Isang babaeng pinagpala. 'Yan ang tingin kay Chynna ng mga taong nakapaligid sa kanya nang pakasalan niya si Geoff Montecarlo. Para sa kanila, kainggit-inggit ang pagkakaroon ng asawang bukod sa mayaman na ay ubod pa ng gwapo. Total package 'ika nga! Madalas na biro tuloy sa kanya, nang magpaulan daw siguro ng pagpapala ang Diyos ay malamang nasalo niya ang lahat ng iyon. Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi na masaya si Chynna sa piling ng asawa. Sa loob kasi ng halos isang taon nilang pagsasama, madalang pa sa patak ng ulan kung siya ay bigyan ng atensyon nito. Dahil doon ay nagsimula siyang magkaroon ng depresyon at insekyuridad. Sa kanyang pangungulila sa pagmamahal ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa loob ng isang gaybar, ang Narcissus. Doon niya nakilala si Bryle. Isa itong macho dancer at siyang naging tagapag-aliw niya ng gabing iyon. Sa palagian nilang pagkikita ng lalaki ay unti-unti silang nagkahulugan ng loob nito. Dito niya natagpuan ang pagkalinga na siyang ipinagdadamot sa kanya ng asawa. Dahil doon ay naisip niyang iwanan na lang si Geoff at tuluyan nang sumama kay Bryle. Ngunit sadya nga talagang mapagbiro ang tadhana... Sa hindi inaasahang pagkakataon, natuklasan niyang magkakilala pala ang dalawa nang makita niyang magkasama ang mga ito. Ano kaya ang ugnayan ng mga ito sa isa't isa? At sa labis na pagtataka ni Chynna, bakit kaya umiiyak na nakaluhod si Geoff sa harapan ni Bryle?
Lihat lebih banyakMy Boo,
Sorry I didn’t wake you 'cause I know you were tired from our day out. I just stepped out for a quick meeting. Meet me at the rooftop at 6:30 tonight. Wear the white Versace dress I left on the sofa. Can’t wait to see you. I love you. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chynna nang mabasa ang note na iniwan ni Geoff sa ibabaw ng bedside table. Hindi na niya namalayan ang pag-alis ng lalaki dahil nakatulog agad siya nang makauwi sila rito sa hotel kanina. Napagod kasi siya sa paglilibot nila sa Jardin du Lumxembourg at sa iba pang mga museums. Regalo sa kanya ni Geoff ang Paris trip na ito para sa kanilang sixth monthsary bilang magkasintahan. Hanggang ngayon, pakiramdam ni Chynna ay nananaginip lamang siya. Akala niya ay hanggang sa pangarap lang niya mararating ang lugar na ito. Lubos-lubos ang pasasalamat ni Chynna sa Diyos dahil binigyan siya nito ng isang lalaking napakasarap magmahal. Sa maikling panahon, marami na itong naparanas sa kanyang mga magagandang bagay. Isang aspiring model si Chynna nang makilala niya si Geoff. Nag-audition siya sa isang kilalang men's magazine na nagkataong pag-aari ng lalaki. Luckily, nakapasa siya at naging isa sa mga exclusive models doon. Noong una, hindi makapaniwala si Chynna dahil sa dami ng mga magagandang babaeng nakapaligid kay Geoff, siya ang nagustuhan nito. Bukod kasi sa gwapo ito, nabibilang pa ito sa mayamang angkan. Narito na ang lahat—para itong prince charming na pinapangarap ng lahat ng babae. Feeling tuloy niya ay siya si Cinderella. Naiiling na natatawa na lang si Chynna sa kanyang sarili. Inihambing na naman kasi niya ang sarili sa isang prinsesa. Well, hindi naman talaga sila nagkakalayo ni Cinderella. Tulad nito, mayroon rin siyang stepmother na hindi maganda ang trato sa kanya lalo na noong mamatay ang ama niya. Kaya nga napilitan siyang lumuwas ng Maynila at manirahan sa pamilya ng bestfriend niyang si Irish. Bago pa man tuluyang mahulog sa pagbabalik-tanaw si Chynna, ay tinungo na niya ang sofa kung saan naroon ang isang malaking paper bag. Excited niyang kinuha sa loob no'n