THE NEXT morning, she woke up alone in bed. Wala si Drake sa tabi niya at hindi niya maintindihan kung bakit hindi maganda ang nararamdam niya dahil doon. Wala naman siyang dapat na ipag-alala eh pero kumakalabog ang puso niya.
She dismissed the negative thoughts in her head and get up. He's maybe at the outside. Come on, Calli. Para ba namang ito ang unang beses na nagising kang wala siya sa tabi mo. Don't be paranoid.
She took a bath and went downstairs. Naabutan niyang busy ang lahat at may kanya-kanyang ginagawa.
Nilapitan niya si Mase. "Good morning, Mason."
"Good morning," he greeted back.
"Siya lang?" Her friends complain in chorus.
She laugh while shaking her head and greet them one by one. It gave them satisfaction. Nagtimpla siya ng kanyang gatas habang panay ang tingin sa paligid staka sa pinto.
Is he outside?
"You, okay?" Mason asked.
"Si Drake?"
Nagkibit balikat ito.
"Oh! Tama, nakalimutan kong sabihin sa'yo Cal."
Napabaling siya kay Xiver na naghuhugas ng kawali.
"You know where he is?"
Nilingon siya nito. "Nagpaalam siya sa akin kaninang umaga. Luluwas siya ng Manila dahil may aasikasuhin siya."
Nasaktan si Callisandria sa isipang nagawang magpaalam ni Drake sa kaibigan nito habang sa kanya ay hindi manlang. Okay sana kung sa malapit lang pupunta pero sa Manila eh. She think, she deserve to know it too.
"Kaninang alas kuwatro siyang umalis kaya hindi na siya nakapagpaalam sa'yo," dagdag pa nito.
But still, it didn't enlighten her. Marami itong pagkakataon na sabihin sa kanya na luluwas ito. Magkasama sila buong gabi.
Hindi na lang niya pinairal ang tampo. Inintindi niya lang si Drake. "Kailan daw siya babalik?"
"Baka mamayang tanghali raw."
That's good.
Nagkakasiyahan ang mga kaibigan niya sa dagat habang siya naman ay nanatiling nakaupo sa bakanteng cottage. Hindi niya magawang sumali sa kanila dahil hinihintay pa niya si Drake. Mag-aalauna na ng hapon pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito.
Tumabi sa kanya si Mason at inabutan siya ng shake. Tinanggap niya iyon.
"Don't worry, baka na traffic lang kaya natagalan. Malayo ang Manila kaya di talaga sigurado na on time siya makakabalik."
Yun ang iniisip niya pero hindi talaga eh, nalulungkot pa rin siya. Namimiss na niya si Drake.
"Kaya cheer up na, okay?"
He motion her to smile but she didn't do it.
"Grabe ka, ang oa mo. Hindi ka naman ganyan kapag wala siya ah."
Oo nga, hindi nga siya ganito at ang nararamdamang pagkasabik sa binata kahit ilang oras pa lang itong wala ay patunay na hindi na niya kaya itong mawala.
"Nakakatampo ka na, nandito naman ako eh."
Binalingan niya ng tingin ang kaibigan na ang haba na ng nguso.
Napangisi siya. "Hay, oo na. Halika ka na nga, samahan na natin sila." At siya pa mismo ang humila rito.
Hindi dapat siya mag-isip ng kung anu-ano at kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ito nakakabalik. May tiwala siya kay Drake, alam niyang adik din ito sa kanya.
They spend their remaining hours in the sea. Naglaro sila ng volleyball at habulan sa dagat. Nakalimutan ni Calli ang oras at namalayan na lang na malapit na palang lumubog ang araw.
Nakatayo siya ngayon sa hamba ng pinto at hinihintay si Drake. Alas singko na ng hapon at ilang minuto na lang ay uuwi na sila. Tapos na rin siyang magligpit ng mga gamit at niligpit niya na rin niya ang kay Drake.
