Mapait na ngumiti si Alexa, kung hindi pa siya aalis ay ngayon ay kailan pa? Hihintayin pa ba niya na ipagtulukan siya nito paalis doon? Sa halip na sumagot ay tumayo na lamang siya basta at tumalikdo doon upang magtungo sa kanilang silid. Agad niyang inilabas ang kanyang maleta at inipon doon lahat ng gamit niya at pagkatapos ay nagbihis siya at ibinaba ang maleta niya.
Nang makita siyang pababa ni Noah ay agad siya nitong sinalubong upang kuhanin ang maleta niya. “Ako na ang magdadala niyan.” pagprepresinta nito sa kaniya na tinanggihan naman niya kaagad. “Hindi na kailangan. Ako na, kaya ko naman.” malamig na sagot niya at hinila ito hanggang sa labas. Habang naglalakad palabas ng gate ay nadaanan niya ang garden na may mga halaman at namumulaklak. Sa araw-araw ay palagi niyang dinidilig ang mga ito at habang humahakbang siya pakiramdam niya ay naaawa ang mga ito sa kaniya. Tatlong taon na ang lumipas at ang inakala niyang magiging forever niya ay natuludukan na nang araw na iyon. Sa loob ng tatlong taon ay natutunan niya itong mahalin ng buong puso ngunit ano ang kapalit na ibinigay nito sa kaniya? Wala kundi sakit at pighati lamang. Narinig niya ang mga yabag nito sa likuran niya. Sinundan pala siya nito. Pagkalabas niya ng gate ay kaagad siyang nag-abang ng masasakyan niya pauwi sa bahay nila at doon na nga nito naabutan sa labas ng gate ng bahay nito. Ilang sandali pa ay kaagad siyang nakakita ng taxi at kaagad niya itong kinawayan. Huminto naman ito kaagad sa harapan niya. Bago siya sumakay ay bigla na lamang nagsalita si Noah sa tabi niya. “Salamat sa kalinga mo nitong tatlong taon.” sabi nito kaya napalingon siya rito at pagkatapos ay doon nito inabot ang isang papel at nang tingnan niya ito ng mabuti, ay doon niya napagtanto na tseke pala iyon. Nanatiling nakatayo si Alexa doon at nakatitig sa inaabot nito. Hindi niya alam kung tatanggapin niya ba o hindi ang tseke na ibinibigay nito ngunit nang hindi mahintay ni Noah na abutin niya ito ay binuksan nito ang kanyang maleta at isiniksik doon ang tseke. “Kailangan mo ng pera sa pang araw-araw mo, kaya kuhanin mo na ito.” sabi nito sa kaniya. Napatango na lamang siya rito, isa pa ay wala naman na siyang magagawa dahil tuluyan na nga nitong isinuksok iyon sa maleta niya. Nag-angat siya ng kanyang ulo upang tumitig sa gwapong mukha nito at bigla na lamang niyang naalala bigla ang mga pinagsaluhan nila sa kama kung saan ay tinawag nito ang pangalan niya habang inaabot nito ang r***k ng kaligayahan. At hindi niya na naman mapigilang maramdaman ang sakit na nararamdaman niya kanina. Napaisip tuloy siya bigla, makakalimutan niya kaya ito? Ilang taon kaya ang aabutin para mawala na ito sa isip at puso niya? Isa, dalawa, tatlong taon? O sampung taon? O baka habang buhay niya na itong hindi makakalimutan? Walang nakakaalam. Pakiramdam niya ay napakadali lang ang umibig pero parang napakahirap ng makalimot lalo na kung minahal mo ng sobra-sobra ang isang tao. Tumitig din ito sa kaniya sandali bago siya nito hawakan sa kanyang mga braso. Ang mukha nito ay kalmado ngunit ang mga mata nito ay bakas doon ang pagkagulo. Napalunok siya at sinubukang magsalita. “Mula ngayon ay mabubuhay ka ng mag-isa at alam kong mahihirapan ka, pero kapag kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo lang ako.” sabi niya rito. Napatango naman ito sa