Share

Kabanata 75

Author: Gia Maezy
last update publish date: 2026-01-20 23:32:25

Agad napansin ni Ashley na kanina pa niya tinitigan ang dalaga. Ngumiti lang ito ng mapait sa kanya saka nagsalita. “Sige na Minna, kung may gusto kang itanong sa akin, itanong mo na.”

Huminga nang malalim si Minna, tila ba nag-ipon siya ng lakas bago sabihin ang saloobin. "Wala ka bang kaalam-alam mo ba alam na gago yung boyfriend mo? O alam mo naman, pero nagbubulag-bulagan ka lang?"

"Hindi ako tanga, Minna. Syempre alam ko," sagot ni Ashley habang nakatingin sa kawalan. "Alam kong hindi niy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 180

    Lumapag ang eroplano mula sa probinsya nang saktong alas-diyes ng umaga. Nang bumaba si Minna mula sa private jet, agad na tinamaan ng malamig at basang hangin ang kanyang mukha.Pero hindi ang lamig ang nakapagpatigil sa kanya.Sa ibaba ng hagdan, sa gitna ng malakas na ulan, may nakatayong isang matangkad na lalaki. Suot nito ang isang itim na mamahaling suit at mahigpit ang hawak sa isang malaking itim na payong. Ang tindig nito ay parang isang hari na naghihintay sa kanyang reyna.Nang sandaling magtama ang mga mata nila, parang may kung anong sumabog sa dibdib ni Minna. Uminit ang sulok ng kanyang mga mata at kusang bumagsak ang luha na pinipigilan niya buong gabi. Ligtas siya!! Ligtas si Nikolaj.Mabilis at mahahaba ang mga hakbang ni Nikolaj palapit sa hagdan ng jet. Pero bago pa man siya makababa, sumunod sa likuran niya si Khalil.Pagkakita kay Nikolaj, walang bakas ng gulat sa mukha ng binata. Sa halip, isang mapang-asar na ngisi ang sumilay rito. "Ang galing mo rin talaga,

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 179

    Napasandal si Lyndon sa isang marangyang rattan chair, mukhang tamad na tamad habang marahang iniikot ang whiskey sa kanyang baso. Ang yelo ay tumutunog sa bawat paggalaw niya. Sa likuran niya, nakatayo na parang tuod si Charles. Ngunit sa mismong harapan ni Lyndon, sa malamig na semento, nakaluhod ang isang nanginginig na lalaki. Si Lincoln iyon.Dahan-dahang uminom si Lyndon at ibinaba ang baso sa mesa. Kumuha ito ng sigarilyo at pinindot ang mamahaling silver lighter.Sa paglitaw ng maliit na apoy, halos mapatalon sa gulat si Lincoln. Pinagpapawisan siya nang malapot kahit malamig ang simoy ng hangin.Ngumisi si Lyndon at nagbuga ng usok. "Bakit ka nanginginig? Natatakot ka ba?"Hindi makasagot si Lincoln. Nakayuko lang siya, halos isubsob na ang sariling mukha sa sahig.Inabot ni Lyndon ang lalaki at marahang tinapik ang ulo nito na parang nag-aamo ng isang tuta. "Relax. Wag kang kabahan. Hindi naman ako si Nikolaj."Mas lalong nanginig si Lincoln nang marinig ang pangalan ng bi

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 178

    Sa kabilang dako ng bansa, malayo sa maputik at maulan na gubat, nakatayo si Nikolaj sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang penthouse.Hawak niya ang kanyang cellphone sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay may ipit na sigarilyo na unti-unting nauupos.Ang boses niya ay mababa, kalmado pero nagdadala ng banta ng kamatayan."Nawala siya sa mismong teritoryo mo, General. Ibig sabihin, pananagutan mo 'to," malamig na litanya ni Nikolaj, bawat salita ay parang balang tumatagos sa kabilang linya. "Bibigyan kita ng tatlong oras. Sa loob ng tatlong oras, gusto kong makita si Minna dito nang walang kahit isang galos. Dahil kung hindi… alam mo kung anong kaya kong gawin."Sa kabilang linya, halos magkanda-utal-utal sa paghingi ng tawad si Tomas, isang kilalang warlord at heneral na may hawak ng kapangyarihan sa probinsya kung nasaan sana si Minna."M-Mr. Carreon, pasensya na po! Wag po kayong mag-alala, inutusan ko na ang lahat ng mga bata ko para hanapin siya!" pinagpapawi

