KUNG GAANO SILA kaingay noong patungo ng Paris, kabaliktaran noon ang naramdaman nilang mag-asawa noong pabalik na ng bansa. Nakapikit ang kanilang mga mata dahil naglalakbay na sa kung saan ang kanilang mga diwa. Nag-uusap lang sila kung kinakailangan. Ni hindi nila napagkuwentuhan ang mga naging k
NAPATAKIP NA NG mukha si Yasmine na nakaramdam na ng sobrang hiya na noon lang niya naranasan buong buhay niya. Baka mamaya ay isipin pa nitong hindi naman niya gusto ng divorce dahil laging siya ang nauunang mag-initiate na may kung anong mangyari sa kanilang dalawa. Iba pa naman ang takbo ng utak
NATIGIL SA KANYANG pagnguya ng pagkain si Dos at naburo pa ang nagtatanong niyang mga mata sa mukha ng asawa. Ano ang ibig nitong sabihin? Wala ba siyang maalala? Hindi niya natatandaan ang exhibition na ginawa nila ng dumaang gabi? Imposible naman iyon. Katawan niya iyon kung kaya dapat na alam niy
NAGISING SI YASMINE na hindi lang masakit ang ulo kundi ang buo niyang katawan, partikular na ang bahagi sa pagitan ng kanyang mga hita na alam na alam niya kung ano ang maaari ditong nangyari. Napatulala na siya sa kawalan habang iniisip kung ano ang nangyari sa kanya. May nangyari ba sa kanila ng
SA GITNA NG malamlam na silid ay ilang minutong nagkatitigan ang kanilang mga mata. Maya-maya ay biglang umangkla ang dalawang braso ni Yasmine sa leeg ni Dos at walang pag-aatubiling inabot na ang labi ng asawa. Hindi magawang makakilos doon ni Dos na parang itinulos ang mga paa sa tinatayuan niya.
NAPAKURAP NA ANG mga mata si Dos sa kakulitan ng gabing iyon ng kanyang asawa. Masyadong matapang ang whisky. Hindi iyon inuming pangbabae. Baka mamaya kapag pinagbigyan niya ito, isang tagay pa lang ay tumumba na ito. Doon pa nga lang sa margarita, knockout na agad ang kamalayan nito eh, paano pa k