Share

Chapter 19 - A Twist In The Afternoon

"Wait what? Are you serious?" gulat na tanong ni Tiffany sa waiter. Pero ang tanong na iyon ay isa lang ang gustong sagot na marinig at iyon ay 'hindi'.

Kani-kanina lang, kung insultuhin nila si Luke ay parang kilalang-kilala na nila ang buong pagkatao nito. Ngayon ay pare-pareho silang nakamulagat sa kanilang narinig mula sa waiter.

Kung totoo mang isa ngang SVIP client ng Light Metrobank si Luke, ibig lang nitong sabihin ay nagmula ito sa ubod na yamang pamilya. Para na rin lang nilang hinabol ang leon na nagbalat-kayong tupa.

"Imposible! Just look at him Manager! Mukha bang anak mayaman 'yan?" hindi makapaniwalang sambit ni Dexter. "You're just kidding right?" baling ni Dexter sa waiter.

Nagugulumihanang tiningnan ng waiter sina Dexter bago nagtatakang inilipat ang tingin kay Joey. "I-I'm sure Sir. Ito po ang customer na sinabi ko sa inyo kanina na may hawak na SVIP Light Metrobank Card. Hindi ko po maunawaan. May problema po ba?"

Napasampal sa noo si Joey. Saka niya lang napagtanto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status