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 177

    Napatigil sa paghinga si Minna. Parang may malamig na kamay na sumakal sa puso niya nang marinig ang sinabi ni Khalil."Alam ko lahat ng yun," dugtong ni Khalil. "Kaya ginamit kita. At alam mo kung ano ang pinakamalala? Ginamit din niya ang pag-ibig mo. Pinapunta ka niya rito, pinalabas niyang kailangan mo siyang makita bago siya mamatay para lang i-test kung gaano mo siya kamahal. Kung handa kang isugal ang buhay mo para sa kanya. Hindi ba napaka-selfish ng hayop na 'yon?"Napakagat si Minna sa ibabang labi niya. Nanginginig ang buong katawan niya sa pinaghalong galit at pagkalito."Pumunta siya sa pinaka delikadong lugar kung saan maraming gustong pumatay sa kanya at pagkatapos pinapunta ka niya rito. Wala siyang pakialam kung anong mangyayari sa'yo. Katulad kanina! Pinadala lang niya sina Hanbin at Calixto para ihatid ka, pero hindi niya naisip na target ka rin ng mga drug lords para gawing hostage! Kung hindi ako dumating, nasa kamay ka na ng mga sindikato ngayon! Alam mo ba kung g

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 176

    Patuloy ang nakakabinging putukan sa labas. Nakayuko lang si Minna sa loob ng bulletproof na kotse, nanginginig ang mga kamay habang nakatakip sa kanyang mga tainga. Amoy na amoy niya ang usok ng pulbura at ang pamilyar na amoy ng kalawang mula sa dugo.Sa unahan, pawis na pawis sina Hanbin at Calixto habang nagkakasa ng kani-kanilang baril."Miss Minna, 'wag kang aangat! Diyan ka lang!" sigaw ni Calixto, bago nagpaputok sa direksyon ng kakahuyan kung saan nagtatago ang mga miyembro ng sindikato.Kailangan ni Minna na kumalma, pero paano? Para bang sasabog na ang utal niya sa mga oras na yun. Ang daming nangyayari at sobrang nakakatakot na. "Minna! Alam ko kung gaano ka kabait. Sigurado akong hindi mo kayang panoorin na maging butas-butas ang katawan nina Calixto at Hanbin dahil lang sa mga drug lords na 'yan, tama ba?"Napadaing si Minna. Si Khalil iyon! Umupo siya nang tuwid habang hawak-hawak nang mahigpit ang seatbelt niya. Bubuksan na sana niya ang bintana nang pigilan siya ni Ha

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 175

    Bago sila maghiwalay sa basement parking, seryosong ibinilin ni Nikolaj si Minna sa dalawa nitong pinagkakatiwalaang tauhan, sina Calixto at Hanbin. "Kahit anong mangyari, buhay niyo ang kapalit. Iuwi niyo siya sa Manila ng ligtas." —Mabilis ang takbo ng itim at bulletproof na SUV sa kahabaan ng madilim na highway palabas ng siyudad. Si Calixto ang nagda-drive habang si Hanbin naman ay nakaupo sa shotgun seat, may nakapatong na assault rifle sa hita nito at dalawang nakasukbit na baril sa bewang. Si Minna ay nakaupo sa likod, yakap-yakap ang sarili at nanginginig sa kaba. Ang kalsadang tinatahak nila ay halos walang ilaw. Puno lang ng matataas na puno ang magkabilang gilid at wala man lang ibang sasakyang dumadaan. Mga trenta minuto na lang sana bago sila makarating sa private airstrip. Pero biglang may sumulpot na isang malaking 10-wheeler truck mula sa isang blind curve sa unahan. Naka-full beam ang ilaw nito at sadyang sumalubong sa lane nila! "Shit! Calixto, ilagan mo!" sig

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 43

    Ipinanganak si Minna sa Siquijor, isa isang maliit na probinsya roon. May simpleng pamumuhay, walang building na makikita o infrastructure. Dahil sobrang hirap ng buhay, ang layunin ng bawat tao roon ay makalayo. Pumunta sa siyudad, magtrabaho sa pabrika o makipagsapalaran sa Kamaynilaan.Ganun d

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 42

    Hingal-hingal si Minna habang nakadapa sa ibabaw ni Nikolaj. Ang maliit niyang mukha ay nakadikit sa malapad at matigas nitong dibdib. Rinig na rinig niya ang tibok ng puso ng lalaki kung kaya’t napapikit na lamang siya. Ang kamay ng binata na nasa bewang niya ay nagsimula na namang gumalaw, hinah

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 38

    Wala silang imikan nang umuwi sila sa mansyon. Hinila lang siya ni Nikolaj paakyat ng kwarto, ramdam na ramdam ni Minna ang galit sa kanya ni Nikolaj. Naging marahas pa ang paghila nito sa kanya kung kaya’t medyo nasasaktan siya. Pagkasara ng pinto, itinulak siya nito sa kama at hinalikan ng marii

  • A lustful affair with my Ex's Uncle   Kabanata 31

    Kinabukasan dinala talaga siya ni Nikolaj sa isang hacienda na pagmamay-ari nito. Sobrang nagulat si Minna na tunay ngang kabayo ang sasakyan niya. Isang magandang puting kabayo ang inihanda ni Nikolaj para sa kanya. Mag-a-alas singko na ng hapon kung kaya’t kitang-kita ang paglubog ng araw sa hac

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status