ang malaking kahon. Mula roon ay kinuha niya ang isang dress. Napasinghap si Chynna nang mahawakan ang puting-puting bestida. Isa iyong white Versace studded embellished leather dress. "Myghaaad, ang mahal nito! Akin ba talaga 'to?" sambit ni Chynna habang nilalagay sa hanger ang damit. Magsha-shower na sana siya nang mapansin niya ang isa pang kahon. Hindi pa man niya nabubuksan iyon ay alam na niya kung ano ang nasa loob. Hindi nga siya nagkamali nang makitang isang pares ng mamahaling sapatos iyon. "Wala na... ka-level ko na talaga si Heart Evangelista!" --- Sa pagbukas ng elevator, nasorpresa si Chynna nang salubungin siya ng napakaromantikong ambiance ng rooftop. Hindi niya mapigilan ang pagkamangha nang makita ang iba't-ibang flower arrangements. Maayos na nakahanay ang mga ito kasama ng mga candle lanterns na magsisilbing liwanag sa kanyang daraanan. Sa bandang dulo, naroon ang arbor na nababalutan ng paborito niyang red roses. Nakadagdag pa sa kagandahan ng paligid ang nakailaw na Eiffel Tower na tanaw na tanaw mula sa rooftop ng hotel. Nang lumapat sa pulang carpet ang kanyang mga paa, pumailanlang sa paligid ang isang romantikong musika na tinutugtog ng violinist. Uminit ang puso ni Chynna nang mula sa pumpon ng mga bulaklak ay lumabas si Geoff. Makisig na makisig ito sa suot nitong black tuxedo. "Jusko, lalo niyang naging kamukha si Lee Minho dahil sa side swept hairstyle niya!" sambit ni Chynna sa kanyang isipan. Habang palalapit si Chynna kay Geoff, nakaguhit sa mga labi ng lalaki ang isang magandang ngiti. Sa kanang kamay nito ay naroon ang isang malaking bouquet ng mga pulang rosas. Hindi malaman ni Chynna kung ano ang sasabihin niya. Naghahari ang saya at kilig sa puso niya. Isang mainit na halik sa mga labi ni Chynna ang isinalubong ni Geoff nang makalapit siya rito. "Happy sixth monthsary, Boo." malambing na bati ni Geoff kay Chynna nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "For you..." Awtomatikong nilapit ni Chynna sa kanyang ilong ang mga bulaklak. "Thank you and happy monthsary rin." Iginiya si Chynna ni Geoff sa naka-set up na candle light dinner table. Ipinaghila siya nito ng upuan at inalalayang makaupo. "Boo..." anas ni Chynna habang iginagala ang paningin sa paligid. "Hmm?" "Anong mayroon? I mean, monthsary lang naman natin... Pero bakit ganito ka-special?" Isang malambing na ngiti ang natanggap ni Chynna mula kay Geoff. "Because you are special. Don't you like it?" "I love it, Boo. Baka ma-spoiled na ako nito." "Huwag mong sabihin 'yan. Alam mo namang gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang." Nang matapos ang kanilang dinner ay tumayo si Geoff at lumapit kay Chynna. Nagsimula namang tugtugin ng violinist ang kanilang theme song na All Of Me ni John Legend. "May I have this dance?" Tinanggap ni Chynna ang nakalahad na kamay ni Geoff. Nagtungo sila sa gitna kung nasaan ang arbor. Ipinulupot ni Chynna ang kanyang mga braso sa leeg ni Geoff nang hapitin nito ang kanyang beywang. Nagsimula silang umindayog sa saliw ng malamyos na musika. Nang maramdaman ni Chynna na lalo siyang hinapit ni Geoff, ay lalo na rin niyang niyakap ang lalaki. Dinantay pa niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. "Boo..." bulong ni Geoff. Nakaramdam naman ng bahagyang kiliti si Chynna nang dumampi sa kanyang tainga ang mainit-init na hininga nito. "Hmm?" Itinaas ni Chynna ang kanyang paningin sa mukha ni Geoff at malambing na tumitig sa mga mata nito. "The moment I saw you, I knew you were the one I wanted forever." Awtomatikong napangiti si Chynna dahil sa