LOGINSix students from Fleur Academy are destined for a mission to unravel the mystery behind the missing kingdom of Izles. To find the vestige of the ruined kingdom, they must complete the six magical petals — the key to the root of its cause. What will they find out? What are the secrets of the kingdom that once symbolized purity? What is the mystery behind the vanished kingdom?
View MoreMagandang araw aking Liyag,Matapos ang ilang buwan, taong pagpapahinga, pagninilay nilay, at pag atupag ng mga gawain sa unibersidad, ang kwentong 'The Missing Kingdom of Izles' ay magbabalik na sa February 12, 2025. Ito'y magkakaroon ng regular na update tuwing Lunes. Hangad nating matapos ang librong ito bago matapos ang taong 2025. Maraming salamat sa walang sawang paghihintay! Hangad ko ang kapayapaan ng inyong kalooban at sabay sabay muli nating pasukin ang mundo ng mahika!Mula sa inyong manunulat, Aeliag
PaligsahanNakarating kami sa Fleur nang ligtas. Naglaho na ang gintong talulot ng mirasol na bumalot sa amin kasabay ng pagkawala ng engkantasyong mayroon ito.Sinalubong kami ng nag aalalang mukha ni Ginang Aroa. Hawak niya nang mahigpit ang kanyang libro na kasalukuyang lumiliwanag."Aoife Eunoia!" Sigaw ni Ginang Aroa sa kapitan na ngayo'y nanatiling tulala sa isang tabi. Nang marinig ng kapitan ang boses ng Ginang, tila nagising siya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sa isang iglap ay nawala ang bakas ng pag aalala at pagkabigla sa kanyang mukha at bumalik muli iyon sa seryoso at maotoridad tindig. Gaya ng lagi niyang ekspresyon."Ginang Aroa." Tumango ng bahagya ang Kapitan bilang pagbati."Nagparamdam na ang mga talulot!" Sabi ng Ginang habang pinapakita sa amin ang hindi ko maintindihang simbolismong nakasulat sa librong hawak niya. Gintong tinta ang ginamit sa pagsulat no'n.Habang iniinspeksyon namin ang libro, kinuha ng punong kapitan ng Niteo ang aming atensyon."Kapi
AdheresNapakadilim ng lugar na kinaroroonan ko, nilisan na ng liwanag at buhay. Tinalikuran na ng araw at hindi na muling bumalik pa.Malinaw sa alaala ko kung paano binawi ang kanyang hininga. Kung paano dumanak ang dugo. Daan daang bangkay. Lahat sila'y humihingi ng tulong ngunit wala akong nagawa.Nanatili lang akong mahina. Lahat ng pangakong binitawan ko, nasira.Palagi na lang bang ganito?Gaano ba kasakit ang mabuhay sa mundong 'to?Kahit siguro lumuha ako ng dugo, hindi ko maibabalik ang buhay ng mga taong 'yon. Lahat ng pinangakuan kong ililigtas. Lahat sila wala na.... Wala na.Minulat ko ang mata ko. Puting kisame ang sumalubong sa akin. Masakit ang buong katawan ko ngunit nawalan na akong pakialam do'n.Naramdaman ko ang mahinang pagdampi ng mainit na hangin sa aking kanang kamay. May mabigat na pwersang nakadagan do'n.Dahan dahan kong sinulyapan ang pwestong 'yon. Doon ko nakita ang pigura ng isang lalaking nakatungo sa gilid ng aking kama. Mukhang mahimbing ang tulog n
Paglubog ng arawHabang papalapit kami nang papalapit sa direksyon ng ingay nang nakarinig kami ng malalakas na hagupit sa hangin kasabay ng pag iyak ng munting ginoo. Unting tiis nalang Elio, parating na kami ng kamahalan.Nagulat ako nang maramdaman ko ang pag angat ng aking katawan mula sa lupa. Isang talulot ng liryo ang nagsilbi naming sasakyan. Tiningnan ko si Adeem, nakita ko ang pagngisi niya sa akin bago kumumpol ang kulay pilak na talulot sa likod niya upang bumuo ng pakpak. Lumipad siya sa unahan namin at binuka niya ang kamay kasabay ng maninipis na kulay puting taling kumakabit sa sinasakyan naming talulot. Hindi nagtagal ang taling iyon at naglaho."Hold on tight, mga nilalang!" Sigaw niya at hinila niya ng buong pwersa ang mga taling hindi na makita ng normal na mata, kasabay ng pagpagaspas ng kulay pilak niyang pakpak, sa isang iglap ay narito na kami sa teritoryo ng kalaban.Napawalang bisa ang kapangyarihan ni Adeem sa hindi malamang dahilan kaya't bigla kaming nahu
PagsusulitNanatili akong tulala sa mga pangyayari. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Mga bagay na ibang iba sa kinalakihan ko. Ang mahika, mga bulalaklak, kakaibang nilalang at ang paaralang nasa aking harapan. Ang Unibersidad ng Fleur. Sinong mag aakala na ang imahinasyon ng mga manunulat ay totoo
Fleur AcademyRinig na rinig ko ang huni ng ibon mula sa kawalan, ang banayad na pag ihip ng hangin sa aking buhok. Maging ang anino ng mga puno ay mas nagbigay buhay sa lugar.Maliwanag ang paligid at kitang kita ang bawat detalye nito, tila ipininta ng isang magaling na pintor ang bawat kurba at d
Berdeng MataNakapikit ako habang dinadama ang paligid. Masakit parin ang aking buong katawan, idagdag pa ang mga mahahapding sugat na lubos na nagpapahirap sa aking pakiramdam.Ang kinalalagyan ko, gumagalaw ito. Parang nakasakay ako sa kung saan. Hindi ko pa sana nais imulat ang aking mga mata ngu
Puting Orkids"Sir, pakiusap po. Pakawalan niyo na po si Ina, wala po siyang ginagawang masama." sabi ko nang halos mag magmakaawa na sa pulis na nasa aking harapan.Dinala nila si Ina sa presinto at ngayo'y nasa loob na siya ng selda! Hindi ko alam bakit ganito ang trato nila, wala naman siyang gin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews