CHAPTER 16
“DO YOU like the ice cream-cake?”
Buong ningning na ngumiti si Syler habang nakatitig kay Rusty. “Yes, it’s so delicious.”
Pero mas masarap ka pa rin titigan! hirit niya sa isip.
“Try this one.”
Nagulat siya nang inilapit nito sa bibig niya ang kutsara nito na may laman na kapirasong chocolate ice cream-cake.
Susubuan niya ako? Oh my God.
Wala na siyang nagawa kundi ibuka ang bibig niya ay kainin iyon kahit ang puso niya ay umaarangkada na naman. She couldnt help but admire this good-looking man in front of her. Napaka-sarap nitong pagmasdan lalo na kapag malapitan. Bigla rin siyang napaiwas ng tingin ng ito naman ang tumingin sa kanya. Sinubukan niyang ituon ang buong atensyon sa kanyang kinakain ngunit hindi niya maiwasang mailang sa lantarang pagtitig nito sa kanya.
“Why are you staring like that?”
&ldq
CHAPTER 17“BILIS! Baka hindi na natin maabutan,” saad ni Syler habang tumatakbo sila ni Rusty papunta sa seaside sa harap ng Mall of Asia. Pasado alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin sila umuuwi.“Ano ba’ng mayro’n? Bakit tayo nagmamadali?”“Basta—ayy!” Bigla na lang siyang napatid. Mabuti na lang at nahawakan siya kaagad ni Rusty.He chuckled, a bit. “Kahit kailan talaga, lampa ka.”“Heh!”Nagulat na lang siya nang biglang nitong hawakan ang kamay niya. “Halika na nga.”Hindi na siya nakapagsalita habang tumatakbo sila. She had never held hands with a guy before in public place. Para tuloy silang mga bida sa isang action movie habang tumatakbo. Nagkaroon na naman tuloy siya ng ideya na magagamit niya sa nobelang isusulat niya.Napansin niyang bakas ang pagtataka sa mukha nito nang huminto sil
CHAPTER 18PAKANTA-KANTA si Syler nang sumakay siya sa elevator ng Vergara Holdings. Hindi niya magawang itago ang malaking ngiti na nakaguhit sa kanyang labi. Parang lumulutang pa rin siya sa nag-uumapaw na saya. Hindi pa rin mabawasan ang kilig na nadarama niya.Ilang beses niyang hinawakan ang kanyang labi na dinampian ni Rusty nang masuyong halik. Mas lalo pang nadaragdaragan ang kilig na kanyang nadarama sa tuwing inaalala niya ang sandaling iyon. Sa buong buhay niya ay iyon lang ang unang beses na nahalikan siya nang totoo. Mas masarap pala ang mahalikan nang totoo kaysa sa halik na inilalarawan niya sa kanyang nobela sa tuwing naghahalikan ang mga bida. Parang gusto na niyang magsulat ulit ng isang nakakakilig na eksena. Gusto niyang ilabas sa pamamagitan nito ang kanyang nararamdaman dahil pakiwari niya ay sasabog ang kanyang dibdib sa sobrang kilig at saya kung hindi niya ito maisusulat.Sinuot niya ang earphon
CHAPTER 19ILANG beses pinilit ni Syler na um-attend ng meeting si Rusty pero hindi rin niya ito nagawang mapasunod. Talagang desidido na itong ihatid siya pauwi. Malas lang nito dahil hindi siya ganoon karupok. Hindi dahil gusto nitong ihatid siya pauwi ay papayag na siya. Hindi gano’n kadaling paamuhin ang nagmamaktol niyang puso.Manigas ka, Vergara!“Pinapatawag ka ng Daddy mo,” aniya matapos i-reschedule ang meeting nito ngayong araw na ikinansela niya.He nodded. Ngunit halata sa tingin nito na parang tinatantya pa rin ang kilos niya. “Can I leave you here for a minute? Kakausapin ko lang sandali si Dad at ihahatid na kita pauwi. Sandali lang iyon.”Tumango lang siya bago iniligpit ang mga gamit niya sa mesa. Buong akala niya ay aalis na ito agad, pero natigilan siya nang makitang nakatayo pa rin ito sa kanyang tabi. Halata ang pagdadalawang isip sa mukha nito.