kilig na pumuno sa kanyang puso. Nang mabanaag niya ang kislap sa mga mata ni Geoff at ang pagiging emosyonal ng tinig nito ay bahagya siyang nakaramdam ng pagtataka. "I can' imagine growing old with anyone else, Boo. My life wouldn't be complete without you." Unti-unti ay nakaramdam ng panlalamig ng mga palad si Chynna. Nakaramdam siya ng pagkalito kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso nang biglang lumuhod ang lalaki sa kanyang harapan. "Boo..." Nag-init ang sulok ng mga mata ni Chynna nang mula sa bulsa ni Geoff ay kinuha nito ang isang maliit na kulay pulang kahon. Unti-unti nito iyong binuksan at tumambad sa kanya ang isang napakagandang diamond ring. Napatakip ang kamay ni Chynna sa kanyang bibig. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahan ang proposal na ito. "Can I spend the rest of my life with you?" "Boo, baka nabibigla ka lang... Six months pa lang tayo... B-Baka mamaya sabihin nila..." Tuluyan nang naiyak si Chynna dahil sa labis na kaba. Takot kasi siyang mahusgahan ng mga tao. Tumayo naman si Geoff at kinabig palapit sa kanya si Chynna. Agad nitong pinunasan ang mga luha na naglandas sa pisngi ng kanyang girlfriend. "Boo, listen to me. Maha kita, mahal mo ako. Iyon lang ang mahalaga. Importante pa ba kung anong sasabihin ng iba?" "P-Pero~" "Tatanungin kita ulit... Will you marry me, Boo?" Naramdaman ni Chynna ang sinseridad ni Geoff kaya naman tuluyang naalis ang agam-agam niya. "Tama ka, Boo. Hindi naman siguro batayan ang haba o ikli ng pagsasama para magpakasal ang dalawang taong nagmamahalan. Mahal kita at wala na akong ibang naiisip na makasama sa buhay ko kundi ikaw..." Maluha-luha si Chynna nang iabot niya ang kanyang kamay kay Geoff. "Yes, Boo. I wanna marry you, I want to be your wife." "Yes!" Maluha-luha si Geoff habang isinusuot ang singsing sa daliri ni Chynna. Matapos iyon ay mahigpit nilang niyakap ang isa't-isa. "Hinding-hindi ka magsisisi, Boo." bulong ni Geoff sa tainga ni Chynna bago nito pinatakan ng mainit na halik ang labi ng dalaga."Ayyang, pakiabot naman ng butter." utos ni Chynna habang hinahalo ang pancake mixture sa bowl.Alas sais pa lang ng umaga ay abalang-abala na siya sa kusina dahil sa paghahanda ng almusal nilang dalawa ni Geoff. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagagawa ito. Naging busy kasi siya mula noong nagtake siya ng short culinary course. Si Geoff naman, bukod sa pinapatakbo nitong publishing company, ay kabilaan din ang mga naging out of the country meetings dahil ito na rin ang naging CEO ng Montecarlo Holdings na siyang negosyo ng kanilang pamilya.Puro paboritong pagkain ni Geoff ang hinanda niya. Aside sa lowcarb pancakes, ay mayroon ding omellete and bacon. Fresh blueberries and strawberries naman ang para sa dessert. Gumawa na rin siya ng bulletproof coffee para sa inumin ni Geoff."Nakahanda na po ang table, Ma'am.""Okay. Pakilagay mo na ito sa table at tatawagin ko lang ang Sir mo." Inabot niya ang tasa ng mainit na kape kay Ayyang.Pagkahubad ng suot na apron, dumeretso na si Chynn
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Muntik nang mapatalon si Chynna nang biglang magsalita sa kanyang tabi ang pinakabata nilang kasambahay na si Ayyang. Bakas na bakas ang pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa kanya."O-Oo... Bakit naman?""Napansin ko lang po kasi na kanina pa kayo nakangiti habang nakatulala. Tignan n'yo po, malapit nang masunog ang niluluto n'yong kaldereta."Mula sa mukha ni Ayyang, awtomatikong lumipat ang mga mata ni Chynna sa kaserolang nasa harapan niya."Myghaaad!" Agad na kinuha ni Chynna ang wooden spoon upang halu-haluin ang kanyang niluluto. "Pakikuha nga ako ng isang tasang tubig."Agad namang tumalima si Ayyang at kumuha ng tubig mula sa pitsel. Mabilis naman iyong kinuha ni Chynna at ibinuhos sa nilulutong kaldereta saka iyon muling tinakpan.Nang maramdaman ang paninitig ng kasambahay, ay napatingin dito si Chynna. "Bakit?" Kunot-noong tanong niya.Kumibot-kibot naman ang mga labi ni Ayyang na parang may gustong sabihin.Bahagyang natawa si Chynna
