Share

KABANATA 5

                                         THE MAD ENCOUNTER

Lacey's POv

“Hoy, buti andito ka na,” bungad sa akin ni Shai sa loob ng room.

“Bakit? Ano merun?” tanong ko at tuluyan nang lumakad patungo sa upuan ko.

“May dumating na memo this morning lang, nakasaad dun na di daw makapasok si Miss Vera after lunch sa drafting subject natin kasi mukhang marami daw siyang inaasikaso kaya doon daw muna tayo pansamantala pumasok sa klase niya sa mga engineering students sa alas tres ng hapon,” mahabang paliwanag nito.

“Meaning, isabay niya tayo dun sa klase ng mga ‘yon?” may pagtatakang tanong ko.

“ Yes, gurl. At hindi lang ‘yan, narinig ko doon daw mismo sa klase nina Kurt, sabi daw para naman daw may maitutulong yong mga engineering students sa atin.” ani Shai.

“Pwde ba yon?” di makapaniwalang sagot ko.

“Ito naman, parang di excited gurl?” may himig pangungutyang sabi nito.

Natatawa ako sa sinabi nito. Siyempre sino ba naman ang hindi excited sa balitang iyon. Ito na nga , tumutulong na ang pagkakataon na magkakalapit kami ni Kurt, tatanggihan ko pa ba iyon?

Ang tagal nang alas tres. Gusto ko nang hilahin ang oras. Kitang kita ko na hindi lang ata ako ang nasasabik sa balita. Halos lahat ‘ata nag look forward sa pangyayaring iyon.

“Huwag masyadong atat, girl! Baka magbago ang isip ni Miss Vera, mauunsyami yang plano mo sa buhay. Kilos kilos din diyan” sabi nito sa akin nang mapansin na wala na akong ibang ginawa kundi panay tingnan ang orasan.

Hindi ko alam pero para talaga akong lumulutang sa hangin nang papunta na kami sa room nina Kurt. Malaki naman ang room kasi isa ito sa mga drafting space ng boung engineering building. Nang tuluyan na kaming pumasok , isa isang naghahanap ng mauupuan ang mga kaklase ko. At nakita ko si Sheena na lumapit sa bandang kinauupuan nina Kurt at mga kaibigan nito.

Wala kaming matukoy na upuan ni Shai. Pinagtitinginan kami ng boung klase.

“Girls, dito na kayo” narinig kong sabi ni Mis Vera sabay turo nito sa upuan sa mismong likod lamang nina Kurt at kasamahan niya.”At kayo dun kayo lipat sa banda dun sa likod katabi ng mga architectural students ko” tukoy nito sa mga estudyanteng nakaupo sa likod ni Kurt kanina.

Nagsitayuan naman ang mga ito at lumipat sa upuang sinabi ni Miss Vera.Sabi ko sa sarili ko, isa na ba itong blessing? Sinadya talaga ng pagkakataon ang paghaharap namin. At sobrang lapit pa. Pakiramdam ko parang gusto kong sugurin ng yakap si Miss Vera.

Nagsimula nang magsalita si Miss Vera sa harap. Wala akong masyadong naintindihan sa mga sinabit nito kasi ang mga mata ko’y doon lang nakatuon sa likod ni Kurt. Tahimik na tahimik lang ito na ultimo pagtingin sa amin ay di man lang nagawa. Kahit sa lapad ng balikat niya ay nababaliw ako. Ang kapal pala ng buhok nito. He is so damn attractive.

Napansin ko na lang na umalis na palabas si Miss Vera.

“Saan ang punta ni Miss?” tanong ko sa katabi kong si Shai.

“Di ka nakikinig, girl?” bulong na sagot nito.

“Nakikinig naman pero di masyado” simple kong sagot alam kong iba naman ang iniisip nito.

“Sabi, gawin daw natin ito” pinakita nito sa akin ang isang page ng libro namin. “At maghanap tayo nga engineering student na makakatulong sa atin.”