CHAPTER 20PAGKARATING nila Syler sa kanyang unit ay hindi agad umalis si Rusty. Ang buong akala pa naman niya ay uuwi na rin ito agad pero dire-diretso lang itong pumasok sa loob ng tinutuluyan niya.“Magpalit ka agad ng damit para hindi ka magkasakit.”Tumango siya at agad na sumunod sa sinabi nito. Sandali lang siyang naligo dahil nilalamig ang buo niyang katawan. Maling-mali na nagpaulan siya kanina dahil masyado pa naman siyang lamigin. Hindi na siya magugulat kung bigla na lang siyang sipunin.Pagbalik niya sa sala ay naabutan niya si Rusty na nanonood ng action movie. Napatigil sa pagsusuklay ng kanyang buhok upang sandaling pagmasdan ito. Napansin niyang nakaangat na hanggang siko ang kulay puting long sleeve na suot nito. Maging ang leather shoes at medyas nito ay nakahubad na rin. Seryoso itong nanonood habang kumakain ng banana chips na tingin niya ay nakuha nito sa ibabaw ng kanyang ref. Kung ti
CHAPTER 21“GUSTO KO nang kumain. Pakilapit naman ng mangkok.”Hindi maitago ni Syler ang kasiglahan sa kabila ng pananakit ng kanyang ulo. Kinuha ni Rusty ang tray na naglalaman ng mangkok ng arroz caldo pero hindi nito iyon inabot sa kanya.“Susubuan kita.”Hindi na siya tumutol pa. Bukod kasi sa nahihilo siya sa tuwing gumagalaw siya ay masyado ring masaya ang mga paru-parong nagdiriwang sa kanyang dibdib at napaka walang puso niya kung sisirain lang niya ang kasiyahan ng mga ito.Sinusubaybayan niya ang bawat kilos ni Rusty. Lalo na nang ilapit nito sa bibig ang maliit na kutsara. Nanatili siyang nakamasid dito nang bigla itong mapatingin sa kanya. Nagkatitigan sila.“Hihipan kong mabuti para hindi ka mapaso.”She smiled a bit kahit sa loob loob niya ay abot hanggang langit na ang kanyang ngiti.Now who could blame her if she had fall
CHAPTER 22MAGANDA ang mood ni Syler nang pumasok siya sa opisina dahil alam niyang makikita na naman niya ang kanyang inspirasyon. Halos wala nang pagsidlan ang sayang nararamdaman niya ngayon. Daig pa nga niya ang nakalutang sa alapaap. Matanaw lang niya si Rusty ay buo na agad ang kanyang araw.“Good morning, Sir Rusty.”“Good morning.”Awtomatikong napatingin siya nang marining ang pamilyar na boses na iyon. She smiled as she watched the man who made her realize a lot of things about love, and made her feel what it was like falling in love again.Ang sarap ma-in love! bulalas niya sa isip.Wala na siyang balak pang hadlangan ang kanyang nararamdaman. Ngayon pa na tuluyan na siyang nahulog sa binata. Susundin na niya ang kanyang puso.Napangiti ito nang mapatingin sa kanya. “Good morning, girlfriend.”Mas lalo siyang natulala at
CHAPTER 23BAGO pa makasagot si Syler ay mabilis na ginagap ni Daliam ang isang kamay niya na labis niyang ikinagulat.“Let me tell you the truth,” anito bago bumuntong hininga. “I still love him and I’m willing to do everything just to win him back. Everything, Syler. Handa akong makipag-agawan para lang mapunta ulit siya sa ‘kin.”Pakiramdam niya ay biglang huminto sa pagtibok ang kanyang puso dahil sa rebelasyon nito.Mahal pa rin niya si Rusty. Mahal pa rin nila ang isa’t isa. Paano na ako?Parang sinampal siya nang isang napakasakit na katotohanan. Paano pa niya magagawang ipaglaban ang nararamdaman niya kung sa simula’t sapul pa lang ay alam niyang talo na siya?Mahal niya si Rusty, pero ito ba gano’n din ang nararamdaman? Ito ba mahal din siya? Paano niya magagawang lumaban kung wala naman siyang karapatan. Kung wala naman siyang pinang
CHAPTER 24Three years later . . .KUMAWAY-KAWAY si Syler habang tinitingnan ang mga mambabasa niya na hindi magkamayaw sa pagsigaw para lang makuha ang atensyon niya. Hindi inaalintana ng mga ito kahit pagalitan na sila ng mga bouncer na sumasaway sa mga maiingay dahil patuloy lang ang mga ito sa pag-sigaw sa kanyang pangalan.Isang matamis na ngiti ang tinutugon niya sa mga ito. Napakasuwerte niya dahil nagkaroon siya ng mga mambabasa na katulad ng mga ito na palaging nakasuporta ano man ang gawin niya. Katulad na lang ngayon, galing pa sa malalayong lugar ang iba sa kanila pero hindi inalintana ng mga ito ang bumyahe ng ilang oras para lang makita siya.“How’s the feeling now? Wow! Grabe, Syler. Sikat na sikat ka na talaga,” nakangiting puri ng co-writer niya at best-seller author din na si Marion.“Oo nga, iba na ang level mo, girl. Ikaw na talaga ang most popul