Share

Chapter 16 - Blazing Phoenix Gang As Ally

Isang matangkad na lalaki ang pumasok nang walang pahintulot sa kanilang kwarto. Naka army cut itong gupit at nakasuot ito ng puting sando at baggy fit na kulay itim na pantalon. Makikita sa maskulado nitong bisig ang isang tattoo ng ulo ng dragon.

Kasunod na pumasok sa kwarto ay ang dalawang babae na nagtatawanan pa at isang matangkad din na lalaki na may seryosong ekspresyon lang sa mukha. Mga pawang may magagandang hubog ng katawan ang mga ito. Para silang mga sundalong naka sibilyan kung pagmamasdan.

"L-Leon? Anong ginagawa mo rito?" Napatayo pa si Malcov sa kanyang kinauupuan nang makita ang unang lalaking pumasok. Maging ang buong miyembro ng BPG ay gulat na gulat din nang makita si Leon.

"Ganyan ba ang tamang pagsagot ng tanong? Magtanong din?"

Dire-diretsong lumapit si Leon kay Malcov. Binigyan niya ito ng mapanukat na titig.

Si Leon ang kinikilalang Warlord ng White Dragon Knights na siyang nangungunang gang sa buong Luzon. Kasama nito ang tatlong may matataas ding ranggo sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status