“Ah, okay,” tiningnan ko agad si, Kurt. Shai rolled her eyes at umiling iling. Alam na na alam niya kung ano ang gagawin ko.

“Hmmm Excuse me,” kalabit ko sa may likod ni Kurt. Dagli itong lumingon.

“What?” his usual word.

“Pa help naman nito, oh?" turo ko nito sa libro sabay tingin kong derecho sa mga mata niya.

Umiiwas ito ng tingin.” Find somebody to help you. Omar, pakitulungan si ahm… L-lacey” baling nito kay Omar.

“No, I want you” derecho kong sagot. Nagkatinginan ang mga tao sa paligid namin.  Si Shai nagmamasid lang. 

“But I don’t want you” may diin na sambit nito.

“What’s your problem with me?” alam kong nakikinig ang iba sa sagutan naming iyon lalo na nag mga kaibigan niya.

“Ask yourself,” sabi nitong hindi ako tiningnan.

“Why don’t you look at me?” paghahamon kong tanong nito.

“And why should I?” lumingon na ito at biglang nagkatagpo ang mga mata namin. Gusto kong matunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin kahit na may halong galit at inis ang tingin na iyon. Makausap ko lang siya sa kahit anong paraan ay parang nasa akin na ang lahat ng kasiyahan sa buhay.

Matagal tagal din ang titigan naming iyon.Medyo balisa na ang kasamahan niya.Parang may mangyayaring world war yata.

" Hey, stop that" dinig kong saway ni Sheena sa aming dalawa."Lacey, si Omar na lang ang tutulong sa'yo okay? magaling din naman 'tong buang na to" medyo natatawang sabi ni Sheena sa akin.

"Okay, thank you. I won't force anyone who is not willing to help even if he can " tigas kong sabi. Bahagyang tumawa sa inis si Kurt.

" Did I not tell you I don't want to help?" lingon nito sa akin.

" Why? Are you afraid you might fall in love with me?" walang halong pagdadalawang isip na sabi ko. Dinig na dinig ko ang mag singhap ng ibang tao sa room .Medyo malakas ang pagkabigkas ko ng mga salitang yon.

Tumatawa ito ng malakas. Malakas na malakas na parang yayanig sa boung sangkatauhan.Tila yung nakakainsulto na tawa.

"I've fallen for you...." kanta naman ni Jex na agad naman binatukan ng ibang kaibigan nito hudyat na nagtatawanan ang mga tao sa paligid namin.

"Look at yourself, tingin mo ba'y ikaw ang tipong babaeng gugustuhin ko?" lakas na sambit ni Kurt.

Narinig kong may nagsabing 'whew" sa isa sa mga kaibigan nito na siya namang tinipunan ng masamang tingin ni Shai.

" Tell that to the marines, you're lying" boung tapang na sagot ko.

" Not even a chance in hell, understand?" sabi nito na may panggigigil.

"We'll see." nakangiti kong sagot.At inaalala yung gabing tinext ko ito sa phone niya. Di niya alam kung paano ko nakuha ang number niya. 

" Yes, we'll see " ulit ni Shai sa sinabi ko habang nakatingin dun sa kaibigan nitong nagsabi ng 'whew' kanina.

Natahimik na kaming lahat. Masayang masaya naman ako na at least nagkakausap na naman kaming dalawa ni Kurt. Tinulungan na ako Ni Omar. In fairness mabait at magaling din naman ang isang to. Medyo naiilang ito sa akin kaya ginawa ko naman ang maging extra friendly para di naman niya masabing maarte ako at mapili.Pero di ko pa rin nagawang di tingnan si Kurt. Pa minsan minsan kahit nag explain si Omar ang mga mata ko'y dun pa rin nakatingin sa banda nito. Tinutulungan nito si Sheena. Pakiramdam ko ang haba ng oras na iyon. Ito na ata ang pinaka mahabang pagtatagpo namin sa ngayon. Sisiguraduhin kong may susunod pa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status