PILITIN MAN NI Alyson ang sarili na manatili doon ay hindi niya na kaya. Paniguradong aatungal na naman siya ng iyak kahit maraming nakakakita. Hindi niya na iyon magagawang pigilan. Kilala niya ang sarili. Kaya bago pa siya magkalat doon ay kailangan niyang mailayo ang sarili. Kung iiyak man siya,
“Sakto lang.”Tumagal pa ang titigan ng dalawa na kahit hindi magsalita, alam nilang pareho na iisa ang nilalaman ng kanilang mga puso. Kung sila ang papapiliin, ayaw na nilang maghiwalay pero maraming mga bagay ang kailangan nilang isaalang-alang lalo na sa parte ni Geoff na alam ni Alyson. “M-Mah
NAPATINGALA NA SA langit si Alyson ng agarang magdilim iyon. Animo ay nakikiramay ito sa bigat ng kanyang nararamdaman. Maya-maya pa ay unti-unting bumagsak ang malalaking butil ng ulan. Napatakbo na si Alyson patungo sa taxi stand na malapit sa lugar upang makahanap ng masasakyan pauwi ng apartment
SA TANAWING IYON ay mabilis na napatakbo palabas ng sasakyan si Kevin upang awatin ang dalawang babae na dinaig pa ang nagpang-abot na tigre at leon. Pumunta siya doon upang tingnan at kumustahin sana si Alyson at dalhan na rin sana ng pagkain para sa kanyang tanghalian. Hindi niya sukat akalain na
AGAD INALALAYAN NI Oliver ang katawan ni Alyson nang tangkain nitong bumangon. Hindi na niya tinanong ang babae kung ano ang totoong nangyari. Hihintayin na lang niyang ito ang magsabi sa kanya kapag naging handa na siya. Ayaw niyang makadagdag pa ng problema kaya ititikom na lang niya ang bibig.“A
“Bakit sa ibang bansa?” tanong ni Alyson nang ilang araw na siyang nakalabas ng hospital, “Bakit hindi na lang sa ibang lugar o probinsya dito?” “Masyadong maliit ang bansa, mamuka’t-mukat mo ay makatagpo mo ang ilan sa mga taong ayaw mo ng makita. Kung gusto mo talagang bumangon para may mapatunay
NAPATAKBO PALABAS NG silid si Geoff nang malamang nasa hospital si Loraine, kinuha niya lang ang susi ng sasakyan at paharurot na pinaalis iyon ng garahe. Ni hindi siya nakapagpalit ng suot niyang damit sa sobra niyang pagmamadali. “What’s wrong with her?!” napasabunot ng tanong niya sa sarili.Nab
Muli pa niyang ginulo ang buhok. Hindi pa rin natatapos ang sama ng loob.“Ako na lang palagi! Pagod na ako, Grayson. Pagod na pagod na ako…”Walang nagawa si Grayson kung hindi ang tapikin ang balikat ng kaibigan. Wala rin naman siya dito na maitutulong. Kitang-kita niya ang unti-unting pagkawasak
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng
NAMASA NA ANG mga mata ni Addison at hindi na napigilang mamula rin iyon sa narinig na sinabi ng asawa. Mas sumama ang loob niya at naasiwa. Hindi na niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang reaction niya na kung dati ay agad na niyang titigilan ang pakikipagtalo, tatahimik na lang siya at ipa
NAPAKURAP NA ANG mga mata ni Landon at binasa ang kanyang laway. Mahaba ang kanyang pasensya ngunit sa pinapakita ngayon ng kanyang asawa, parang mapipigtas yata ang pisi ng kanyang pasensya. Napatingala na siya sa langit, nameywang at makailang beses na ipinikit ang mga mata upang doon din ibunton
NAUMID NA ANG dila ni Loraine sa mahabang litanya ng anak sa pasigaw na paraan na hindi niya inaasahan. Hindi niya suka’t-akalain na magagawa siya nitong sigawan upang ipagtanggol lang ang kaartehan ng kanyang manugang na halatang ginagawa lang iyon upang pagkasirain silang mag-ina. Pinagtaasan na n
NAPAAWANG ANG BIBIG at naibaba na ni Landon ang hawak niyang baso nang marinig ang sinabi ng ina. Gulat na gulat ang kanyang mga mata sa narinig na reklamo nito. Ni isa ay wala siyang narinig sa asawa lalo na pagdating sa mga bagay na ipinapaubaya nito sa kanyang ina at salungat iyon ng gustong gawi
PARANG ARTISTANG ON cue na mabilis na nagpalit ang emosyon ni Loraine nang lumingon ang anak na si Landon sa kanya upang ipakita na ayos lang sa kanya ang lahat ng sinabi ni Addison at sang-ayon siya dito.“Oo, Landon…” talunang tugon nito kahit pa gusto na niyang ipakita ang sungay niya sa manugang
SA KABILANG BANDA ay ganun na lang ang lapad ng ngiti ni Loraine pagkaalis na pagkaalis ng kanyang anak ng sarili niyang silid sa hospital. Aliw na aliw siya na nasa kanya ang focus nito at buong atensyon at wala sa kanyang asawa nang mga nakaraang araw. Ibig lang sabihin noon ay siya ang top prior
GUMANTI NA NG yakap si Landon sa asawa na nagawa pang halikan ang tuktok ng ulo nito sabay hagod ng likod. Gusto niyang maging kampante ang loob ng asawa habang sinasabi niya ang tunay na dahilan ng pagpunta niya ng hospital. Hindi naman iyon big deal, ngunit gusto pa 'ring maging handa si Addison.