Share

Chapter 35: THE NAME I BORROWED

Author: yshanggabi
last update Huling Na-update: 2025-07-15 10:53:26

CHAPTER 35: THE NAME I BORROWED

Lileanne a.k.a. Margarette POV

Katatapos lang ng breakfast namin ni Ziven sa garden. Para kaming bagong simula — ‘yung tipong parang may ligawan stage na talaga. For the first time in days, naramdaman kong hindi na ako kailangan magpanggap.

Pero habang nagliligpit na ako ng tray pabalik sa loob, tumunog ang phone ko.

One message. One name on screen.

Marga.

Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo.

Napakagat ako ng labi habang tinitigan ang pangalan. For the past days, ako ‘yung gumagamit ng pangalan niya — and now… the real one was calling.

Huminga ako nang malalim. Answer it calmly, Lileanne. Normal ka lang.

Sinagot ko.

“Hello?”

“Marga,” tawag niya, masaya ang tono ng boses. “Kamusta ka na d’yan? Okay ba ang trato sa’yo ng pamilya Alejandro? I mean yung mga inlaws ko HAHA”

Napapikit ako. Marga... ako nga pala ngayon ‘yan.

“Okay naman ako,” sag
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire   Chapter 52: Morning Peace, Morning Plans

    Chapter 52: Morning Peace, Morning PlansZiven POVPagkapasok na pagkapasok ni Marga sa banyo, agad akong nag-inat. Aray ko! Napa-igik ako sa biglaang tusok ng pamamanhid sa kaliwa kong braso. Buong gabi kasi siyang nakaunan sa akin. Ramdam ko pa ang bigat ng ulo niya hanggang sa litid ko. Pero kahit ganun, hindi ko mapigilang mapangiti habang iniisip ang maamong mukha niya na mahimbing na natutulog sa tabi ko.Tumayo ako mula sa kama, sinulyapan ang pinto ng banyo. May tunog ng tubig, hudyat na nagsisimula na siyang maligo. Hay salamat, okay na kami. Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. Parang tinanggalan ako ng mga 10 toneladang pressure sa dibdib.Hindi na ako nag-abalang magbihis ng maayos. Naka-sando lang ako at boxer shorts. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto para kumuha ng almusal naming dalawa. Balak kong ibalik yung simple pero sweet moments namin — kahit itlog at sinangag lang, basta may usap at lambing, sapat na ‘yon.Pero pagda

  • ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire   Chapter 51: The View I’d Wake Up To

    Chapter 51: The View I’d Wake Up ToLileanne a.k.a. Marga POVNagising ako sa pakiramdam ng mainit na bisig sa paligid ko. Medyo masakit ang leeg ko pero hindi ko na naalintana ‘yon dahil nakaunan pala ako sa braso ni Ziven. Ay Diyos ko! Ang unang sumigaw sa isip ko.Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha niya. Tulog na tulog siya, halatang pagod, pero ang maamong mukha niya ang bumungad sa akin sa unang segundo ng paggising ko—parang ayoko nang gumalaw. Parang gusto ko siyang gisingin sa halik sa noo, pero… nakaunan ako sa braso niya! Ang awkward, pero ang kilig ko? Sukdulan!Gwapo talaga siya, grabe. Sabi nga sa romcoms, ang gwapo daw ng isang lalaki kapag tulog—eh paano kung kahit gising eh gwapo na, tapos pag tulog parang angel pa? Walang kahirap-hirap.Hinimas-himas ko ang ilong niya—ang tangos, grabe. Para akong bata na nakakita ng laruan na sobrang interesado. Pinaglaruan ko pa ng dulo ng daliri ko ang kilay niya,

  • ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire   Chapter 50: The Warmest Apology

