Share

CHAPTER SIXTY-FOUR

DAHAN-DAHANG minulat ni Drake ang kanyang mga mata at tumambad sa kanya ang mga kasamahan nila sa bahay na walang malay. Bigla niyang naalala ang kanyang mag-ina at nilamon ng kaba. Hinanap niya ang mga ito kahit nanghihina pa.

"Calli....Shreya...." But no one answered him.

Si Mase naman ay unti-unting nagising at nang makitang natataranta si Drake ay bumangon ito.

"Calli....shreya...." Mas lumakas ang boses ni Drake. Hinalughog niya ang buong bahay hanggang sa maalala niya ang nakita bago siya tuluyang makatulog.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at mas lalo pang kinabahan.

"Nahanap mo na?"

Nilingon niya ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata. "Si lolo, siya ang may pakana nito. Nasa kanya ang mag-ina ko."

Agad na pinuntahan ng dalawa ang bahay ng kanyang mga magulang dahil nandun din si Don Rafael. Pinapasok naman siya agad ng guard na para bang inaasahan ang kanyang pagdating.

Pagkaapak niya sa bahay ay nadatnan niya ang lolo na prenteng nakaupo sa pang-isahang sofa.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status