Share

18.1 Abducted

XYLARA REYNA

Ang hiringgilya na nakapatong sa mesa ang una kong nakita nang imulat ko ang aking mga mata. Ang bigat-bigat ng buong katawan ko na ni pag-angat ng aking kamay ay hirap akong gawin.

Sinuyod ko ng tingin ang lugar kung nasan ako. Isang silid na yari sa kahoy ang buong paligid. Sinikap kong umupo mula sa higaan kung saan ako nakatulog. Sa unang banta ko ng pagbangon ay hindi ko nagawa dahil sobrang manhid ng balikat ko. Naalala kong bago ako nawalan ng malay ay may kung anong matalim na bagay ang bumaon saaking balikat, nang kinapa ko 'yon, wala naman akong nakapa na sugat kaya napagtanto kong ang hiringgilya na nasa mesa ang dahilan kung bakit nawalan ako ng malay kanina.

Sinikap ko uling bumangon at sa pagkakataong ito ay maayos akong naka upo. Nakita ko ang aking kaliwang paa na naka kadena sa kanto ng kama. Sino ang gagawa saakin nito?! Gusto ko mang balikan ng lahat ng mga nagawan ko ng kasalanan ay hindi ko na ginawa, mas uunahin ko munang mag-isip kung paano makatak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status