Mariin niyang iniling ang ulo nang kung anu-anong negatibong bagay na naman ang pumapasok sa kanyang utak.
Hindi, babalik si Drake.
Tapos na ang lahat sa pagliligpit at handa ng umalis. Nalagay na nila ang mga gamit sa loob ng van at hinihintay na lang si Drake.
"Calli, tayo na?"
"Can we still wait for him? Please," pakiusap niya kay Airah.
Nilingon nito ang mga kaibigan at nagsitanguan. "Sige. 10 mins. Di puwedeng magpagabi tayo sa pag-uwi "
"Salamat."
Naghintay pa sila ng 10 minuto. Kanina pa nakatayo si Calli pero hindi manlang siya nakaramdam ng pagod. Kinakabahan siya ng matindi para alalahanin pa niya iyon.
5 minutes had passed and there was still no Drake. Gusto na lang umiyak ni Calli, kanina pa niya pinipigilan ang sarili.Tumingala siya para pigilan ang maluha at lumunok. Ikinuyom niya rin ang nanlalamig na kamay.
Drake, dumating ka na please.
But her wish didn't happen. Natapos ang 10 minuto at wala na siyang nagawa kundi ang pumasok sa van.
Habang umaandar ang sasakyan nila ay pinakalma niya ang sarili. Nakatingin siya sa labas ng bintana kung saan ang paligid ay unti-unti ng binabalot ng dilim.
Tuluyan na silang nakalabas ng resort. Binuksan niya ang bintana at nilabas ang ulo. Hindi niya inalis ang tingin sa entrance ng resort, nagbabakasali na baka kakapasok lang ni Drake pero wala, hanggang sa nakalayo na sila ay walang Drake na dumating.
Umayos siya ng upo at hindi na napigilan ang tahimik na pag-iyak. Nalulungkot siya ng sobra at nasasaktan. Pakiramdam niya kasi ay sa resort na iyon ang huli nilang pagkikita.
Hinatid siya ng mga kaibigan niya sa labas ng kanyang apartment nang makauwi sa Manila. Walang kabuhay-buhay siyang lumabas ng van at kinuha kay Lawrence ang kanyang maleta. Nagpaalam siya sa mga ito na may maliit na ngiti sa labi at matamlay na kumakaway.
Hinintay niyang makaalis ang mga ito bago siya pumasok sa loob ng kanyang apartment.
Pabagsak siyang inihiga sa kama at napaiyak na naman, this time ay malakas na siyang humagulhol.
"Drake," sambit niya sa pangalan ng binata.
Hindi namalayan ni Calli na nakatulog pala siya habang umiiyak, nagising na lang siya pagkakinabukasan na tumatama sa kanyang mukha ang sikat ng araw.
Bumangon siya at napatingin sa paligid. Sandali niyang prinoseso kung ano ang nangyari kahapon at nang maalala si Drake ay agad niyang hinanap ang cellphone para tawagan ito.
She's walking back and forth while waiting for him to answer her calls, it keeps ringing but no one is answering.
She sent him a lot of messages.
Calli:
Drake. Good morning. 😊Calli:
Anong ginawa mo kahapon at hindi ka na nakabalik sa resort? I waited for you, nakakatampo ka.Calli:
Drake, sagutin mo naman ang tawag ko.Calli:
I'm at the apartment, puntahan mo na lang ako. I miss you 😘Ilang oras siyang nag-abang sa reply nito pero ni isa ay wala siyang may natanggap. Humigpit ang hawak niya sa cellphone.
Calli:
Drake, are you busy?Calli:
Kahit isang tuldok lang ang ireply mo sa akin, gawin mo naman oh. Hindi ako mapanatag eh.She's worried.
Muli siyang naghintay hanggang sa inabot na lang siya ng hapon. Napagtanto lang niya na hindi pa pala siya kumakain ng breakfast at tanghalian nung kumulo ang tiyan niya.
