Happy Reading! Happy Sunday! God bless.....
Katahimikan ang naghahari sa nalalabing oras ng biyahe. Nasa bayan na sila ng Norzagaray nang magising si Meredith. Tila nawala ang lahat ng antok nito sa katawan nang masilayan ang paligid. Napatitig ito sa labas habang nakalapat ang kaliwang palad sa salamin. Excitement ang mababakas sa mukha nito. Kung tutuusin, nagmumukha itong batang sabik na sabik. This was something new. Maybe, she let her guard down at nahantad ang isang side sa personality nito. Pero nang mahinuhang siya pala ang katabi, umayos muli. “Pwede mo bang buksan ang bintana?” hiling nito kalaunan. The moment na bumaba ang salamin, inilabas ni Meredith ang kamay. Pati ang mukha ay nakadungaw sa labas. She was feeling the wind on her face. Isinayaw-sayaw ng hangin ang ilang hibla ng mahabang buhok nito na tumakas mula sa maayos na pagkakapusod. Maybe, she missed her provincial life. Laging ang matataas na mga gusaling nakapalibot sa kanila ang natatanaw nito. Nakakahon ito sa bawat sulok ng condo. Ngayon niya naiisip
“Dad, this is too much exercise!” Tinig ni Cali mula sa ibaba ang tuluyang nagpagising ng diwa ni Caleb kinabukasan. Ang balak na simpleng pag-idlip sa studio ay nauwi sa malalim at mahimbing na pagtulog. Ang larawan nila ni Ashley na hawak niya kagabi ay nakataob na sa sahig. Matapos niyang ligpitin ang larawan ay lumabas ay bumaba na siya bago pa man magsimulang magtanong ang nanay niya kay Meredith kung nasaan siya at magtungo sa silid nilang ‘mag-asawa’. Parang walang sinumang gumamit. Meredith had the habit of keeping everything clean and in order. Kung may isang bagay man siyang nagugustuhan sa babae, ang hindi pagiging pakialamera nito. He had a much needed shower and headed downstairs. Makikisali siya kina Tito Lorenzo at Cali pero, kailangan munang masayaran ng kape ang silmura niya. “Meredith, can you make me a sandwich?” “Yes po, Lolo.” Nasa pinakahuling baitang pa lang ng hagdanan, dinig na niya ang ingay at kaluskos mula sa kusina, pati ang paglalambing ni Lolo Manolo
“Meredith.”Sunud-sunod ang naging paglunok ni Caleb. Paano ba nawala sa utak niya na nasa silid niya ang babae? Blame it on alcohol? Kalokohan. Tila nabawasan ang kalasingan niya habang tinititigan ang maamo nitong mukha. His throat suddenly dried upon seeing her as close as this. Ito ang unang beses na naging ganito sila kalapit sa isa't-isa. So close that her alcohol-laden breath made his mind even hazier. Naglakbay ang mga mata niya sa mukha nito. God knows kung anong kademonyohan ang naiisip niya habang tinititigan ang nakaawang nitong mga labi. His mind was clouded by a substance, pero klaro sa utak niya ang nagiging reaksyon ng katawan. Paano ba niya pasusubalian? He had a frigging arousal. Namumukol ang nasa pagitan ng kanyang mga hita. Namimigat ang puson niya. Nagiging tila iritable ang kanyang paghinga. He silently groaned when he accidentally felt his own shaft getting rigid and steely.Sa likod ng kanyang utak ay may maliit na boses na kumakalabit sa kanya para umahon sa
Tila tinutusok ng karayom ang ulo niya. Binuksan niya ang mga mata ngunit kaagad ding napapikit nang sumigid ang kirot sa kanyang sentido. Binalak niyang mag-unat ngunit tila may mabigat na bagay na nakapatong sa kanyang kanang braso. Kunot ang noong nilingon niya iyon at sinuri. Mahabang buhok ang sumalubong sa paningin niya. He was cuddling a woman. Not just any woman but his wife. Jesus! Memories from last night suddenly flashed on his mind. The touch…the kiss…her labored breathing…everything… Parang naka-glue na nakapagkit ang lahat ng alaala sa kanyang isip, sa kanyang katawan. He slept with Meredith. In an unexpected turn of events, they had consummated their marriage at a time when they had already decided to end it. Alam niyang may tama siya ng alkohol, pero malinaw sa kanya na ginusto niya ang nangyari, naakit siya, nalunod sa sensasyon, at ngayon, may posibilidad na magiging kumplikado ang lahat. ‘What have you done, Caleb?’ Ginalaw niya si Meredith. Patunay ang hubad n
