Share

Kabanata 34

Author: Gia Maezy
last update Last Updated: 2025-12-11 19:39:36

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang mataas na building pero hindi sila sa main entrance pumasok. Bagkus pumasok sila isang private elevator papunta sa 12th floor.

Nang makalabas sila sa elevator, isang malaking pintong kulay pula ang bumungad sa kanila.

"Club ito," paliwanag ni Nikolaj habang hawak ang kamay niya.

Nalaman din ni Minna na private club yun na nagngangalang Paradise Club na pagmamay-ari ni Carter, isa sa mga kaibigan ni Nikolaj. Tanging myembro lang ang nakakapasok doon sa club at bawal ang mga ordinaryong tao sa loob. Usually, ang mga nakakapasok lang doon ay ang mga binata at mga dalagang mayayaman.

May tinawagan si Nikolaj sa telepono, dalawang salita lang ang sinabi nito at agad na pinatay ang tawag.

“Buksan mo.” Iyan ang sinabi ng lalaki sa kabilang linya.

Napayuko si Minna, pinipigilan ang mapangiti. Kaya naman agad na napansin ito ni Nikolaj. Hinila siya nito palapit at hinawakan ang kanyang bewang. “Anong nakakatawa, hm?”

Tumingin si Minna, ngingiti-ngi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A lustful affair with my Ex's Uncle    Kabanata 40

    Napatingin siya sa leeg ni Nikolaj. Kitang-kita niya ang adam’s apple nitong sexy-ng gumagalaw. Biglang may pumasok na kalokohan sa isip ni Minna. Alam niyang weakness ni Nikolaj ang leeg nito. At alam din niyang safe siya ngayon dahil may period siya. Hindi siya pwede nitong galawin. Kaya ang naisip niya maglalaro sila ng lalaki. Mabilis na hinalikan niya ang Adam's apple ng lalaki kung kaya’t biglang buminto si Nikolaj sa paglalakad. Ang mga braso nitong nakahawak sa kanya ay biglang humigpit. Unti-unting dumilim ang mga mata ng lalaki kung kaya’t kinabahan siya ng very slight. "Iniisip mo bang safe ka dahil may regla ka ngayon?" bulong ni Nikolaj sa kanya. Bago pa makasagot si Minna, yumuko si Nikolaj at hinalikan at kinagat-kagat ang labi niya. "Tandaan mo, Minna...Ano pa ba ang silbi ng sandata ko kung hindi naman maduduguan? Alam mong kung gugustuhin ko, marami namang paraan.”Nanlamig siya dahil sa takot at hiya. Agad niyang itinikom ang bibig at nagtago na lamang sa dibdib

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 39

    Nakatulala lang si Nikolaj habang nakatingin kay Minna na namumutla at namimilipit sa sakit kanina pa. Hindi na rin pumasok ang binata sa opisina ngayong umaga, kinansela niya ang lahat ng meetings niya at inilipat na lamang sa hapon. Nang makarating sa mansyon si Dok Hannah, agad na chineck nito si Minna. Napatingin naman ang doktor sa kanya ng masama at nagtanong. “May nangyari na naman ba sa inyo kagabi?” Nag-iwas ng tingin si Nikolaj at nakaramdam ng guilt ang lalaki. "Meron."Napabuga sa hangin si Dok Hanna saka napailing. Kilala na ni Hannah si Nikolaj mula pagkabata pa kaya wala na itong takot pang sermunan ang binata. "Ikaw, Nikolaj," sermon ng dalaga at malakas na tinatapik ang maskuladong braso nito. "Para kang isang tigre, pagkalaki-laki at ang bigat mo tapos itong girlfriend mo, parang isang maliit na kuting lang sobrang fragile hindi mo ba yun nakikita? Bulag ka ba? Napakahina niya oh, sobrang brutal mo naman!” Napayuko si Nikolaj."Sa susunod," dagdag pa ni Hannah. "