Naghanap siya ng tinapay at yun lang ang kinain. Tinatamad siyang magluto, hinihintay pa niya si Drake.
Buong maghapon na pumuwesto si Calli sa may teresa para abangan ang pagdating ang binata, hindi niya rin ito tinantanan ng tawag at text.
Nagtagal ang kanyang paghihintay ng hindi lamang isa, dalawa o tatlong araw kundi lumagpas iyon ng isang linggo. Gabi-gabi siyang umiiyak, nag-aalala siya sa binata at nasasaktan na.
Sinasabi ng mga kaibigan niya sa klase nila na baka hindi naman siya nito mahal kaya ghinost pero hindi siya naniwala. Alam niyang mahal siya nito, ramdam niya iyon.
Busy lang siguro sa trabaho.
Pero ganun na ba siya kabusy para hindi ka replayan o sagutin ang tawag mo kahit saglit lang?
It's their lunch time, papunta siya ngayon sa cafeteria habang sinusubukan pa ring tawagan si Drake.
"Wala pa rin?"
Inilingan niya ang kaibigan.Muli siyang tumawag. Nakailang subok pa siya hanggang sa nagulat na lang dahil hindi na ito ma-contact.
Kumunot ang kanyang noo. Drake, ano ba ang nangyayari sa'yo?
Padabog siyang naupo sa upuan nang makarating sa cafeteria at masama ang tingin na pinupukol sa pagkain na para bang ito ang binata staka nakakuyom pa ang kamao.
She's getting pissed. Bakit ba kasi nito hindi sinasagot ang tawag niya? Totoo bang hindi siya nito mahal? Yun ba Drake? Nagmumukha na lang ba akong tanga sa kahihintay sa'yo?
Sinubo niya ang pansit palabok na masama ang loob. Napatigil siya sa pagnguya nang bigla na lang niyang maramdamang na parang may humahalukay sa kanyang tiyan.
Tinakpan niya ang bibig nang umakmang masusuka.
"Okay ka lang?"
Hindi niya pinansin ang tanong ng mga kaklase at basta na lang tumakbo palabas. Nagsuka siya sa may damuhan at nanghina dahil halos mailabas niya ang lahat ng kanyang mga kinain. What's happening? Bakit ako nagsusuka?
Masama ang kutob niya rito.
"Okay ka lang?" Hinagod ni Mira ang likod niya at inabutan siya ng tubig. Nagmumug siya bago ito hinarap at tinanguan.
Naging sunod-sunod pa ang kanyang pagsusuka sa mga ilang araw at nakakaramdam na rin ng pagkahilo. Hinang-hina siya sa araw-araw pero pinipilit pa rin ang pumasok.
Binato niya ang notebook sa inis matapos sabihin sa kanya ni Xiver na miski ang mga ito ay hindi rin daw ma-contact si Drake.
Ginagalit na talaga siya ng lalaking iyon. Huwag lang talaga ito magpapakita sa kanya dahil masasaktan talaga ito.
Isang linggo na siyang naghihintay. Konting-konti na lang, Drake. Hihiwalayan na talaga kita.
Sinabunutan niya ang sarili at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Pinulot naman ng isa niyang kaklase ang notebook na tinapon at inilagay sa kanyang desk.
"Salamat."
Uwian na nila nun at palabas na ng university nang manlaki ang mga mata habang nakatutok sa isang lalake na nakasandal sa magara niting sasakyan at kumakaway sa kanya.
"Mason!" tili niya at tinakbo ang pagitan nilang dalawa. Mahigpit niya itong niyakap at ganun din ang binata na mahina pang natatawa.
Ginulo nito ang buhok niya. "Akala ko ba nasa States ka?"
Nang matapos ang reunion nila ay agad din itong umalis ng bansa. Napaka busy ng taong ito.
"Nag-aalala na kasi ako sa'yo kaya umuwi ako."