Kasalukuyang nakababad ang halos hubad na katawan ng dalawa sa jacuzzi. Nakaupo si Chynna habang nakasandal sa mabalahibong dibdib ni Geoff, nakapulupot naman ang kaliwang braso ng lalaki sa beywang niya habang tangan sa kanang kamay nito ang wine glass.Libo-libong kiliti ang nararamdaman ni Chynna dahil sa pagkakalapit ng kanilang mga katawan. Bago ito sa kanya dahil hanggang simpleng halikan lamang ang inaabot nila kapag napagsosolo sila noon. Masyadong maginoo si Geoff at marunong itong magkontrol ng sarili. At isa iyon sa hinangaan ni Chynna rito.Sumimsim ng alak si Chynna upang kahit papaano ay mabawasan ang kabang nararamdaman niya. Pumikit siya at binalikan sa kanyang isipan ang mga nakita at nabasa niya sa libro ng Kamasutra na iniregalo ng kapwa modelo niyang si Chloe noong bridal shower niya.Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa tuwing maaalala ang mga regalong natanggap niya noong gabing iyon.-FLASHBACK-"Girl, itong regalo ko naman ang buksan mo." nakangiting saad
Napapangiti si Chynna habang pinagmamasdan ang repleksyon ng bestfriend niyang si Irish sa harap ng salamin. Kasalukuyan itong nakatayo sa likuran ng inuupuan niyang make-up chair, habang inayusan siya ng make-up artist na inarkila ni Geoff para sa espesyal na araw na ito. Ang babae ang kanyang maid of honor.Kanina pa niya napapansin na naluluha ang kaibigan kaya naman naisipan niya itong biruin, "Nanay lang ang peg, teh?""Ikaw naman... sobrang masaya lang kasi ako para sa'yo." Nakangusong tugon naman ni Irish.Tila natunaw naman ang puso ni Chynna dahil nadama niya ang sinseridad sa sinabi ng kaibigan. Eversince naman kasi ay ganoon na ito sa kanya. Palagi siya nitong dinadamayan mapa-kalungkutan man, o kaligayahan. Bestfriends sila mula pa noong pagkabata. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina, at sila ang naging takbuhan ni Chynna simula noong mamatay ang kanyang ina. Nagkahiwalay lang sila pagka-graduate nila ng senior high school. Sa Maynila na kasi nanirahan ang kaibigan
My Boo,Sorry I didn’t wake you 'cause I know you were tired from our day out. I just stepped out for a quick meeting. Meet me at the rooftop at 6:30 tonight. Wear the white Versace dress I left on the sofa. Can’t wait to see you. I love you.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Chynna nang mabasa ang note na iniwan ni Geoff sa ibabaw ng bedside table.Hindi na niya namalayan ang pag-alis ng lalaki dahil nakatulog agad siya nang makauwi sila rito sa hotel kanina. Napagod kasi siya sa paglilibot nila sa Jardin du Lumxembourg at sa iba pang mga museums.Regalo sa kanya ni Geoff ang Paris trip na ito para sa kanilang sixth monthsary bilang magkasintahan. Hanggang ngayon, pakiramdam ni Chynna ay nananaginip lamang siya. Akala niya ay hanggang sa pangarap lang niya mararating ang lugar na ito. Lubos-lubos ang pasasalamat ni Chynna sa Diyos dahil binigyan siya nito ng isang lalaking napakasarap magmahal. Sa maikling panahon, marami na itong naparanas sa kanyang mga magagandang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen