Chapter Twenty-Five
Zoe's Perspective
Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng nagkakagulo sa ibaba at agad naman akong bumaba dahil akala ko isa sina Ate Rowena sa sumisigaw, pero pagkababa ko ay tahimik naman sila hanggang sa nakita ko si Daxton at ang isang babaeng halatang lasing na nakaupo sa couch.
Tumingin naman sa akin ang babae at saka ngumisi, parang gigil na gigil pa siyang tumitig sa akin, at hindi ko alam kung pinagtatawanan niya ba ako o naiirita siya sa akin?
"So, is she the woman you're talking about earlier? She's your wife?" rinig kong tanong niya kay Daxton at sa likuran nila ay si Leon na mukhang nagtataka rin kung ano bang nangyayari dito at kung sino ba ang babaeng inuwi ni Daxton.
"Yes, she is," seryosong sagot naman sa kanya ni Daxton. Akala ko hindi niya iyon sasabihin.
"So, it's really true, hah?" sabi niya.
&
Chapter Twenty-six Daxton's Perspective Nangangatog ang tuhod ko, masyado na akong nanghihina sa dami ng stress na dala-dala ko, at ngayon dinagdagan pa ng babaeng ito ang problema ko. Masyadong madami na siyang binibigay na sakit sa ulo sa akin. 'I really can't believe this woman!' I glared at her, who was smirking devilishly at me. Alam kong siya ang nagtip kay dad ng tungkol kay Estella. Just looking at those crazy, annoying smile, alam kong kalokohan na naman niya ito. 'Ano ba ang balak niyang gawin? Bakit kinailangan niya pang sabihin sa dad ko?' "Answer me, Daxton. I know the girl is here, where is she?" tanong sa akin ni dad. "She's downstairs, in front of Leon's room," sagot ko sa kaniya at agad namang bumaba si dad kaya sinundan ko sila ni mom. "What the heck have you done?!" bulong sa akin ni mom. "I swear to you, mom, it's all a
Dear beloved readers, I just want to leave this message to say how happy I am to see you here, scrolling each chapter. Thank you to all of you, I will always be grateful for giving my story a chance to read. This book will have a daily update. Hoping to see you until the very end. Happy Reading. Thank you and God bless. Sincerely, Belle Cassy ❤ Proverbs 3:5-6Trust in the Lord with all your heart; do not depend on your own understanding. Seek his will in all you do, and he will show you which path to take.
Chapter Twenty-Seven Zoe's Perspective Hinang-hina ako nang malaman kong magpapatuloy pa rin ako bilang si Zoe Shaw. Buong akala ko matatapos na ang kalbaryo ko pero naging malala pa pala. Nandito ako sa labas, nagpapahangin, ayaw kong marinig pa ang mga gusto nilang pag-usapan. Nag-uusap kase ngayon sa loob ang pamilya ni Estella at ni Daxton. Narinig ko kanina na pananagutan lang ni Daxton ang bata pero hinding-hindi siya papayag sa annulment at pakasalan ng babaeng iyon. Ayaw niya ba ng isang buong pamilya? Alam kong drinoga lang siya ng babaeng iyon, but he better choose her over me, pareho lang din naman eh, hindi niya rin naman ako mahal gayundin ang babaeng iyon, mas lamang pa iyon dahil may anak sila, kesa naman sa akin. Sobrang pinanghihinaan na ako, lahat ng saya ko kagabi ay nawala na lang na parang bula. 'Napakabilis mo namang tanggalin sa akin ang kaligayah
Chapter Twenty-Eight Daxton's Perspective "Ayos na po yan, ate Edna at Ate Cora, ako na po bahalang magligpit ng mg ayan dito sa kwarto," bilin ko sa dalawa matapos naming ilipat ang mga gamit ko dito sa kwarto sa ikatlont palapag. I want to occupy the other room upstairs pero ayaw kong masyadong malapit kay Zoe. Nagkikita na nga lang kami araw-araw lalapit pa ako sa kanya, it's too much for me. Nagpasya akong lumipat dito dahil tutal alam na din naman ng lahat, matapos kong bitawan lahat ng katotohanan kanina. I didn't mean to do that, I didn't say those words in purpose, sadyang hindi ko lang talaga kinaya at nasabi ko lahat ng iyon, but I guess, it's better this way. We don't have to pretend and be with one room. Pareho kaming malayo sa isa't-isa I just hope na makahanap na ako ng way to make my dad agree with me to leave my wife and sign an annulment paper. Ang tagal makahanap ang inu
Chapter Twenty-Nine... Zoe's Perspective Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong ingay kaso paggising ko ay wala namang tao sa paligid, pero nagtataka ako dahil bukas ang ilaw, dahil sigurado naman akong hindi ko iyon binuksan dahil wala akong ganang umalis dito sa kama simula pa kaninang umaga. Nagmumukmok lamang ako magdamag at umiyak, namimiss ko na ang lahat na meron ako noon, mahirap man ako pero tahimik ang buhay ko, kasama si Kurt. Umupo ako at nang akmang tatayo na ako para lapitan sana ang switch ng ilaw ay bigla naman akong nagulat nang bumukas bigla ang pinto. Napatitig ako dito at iniluwa nga ng pintuan ang aking asawa. Mas lalo akong nawalan ng lakas na makita si Daxton, akala ko wala siya dito... Tahimik lamang ako at siya tila hindi pa ata alam kung anong sasabihin niya pero bigla na lamang niya akong niapi
Chapter Thirty Zoe's Perspective Marahan akong bumaba ng napakaaga para tumulong sana sa mga gawaing bahay, inaantok at humihikab-hikab pa ako dahil hindi ako nakatulog nang dahil sa nangyari sa nangyari. Pinipilit kong kalimutan iyon, dahil alam kong lasing lang si Leon at hindi niya iyon sinasadya, pero lagi namang sumusulpot ang eksenang iyon sa isipan ko. Nakakaloka, kaya sino ba namang makakatulog? Huminga na lang ako ng malalim at nag-isip ng pwedeng gawin para malibang ang isipan ko pero bigla na lamang akong napaisip. Nakatayo lamang ako sa sala at napatuliro. 'Did I just cheat on my husband?' Napatawa naman ako dahil nagawa ko pang isipin iyon, hindi naman iyon considered cheating dahil hindi ko naman ginusto ang bagay na iyon, besides, ginusto ko man o hindi, Daxton doesn't care at all, pareho lamang kaming walang pakialam sa ginagawa ng bawa isa, ako nga parang wala lang sa
Chapter Thirty-One Leon's Perspective Stretching my arms up the sky, I felt a pain in my head. Sobrang dami ng nainom ko kagabi. Hindi sana ako lalabas pero I have to meet someone, at bigla namang nagkatuwaan at uminom kami ng barkada ko, with Daxton's ex. "How is Daxton?" tanong ng ex niya sa akin, at malungkot naman akong tumingin sa kanya. Ngumiti ako para naman hindi niya dama ang lungkot, "Still the same," I responded and although she was smiling in front of me, I could see her agony. Pareho lang naman kami ng nararamdaman. Pero kahit naman pagsisihan ko ang nangyari, it's too late now. "He still can't forgive us, right?" she softly asked and I nodded my head as a response to her question. "I'm sorry for dragging you into this mess," malungkot niyang sinabi pero hinila ko siya sa balikat, I embraced her to comfort her. "It's alright, it's not your fault, but both of us," sabi ko. I sighed remembering ho
Chapter Thirty-Two Zoe's Perspective "Ma'am, Zoe, ma'am Zoe." Nagising ako nang biglang may narinig akong nagsasalita. Pagkabangon ko ay nakita ko si ate Cora kaya agad naman akong bumangon. "Ate Cora? Bakit po?" mahina kong tugon at naupo sa kama.Pero bigla akong napatingin sa kawalan, takang-taka akong nag-iisip nang maalala kong hindi ako umakyat dito kanina para matulog kay hindi ko alam kung paano ba ako napadpad dito sa loob ng kwarto. "Ate Cora sino pong..." hindi ko na natuloy ang itatanong ko dahil biglang nagsalita si ate Cora. "Ma'am Zoe, pasensya na po kung pinag-isipan po namin kayo ng masama. Hindi pa po namin kayo nakikitang bumababa kaya unakyat na po kami," nahihiyang sabi nito. Hindi ko inaasahang sasabihin iyon ni ate Cora, ngumiti naman ako sa kanya