Share

KABANATA 27

DON'T PUSH YOUR LUCK

Nasa sala palang siya ay alam niyang nandito si Lacey sa bahay nila. Dinig na dinig niya ang boses nito na kausap ang kanyang kapatid at si Sheena. Marami pa siyang gagawin sa araw na iyon. May ipinagagawa kasi ang ama nito sa kanya. May ibinigay ito na plano sa kanya para  aralin, medyo kailangan niya iyon bigyan ng malaking oras. 

"Kuya!!!!" sigaw ni Tanya nang naisipan niyang sumilip sa labas ng terrace nila,. Hinihila nito ang kamay niya para makalapit siya kay Lacey. Tipid namang ngumiti si Lacey pagkakita sa kanya.

"Kumusta ang trabaho?" tanong nito nang makalapit na siya sa ang kamay niya'y hawak pa rin ni Tanya.

"Okay lang naman," napansin niyang kahit isang linggo lang 'ata na di sila nagkikita ay may pagbabago siyang nakikita dito base sa pananamit nito at itsura. Parang mas lalo itong gumanda sa paningin niya. Parang nagmature ng konti kung tutuusin ay sa maikling panahon lang na hindi nila nakikita ang isa't-isa.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status