Gustong-gustong tumakbo ni Minna. Ayaw niya ng gulo pero mukhang ang gulo mismo ang lumalapit sa kanya sa katauhan naman ni Khalil.Ngumisi si Khalil sa kanya, ngising sanay na sanay na makuha ang lahat ng gusto. "So, ano na? Sinasagot mo na ba ako?"Nag-mamaang-maangan si Minna, inosenteng napatingin siya sa lalaki , "Anong sagot?"Humakbang palapit si Khalil sa kanya, halos i-invade na ng lalaki ang personal space niya. Napayuko ito nang kaunti para magpantay ang mukha nila. “Gusto kitang maging girlfriend, Minna. Sabi mo noon, minor ka pa’t nasa 17 pa lang kaya nirespeto kita. Ayaw ko namang makulong dahil pumatol ako sa isang minor de edad pero next week, mag-18 ka na ‘di ba? Wala ka ng lusot o alibi pa!”Napatingin si Minna sa paligid. Maraming estudyante ang dumadaan sa labas ng female dorm nila. "Pwede ba, huwag dito?" frustrated niyang bulong sa lalaki at hinila ang laylayan ng damit nito.Sumunod naman si Khalil sa kanya, nakapamulsa at chill na chill habang naglalakad sa l
Huling Na-update : 2025-12-04 Magbasa pa