kaniya. Pagkatapos ay lumunok muna bago ito nagsalita. “Sa mga nakalipas na taon ay nasa hindi maganda ang kalagayan ng kalusugan ko at naging mabugnutin din ako pero sa kabila ng lahat ng iyon ay inalagaan mo pa rin ako. Maraming salamat.” sinserong sabi nito sa kaniya. “Walang anuman, ano ka ba.” sagot niya at pilit na ngumiti rito upang itago ang sakit na nararamdaman niya para rito ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung gaano niya pa katagal makakayanan na hindi umiyak sa harapan nito dahil kanina pa gustong tumulo ng luha sa kanyang mga mata. “Ingatan mo ang sarili mo.” sabi nito sa kaniya. “Ikaw rin.” sagot niya at pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit, mahigpit na mahigpit dahil hindi niya alam ay baka iyon na ang huling pagkikita nila. Ilang sandali pa ay binitawan na niya ito at pagkatapos ay bahagyang itinulak palayo at pagkatapos ay dali-daling kinuha ang kanyang maleta at tumalikod. Doon tumulo ang kanyang mga luha at pagkatapos ay bigla siyang napatigil sa paghakbang nang marinig niya ang boses nito sa likuran niya. “Sino si Nio?” Bahagyang nanginig ang kanyang puso nang marinig niya ang sinabi nito at bigla na lamang rumagasa ang alaala niya sa kanyang nakaraan na tila isang ilog at bumalot sa buong pagkatao niya ang lungkot. Sa sobrang lungkot ay hindi niya nagawang magsalita upang sagutin ang tanong nito sa kaniya. Nagsalita itong muli. “Siya ba ang dapat na kasintahan mo sana ngayon? Pasensiya ka na at inokupa kita sa loob ng tatlong taon.” sabi nito, akala niya ay tapos na itong magsalita ngunit hindi pa rin pala. “Hangad ko ang kaligayahan mo…” dagdag pa nitong sabi sa kaniya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Alexa ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung paano niya sasagutin ito ngunit mabilis siyang nagpunas ng luha at dahan-dahang nilingon ito. Nakita niya na nakangiti ito sa kaniya ng ngiting napakatamis at madalang lamang itong ngumiti pero ngayon, ngayon ay nakkangiti ito ng matamis at ang kanyang mga mata ay kumikislap. Alam niya na masaya ito dahil malapit na nitong makasama ang babaeng pinakamamahal nito at sigurado siya na masayang-masaya ito. Ang ui ng ngiti nito ang nagpadurog sa puso ni Alexa. “Wala akong ibang hiling kundi ang maging masaya ka rin…” nakangiting sagot niya rito bago nagmadaling pumasok ng kotse. Pagkasara ng pinto ng sasakyan at nag-unahan na kaagad na tumulo ang mga luha ni Alexa. Dahil sa pagbanggit ni Noah ng pangalan na iyon ay tila ba nasaling na naman ang dati niyang sugat at muling dumugo idagdag pa ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Samantala ay binuhat naman ng driver ang kanyang maleta at pagkatapos ay inilgay sa trunk ng sasakyan at pagkatapos ay sumakay na rin ito at pinaandar ang sasakyan. Samantala, habang nakasunod ng tingin si Noah sa papalayong sasakyan ay unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi niya at ang kanyang mga mata ay agad na nagkalambong. HALOS isang oras din ang itinagal ng kanyang byahe bago siya tuluyang makauwi sa bahay nila. Nang makababa siya ng taxi ay kaagad siyang nagbayad rito at hinila na ang kanyang maleta papasok ng bahay nila. Nang tuluyan na nga siyang makarating sa pintuan ay doon na siya nakita ng kanyang ina at nanlalaki ang mga mata lumapit sa kaniya. Agad nitong hinawakan ang mga kamay niya