“Susunod kami sa inyo. Your Lolo Manolo planned to stay here longer. Baka sa susunod na araw. Hindi ko naman maiwan dito na nurse lang ang kasama.” Halos ayaw nang pakawalan ng ina si Meredith habang yakap nang mahigpit. Kung tutuusin, magkikita rin naman ang mga ito sa Maynila. “Sige po, Mommy. Hindi ko na lang po gigisingin si Lolo.” Yumakap din si Meredith kay Tito Lorenzo. “Be good, hija. Dapat ganito ka lagi. Bawasan mo ang pagiging mahiyain mo. Pamilya tayo rito.” Ngumiti lang ito nang kumalas sa tiyuhin. Si Tito Lorenzo na ang nagbukas ng pinto para sa mga ito. Nasa harapan si Meredith, sa backseat naman si Cali. Sasabay ang pinsan sa kanila. Mananatili muna si Tito Lorenzo at Exir sa farm. May sira ang mga pananim na mga bulaklak at kailangan ang expertise ni Tito Lorenzo. “Princess, behave, okay?” “I am always behaved, Daddy.” Kumindat pa ang pinsan sa daddy nito. Fondly, ginulo ni Tito Lorenzo ang buhok nito bago isinarado ang pinto. “Lorenzo, she’s big already. Dalaga
May kung anong ingay na umaalingawngaw sa kanyang tainga at ginigising ang diwa niya. Sa paanan ng kama nagmumula ang ingay sa pakiwari niya. Binuksan niya ang namimigat na mga talukap. Inut-inot siyang bumangon at sinundan ang nakabubulahaw na tunog. Saka lang luminaw sa kanya kung ano iyon, tunog ng telepono na nasa loob mismo ng kanyang sling bag na nkahandusay lang sa sahig. Inabot niya iyon at dinukot sa loob ang maingay na aparatu. Si Mommy Audrey o ‘di naman kaya ay si Tatay Ramon ang karaniwan niyang caller. Pinindot niya ang answer button nang hindi pinagkaabalahang alaimin kung sino sa dalawa ang tumawag. “Hello,” napapagod niyang sagot na muling nahiga nang patihaya sa kama at pumikit. Halos mahulog na sa edge ng higaan ang ulo niya. Ang buhok ay hinayaan niyang lumaylay lang sa ere. “Oh, my God! Mere, finally, sumagot ka rin!” Si Mommy Audrey ang nasa kabilang linya. Nanginginig ang boses nito at tila takot na takot. Dahilan para humulas ang anumang natitirang antok sa k
Nalilito siya kung tanong o deklarasyon ang sinabi ni Caleb. It was said almost incoherently. Halos pautal ang boses nito. For one moment there, tila tumigil sa pagpintig ang puso niya. Panandaliang huminto sa pag-inog ang mundo at nakatitig lang sa lalaki. Nahihirapan ang utak na iproseso ang lahat. Tinawag siyang asawa sa panahong nagdesisyon silang maghiwalay na. “Meredith…”This time ay mas klaro nitong binanggit ang pangalan niya. Nabawasan na ang tila ngatal sa tinig nito. Dahan-dahang umangat ang palad ni Caleb. Inaanyayahan siyang lumapit.“Oh, my God!” naiiyak na bulalas ni Mommy Audrey habang nakatitig sa anak.Habang masaya si Mommy Audrey at ang medical team na nakapaligid sa kanila, kabaligtaran ang naramdaman ni Ashley. Malapit lang ito sa kanya pero kinakabahan siyang silipin ang reaksyon sa mukha nito. Babae siya, kahit may lihim siyang disgusto sa babae, ramdam niya ang hirap ng kalooban nito. Sa huli, nilingon niya ito. Kahit may pilit mang ngiti sa mga labi, naaani
Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase ni Meredith sa unang subject. Lakad-takbo na nga ang ginawa niya para lang makaabot sa oras pero sadyang minalas siya sa umagang ito. Tagaktak ang pawis nang marating niya ang palapag ng unang klase. Pagbukas niya ng pintuan, napahinto kaagad sa pagsasalita ang professor at pinukol siya ng malamig na titig. Kasalukuyan na nitong tsini-tsek ang attendance at pangalan pa talaga niya ang tinawag.“Oh, Miss Ocampo, it seems like you have a different clock system than mine.”Napatungo siya dala ng hiya. Ang harsh ng guro niya. “Do you still have plans to join us, Miss Ocampo?”Nagsimula nang gumawa ng bulungan ang mga blockmates. Pinagtatawanan na siya. “I’m so sorry, Ma’am.”Tumaas lang ang kilay nito at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Nanliliit ang pakiamdam niya. Outcast na nga ang pakiramdam niya, nadipina pang lalo. Tungo ang ulo niyang naglakad patungo pinakadulong upuan. Her usual spot in any given classroom setting. Walang kat