Biglang nawala ang ngiti niya sa mukha. "Galit ako sa kanya, Mason. Bakit niya ginagawa sa akin ito? Sinasaktan na niya ako? Nagdududa na ako pero nag-aalala pa rin ako sa kanya." She started to cry and he wiped her tears.
"Shh, tahan na. Okay? Tahan na. Sasamahan kita sa paghihintay sa kanya."
"Talaga?"
He smiled. "Oo naman."
Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. "Mase?"
"Hmmm?"
Tiningala niya ito. "Puwede mo ba akong samahang bumili ng pt?"
Kumunot ang noo nito. Kinagat naman niya ang pang-ibabang labi. "Tingin ko kasi......buntis ako."
AFTER THREE YEARS, nakauwi na rin sina Drake at Calli ng Pilipinas matapos nilang mabalitaan na pumanaw na si Don Rafael dahil sa katandaan. Bilang pagrespeto sa matanda ay pumunta pa rin sila sa burol nito. Napatingin sa kanila ang mga naroroon at napatigil sa pag-uusap ang ina at ama ni Drake nung makita sila. They are walking together with their two daughters. Nanubig ang mga mata ng ina ni Drake at nahihiyang lumapit sa kanila. "Drake....anak," Denise whispered. "Mom," Drake uttered. Humagulhol ng iyak ang ina ni Drake at niyakap ang anak. Ganun din ang ama na maluha-luha pa. "I'm sorry Drake, I am really sorry. Mali ang ginawa ko…...namin ng ama mo. Nung umalis ka ay doon lang namin napagtanto ang mga kamalian namin. Sorry anak. Sana mapatawad mo kami." Drake smiled. "You're still my mother, mom and as well as you too, dad at napatawad ko na ho kayo. Masaya ako na napagtanto niyo na ang pagkakamali ninyo." Drake's heart lifted up. Sobrang gaan ng kanyang pakiramdam. Ang pag-aa
ELYSE PLANS succeeded. Nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang daang tinahak ng van, hindi niya alintana ang pagsigaw sa kanya ng lolo na galit na galit, ganun din si Don Rafael na kulang na lang ay himatayin. Nagpaputok pa ito ng baril dahil hindi nahuli ng mga tauhan si Drake. Unlike Drake na sumuko na agad, siya naman nag-isip pa ng ibang paraan. Hangga't hindi pa sila officially kasal ni Drake ay alam niyang may pag-asa. Kinausap niya si Mase isang gabi bago ang kasal. Ang plano nila ay pupunta sila ni Drake sa simbahan para lingatin ang atensiyon ni Don Rafael at habang dinadaos ang kasal ay ililigtas naman ni Mase kasama ang mga tauhan nito sina Calli at Shreya, pagkatapos nun ay staka na niya patatakasin si Drake. Hinanda na niya ang sarili, ang ilang tauhan ni Mase sa simbahan para hindi mapigilan si Drake nino man, ganun din ang mga kaibigan nito. "Hija, bakit mo naman iyon ginawa?" Ina ito ni Drake na pilit tinatawagan ang anak. "Huwag na nating ipagpilitan ang hindi
MATAPOS ANG matinding preperasiyong naganap ay dumating na rin ang araw ng kasal nina Drake at Elyse. Umagang-umaga pa lang ay nagwala na si Drake nung nagpumilit ang mga tauhan ni Don Rafael na tulungan siya sa pag-aayos sa sarili. "I don't need your freaking help. Umalis na kayo!" Binasag niya ang vase kaya tuluyan ng umalis ang mga ito. Napasalampak siya sa kama at tumingala para pigilan ang sarili sa pag-iyak. He wants to end his life now, it's choking him, it's torturing him pero hindi pa nakakalaya sina Calli kaya hindi niya iyon puwedeng gawin. Maya-maya lang ay may kumatok sa kuwartong kanyang tinutuluyan, sinasabing oras na para pumunta ng simbahan. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagiging tulala. Nakatingin siya sa kisame kahit wala namang kainte-interes doon. Pagkalipas ng matagal na minuto ay lumabas na rin siya. Pinihit niya doorknob nang may naung bumukas nun mula sa labas at tumambad sa kanya ang babaeng pinagsisihan niyang naging kanyang ina. Handang-h