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 38

    Wala silang imikan nang umuwi sila sa mansyon. Hinila lang siya ni Nikolaj paakyat ng kwarto, ramdam na ramdam ni Minna ang galit sa kanya ni Nikolaj. Naging marahas pa ang paghila nito sa kanya kung kaya’t medyo nasasaktan siya. Pagkasara ng pinto, itinulak siya nito sa kama at hinalikan ng mariin. Isang halik na para bang pinaparusahan siya. "Aray! Nikolaj!" sigaw ni Minna habang pinaghahampas ang balikat nito. "Baliw ka na ba?! Ano bang problema mo?!" patuloy pa niya. Tumigil si Nikolaj sa paghalik sa kanya ngunit ang mga mata nito ay sobrang pula dahil sa galit at selos. Dahil doon hinawakan siya ng lalaki sa panga ng sobrang higpit. "Bakit?" nanggigil na tanong nito sa kanya. “Bakit ang dali mong ngumiti sa iba? Ngunit kapag sa akin, para bang nahihirapan ka?”Natigilan si Minna dahil sa sinabi ng binata. Dahil lang ba roon? Dahil lang sa nginitian niya si Zeke ganun na ang galit sa kanya ni Nikolaj? Parang ngiti lang?!"Baliw ka na," bulong ni Minna sa lalaki. "Oo! Baliw na

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 37

    "Laruan lang iyan ni Mr. Carreon,” dagdag pa ni Myra, puno ng pandidiri ang boses ng dalaga. "Sa tingin mo ba tatanggapin siya ng pamilyang Carreon? Disi-otso pa lang siya, estudyante, wala pang napapatunayan sa buhay niya. Ang habol lang naman siguro ni Mr. Carreon sa kanya ay ang pagkasariwa niya. Kapag nagsawa na si Mr. Carreon, itatapon na lang siya na para bang laruan o basura!” Nakatayo si Minna sa likod ng pader, nakuyom ang mga palad dahil sa sakit na naririnig mula sa grupo ng kababaihan.Alam naman niya eh. Alam niyang mga plastic ang mga taong ito. Pero iba pala kapag naririnig mo nang harapan, natawa siya ng mahina, hindi pala… Talikuran siya nitong inaapi. Kanina sa lamesa, ang babait nila. Si Lian na tinuturuan pa siya sa laro at may pangiti-ngiti pa sa kanya. Sinabi pa nito na huwag siyang mag-alala at take her time sa pagbunot ng baraha. Pero pagtalikod, gold digger at social climber pala ang tawag sa kanya. Sa puntong yun nakaramdam si Minna ng panliliit. Sa ekswel

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 36

    Pagkatapos ng tatlong rounds ng Tong-its, huminto na si Minna paglalaro. "Ayoko na," sabi niya habang binababa ang cards sa mesa. Sa totoo lang, hindi naman sa ayaw na niya, masyado lang kasing awkward. Ramdam na ramdam niya na pinagbibigyan lang siya ng mga kaibigan ni Nikolaj. Parang isang courtesy play at isang bata ang tingin nila sa kanya. Nagpapatalo na lamang ang mga ito at baka umiyak siya. Ganyan ang nararamdaman ni Minna habang naglalaro sila."Okay, tama na, kumain na muna tayo,” pagsang-ayon ni Paco sa kanya. Tumayo si Minna at umatras nang kaunti. Agad namang lumapit si Nikolaj sa kanya at hinawakan siya sa bewang."Anong gusto mong kainin?" malambing na tanong nito. "Sabihin mo lang dahil magpapaluto ako ng kahit anong gusto mo."Nanlaki ang mga mata ng tatlong kasama nila nang marinig ang sobrang lambing na boses ni Nikolaj "Bro, grabe. Nakaka-goosebumps ka," bulong na sabi ni Carter sa binata. Si Minna naman ay namumula ang pisngi dahil sa sobrang hiya, nakatingin

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 35

    Ngumiti si Nikolaj nang bahagya. "Tuturuan kita."Agad na umupo si Lian sa table. "Sali ako! Gusto ko ring maglaro."Hinila ni Nikolaj si Minna at pinaupo sa tapat ni Lian. Ang lalaki naman ay tumayo sa likuran ni Minna, nakayuko nang kaunti kung kaya’t ang dibdib nito ay dumidikit sa likod ng dalaga. Inilapit nito ang bibig sa tenga ni Minna at binulongan. Ramdam na ramdam ni Minna ang hininga nito kung kaya’t kinilabutan ang dalaga. "Wag kang matakot," bulong nito sa kanya. "Laro lang 'to. Tandaan mo... kayang-kayang kung magpatalo para sa’yo.”Nanlaki ang mata ni Lain, para bang nakakita ng multo nang marinig ang sinabi ni Nikolaj. Tumingin si Lian sa binata, ang nakakatakot at striktong lalaking ito, ngayon ay binubulongan ng matatamis na salita ang kasintahan? Nang magtama ang tingin ni Lian at Nikolaj, kita ng dalaga mapanlisik nitong mga mata. Na para bang sinasabi ng binata ‘Mind your own business!’. Agad na yumuko si Lian dahil sa sobrang takot at hindi na lamang pinansin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status