    Chapter 50: The Warmest ApologyLileanne a.k.a. Marga POVTahimik lang kami habang nakahiga. Ilang minuto na rin mula nang humiga siya sa tabi ko—walang imikan pero damang-dama ko ang bigat ng emosyon sa pagitan naming dalawa.Ilang ulit akong huminga nang malalim. Ang lamig ng hangin mula sa aircon ay kabaligtaran ng init na nararamdaman ko sa dibdib ko ngayon. Para akong pinipiga sa kaba, sa kilig, sa dami ng tanong, pero sa gitna ng lahat ng ‘yon—isa lang ang malinaw…Gusto kong manatili siya sa tabi ko.“Can I cuddle with you?” mahina niyang tanong, habang nakatagilid na paharap sa akin.Tumigil ang mundo ko ng ilang segundo.Halos marinig ko na ang tibok ng puso ko. Cuddle? Sa ganitong posisyon? Sa ganitong katahimikan?Nagkatinginan kami. Tila may pagtitimpi sa mga mata niya. Parang takot siyang ma-reject, pero may pag-asang nagbabakasakali.“Sure,” mahina kong sagot. At kung pwede lang sigawan ang sar

  • ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire   Chapter 49: “Can I Sleep Beside You?”

    Chapter 49: “Can I Sleep Beside You?”Lileanne a.k.a. Marga POVPagkatapos ng lahat ng mga nangyari… sa wakas, nakapagusap din kami ni Ziven. Hindi ko alam kung paano pa maipapaliwanag ‘yung nararamdaman ko ngayon—relief, comfort, pero may halong takot.Hindi ko pa rin alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa akin sa katauhan ni “Margarette.” Pero ngayon, ang alam ko lang, masarap pala sa pakiramdam na piliin… at ipaglaban.Nasa kama na ako, nakapantulog na. Nakahiga ako pero hindi pa ako tulog. Nakaharap ako sa may lampshade habang iniisip ang mga sinabi niya kanina.“Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang.”Napangiti ako, sabay pikit. Pero nagulat ako nang marinig ko ang mahina’t mabagal na katok sa pinto.Tok. Tok.Umangat ako mula sa pagkakahiga. “Who is it?” mahina kong tanong.“It’s me…”Boses ni Ziven.Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakatayo siya doon, naka-white shirt at gray na

  • ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire   Chapter 48: Break the Ice

    Chapter 48: Break the IceZiven POVAlas-singko ng hapon. Ang dami ko nang ginawa sa opisina — dalawang meeting, isang conference call sa Singapore, at anim na pirma sa kontrata — pero kahit anong gawin ko, kahit ilang ulit kong balikan ang proposal sa harap ko, isa lang ang laman ng utak ko: si Marga.Kamusta na kaya siya? Kumain na kaya siya?Mula kahapon, wala pa rin kaming usap. Ni isang mensahe, wala. At oo, ako ang may kasalanan. Alam kong kahit anong paliwanag ang gawin ko, ang nakita niya ay isang halik mula sa ex ko. At sa paningin niya, hindi iyon biro.Napapikit ako habang nakasandal sa swivel chair ko. God, ang gulo.Tumunog ang phone ko. Tumayo ako agad, kinuha ito mula sa table, pero hindi siya ‘yon. Isa lang sa mga staff. Nagpa-follow up ng approval.“Pabukas na lang ‘yan,” sagot ko.Hindi ko na talaga kaya. Lumabas ako ng office at pumunta sa balcony sa 15th floor ng gusali. Ang taas. Ang hangin. Pero

  • ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire   Chapter 47: A Conversation in the Garden

    Chapter 47: A Conversation in the GardenLileanne A.K.A. Marga POVAng tagal kong nakatulala sa kisame ng kwarto. Sobrang bigat pa rin ng dibdib ko. Alam kong hindi ako dapat masyadong apektado, pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko—hindi ko na lang kasi siya mahal, kundi nasasaktan na rin ako.Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Kinuha ko ang cardigan na nakasabit sa gilid ng pintuan, tsaka lumabas ng kwarto. Tahimik ang buong mansyon. Wala ang dating sigla, wala rin si Ziven.Naglakad ako papunta sa garden, sa paborito kong spot—isang deck chair sa ilalim ng malaking puno ng acacia. Ang ganda ng tanawin, ang hangin malamig at presko, pero sa kabila noon, parang kulang.Kulanging-kulangi.Kulanging-kulangi kasi wala siya.Umupo ako sa deck chair. Sandaling nagsara ang mga mata ko. Sa dami ng inisip ko buong gabi, ngayon pa lang yata ako nakaramdam ng konting katahimikan.At naka

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status