SA LOOB ng mga araw simula nung makuha sila ni Don Rafael ay pinahirapan nito si Calli. Okay lang naman iyon sa kanya basta ang anak niya lang ang hindi sasaktan, mabuti nga at hindi nito ginagalaw si Shreya. Sa tuwing magtatangka kasi ito ay tinatawag ito ng anak niyang lolo na siyang nagpapatigil sa matanda.Pinagsasampal siya ng mga tauhan nito, sinisipa at kung ano pang pang-aabuso para lang mapilit siyang hiwalayan niya si Drake pero hindi siya pumayag, hindi siya papayag na sisirain naman sila nito ng minamahal niya.Hinawakan ng mariin ni Don Rafael ang kanyang panga, napipikon na ito sa kanya pero hindi siya nakakaramdam ng takot. Malakas pa nga ang loob niyang mas lalo itong galitin. Kahit lang man dun ay makabawi siya."Hindi ka ba talaga papayag? Alam ko namang peperahan mo lang ang apo ko eh.""Ma-hal ko ang a-apo ninyo." Kahit si Drake man ang pinakamahirap na tao sa buong mundo ay ito pa rin ang pipiliin niya.Natawa ito at binitawan siya."Mahal? Huwag mo nga akong pinagl
DAHAN-DAHANG minulat ni Drake ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mga kasamahan nila sa bahay na walang malay. Bigla niyang naalala ang kanyang mag-ina at nilamon ng kaba. Hinanap niya ang mga ito kahit nanghihina pa. "Calli....Shreya...." But no one answered him. Si Mase naman ay unti-unting nagising at nang makitang natataranta si Drake ay bumangon ito. "Calli....shreya...." Mas lumakas ang boses ni Drake. Hinalughog niya ang buong bahay hanggang sa maalala niya ang nakita bago siya tuluyang makatulog.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at mas lalo pang kinabahan. "Nahanap mo na?" Nilingon niya ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Si lolo, siya ang may pakana nito. Nasa kanya ang mag-ina ko." Agad na pinuntahan ng dalawa ang bahay ng kanyang mga magulang dahil nandun din si Don Rafael. Pinapasok naman siya agad ng guard na para bang inaasahan ang kanyang pagdating. Pagkaapak niya sa bahay ay nadatnan niya ang lolo na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.
GALIT NA GALIT si Drake at agad na nilusob ang kanyang lolo na prenteng nakaupo sa swivel chair ng opisina. Hinampas niya ang lamesa at binato rito ang pinadala sa bahay niya.Agad itong napatayo. "Drake!" umalingawngaw ang boses nito."What?" sigaw din niya. "Do you think natatakot pa ako sa'yo? Hindi na ako ang dating Drake na inaakala mo. Simula nung pagbantaan mo ang buhay ni Calli ay hindi na ako natatakot sa'yo! Wala akong pakealam kung tanggalin mo man ang lahat ng kayaman ko pero huwag mong gagalawin ang mag-ina ko dahil di ako mag-aatubiling ihulog ka sa impyerno. Wala akong pakialam kung lolo pa kita!""Wala ka ng respeto!"Sinampal siya nito ng pagkalakas-lakas pero ni ano mang sakit ay wala siyang may naramdaman. Sanay na siya sa pisikal na pananakit at miski sa emosiyonal pero pagdating sa kanyang mag-ina ay agad siyang nanghihina.Natawa lang siya. "Galit ka dahil hindi kita nirerespeto? Bakit? Ako ba nirerespeto mo? Sinasabi ko sa'yo Don Rafael, tigilan mo na ang pagigin