Share

Chapter 13 - Meeting The Gang Leader

Muling bumalik si Luke sa ikatlong palapag. Saktong paakyat siya habang pababa naman ang ilang miyembro ng BPG kasama ang isang gwardyang nagbabantay kanina sa pinto ng ikatlong palapag. Napahinto sila nang makasalubong siya.

"S-siya ang binatang nagpumilit pumasok kanina." tukoy ng gwardya kay Luke.

Nagtataka namang pinagmasdan ng mga miyembro si Luke. Hindi sila kumbinsidong siya ang nambugbog sa mga tauhan ni Douglas. Napakabata pa nito kung titingnan at parang wala naman itong kakayahan sa pakikipaglaban. Natawa ang ilan sa kanila.

"Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo magagawa nitong gulpihin ang mga tauhan ni Douglas?" natatawang sambit ng isang miyembro.

"Sigurado ka bang ito ang tinutukoy mo? Eh mukhang estudyante palang ang isang 'to eh." sambit naman ng isa pa na hindi rin kumbinsido sa sinasabi ng gwardya.

"Ano ka ba sa Bar na'to, gwardya o komedyante?" ani rin ng isa na mas nagpalakas ng kanilang tawanan.

Natahimik lang ang gwardya. Totoo ang kanyang sinasabi pero hindi rin siya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status