at pagkatapos ay ang magkabilang pisngi niya. “Anak anong nangyari sayo? Bakit namumula at namamaga ang mga mata mo? Umiyak ka ba?” sunod-sunod na tanong nito kaagad sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin rito at pagkatapos ay bahagyang lumayo sa kanyang ina upang tanggalin ang suot niyang sapatos at pilit na kinalma ang kanyang sarili. “Dito na ulit ako titira.” sagot niya. Bigla naman siya nitong tiningnan na halos hindi makapaniwala sa narinig. “Ano? Bakit? Bakit dito ka na titira? Huwag mong sabihin na naghiwalay na kayo ni Noah?” “Bumalik na ang ex-girlfriend niya.” walang gana niyang sagot rito pagkatapos ng tanong nito.NAGING SOBRANG PANGIT ang mukha ni Andrew dahil sa kanyang narinig at sa sobrang hindi siya makapaniwala ay malamig niyang sinulyapan si Lily at pagkatapos ay ibinalik sa manggagawa ang tingin at matalim na nagtanong dito. “Totoo ba ang lahat ng iyon?”Sa punto namang iyon ay hindi nangahas ang manggagawa na itago ang katotohanan at pagkatapos ay marahang tumango. “Totoo po ang sinabi ni Sir Noah. may nakipag-usap po sa akin bago ang insidente at inutusan akong ibagsak ang balde sa ulo mismo ni sir kapag dumaan silang dalawa.” sabi nito at napakuyom ng kamay at napayuko dahil sa sobrang kahihiyan. “Hindi ako nag-isip at basta na lang pumayag kahit na alam ko pong mali.” sabi nito.Mahigpit na napakuyom ang mga kamay ni Andrew dahil sa labis na galit. Ngayon lang siya napahiya ng ganito. Ang mga matatalim na mga titig niya ay biglang napunta kay Lily. “anong klaseng palabas ito ha?!” galit na sigaw niya na hindi na niya napigilan pa ang kanyang galit.Agad naman na tumulo ang mga luha
KAHIT NA ABALA ang matandang babae sa pakikipagtalo sa kanyang anak ay agad niyang nakita sa sulok ng kanyang mga mata ang dalawa na nakangiti sa isat-isa kaya bigla niyang nilingon ang mga ito at ngumiti ng matamis. “Tingnan mo nga kung gaano sila ka-sweet na mag-asawa. Nakakainggit naman talaga.” sabi nito.Nang marinig ito ni Alexa ay alam niya na kaagad na sinadya iyong sabihin ng matanda para marinig ng ama ni Noah at para na rin kay Lily. dahil dito ay mas lalo pa naman niyang tinamisan ang kanyang ngiti at hinarap ito. “Mas nakakainggit nga po lola ng relasyon ninyo ni lolo na tumagal hanggang sa tumanda kayo.” sabi niya rito.Ngumiti naman kaagad ang matanda sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. “Basta walang gagawing kalokohan si Noah ay tiyak na magtatagal din kayong dalawa. Idagdag pa na ang katulad mong mabait at masipag ay mahirap hanapin bilang isang manugang.” sabi nito sa kaniya.Hindi niya alam pero hindi niya naiwasang mag-init an
AGAD NAMAN NAMUTLA ang mukha ni Lily nang mga sandaling iyon. Agad niyang ibinaba ang kanyang uo upang yumuko at napakagat labi na lamang siya. Sa gitna ng mga ito ay mukha siyang isang kaawa-awa.Nang sulyapan naman siya ni Andrew ay hindi niya maiwasan ang mapakuyom ang kanyang mga kamay lalo pa at parang wala ang ito sa mga kasama nila sa mesa. Dali-dali niyang kinuha ang mangkok na may lamang sinigang naman na baboy at pagkatapos ay inilagay sa harap nito. “Lily, tikman mo itong espesyal na sabaw na ito na pinakuluang—” ngunit hindi pa man nito natatapos ang sinasabi nito ay agad na nagsalita ang matandang babae na nakasimangot at nakatingin sa kanila.Binalingan nito ang kasambahay. “Kuhanin mo ang sabaw na iyon. Alam mo namang ipinaluto ko iyon para kay Alexa kaya sino ang nagsabi na pwedeng inumin ng babaeng iyan ang sabaw na iyon.” sabi nito kung saan ay agad din namang sumunod ang kasambahay.Awtomatiko namang napangiti si Alexa at bumaling sa direksyon ng matanda pagkatapos
