HINDI NA RIN maintindihan ni Oliver ang sarili kung bakit muli siyang pumayag. Marahil ay nang dahil na naman iyon sa kanyang awa. Mula ng dumating siya doon, ni minsan ay walang nangyari sa kanila ni Melody dahil ayaw niya kahit na nagsisimula itong magpahiwatig na gusto niyang gawin iyon. Kahit ng
AYAW NA SANANG isumbat pa ang mga iyon ni Alia pero dumating sa puntong napuno na siya sa kasamaan ng ugali ni Oliver. Hindi niya maatim na pati ang bata ay walang exception sa kanya. Ni hindi ito naawa na wala na siyang magulang. Naiintindihan niya ang galit nito, pero pagdating sa pagtanaw ng utan
NAMUO PA ANG galit ni Alia nang sabihin ni Alyson sa kanya na walang naging problema ang branch nito sa Paris nang tumawag ito sa kanya. Ibig sabihin ang mga sinabi nitong rason ay pawang kasinungalingan. Walang dahilan upang magsinungaling sa kanya ang hipag. Wala itong makukuha. Alangan namang pag
MAKIKITA ANG PAG-AALINLANGAN sa mga mata ni Carolyn matapos niyang marinig ang sinabi ni Alia. Kung gagawin niya ang sinabi nito ibig sabihin lang noon ay ipagkakanulo niya ang kanyang amo. Alam niya kasi ang katotohanan kung ano talaga ang ipinunta ng amo niya sa Paris. Nahulaan naman ni Alia ang p
KUMUHA SIYA NG taxi sa labas ng hotel at sinabi ang address ng villa na binigay ni Carolyn. Malakas ang kutob niyang naroon si Oliver at ang kabit niyang malamang ay kilala niya. Naramdaman pa ni Alia ang mapait na likidong gumapang sa kanyang kalamnan nang tumigil ang taxi sa harap ng isang marangy
NAPAATRAS NA SI Oliver nang malalaki ang naging hakbang ni Alia palapit sa kanya. Binalot na ng takot ang buo niyang katawan dahil sa hindi kumukurap nitong mga mata na nakatuon pa rin sa kanya. Ilang beses niyang itinaas ang kamay upang pahintuin ang asawa ngunit hindi iyon naging effective. Parang
MABILIS NA HUMARANG si Oliver sa harapan ni Alia na halatang gigil na gigil na kay Melody dahil sa nanlilisik na nitong mga mata. Batid din niyang hindi nagbibiro sa sinasabi niya ang asawa. Napalaki ng ipinagbago nito. Hindi na siya magtataka kung isang araw ay magiging bayolente na nga ang asawa n
INALALAYAN SI MELODY patayo ng kanyang mga katulong upang igiya ito patungo ng sofa. Sa mga napanood na pangyayari ay napagtanto ng mga ito na ang dumating pala ay ang tunay na asawa ni Mr. Gadaza. Binalot ng nakakabinging katahimikan ang malaking bulwagan. Hindi na mapigilan ni Oliver ang kanyang s
SA NARINIG AY mas nadurog pa ang puso ni Addison. Paano kung hindi nga niya sukuan tapos napagod siya? Hindi pa rin iyon pwede? Lalo na kung makakasama nila ang biyenan na hindi malabong mangyari. Iniisip pa lang niya na gigising siya araw-araw at makikita ang mukha ni Loraine, sa mga sandaling iyon
UMIGTING NA ANG panga ni Landon sa pagsigaw na ginawa ni Addison. Biglang sumeryoso ang kanyang expression na sa pagkakataong iyon ay parang mas hindi na siya kilala ni Addison. Bigla itong naging another version ng kanyang asawa. Naghahamon na ang mga paninitig nito sa kanya. Saktong dumating naman
LUMAKAS PA ANG hagulhol ni Addison habang yakap ang kanyang ina. Sobrang bigat ng dibdib niya na hindi niya alam kung kakayanin niya pa ba. Alam niya sa kanyang sarili na malaki ang ambag niya kung bakit naroon ang asawa at walang malay na nakaratay sa kama ng hospital. In-denial lang ang mga magula
PUNO NG AWANG PINAGMASDAN pa ni Addison ang mukha ng asawang mahimbing pa rin ang tulog. Sigurado siya na kung maririnig lang ni Landon iyon, o malalaman na hindi man lang siya magawang bantayan at dalawin ng ina ay labis na masasaktan ang asawa niya. Ina niya pa rin ito kahit anong mangyari at iyon
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN NA ang mag-asawa. Mula ng magkaroon ng physical na away sina Alyson at Loraine ay hindi na ulit nagtangka pang makipag-usap ang mag-asawa sa babae. Nakikibalita na lang sila ng kung anong nangyayari kay Landon mula sa doctor nitong nag-aalaga sa lalaki. Araw-araw iyon kun
MASAKIT ANG BUO niyang katawan, iyon ang unang rumihistro sa isipan ni Addison nang idilat niya ang mga mata. Bahagya siyang umingit at napangiwi nang dahil sa pananakit na iyon na para siyang ginulpi. Namamaga ang kanyang kamay na kung saan ay may nakapasak na karayom ng kanyang dextrose. May oxyge
MALAYO PA LANG ay iyon na agad ang tanong ng paninita ni Alyson na nagawa ng iduro ang mukha ni Loraine na napaahon naman sa kanyang upuan. Makikita rin sa mukha niya ang pagmamaang-maangan. “Bakit gising na ba ang anak mo at iyon agad ang isinumbong sa’yo, ha?” matapang pang sagot ni Loraine na ha
WALANG EMOSYON NA nilingon lang siya ng mag-asawa ngunit hindi pa rin nila siya nilapitan upang kausapin. Ayaw nilang makipagtalo o pagsimulan iyon ng panibagong gulo an paniguradong mangyayari. Hindi tanga ang mag-asawa para mag-aksaya ng laway. Binawi rin nila agad ang tingin sa kanilang banda. Ip
NAGMANI-OBRA NA ANG sasakyan kung saan nakalulan sina Addison at Landon upang mag-u-turn at baybayin na ang daan patungo ng kanilang condo. Hindi na sila matutuloy pa sa bar na nais puntahan. Naging mabilis ang mga pangyayari na segundo lang ang lumipas at bigla na lang silang sinalpok ng malakas ng