kaya agad akong tumayo at nilapitan siya.

“Lex? Okay ka lang?”

“Ah, oo. Na-cancel lang kasi 'yung business proposal ko,” sagot niya.

“Huh? Eh, di ba sabi mo, may something kayo ng CEO? Bakit naman niya ika-cancel 'yon?”

“Masyado ko raw kasi siyang pine-personal. Ayaw na raw niya akong makita. Gusto ko lang daw gamitin ang pera niya para makaangat ako sa buhay. Marami raw babaeng mayayaman diyan, hindi tulad ko. User daw ako.”

“What? Grabe naman siya! First of all, alam niya noong una pa lang na business proposal ang dahilan kung bakit mo siya nakilala. Tapos, nag-aya pa siya ng date at kung anu-ano. Tapos, ang ending, sasabihin niyang user ka? Teka... Na-fall ka ba sa kanya? May nangyari ba sa inyo?”

Yumuko siya saka tumango.

“What? Ganoon na lang kadali? Alexa naman!”

“Sorry. Akala ko genuine siya. Akala ko, na-fall na rin siya sa akin at hindi lang basta business proposal ang dahilan kung bakit niya ako nilapitan. Andrea, believe me, hindi ko ito in-expect.”

Natahimik na lang ako at niyakap siya. Naawa ako sa kaibigan ko. Pinaasa at niloko lang siya ng kumag na iyon.

2:45 P.M.

Nasa mall ako dahil may pinapabili si Auntie Tisha para sa flower shop niya.

Ring... Ring...

“Auntie...”

“Andy, nabili mo ba? Sorry, iyan lang kasi ang malapit na bilihan dito. Anyway, pagkatapos mo diyan, bumalik ka na agad, okay? Iiwan ko si Lorena dito.”

“Sige po, Auntie. Pabalik na rin po ako,” sagot ko bago ko ibinaba ang tawag.

Maya-maya, may lalaking naka-tuxedo na nakabangga sa akin, dahilan para malaglag ang lahat ng pinamili ko.

Agad akong napatingin sa kanya, pero sa halip na mag-sorry, inabutan niya ako ng limang libong piso.

“Is this enough for the damage I caused?” tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tingin siguro niya sa akin ay pulubi ako.

“Ganyan ka ba humingi ng tawad?”

Huminga siya nang malalim bago dinagdagan ang perang dala niya at muling iniabot iyon sa akin.

Dahil sa ginawa niya, kinuha ko ang pera at ipinampalo ko iyon sa mukha niya.

“MR. FEELING MAY-ARI NG MUNDO, hindi ako pulubi para matuwa diyan sa pera mo! Hindi niyan kayang bayaran ang pride ko. Saka 'yan? Kulang pa 'yan! One million, at papayag akong hindi ka mag-sorry at lulunukin ko ang pride ko. Pero 'yan? Iyan lang ang kaya mo? Eh, kaya kong sumahod ng ganoon sa isang buwan!”

“What? Miss, you're asking too much! Ganyan ba kataas ang tingin mo sa sarili mo?” sabi niya.

Agad na lumapit ang guard niya.

“Sir, gusto n'yo po bang palabasin ko na?” tanong nito.

Umiling naman siya at senyasan ang guard na umalis.

“At ikaw, ganyan ba kataas ang tingin mo sa sarili mo para bayaran ako nang hindi man lang marunong humingi ng sorry?” tanong ko.

“Hindi mo ba ako kilala?” tanong niya.

“Hindi, at hindi ako interesado. Matangkad ka lang at mayaman, pero hindi ka interesting na tao para kilalanin ko pa. Bukod pa roon, hindi maganda ang ugali mo. Halatang pinalaki ka lang ng pera, kaya hindi ka naturuan ng tama.”

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

“What did you say?”

Lumapit ako sa kanya.

“Gusto mong ulitin ko pa?”

Habang tinititigan ko ang galit niyang mga mata, may kakaiba akong napansin. Unti-unti itong naging maamo, at para bang may kung anong puwersang humihila sa akin papalapit sa kanya.

Ito lang ata ang magandang katangian niya—ang mga mata niya.

Maya-maya, napansin kong umiwas siya ng tingin at huminga nang malalim.

“Fine. I'm sorry,” sabi niya.

Halatang nagulat ang mga guard niya.

Ngayon lang ba sila nakakita ng lalaking nagsosorry? OA naman!

Tinulungan niya rin akong damputin ang mga pinamili ko at iniabot ang mga iyon sa akin.

“Apology accepted,” malamig kong sagot.

“Sir, 45 minutes na lang at magsisimula na po ang meeting,” sabi ng isa sa mga guard niya.

“Okay,” sagot niya bago umalis.

Ganito na 'yon? tanong ko sa sarili ko.

Sa bagay, at least, nagsorry siya.

Nagsimula na akong maglakad para makabalik sa flower shop nang magulat akong bumalik siya.

May nakalimutan ba siya?

Lumapit siya sa akin at bumulong.

“Hindi pa tayo tapos. Magkikita pa tayo, at sisiguraduhin ko 'yon,” sabi niya bago umalis.

Napatigil naman ako sa sinabi niya.

Sino ba siya sa akala niya?

Pero bakit ako kinabahan?

Nakakainis!

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status