PAGKAUPO NI LILY AY AGAD nitong kinuha ang lagayan ng pork chop at pagkatapos ay iniunat ang kamay upang maglagay ng isa sa plato ni Noah at nagsalita ng puno ng lambing at pagpapabebe. “Kumain ka ng marami. Alam kong napuyat ka noong gabing inalagaan mo ako sa ospital idagdag pa na napakarami mo pa ring trabaho.” sabi nito.Malamig naman na sinulyapan ni Noah ang inilagay nitong karne sa kanyang plato bago siya sinulyapan. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” walang emosyong tanong nito.Itinaas naman kaagad nito ang kamay upang hilutin ang kanyang sentido at nagsalita na para bang medyo nasasaktan pa. “Medyo masakit pa rin at may mga bagay na hindi ako matandaan.” sabi nito.Nakita niya naman ang pagtaas bigla ng kilay ni Noah nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay inilabas ang cellphone mula sa bulsa nito upang tawagan ang kanyang assistant. “Dalhin mo dito ang manggagawa sa mansyon.” sabi nito sa kabilang linya.Nang marinig naman ito ni Lily ay agad na namutla ang kanyang
BAHAGYANG NATIGILAN SI ALEXA sa isinagot sa kaniya ni Noah ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi magtanong pa. “E bukas? Aalis ka pa rin?” tanong niya ulit at pagkatapos ay tumingala rito.Nakita niya ang marahang pag-iling nito at pagkatapos ay hinalikan ang talukap ng kanyang mga mata. “Hindi rin ako aalis bukas.” bulong nito sa kaniya hanggang sa dumulas ang mga labi nito papunta sa kanyang pisngi at papunta sa kanyang leeg hanggang sa unti-unti itong gumapang patungo sa kanyang mga punong-tenga. “Mas mahalaga na samahan ko ang asawa ko kaysa sa iba.” bulong nito sa kaniya bago siya nito pangkuin at dalhin patungo sa silid nito.Sa kabila ng kanyang pamumula ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng saya dahil pakiramdam niya ay napakahalaga niya kay Noah. ibig lang sabihin sa kabila ng lahat ay mas pinipili pa rin siya nito kaysa kay Lily. sa kabila ng lahat ng kanyang agam-agam ay nakalimutan niya ang lahat ng iyon nang bigla na lang siya nitong halikan sa kanyang mga labi n
DAHIL NA NGA RIN sa sinabi ni Dexter sa kaniya ay hindi na siya nag-abala na pumunta sa silid ni Lily. kaagad na rin siyang tumalikod at bumalik sa kanyang sasakyan. Sa kotse ay agad niyang tinawagan ang kanyang assistant.“Gusto kong hanapin mo kung sino ang naghagis ng balde kahapon sa construction site at gusto ko na huwag mong ipaalam sa kahit sino na nag-iimbestiga ka.” sabi niya rito. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumugon. “Okay po sir.” sagot nito.Hindi nagtagal ay tuluyan na niyang ibinaba ang tawag at binalingan ang kanyang driver. “Bumalik na tayo sa kumpanya.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman nitong pinaandar ang sasakyan. Wala pang halos sampung minuto na umaandar ang sasakyan ay bigla na lang nagring ang kanyang cellphone at nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niya na ang Mommy iyon ni Lily. wala siyang nagawa kundi ang sagutin na lang ito. “Noah, ang sabi ng Daddy mo ay pupunta ka rito sa ospital? Bakit hanggang ngayon ay wala ka pa?” bun